< 阿摩司書 3 >

1 以色列子民! 你們應聽從上主關於你們,即 由埃及領出來的全體民族所說的話:「
Pakinggan ninyo ang salitang ito na sinabi ni Yahweh laban sa inyong mga Israelita, laban sa buong pamilya na aking inilabas sa lupain ng Egipto,
2 由世界上一切種族中,我只選擇了你們,為此,我必懲罰你們的罪惡。
Kayo lamang ang pinili ko sa lahat ng mga pamilya sa lupa. Dahil dito parurusahan ko kayo sa inyong mga kasalanan.
3 二人除非預約,豈能同行。
Lalakad bang magkasama ang dalawa nang walang pinagkasunduan?
4 獅子若無獵物,豈能在林中咆哮﹖幼獅除非捕到食物,豈能在洞中吼叫﹖
Umaatungal ba ang isang leon sa gubat kapag wala itong nabiktima? Umuungol ba ang isang batang leon sa kaniyang yungib kung wala siyang nahuling anuman?
5 雀鳥若無餌食,豈能落在地上﹖機楹若無所獲,豈能由地上翻起﹖
Mabibitag ba ang isang ibon sa lupa kung walang paing nakahanda sa kaniya? Iigkas ba ang isang bitag sa lupa kung wala itong nahuling anuman?
6 如在城中吹起號角,人民豈不恐怖﹖如城裏發生災禍,豈不是上主所為﹖
Tutunog ba ang trumpeta sa lungsod at hindi manginginig sa takot ang mga tao? Darating ba ang sakuna sa isang lungsod kung hindi si Yahweh ang nagpadala nito?
7 的確,上主若不先將自己的計劃啟示給自己的先知,什麼也不作。
Tiyak na walang gagawing anuman ang Panginoong Yahweh hanggang hindi niya naipapahayag ang kaniyang plano sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
8 獅子咆哮了,誰不害怕﹖吾主上主發了言,誰能不傳衪的話﹖」
Ang leon ay umatungal; sino ang hindi matatakot? Nagsalita ang Panginoong Yahweh; sino ang hindi magpapahayag?
9 他們要在亞述和埃及的宮殿高處宣布說:你們應聚集在撒馬黎雅山上,觀看那裏的混亂和其中的殘暴。
Ipahayag ito sa mga tanggulan ng Asdod at sa mga tanggulan sa lupain ng Egipto; na sinabi: “Magtipon-tipon kayo sa mga bundok ng Samaria at tingnan ninyo kung ano ang malaking kaguluhan at pang-aapi ang nasa kaniya.
10 他們不知行正直的事──上主的斷語──只知在宮殿內積累強暴和欺壓。
Sapagkat hindi nila alam kung paano gumawa ng mabuti”—Ito ang pahayag ni Yahweh—”Nag-ipon sila ng pagkawasak at kasiraan sa kanilang mga tanggulan.”
11 為此,吾主上主這樣說:「敵人要圍困此地,推翻你的堡壘,搶掠你的宮殿。
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Isang kaaway ang papalibot sa inyong lupain. Ibabagsak ang inyong pinatibay na moog at lolooban ang inyong mga tanggulan.”
12 上主這樣說:牧人怎樣從樣由獅子口中搶救出兩條羊腿,或一塊羊耳,以色列子民,即在 撒馬利亞斜倚在安樂椅角上,或大馬士革榻上的人,也要怎樣被救出。
Ito ang sinasabi ni Yahweh: Gaya ng pagsagip ng pastol sa bunganga ng leon na dalawang hita lamang ang makukuha o isang piraso ng tenga, kaya ang masasagip ng mga Israelita na naninirahan sa Samaria ay kapiraso ng sopa lamang o isang piraso ng pantakip sa higaan.”
13 你們靜聽,並對雅各伯家作証──吾主上主萬軍的天主的斷語──
Pakinggan at magpatotoo laban sa sambahayan ni Jacob—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh na Diyos ng mga hukbo.
14 在我懲罰以色列罪惡之日,我必毀壞貝特耳的祭壇,祭壇的角必被打落在地上。
“Sapagkat sa araw na parurursahan ko ang Israel sa kanilang mga kasalanan, parurusahan ko rin ang mga altar ng Bethel. Ang mga sungay sa altar ay mapuputol at babagsak sa lupa.
15 我要破壞過冬和過夏的別墅,象牙宮也必遭毀壞,高樓大廈也必蕩然無存」──上主的斷語。
Wawasakin ko ang bahay na para sa taglamig kasama ang bahay para sa tag-init. Ang mga bahay na gawa sa garing ay mawawala, at ang malalaking mga bahay ay mawawala rin,”—Ito ang pahayag ni Yahweh.

< 阿摩司書 3 >