< 傳道書 1 >

1 達味之子耶路撒冷的君王「訓道者」的語錄:
Ito ang mga salita ng Mangangaral, ang anak ni David at hari sa Jerusalem.
2 虛而又虛,訓道者說:虛而又虛,萬事皆虛。
Sabi ng Manganagaral. “Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoy sa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maraming katanungan.
3 人在太陽下辛勤勞作,為人究有何益﹖
Anong mapapala ng sangkatauhan mula sa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalim ng araw?
4 一代過去,一代又來,大地仍然常在。
Isang angkan ang lumilipas, at isa namang angkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdig magpakailanman.
5 太陽升起,太陽落下,匆匆趕回原處,從新再升。
Sumisikat ang araw at lumulubog ito at nagmamadaling babalik sa lugar kung saan muli itong sisikat.
6 風吹向南,又轉向北,旋轉不息,循環周行。
Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot-ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landas at magpapabalik-balik muli.
7 江河流入大海,大海總不滿溢;江河仍向所往之處,川流不息。
Umaagos patungo sa dagat ang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno. Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo.
8 萬事皆辛勞,無人能盡言:眼看,看不夠;耳聽,聽不飽。
Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man makapagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnig nito.
9 往昔所有的,將來會再有;昔日所行的,將來會再行;太陽之下決無新事。
Anuman ang nangyari ay siya rin ang mangyayari, at anuman ang nagawa ay siyang magagawa. Walang bago sa ilalim ng araw.
10 若有人指著某事說:「看,這是新事。」豈不知在我們以前早就有過。
Mayroon bang anumang bagay na maaaring masabi, 'Masdan mo, ito ay bago'? Anuman ang nangyayari ay nangyari na sa matagal na panahon, noong mga panahong nauna pa sa atin.
11 只是對往者,沒有人去追憶;同樣,對來者,也不會為後輩所記念。
Tila wala ni isa man ang nakakaalala sa mga bagay na naganap sa sinaunang panahon. At ang mga bagay na nangyari sa nauna pang panahon at ang mangyayari sa hinaharap ay malamang na hindi rin maaalala.”
12 我訓道者,曾在耶路撒冷作過以色列的君王。
Ako ang Mangangaral, at ako ay naging hari ng buong Israel sa Jerusalem.
13 我曾專心用智慧考查研究過天下所發生的一切;--這實在是天主賜與人類的一項艱辛的工作。
Inilaan ko ang aking pag-iisip sa pag-aaral at pagsisiyasat gamit ang karunungan sa lahat ng ginawa sa ilalim ng kalangitan. Ang pagsisiyasat na iyon ay isang mabigat na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao upang pagka-abalahan.
14 我觀察了在太陽下所發生的一切:看,都是空虛,都是追風。
Nakita ko ang lahat ng gawaing ginanap sa ilalim ng araw, at masdan, lahat ng mga ito ay magiging singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
15 彎曲的,不能使之正直,虧缺的,實在不可勝數。
Ang baluktot ay hindi na maitutuwid. Ang nawala ay hindi na mabibilang.
16 我心裏自語說:「看,我獲得了又大又多的智慧,勝過了所有在我以前住在耶路撒冷的人,我的心獲得了許多智慧和學問。」
Sinabi ko sa aking puso, “Masdan, ang nakamit kong karunungan ay higit kaysa mga nauna sa akin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman.
17 我再專心研究智慧和學問,愚昧和狂妄,我纔發覺:連這項工作也是追風。
Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan din. Naintindihan ko rin na ito ay isang pagtangkang habulin ang hangin.
18 因為,智慧愈多,煩惱愈多;學問越廣,憂慮越深。
Dahil sa kasaganaan ng karunungan ay maraming kabiguan, at siya na nagdaragdag nang kaalaman ay nagdaragdag nang kalungkutan.

< 傳道書 1 >