< 但以理書 4 >
1 拿步高王詔告居於普世的各民族,各邦國及各異語人民說:「願平安豐富地賜予你們!
Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang atas na ito sa lahat ng mga lahi, mga bansa, at mga wikang naninirahan sa lupa: “Sumagana nawa ang inyong kapayapaan.
2 至高天主對我所行的神蹟奇事,我以為最好宣布出來。
Tila mabuti sa aking sabihin sa inyo ang tungkol sa mga tanda at mga himalang ginawa sa akin ng Kataas-taasan.
3 他的神蹟何其偉大,他的奇事何其可畏! 他的王國是永遠的王國,他的主權世世常存!
Kahanga-hanga ang kaniyang mga tanda at makapangyarihan ang kaniyang mga himala! Walang hanggang kaharian ang kanyang kaharian, at nananatili sa sali't saling lahi ang kaniyang kapangyarihan.
Ako, si Nebucadnezar, masayang naninirahan sa aking tahanan at nagpapakasaya sa kasagaanan sa aking palasyo.
5 忽然做了一夢,這夢使我害怕;我當時在床上所有的幻想,腦中所有的異象,使我心慌意亂,
Ngunit natakot ako sa isang panaginip ko. Habang nakahiga ako roon, nabagabag ako sa mga larawang aking nakita at sa mga pangitain sa aking isipan.
6 遂下了一道諭令,召巴比倫所有的智者到我面前來,給我解說那夢的意義。
Kaya nagbigay ako ng isang atas na dalhin sa aking harapan ang lahat ng mga kalalakihan sa Babilonia na may karunungan upang maipaliwanag nila ang panaginip sa akin.
7 巫師、術士、占星者、占卜者都來了,我當面給他們說出了那夢,但他們卻不能給我解說那夢的意義。
At dumating ang mga salamangkero, mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mga astrologo. Sinabi ko sa kanila ang panaginip, ngunit hindi nila ito maipaliwanag sa akin.
8 最後,達尼爾來到我面前,-他按我神的名字,起名叫貝耳特沙匝,這人身上具有至聖神明的精神;我給他講述夢說:「
Ngunit sa huli, pumasok si Daniel—na pinangalanang Beltesazar ayon sa pangalan ng aking diyos, at sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos. Sinabi ko sa kaniya ang panaginip.
9 巫師長貝耳特沙匝! 我知道你這個人具有至聖神明的精神,沒有什麼奧秘可以難住你,請聽我夢中所見的異象,給我一個解釋:
“Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at walang hiwaga ang labis na mahirap sa iyo. Sabihin mo sa akin kung ano ang aking nakita sa aking panaginip at kung ano ang kahulugan nito.
10 我在床上腦中所有的異象是這樣:我忽然看見從地中生出一棵樹來,極其高大。
Ito ang mga pangitaing aking nakita sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan: Tumingin ako, at may isang puno sa gitna ng lupa, at labis na kahanga-hanga ang taas nito.
11 這棵樹長的非常粗壯,高可摩天,大地四極都可見到;
Lumaki ang puno at naging matatag. Umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nito at makikita ito hanggang sa mga dulo ng buong daigdig.
12 樹葉美麗,果實繁多,足以供養一切生靈,田野的走獸安息在它的蔭下,空中的飛鳥棲息在它的枝杈上,一切生物都由它獲得供養。
Magaganda ang mga dahon, sagana ang bunga at narito ang pagkain para sa lahat. Sumisilong sa lilim nito ang mga mababangis na hayop at namumugad ang mga ibon sa mga sanga nito. Mula dito, napapakain ang lahat ng nilalang.
13 我在床上,在我腦海所得的異象中,我看見有一位守衛兼聖者自天降下,
Nakita ko sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan, at isang banal na mensahero ang bumaba mula sa kalangitan.
14 他大聲呼喊說:砍倒這棵樹,砍斷它的枝條,搖落它的葉子,打下它的果實,叫走獸離開它下面,叫飛鳥飛離它的枝杈,
Sumigaw siya at sinabing, 'Sibakin ang puno at putulin ang mga sanga nito, tanggalin ang mga dahon, at ikalat ang mga bunga. Hayaang umalis ang mga hayop mula sa ilalim nito at lumipad ang mga ibon mula sa mga sanga nito.
15 但在地上只留下它根上的餘幹,用鐵索和銅鏈將它捆住,放在田野的青草,
Iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga hayop sa mga halaman sa lupa.
16 使他的心改變不像人心,給他一個獸心,在他身上要這樣經歷七段時期。
Hayaang mapalitan ang kaniyang isipan mula sa isipan ng tao at hayaaang isang isipan ng hayop ang maibigay sa kaniya hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.
17 這是守衛者宣布的定案,這是聖者所出的命令,好使眾生知道:是至高者統治世人的國家,他將國權願意給誰,就給誰;他可以將人間最卑賤的立為最高者。
Ang pasyang ito ay sa pamamagitan ng atas na iniulat ng mensahero. Ito ay pasyang ginawa ng mga banal upang malaman ng mga nabubuhay na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay ang mga ito sa sinumang naisin niyang mamuno sa mga ito, maging sa mga pinakamabababang tao.'
18 這是我拿步高王所做的夢。現在,貝耳特沙匝! 請你給我說出這夢的意義,因為我國內所有的智者,都不能使我知道這夢的意義,只有你能,因為只有你具有至聖神明的精神。
Ako, si Haring Nebucadnezar ay nagkaroon ng ganitong panaginip. Ngayon, ikaw Beltesazar, sabihin mo sa akin ang paliwanag, dahil wala sa mga may karunungang kalalakihan sa aking kaharian ang makapagpaliwanag nito sa akin. Ngunit makakaya mong gawin, dahil sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos.”
19 名叫貝特沙匝的達尼爾,一時愕然,他想像的事,使他恐懼;君王於是說道:「貝耳特沙匝! 不要為這夢和這夢的意義心亂! 」貝耳特沙匝回答說:「我的主上! 願這夢應驗在仇恨你的人身上,願這夢的朕兆應驗在你的敵人身上!
At labis na nabahala nang sandali si Daniel na pinangalanang Beltesazar, at nangamba siya sa kaniyang mga saloobin. Sinabi ng hari, “Beltesazar, huwag mong pangambahan ang panaginip o ang paliwanag nito.” Sumagot si Beltesazar, “Aking panginoon, nawa sa mga namumuhi sa iyo mangyari ang panaginip, nawa para sa iyong mga kaaway ang paliwanag nito.
20 你所見的那棵樹,長的非常粗大,高可摩天,大地四極都可見到,
Ang punong nakita mo—na lumaki at naging matatag, at umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nito, at nakikita sa mga dulo ng buong daigdig—
21 樹葉美麗,果實繁多,足以供養一切生靈,田野的走獸安息在它的蔭下,空中的飛鳥棲息在它的枝條上。
na magaganda ang mga dahon, at sagana ang bunga, upang ito ay pagkain para sa lahat, at sumisilong sa lilim nito ang mga hayop, at kung saan namumugad ang mga ibon sa kalangitan—
22 大王! 那樹就是你,你長得高大強壯,你的偉大高可摩天,你的權勢達於地極。
ang punong ito ay ikaw, hari, ikaw na lumaking napakatatag. Lumaki ang iyong kadakilaan at umaabot sa kalangitan, at umaabot sa mga dulo ng daigdig ang iyong kapangyarihan.
23 至於大王所見的那位警衛兼聖者自天降下說:砍倒、毀滅這棵樹! 只在地上留下它根子的餘幹,用鐵索和銅鏈將它捆住,放在田野的青草中,讓他為露水浸濕,與田野的走獸分食,這樣在他身上直到經歷了七段時期。-
Nakita mo, hari, ang isang banal na mensaherong bumababa mula sa langit at sinasabing, 'Sibakin ang puno at wasakin ito, ngunit iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga mababangis na hayop sa parang hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.'
24 大王! 這是那夢的意義,這是要臨到我主,大王身上的至高者的判決:
Ito ang paliwanag, hari. Isang atas ito ng Kataas-taasan na nakarating sa iyo, aking panginoong hari.
25 你將由人間被驅逐,與田野的走獸為伍,你吃草如同牛一樣,為露水浸濕,要這樣經歷七段時期,直到你承認至高者統治世人的國度,願意給誰,就給誰。
Itataboy ka mula sa mga tao, at maninirahan ka kasama ng mga mababangis na hayop sa parang. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka, at mababasa ka ng hamog mula sa kalangitan, at lilipas ang pitong taon hanggang kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.
26 至於所說在地中只留下樹根的餘幹,是說到你承認上天統治一切時,你的國仍再歸於你。
Gaya ng iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng puno, sa paraang ito, maibabalik ang kaharian sa iyo sa panahong kilalanin mong naghahari ang langit.
27 為此,大王! 望你接納我的勸告:厲行正義,補贖罪過,憐貧濟困,以抵償不義;如此你的福樂或許可得延長。」
Kaya hari, hayaang maging katanggap-tanggap ang payo ko sa iyo. Tumigil ka sa pagkakasala at gawin kung ano ang matuwid. Talikuran mo ang iyong mga kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa mga inaapi, at maaaring magpatuloy pa ang iyong kasaganaan.”
Nangyari ang lahat ng ito kay Haring Nebucadnezar,
29 十二個月以後,王在巴比倫王宮的樓台上散步時,
pagkaraan ng labindalawang buwan, Naglalakad siya sa maharlikang palasyo sa Babilonia.
30 自言自語說:「這不是我以大能大力,為彰顯我的威榮而建為王都的大巴比倫嗎﹖」
Sinasabi ng hari, “Hindi ba ito ang dakilang Babilonia, na aking itinatag para sa aking maharlikang tirahan, para sa kaluwalhatian ng aking kapangyarihan?”
31 這些話君王還未說出口,便有聲音從天上傳來說:「拿步高王! 現在有話告訴你:你的王位已被人奪去了!
Habang sinasabi pa ito ng hari, isang tinig ang nagmula sa langit: “Haring Nebucadnezar, iniatas laban sa iyo na hindi mo na pag-aari pa ang kahariang ito.
32 你要由人間被驅逐,與田野的走獸為伍,你要吃草如同牛一樣,這樣,在你身上經歷七段時期,直到你承認至高者統治世人的國度,他願意給誰,就給誰。」
Itataboy ka palayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magiging tahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.”
33 這話立即在拿步高身上應驗了:他被逐離開了人群,吃草如同牛一樣,他的身體為露水浸濕,直報他的頭髮長得有如鷹的羽翼,指甲有如鳥的爪子。
Natupad kaagad kay Nebucadnezar ang atas na ito. Itinaboy siya palayo mula sa mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isang baka, at nabasa ang kaniyang katawan ng hamog mula sa kalangitan. Humaba ang kaniyang buhok na kasing haba ng mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mga pangalmot ng mga ibon ang kaniyang mga kuko.
34 這期限過了以後,我拿步高舉目望天,我的理智恢復了常態,我立刻稱謝至高者,讚美頌揚永生者,因為他的主權永遠常存,他的王國世世常在。
At sa katapusan ng mga araw, ako, si Nebucadnezar ay tumingin sa langit, at ibinalik sa akin ang aking katinuan. “Pinuri ko ang Kataas-taasan, at pinarangalan at niluwalhati ko ang siyang nabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang kaniyang paghahari ay walang hanggang paghahari, at nananatili ang kaniyang kaharian sa lahat ng sali't saling lahi.
35 地上的一切居民為他等於虛無,他對天上的軍旅和地上的居民隨意而行,沒有能阻止他的,或問他說:你作什麼﹖
Itinuturing niyang walang halaga ang lahat ng mga naninirahan sa lupa, ginagawa niya sa hukbo ng langit at sa mga naninirahan sa lupa ang anumang naaayon sa kaniyang kagustuhan. Walang makakapigil o makakatutol sa kaniya. Walang makakapagsasabi sa kaniyang, 'Bakit mo ito ginawa?''
36 就在那一時刻,我的理智恢復了常態,恢復了我王國的光榮,仍享威嚴富貴,我的朝臣和大官仍前來求見;我的國又歸我所有,並且也給我增加了極大的權勢。
Sa gayunding panahong nanumbalik sa akin ang aking katinuan, nanumbalik sa akin ang aking kapangyarihan at kaningningan para sa kaluwalhatian ng aking kaharian. Hinangad ng aking mga tagapayo at aking mga tagapamahala ang aking pagpanig. Ibinalik ako sa aking trono, at higit pang kadakilaan ang ibinigay sa akin.
37 現在,我拿步高要稱頌、讚揚和光榮天上的君王,因為他的一切作為是真理,他的到路是正義;凡行動傲慢的,他都能壓伏。」
Ngayon, ako, si Nebucadnezar ay nagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa, at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kaya niyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sariling kapalaluan.