< 但以理書 3 >
1 拿步高王製造了一尊高六十肘,寬六肘的金像,立在巴比倫省的杜辣平原上。
Gumawa ng isang gintong imahen si Nebucadnezar na animnapung siko ang taas at anim na siko ang lapad. Ipinatayo niya ito sa Kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.
2 拿步高王就派人召集總督、省長、知縣、參謀、司庫、法官、警官和各省官長,前來參與拿步高立像的開光典禮。
Pagkatapos, nagpadala ng mga mensahe si Nebucadnezar upang sama-samang tipunin ang mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at lokal na mga gobernador kasama ng mga konsehal, mga taga-ingat yaman, mga hukom, mga mahistrado at lahat ng matataas na opisyal ng lalawigan upang pumunta sa pagtatalaga ng imahen na kaniyang ipinatayo.
3 於是總督、省長、知縣、參謀、司庫、法官、警官和各省官長都聚集前來,參與拿步高王立像的開光典禮,都站在拿步高立的像前。
Pagkatapos, ang mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at lokal na mga gobernador kasama ang mga konsehal, mga tagapag-ingat yaman, mga hukom mga mahistrado at lahat ng matataas na opisyal ng lalawigan ay sama-samang nagtipon sa pagtatalaga ng imahen na ipinatayo ni Nebucadnezar. Tumayo sila sa harapan nito.
4 傳令官高聲呼喊說:「各民族、各邦國、各異語人民! 這是給你們下的令:
At sumigaw ng malakas ang isang tagapamalita, “Inuutusan kayo, mga tao, mga bansa at mga wika,
5 你們幾時聽到角、笙、琴、瑟、箏、簫及各種樂器齊奏,就當俯伏朝拜拿步高王立的金像。
sa oras na marinig ninyo ang tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng instrumentong panugtog, magpatirapa kayo at magsisamba sa harapan ng gintong imahen na ipinatayo ni Haring Nebucadnezar.
Sinuman ang hindi magpatirapa at sumamba sa sandaling iyon ay itatapon sa naglalagablab na pugon.”
7 因此,當在場的人聽見角、笙、琴、瑟、箏、簫及各種樂器齊奏時,各民族、各邦國、各異語人民都俯伏朝拜了拿步高王所立的金像。
Kaya nang marinig ng mga tao ang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng instrumentong panugtog, ang lahat ng mga tao, mga bansa at mga wika ay nagpatirapa at nagsisamba sa harapan ng gintong imahen na ipinatayo ni haring Nebucadnezar.
Ngayon, sa panahong ito dumating ang ilan sa mga taga-Caldeo at nagdala ng mga paratang laban sa mga Judio.
Sinabi nila kay haring Nebucadnezar, “Hari, mabuhay ka magpakailanman!
10 大王! 你發出了諭令,要所有聽見角、笙、琴、瑟、箏、簫及各種樂器齊奏的人,都應立刻俯伏朝拜金像,
Ikaw, na hari ay gumawa ng kautusan na ang bawat tao na makakarinig ng tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng instrumentong panugtog ay magpatirapa at dumapa sa harapan ng gintong imahen
Sinuman ang hindi magpatirapa at sumamba ay kailangang itapon sa naglalagablab na pugon.
12 然而有幾個你所委任管理巴比倫省政務的猶太人,即沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥,大王! 他們不尊重你的諭令,不恭敬你的神,也不朝拜你所立的金像。」
Ngayon, may ilang mga Judio na iyong itinalaga sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia, ang kanilang mga pangalan ay sina Shadrac, Meshac at Abednego. Ang mga kalalakihang ito, o hari, ay hindi nakinig sa inyo. Hindi nila sinamba, pinaglingkuran ang iyong diyos o nagpatirapa sa harapan ng gintong imahen na iyong ipinatayo.”
13 拿步高勃然大怒,遂下令傳沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥來;這幾個人就被帶到君王前,
At napuno ng galit at poot si Nebucadnezar at iniutos na dalhin sa kaniya sina Shadrac, Meshac at Abednego. Kaya dinala nila ang mga kalalakihang ito sa harapan ng hari.
14 拿步高便對他們說:「沙得辣客、默沙客、阿貝得乃哥! 你們是真存心不恭敬我的神,不朝拜我立的金像嗎﹖
Sinabi ni Nebuchadnezar sa kanila, nakapagpasya na ba kayo, Shadrac, Meshac at Abednego upang hindi sambahin ang aking mga diyos o magpatirapa sa harapan ng gintong imahen na aking ipinatayo?
15 現在你們準備好,一聽見角、笙、琴、瑟、箏、簫及各種樂器齊奏,就俯伏朝拜我製造的像;若是你們不朝拜,你們就立刻被投入烈火窯中,看有什麼神能由我手中將你們救出﹖」
Ngayon, kung handa na kayo—kapag maririnig ninyo ang mga tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at mga saltero at lahat ng uri ng tugtugin—magpatirapa at dumapa sa imahen na aking ginawa at magiging maayos ang lahat. Ngunit kapag hindi kayo sasamba, kaagad kayong itatapon sa naglalagablab na pugon. Sinong diyos ang maaaring magligtas sa inyo mula sa aking mga kamay?”
16 沙得辣客 、默沙客和阿貝得乃哥回答拿步高王說:「關於這事,我們無須回答;
Sumagot sa hari sina Shadrac, Meshac at Abednego, “Nebucadnezar, hindi namin kailangang sumagot sa usaping ito.
17 如果我們所恭敬的天主肯救我們,大王! 他必會救我們脫離火窯和脫離你的手;
Kung mayroon mang sagot, ito ay ang aming Diyos na aming pinaglilingkuran ang may kakayahan na magligtas sa amin mula sa naglalagablab na pugon at ililigtas niya kami mula sa inyong mga kamay, o hari.
18 如果他不肯,大王! 你應當知道,我們仍然不願意恭敬你的神,也不朝拜你所立的金像。」
Ngunit kung hindi man, nais naming malaman mo ito, o hari, na hindi kami sasamba sa iyong mga diyos at hindi kami magpatirapa sa gintong imahen na iyong ipinatayo.”
19 拿步高一聽這話,怒火填胸,立刻對沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥變了臉,下令要人將火窯燒得比往常更熱七倍,
Pagkatapos, napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa karaniwang init nito.
20 又命軍中的幾個壯士將沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥捆起來,投入烈火窯中。
At iniutos niya sa ilan ng kaniyang pinakamalakas na mga kalalakihan ng kaniyang hukbo upang gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednego at itapon sila sa naglalagablab na pugon.
21 這三個人穿著外氅、長袍、頭巾和其他的衣服,被捆起來,投入烈火窯中。
Tinalian sila na suot pa ang kanilang mga balabal, mga tunika, mga turban at iba pang mga kasuotan at itinapon sila sa loob ng naglalagablab na pugon.
22 由於君王的命令急迫,火窯又燒得猛烈,火燄反將投擲沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥的那些人燒死了。
Dahil mahigpit na sinunod ang utos ng hari at pinainit ang pugon, ang apoy ang pumatay sa mga kalalakihan na nagdala kina Shadrac, Meshac at Abednego.
23 至於沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥三個人,被捆著落入烈火窯中。
Bumagsak ang tatlong kalalakihang ito sa naglalagablab na pugon nang nakagapos.
24 那時拿步高王十分驚慌,急忙站起,問他的臣僕說:「我們不是把他們三個人全捆起來拋入烈火窯中了嗎﹖」僕人回答君王說:「大王,實在是! 」
At namangha ang haring si Nebucadnezar at agad na tumayo. Tinanong niya ng kaniyang mga tagapayo, Hindi ba't tatlong kalalakihan na nakagapos ang ating itinapon sa apoy?” Sumagot sila sa hari, “totoo mahal na hari.”
25 君王又問說:「怎麼我看見有四個人無拘無束地在火中行走,絲毫沒有受傷,而且那第四個人的外貌,彷彿是神的兒子。」
Sumagot siya, “Ngunit apat na kalalakihan ang aking nakikita na hindi nakagapos at naglalakad sa gitna ng apoy at hindi sila nasaktan. Ang kinang ng ika-apat ay tulad ng anak ng mga diyos.”
26 於是拿步高走近烈火窯口,說道:「至高天主的僕人沙得辣客、默沙客、和阿貝得乃哥,你們出來罷! 」沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥即從火中出來。
Pagkatapos, lumapit si Nebucadnezar sa pintuan ng naglalagablab na pugon at tumatawag, “Shadrac, Meshac at Abednego, mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos, lumabas kayo! Halikayo rito” Pagkatapos, lumabas mula sa apoy sila Shadrac, Meshac at Abednego.
27 省長、太守、總督和君王的臣僕一齊前來,查看這幾個人,見烈火在他們身上一點不發生作用,連他們頭上的一根頭髮都沒有燒掉,他們的外氅也沒有變色,他們身上也沒有一點火的氣味。
Nakita ang mga kalalakihang ito ng mga gobernador ng lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at iba pang mga gobernador at nang mga konsehal ng mga hari na sama-samang nagtitipon. Hindi nasaktan ng apoy ang kanilang mga katawan, hindi natupok ang buhok sa kanilang mga ulo, hindi nasira ang kanilang mga balabal at hindi sila nag-amoy sunog.
28 於是拿步高說道:「沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥的天主,是可讚美的! 他打發了自己的天使來,救護那些信賴自己的僕人,他們敢違背王命,寧願捐軀,除自己的天主以外,不願事奉叩拜其他任何神祇。
Sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin natin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego na nagpadala ng kaniyang mensahero at nagbigay ng kaniyang mensahe sa kaniyang mga lingkod. Nagtiwala sila sa kaniya nang isinantabi nila ang aking utos at isinuko ang kanilang mga katawan kaysa sumamba o magpatirapa sa sinumang diyos maliban sa kanilang Diyos.
29 為此我今頒發詔書,無論那一個民族,那一邦國,那一個異語人民,凡對沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥的天主敢出言不恭的,必被萬剮凌遲,他們的住宅必成為廢墟,因為沒有其他的神能像他這樣施行拯救。」
Kaya gagawa ako ng isang kautusan na sinumang tao, bansa o wika ang magsalita ng anumang laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego ay pagpipira-pirasuhin at gagawing tambakan ng basura ang kanilang mga tahanan sapagkat walang ibang diyos ang makakapagligtas tulad nito.
30 然後君王在巴比倫省擢陞了沙得辣客、默沙客和阿貝得乃哥。
At itinaas niya sa tungkulin sina Shadrac, Meshac at Abednego sa lalawigan ng Babilonia.