< 但以理書 12 >

1 那時保佑你國家子民的偉大護守天使彌額爾必要起來;那將是一個災難的時期,是自開國以來,直到那時從未有過的;那時,你的人民,凡是名錄在那書上的,都必得救。
“Sa panahong iyon, tatayo si Miguel, ang dakilang prinsipe na nagbabantay sa iyong mga kababayan. Magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nararanasan kailanman magmula nang nagkaroon ng anumang bansa hanggang sa panahong iyon. Sa panahong iyon, maililigtas ang iyong mga kababayan, ang lahat ng pangalang matatagpuang nakasulat sa aklat.
2 許多長眠於塵土中的人,要醒起來:有的要入於永生,有的要永遠蒙羞受辱。
Marami sa mga natutulog sa alabok ng daigdig ang babangon, ang ilan ay sa walang hanggang buhay at ang ilan ay sa kahihiyan at walang hanggang pagdurusa.
3 賢明之士要發光有如穹蒼的光輝;那些引導多人歸於正義的人,要永遠發光如同星辰。
Ang mga marurunong ay magliliwanag tulad ng liwanag ng kalangitan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituin magpakailanman.
4 至於你,達尼爾! 你要隱藏這些話,密封這部書,直到末期;將有許多人要探討,因而智識必要增長。
Ngunit ikaw Daniel, isara mo ang mga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami ang magsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan ang kaalaman.”
5 那時我達尼爾觀望:看見另有兩位天使,一位站在河岸這邊,一位站在河岸那邊。
At ako, si Daniel ay tumingin, at may dalawa pang nakatayo roon. Ang isa ay nakatayo sa dakong gilid ng ilog na ito at ang isa ay nakatayo sa pampang sa kabilang dako ng ilog.
6 我就問那身穿細麻衣,站在河水上的人說:「幾時這些奇事纔會實現呢﹖」
Sinabi ng isa sa kanila sa lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig, “Gaano katagal matatapos ang mga kamangha-manghang pangyayaring ito?”
7 我聽見那身穿細麻衣,站在河水上的人向天舉起左手及右手,指著永生者起誓說:「的確,這事必須經過一段時期,另兩段時期和半段時期:直到摧殘聖民的勢力終止時,這一切事纔要實現。」
Narinig ko ang lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit at nangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito ay tatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng mga bagay na ito.
8 我聽了以後,仍不明白,便問說:「我主! 這些事的結局究竟怎樣﹖」
Narinig ko ngunit hindi ko naunawaan. Kaya nagtanong ako, “Panginoon ko, ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng mga bagay na ito?”
9 他回答說:「達尼爾,你去罷! 因為這些事隱藏密封,直到末期。
Sinabi niya, “Makakaalis ka na Daniel sapagkat nakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahon ng pagwawakas.
10 將有許多人要使自己純潔清白,並受鍛鍊,而惡人卻要更加作惡;凡作惡的人不能明白,惟有賢明之士纔能明白。
Marami ang dadalisayin, lilinisin at lilinangin ngunit ang mga masasama ay magpapakasama. Wala ni isa sa mga masasama ang makakaunawa, ngunit ang mga marurunong ay makakaunawa.
11 自從廢棄日常祭,設立那招致荒涼的可憎之物的時候起,必要經歷一千二百九十天。
Mula sa panahong inalis ang karaniwang handog na susunugin at ang pagkasuklam na sanhi ng ganap na pagkawasak ay handa na, magkakaroon ng 1, 290 na mga araw.
12 凡能守候直到一千三百三十五天的,是有福的。
Mapalad ang mga naghihintay hanggang sa matapos ang 1, 335 na mga araw.
13 你應去等候末期,好好安息罷! 到末日,你要起來接受你的福分。」
Kinakailangan mong manatili sa iyong kaparaanan hanggang sa huli at mamamahinga ka. Tatayo ka sa lugar na itinalaga sa iyo sa mga huling araw.”

< 但以理書 12 >