< 傳道書 3 >
Sa lahat ng mga bagay ay mayroong isang itinakdang panahon, at isang kapanahunan sa bawat layunin sa ilalim ng langit.
Panahon ng kapanganakan at panahon ng kamatayan, panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbubunot ng mga pananim,
panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling, panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo,
panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa, panahon ng pagtangis at panahon ng pagsayaw,
5 拋石有時,堆石有時;擁抱有時,戒避擁抱亦有時;
panahon ng paghahagis ng mga bato at panahon ng pag-iipon ng mga bato, panahon na pagyakap sa ibang tao, at panahong hindi pagyakap,
panahon sa paghahanap sa mga bagay at panahon ng paghinto sa paghahanap, panahon ng pag-iingat ng mga bagay at panahon ng pagtatapon ng mga bagay,
panahon ng pagpunit ng kasuotan at panahon ng pananahi ng kasuotan, panahon ng pananahimik at panahon ng pagsasalita,
panahon ng pag-ibig at panahon ng pagkamuhi, panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang gawain?
Nakita ko na ang gawain na ibinigay ng Diyos sa tao para tapusin.
11 天主所行的一切事宜,都很適時,並賜給人認識時事的經歷,但人仍不能明瞭,天主自始至終所做的工作。
Ginawang angkop ng Diyos ang lahat ng bagay para sa bawat panahon. Inilagay din niya ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso. Ngunit hindi nauunawaan ng sangkatauhan ang mga gawang ginawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa wakas.
12 於是我明瞭:人類的幸福,只有在此生歡樂享受;
Alam ko na walang mabuti sa isang tao maliban sa magsaya at gumawa nang kabutihan habang siya ay nabubuhay—
13 但人人有吃有喝,享受自己一切勞苦之所得,也是天主的恩賜。
at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
14 我知道:凡天主所行的事,永恒不變,無一可增,無一可減。天主這樣作,是為叫人敬畏他。
Alam ko na anuman ang ginawa ng Diyos ay magtatagal magpakailanman. Walang maaaring maidagdag pa o maalis, dahil ang Diyos ang siyang gumawa dito upang lumapit ang mga tao sa kaniya nang may karangalan.
15 現今所有的,早已有過;將來所有有,先前已有過;因為天主必追尋已往的事。
Anuman ang nangyayari ay nangyari na; anuman ang mangyayari pa ay nangyari na. Hinahayaan ng Diyos na hanapin ng tao ang mga nakatagong bagay.
16 我在太陽下還看見:正義之處有不義,公平之處有不平。
At nakita ko sa ilalim ng araw na kasamaan ang nangyayari kung saan dapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran, kasamaan ay madalas matagpuan.
17 我心裏想天主必要審判義人和惡人,因為各種事情和行為,在天主那裏都有其定時。
Sinabi ko sa aking puso, “Hahatulan ng Diyos ang matuwid at ang masama sa tamang panahon sa bawat bagay at sa bawat ginawa.
18 我想,天主藉此是為使世人認清自己是誰,看清自己與走獸無異。
Sinabi ko sa aking puso, “Sinusubok ng Diyos ang tao para ipakita sa kanila na sila ay tulad ng mga hayop.
19 的確,世人的命運,同走獸的命運,都是一樣:前者怎樣死,後者也怎樣死;氣息都一樣,人並不優於走獸:因為都是虛無。
Dahil parehong kapalaran ang nagaganap sa mga tao na nagaganap sa mga hayop. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay lahat namamatay. Lahat sila ay dapat ihinga ang parehong hangin, upang sa gayong paraan ang mga tao ay walang kalamangan sa mga hayop. Hindi ba ang lahat ng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang.
Lahat ng bagay ay mapupunta sa iisang lugar. Lahat ng bagay ay nagmula sa alabok, at lahat ng bagay ay nagbabalik sa alabok.
21 人的氣息是否向上高升,走獸的氣息是否下降地下,有誰知道﹖
Sinong nakakaalam kung ang kaluluwa ng mga tao ay mapupunta paitaas at ang kaluluwa ng mga hayop ay mapupunta sa lupa?
22 因此,我看出:人最好還是享受自己勞苦之所得,因為這是他的命運;有誰能領他去看自己身後的事呢﹖
Kaya muli kong naunawaan na walang mainam sa kahit na sinong tao kundi magalak sa kaniyang gawain, dahil ito ang kaniyang bahagi. Sino ang maaaring magpabalik sa kaniya upang maipakita kung ano ang magaganap pagkatapos niya?