< 撒母耳記下 16 >
1 達味剛走過山頂不遠,看,默黎巴耳的僕人漆巴正牽著一對備好鞍子的驢,馱著兩百個餅,一百串葡萄乾,一百鮮果和一皮囊酒,前來迎接君王。
Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak.
2 君王對漆巴說:「你帶這些東西來作什麼﹖」漆巴說:「驢是為君王的家眷騎的,餅和水果是為僮僕吃的,酒是為在曠野裏疲倦了的人喝的」。
Sinabi ng hari kay Ziba, “Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin.”
3 君王問說:「你主人的兒子在哪裏﹖」漆巴回答君王說:「他仍留在耶路撒冷,因為他說:今日以色列家會將我父親的王位歸還給我了! 」
Sinabi ng hari, “At nasaan ang apo ng iyong panginoon?” Sumagot si Ziba sa hari, “Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin.”'
4 君王對漆巴說:「看,凡屬默黎巴耳的,都歸你所有! 」漆巴答說:「我屈膝叩拜我主一王! 願我在你眼中獲得寵幸」。
Pagkatapos sinabi ng hari kay Ziba, “Tingnan mo, lahat ng nabibilang kay Mefiboset ay nabibilang na sa iyo ngayon.” Sumagot si Ziba, “Yumuyukod akong may pagpapakumbaba sa iyo, aking panginoon, ang hari. Hayaan mo akong makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.”
5 達味王來到巴胡陵時看,出來一個撒烏耳家族的人,是革辣的兒子,名叫史米的。他罵著走來,
Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad.
6 投石襲擊達味和達味的眾臣僕,雖然百姓和勇士都圍在王的左右,他毫不畏懼。
Binato niya si David at ang lahat ng mga opisyal ng hari, kahit na may hukbo at mga bantay na nasa kanan at kaliwa ng hari.
7 史米這樣罵君王說:「滾吧! 滾吧! 你這個殺人王! 你這個敗類!
Sumigaw si Simei na nagmumura, “Umalis ka, lumayas mula rito, masamang tao ka, tao ng dugo!
8 上主將撒烏耳一家的血都歸在你身上,你奪了他的王位,現在,上主將王權交在你兒子阿貝沙隆手裏,使你陷入絕境,足見你是個殺人王」。
Pinaghigantihan kayong lahat ni Yahweh para sa dugo ng pamilya ni Saul na pinalitan ninyo sa pamumuno. Ibinigay ni Yahweh ang kaharian sa kamay ni Absalom ang iyong anak. At ngayon sira ka na dahil isa kang tao ng dugo.”
9 責魯雅的兒子阿彼瑟對君王說:「為什麼讓這死狗辱罵我主大王﹖讓我去砍下他的頭來! 」
Pagkatapos sinabi ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias sa hari, “Bakit kailangang murahin ng patay na asong ito ang aking panginoong hari? Pakiusap pahintulutan mo akong pumaroon at pugutan siya ng ulo.”
10 君王說:「責魯雅的兒子,我和我和你們有什麼關係﹖讓他罵吧! 如果上主吩咐他說:你咒罵達味! 誰還敢說:你為什麼這樣做﹖」
Pero sinabi ng hari, “Ano ang gagawin ko sa inyo, mga anak ni Zeruias? Marahil minumura niya ako dahil sinabi ni Yahweh sa kainya, 'Sumpain si David.' Sino sa gayon ang magkapagsabi sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?”'
11 達味對阿彼瑟和他的臣僕說:「唉! 我親生的兒子,尚且謀害我的生命,這個本雅明人更將如何﹖讓他罵吧! 因為上主吩咐了他。
Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, “Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito.
12 也許上主會憐恤我的困苦,會將他今日的咒罵,變成我的幸福」。
Marahil mamasdan ni Yahweh ang kapighatiang ipinataw sa akin at gantihan ako ng mabuti dahil sa pagmumura niya sa akin ngayon.”
13 達味與跟隨的人沿路前行,史米也沿著山路與他平排進行,邊走邊罵,向他拋石撒土。
Kaya naglakbay si David at ang kaniyang mga tauhan sa daan, samantalang si Simei ay sumabay sa kaniyang tabi paakyat sa dalisdis ng burol, nagmumura at naghahagis sa kaniya ng lupa at mga bato.
14 君王與跟隨他的眾人,來到約旦河岸,非常疲倦,就在那裏暫且休息。
Pagkatapos napagod ang hari at ang lahat ng taong kasama niya at nagpahinga siya nang huminto sila nang gabi na.
15 阿貝沙隆與跟隨他的眾以色列人進了耶路撒冷,阿希托費耳也同他在一起,
Si Absalom naman at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya, dumating sila sa Jerusalem at kasama niya si Ahitofel.
16 當達味的朋友阿爾基人胡瑟來見阿貝沙隆時,便對阿貝沙隆說:「大王萬歲! 「大王萬歲! 」
Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!”
17 阿貝沙隆對胡瑟說:「這是你對你朋友的恩情嗎﹖為什麼沒有去跟隨你的朋友﹖」
Sinabi ni Absalom kay Cusai, “Ito ba ang katapatan mo sa iyong kaibigan? Bakit hindi ka sumama sa kaniya?”
18 胡瑟回答阿貝沙隆說:「不,因為凡上主和這個民族以及全以色列人所揀選的,我就跟隨他,與他住在一起。
Sinabi ni Cusai kay Absalom, “Hindi! Sa halip, ang isang pinili ni Yahweh at ang mga tao ito at ang lahat ng kalalakihan ng Israel, sa mga taong ito ako napapabilang, at mananatili ako kasama niya.
19 再者,我要事奉的是誰呢﹖先前我怎樣服事了你父親,也願怎樣服事你」。
At saka, anong tao ang dapat kong paglingkuran? Hindi ba ako dapat maglingkod sa presensiya ng kaniyang anak na lalaki? Gaya ng paglilingkod ko sa presensiya ng iyong ama, maglilingkod ako sa iyong presensiya.”
20 阿貝沙隆對阿希托費耳說:「你們商討一下,我們該作什麼?」
Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ibigay sa amin ang iyong payo tungkol sa dapat naming gawin.”
21 阿希托費耳對阿貝沙隆說:「你應去親近你父親留下看守宮殿的嬪妃,叫全以色列人知道你已惹下了你父親的仇恨,那些支持你的人,就必更加堅強」。
Sumagot si Ahitopel kay Absalom, “Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo.
22 於是人們在屋頂上,給阿貝沙隆支搭了一座帳棚;阿貝沙隆當著眾以色列人的面,親近了他父親的嬪妃。
Kaya naglatag sila ng isang tolda para kay Absalom sa ibabaw ng palasyo at sumiping si Absalom sa mga asawang alipin ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.
23 那時,阿希托費耳所出的主意,好像是詢問天主得來的神諭。凡阿希托費耳所出的主意,無論對達味,或對阿貝沙隆,都是如此。
Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel.