< 阿摩司書 1 >
1 亞毛斯的言論:亞毛斯原是特科亞的一個牧人,在猶大王烏齊亞時代和以色列王耶曷阿士的兒子雅洛貝罕時代,地震前二年,見了關於以色列的神視。
Ito ang mga bagay tungkol sa Israel na natanggap sa pamamagitan ng pagpapahayag kay Amos na isa sa mga pastol sa Tekoa. Natanggap niya ang mga bagay na ito noong panahon ni Uzias na hari ng Juda, at sa panahon din ni Jeroboam na anak ni Joas na hari ng Israel, dalawang taon bago ang lindol.
2 他說:「上主由熙雍一怒吼,從耶路撒冷一出聲,牧場即淒涼,加爾默耳山頂即乾枯。」
Sinabi niya, “Umaatungal si Yahweh mula sa Zion; nilakasan niya ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem. Ang mga pastulan ng mga pastol ay nagluluksa, ang tuktok ng Carmelo ay nalalanta.”
3 上主這樣說:「為了大馬士革再三再四犯罪,我不收回成命,因為他們用鐵棍壓榨了基肋阿得。
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Damasco, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, sapagkat giniik nila ang Gilead sa pamamagitan ng mga instrumentong bakal.
Magpapadala ako ng apoy sa bahay ni Hazael, at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Ben-Hadad.
5 我必打斷大馬士革的門閂,消滅彼卡特阿文的居民和貝特厄登的掌權者;阿蘭人民必被擄往克爾──上主說。
Babaliin ko ang mga bakal na tarangkahan ng Damasco at tatalunin ang lalaking naninirahan sa Biqat Aven, at maging ang lalaking humahawak sa setro mula sa Beth-eden; ang mga taga-Aram ay mabibihag sa Kir,” sabi ni Yahweh.
6 上主這樣說:「為了迦薩再三再四犯罪,我不收回成命,因為他們將戰俘全部擄去,賣給厄東。
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Gaza, o kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil kinuha nilang bihag ang lahat ng mga tao upang ipasakamay sila sa Edom.
Magpapadala ako ng apoy sa mga pader ng Gaza at tutupukin nito ang kaniyang mga tanggulan.
8 我必消滅阿市多得的固民和阿市刻隆的掌權者,伸手打攻擊厄刻龍,培肋舍特的殘餘必要滅亡」──吾主上主說。
Lilipulin ko ang lalaking naninirahan sa Asdod at ang lalaking humahawak sa setro mula sa Ashkelon. Ibabaling ko ang aking kamay laban sa Ekron at ang ibang mga Filisteo ay mamamatay,” sabi ng Panginoong Yahweh.
9 上主這樣說:「為了提洛再三再四犯罪,我不收回成命,因他們將戰俘全都賣給了厄東,毫不念兄弟的盟約。
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Tiro, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil ipinasakamay nila ang buong pangkat ng mga tao sa Edom at sinira nila ang kanilang kasunduan ng kapatiran.
Magpapadala ako ng apoy sa mga pader ng Tiro, at tutupukin nito ang kaniyang mga tanggulan.”
11 上主這樣說:「為了厄東再三再四犯罪,我不收回成命,因為他們持刀追擊自己的兄弟,毫無憐憫,常存怒氣,永懷憤怒。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Dahil sa tatlong kasalanan ng Edom, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil tinugis niya ang kaniyang kapatid ng espada at hindi man lang naawa. Nagpatuloy ang kaniyang matinding galit at ang kaniyang poot ay tumagal nang walang hanggan.
Magpapadala ako ng apoy sa Teman, at tutupukin nito ang mga palasyo ng Bozra.”
13 上主這樣說:「為了阿孟子民再三再四犯罪,我不收回成命,因為他們剖開基肋阿得的孕婦,為擴展的疆土。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Dahil sa tatlong kasalanan ng mga Ammonita, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis na kababaihang Gilead, upang maaari nilang palawakin ang kanilang mga nasasakupan.
14 在作戰之日的吶喊中,在風雨的狂暴中,我必在辣巴的城牆上放火,燒盡她的王宮。
Magsisindi ako ng apoy sa mga pader ng Rabba, at tutupukin nito ang mga palasyo, na may kasamang sigaw sa araw ng labanan, na may kasamang bagyo sa araw ng ipu-ipo.
15 他們的君王和君王的官吏必一起被擄去」──上主說。
Ang kanilang hari at ang kaniyang mga opisyal ay sama-samang mabibihag,” sabi ni Yahweh.