< 傳道書 9 >

1 我留心考察這一切,終於看出:義人、智者和他們的行為,都在天主手裏;是愛是恨,人不知道;二者都能來到他們身上。
Dahil inisip kong mabuti ang lahat ng mga ito para maintindihan ang mga matuwid at matalino at ang kanilang mga gawa. Lahat sila ay nasa mga kamay ng Diyos. Dahil walang nakakaalam kung pag-ibig o pagkamuhi ang darating sa isang tao.
2 無論是義人,是惡人,是好人,是壞人,是潔淨的人,是不潔淨的人,是獻祭的人,是不獻祭的人,都有同樣的命運;好人與罪人一樣,妄發誓的與怕發誓的也一樣。
Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran. Parehong kapalaran ang naghihintay sa mga matuwid na tao at makasalanan, mabuting mga tao at masama, ang malinis at marumi, at ang nag-aalay at ang hindi nag-aalay. Tulad ng pagkamatay ng mabubuting tao, ganoon din ang makasalanan. Tulad ng pagkamatay ng nanunumpa, ganoon din ang taong takot gumawa ng panunumpa.
3 太陽之下所發生的一切事中,最不幸的是眾人都有同樣的命運;更有甚者,世人的心都充滿邪惡,有生之日,心懷狂妄,以後與死者相聚。
Mayroong masamang kapalaran para sa lahat ng ginawa sa ilalim ng araw, isang tadhana para sa lahat ng tao. Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan, at kahibangan ay nasa kanilang mga puso habang sila ay nabubuhay. Kaya pagkatapos noon, pumupunta sila sa mga patay.
4 的確,誰尚與活人有聯繫,還懷有希望,因為一隻活狗勝過一隻死獅。
Dahil mayroon pang pag-asa para sa nabubuhay, katulad ng buhay na aso na mas maigi pa kaysa sa patay na leon.
5 活著的人至少自知必死,而死了的人卻一無所知;他們再得不到報酬,因為連他們的記念也被人遺忘了。
Dahil alam ng mga nabubuhay na tao na mamamatay sila, ngunit walang alam ang mga patay. Wala na silang gantimpala dahil ang kanilang alaala ay nakalimutan na.
6 他們的愛好,他們的憎恨,他們的熱誠,皆已消失;在太陽下所發生的一切事,永遠再沒有他們的分。
Ang kanilang pag-ibig, pagkamuhi, at inggit ay matagal nang naglaho. Hindi na sila magkakaroon ng lugar sa anumang bagay na ginawa sa ilalim ng araw.
7 你倒不如去快樂地吃你的飯,開懷暢飲你的酒,因為天主早已嘉納你所作的工作。
Humayo ka, masaya mong kainin ang tinapay mo, at inumin ang alak mo nang may masayang puso, dahil pinapayagan ng Diyos ang pagdiriwang ng mga mabubuting gawa.
8 你的衣服常要潔白,你頭上不要缺少香液。
Lagi mong panatilihing puti ang iyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.
9 在天主賜你在太陽下的一生虛幻歲月中,同你的愛妻共享人生之樂:這原是你在太陽下,一生從勞苦中所應得的一分。
Masaya kang mamuhay kasama ang iniibig mong asawa sa lahat ng araw ng buhay mo nang walang pakinabang, ang mga araw na ibinigay sa iyo ng Diyos sa ilalim ng araw sa mga araw nang walang pakinabang. Iyon ang gantimpala ng buhay mo para sa ginawa mo sa ilalim ng araw.
10 你手能做什麼,就努力去做,因為在你所要去的陰府內,沒有工作,沒有計劃,沒有學問,沒有智慧。 (Sheol h7585)
Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, ang lugar kung saan ka pupunta. (Sheol h7585)
11 我又在太陽下看見:善跑的不得競賽,勇將不得參戰,智者得不到食物,明白人得不到財富,博學者得不到寵幸,因為他們都遭遇了不幸的時運。
Nakakita ako ng ilang kawili-wiling bagay sa ilalim ng araw: Ang takbuhan ay hindi para sa mabibilis na tao. Ang labanan ay hindi para sa malalakas na tao. Ang tinapay ay hindi para sa matatalinong tao. Ang kayamanan ay hindi para sa mga taong may pang-unawa. Ang pabor ay hindi para sa mga taong may kaalaman. Sa halip, ang oras at pagkakataon ang nakakaapekto sa kanilang lahat.
12 因為人不知道自己的時期,當凶險猝然而至的時候,人子為不幸的時運所獲,就像魚被網捕住,又像鳥被圈套套住。
Dahil walang nakakaalam ng oras ng kaniyang pagkamatay, tulad ng isda na nahuli sa lambat ng kamatayan, o katulad ng mga ibon na nahuli sa patibong. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila.
13 在太陽下我又得了一個智慧的經驗,依我看來,大有意義:
Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw sa paraan na kahanga-hanga para sa akin.
14 有座小城,裏面居民不多;有位大王來攻打此城,把城圍住,周圍築了高壘。
Mayroong isang maliit na lungsod na may kaunting mamamayan, at may isang malakas na haring dumating laban dito, sinalakay ito at nagtayo ng mga malalaking rampang pangsalakay dito.
15 那時,城中有個貧賤卻具有智慧的人,他用自己的智慧,救了本城:可是人們卻忘了這貧賤的人。
Ngayon sa lungsod na iyon, mayroong isang mahirap na matalinong lalaki, na sa pamamagitan ng kaniyang karunungan ay nailigtas niya ang lungsod. Ngunit kinalaunan, walang nakaalala sa mahirap na taong iyon.
16 於是我說:智慧遠勝過武力;然而貧賤人的智慧卻被人輕忽,他的話卻沒有人聽。
Kaya pinagpalagay ko, “Ang karunungan ay mas mainam kaysa sa kalakasan, ngunit ang karunungan ng mahirap na tao ay hinamak at ang kaniyang mga salita ay hindi pinakinggan.”
17 智者溫和的言語,比王者在愚人中的吶喊,更受歡迎。
Ang mga salita ng matatalino na sinabi nang pabulong ay mas naririnig kaysa sa mga sigaw ng sinumang pinuno sa mga mangmang.
18 智慧勝於武器;一個錯誤能破壞許多好事。
Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan, ngunit kayang sirain ng isang makasalanan ang maraming kabutihan.

< 傳道書 9 >