< 撒母耳記下 14 >
1 責魯雅的兒子約阿布看透了君王懷念阿貝沙隆的心,
Ngayon, nahalata ni Joab anak na lalaki ni Zeruias na naghahangad ang puso ng hari na makita si Absalom.
2 就派人到特科亞去,從那裏叫來一位明智的婦人,對她說:「請妳裝作一個居喪的婦心,穿上喪服,別抹油,像一個居喪很多自己婦人,
Kaya nagpadala ng salita si Joab sa Tekoa at nagpadala ng isang matalinong babae sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, “Pakiusap magkunwaring ikaw ay isang taong nagdadalamhati at magsuot ng damit panluksa. Pakiusap huwag pahiran ang iyong sarili ng langis, pero maging katulad ng isang babaeng nagluluksa ng magtagal na panahon para sa patay.
3 然後去見君王,對他這樣這樣說....」約阿布就把要說的話,口授給她。
Pagkatapos pumunta sa hari at sabihin sa kaniya ang tungkol sa kung ano ang aking ilalarawan.” Kaya sinabi ni Joab sa kaniya ang mga salita kaniyang sasabihin sa hari.
4 科特亞的婦人一來到君王前,便俯伏在地,叩拜喊說:「大王,救命! 」
Nang makipag-usap sa hari ang babaeng mula sa Tekoa, nagpatirapa siya sa lupa at sinabi, “Tulungan mo ako, hari.”
5 君王對她說:「妳有什麼事﹖「她答說:「哎! 我是個寡婦,我的丈夫死了。
Sinabi ng hari sa kaniya, “Anong problema?” Sumagot siya, “Ang katotohanan isa akong balo at patay na ang aking asawa.
6 你的婢女有兩個兒子,他們倆在田野裏爭鬥,無人解勸,彼此對打,竟將一個打死了。
Ako na iyong lingkod ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, nag-away silang dalawa sa bukid at walang sinumang umawat sa kanila. Pinalo ng isa ang isa at pinatay siya.
7 全族的人都起來反對你的婢女說:將那打死自己兄弟的交出來,讓我們殺了他,抵償他所殺的兄弟的命,既便是後嗣,我們也要消滅。這樣,他們連我所剩下的一星之火,也要熄滅,不讓我的丈夫在世上留名,或者留後」。
At ngayon nag-alsa laban sa iyong lingkod ang buong angkan at sinabi nila, “Isuko ang lalaking pumalo sa kaniyang kapatid, para mapatay namin siya, para bayaran ang buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay.' At kaya sisirain din nila ang tagapagmana. Samakatwid papawiin nila ang nagliliyab na uling na natitira sa akin at walang iiwan para sa aking asawa maging pangalan ni kaapu-apuhan sa ibabaw ng mundo.”
8 執行對婦人說:「妳回家去吧! 我會為妳下令查辦」。
Kaya sinabi ng hari sa babae, “Umuwi ka sa iyong bahay at mag-uutos ako ng isang bagay na gagawin para sa iyo.”
9 特科亞的婦人立即對君王說:「我主,大王! 願此罪歸於我及我父家,與大王,與陛下無干」。
Sumagot sa hari ang babae ng Tekoa, “Aking panginoon, hari, nawa'y sa akin at sa pamilya ng aking ama ang kasalanan. Walang kasalanan ang hari at kaniyang trono.”
10 君王說:「凡向妳再出言恐嚇的,你把他帶到我這裏來,誰也不敢再麻煩妳了」。
Sumagot ang hari, “Sinuman ang magsasabi ng anumang bagay sa iyo, dalhin mo siya sa akin at hindi ka niya mahahawakan kailanman.”
11 她繼續說:「望大王提及上主你的天主名,不許報復血仇的人再從事破壞,不將我的兒子消滅」。他答說:「我指著永生的上主起誓:妳兒子的一根頭髮,也決不會落在地上」。
Pagkatapos sinabi niya, “Pakiusap, nawa'y isipin ng hari si Yahweh na iyong Diyos, para hindi na makasira ng sinuman ang tagapaghiganti ng dugo, para hindi nila wasakin ang aking anak.” Sumagot ang hari, “Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok ng iyong anak ang mahuhulog sa lupa.”
12 婦人接著說:「望我主大王,許你的婢女再進一言! 」他答說:「說吧! 」
Pagkatapos sinabi ng babae, “Pakiusap hayaang magsalita pa ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari.” Sinabi niya, “Magsalita ka.”
13 婦人說:「為什麼大王想出這樣的事來,反對天主的百姓。君王說出這話,若不將自己放逐的人召回來,就不免有罪了!
Kaya sinabi ng babae, “Sa gayon bakit ka nag-iisip ng ganoong bagay laban sa mga tao ng Diyos? Dahil sa pagsasabi ng bagay na ito, ang hari ay katulad ng isang tao na makasalanan, dahil hindi na ibinalik pauwi ng hari ang pinalayas niyang anak.
14 我們原來都該死,如同潑在地, 上的水,不能再收回,天主也不再給人生命;所以大王要設法不使那放逐的人,成為一個永不能再回家的人。
Dahil dapat mamatay tayong lahat at katulad ng tubig na natapon sa lupa na hindi na maaaring matipong muli. Pero hindi kumukuha ng buhay ang Diyos; sa halip, hahanap siya ng isang paraan para ibalik ang isang pinaalis mula sa kaniyang sarili.
15 我現今到這裏來,向我主大王提及此事,是因為有些人恐嚇我,為此你的婢女想:我得向君王說明,也許君王會實踐他婢女的請求。
Pagkatapos ngayon, sa pagkakakita na pumarito ako para sabihin ang bagay na ito sa panginoon ko na hari, Ito ay dahil tinakot ako ng mga tao. Kaya sinabi ng iyong lingkod sa kaniyang sarili, 'Makikipag-usap ako ngayon sa hari. Marahil gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.
16 因為大王必會聽從我,從那由天主產業中剷除和我兒子之人的手中,救出自己的婢女來。
Dahil pakikinggan ako ng hari, para iligtas ang kaniyang lingkod mula sa kamay ng lalaki na sisira sa akin at sa aking anak ng sama-sama, mula sa pamana ng Diyos.'
17 所以你的婢女說:我主大王的話,實能安慰人心,因為我主大王對於分辨善惡,實如同天主的使者。望上主你的天主,與你同在! 」
Pagkatapos nanalangin ang iyong lingkod, “Yahweh, pakiusap hayaang magbigay ginhawa sa akin ang salita ng aking amo na hari, dahil gaya ng isang anghel ng Diyos, gayon din ang aking amo na hari sa pagsasabi ng mabuti mula sa masama.' Makasama mo nawa si Yahweh na iyong Diyos.”
18 君王回答婦人說:「我有一事問妳,妳可不要對我隱瞞」。婦人答說:「我主大王,請說! 」
Pagkatapos sumagot ang hari at sinabi sa babae, “Pakiusap huwag itago mula sa akin ang anumang bagay na aking tinatanong sa iyo.” Sumagot ang babae, “Hayaang magsalita ngayon ang aking panginoon na hari.”
19 君王問說:「在這一切事上,是不是約阿布的手在妳後面﹖」婦人答說:「我一王萬歲! 我主君王所說的,絲毫不差,正是你的僕人約阿布吩咐了我,是他將這一切話,口授給你的婢女。
Sinabi ng hari, “Kasama mo ba ang kamay ni Joab sa lahat ng ito?” Sumagot ang babae at sinabi, “Habang buhay ka, aking panginoon na hari, walang isa mang makakatakas sa iyong kanang kamay o sa kaliwa mula sa anumang bagay na sinabi ng aking panginoon na hari. Ang iyong lingkod na si Joab ang siyang nag-utos sa akin at sinabi sa akin ang mga bagay na ito na sinabi ng iyong lingkod.
20 事實改變真相的,確是你的僕人約阿布所做的;但是我主賢明,賢明得如同天主的使者,曉得地上所有的事」。
Ang iyong lingkod na si Joab ang gumawa nito para palitan ang takbo ng pangyayari. Matalino ang aking panginoon, katulad ng katalinuhan ng isang anghel ng Diyos at alam niya ang lahat ng bagay na nangyayari sa lupain.”
21 王便對約阿布說:「好,現在我就履行此事,召回孩子阿貝沙隆來! 」
Kaya sinabi ng hari kay Joab, “Tingnan mo ngayon, gagawin ko ang bagay na ito. Pagkatapos pumunta ka at isama pabalik ang binatang si Absalom.”
22 約阿布就俯首至地,叩拜祝福君王,隨後說:「我主大王,今天今日你的僕人知道,我在你眼前蒙得了寵幸,因為大王實踐了他僕人的請求」。
Kaya nagpatirapa si Joab sa lupa bilang paggalang at pasasalamat sa hari. Sinabi ni Joab, “Ngayon alam ng iyong lingkod na nakasumpong ako ng kabutihang-loob sa iyong paningin, aking panginoon na hari na ginawa ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.''
23 約阿布就起身,往革叔爾去,將阿貝沙隆領回耶路撒冷。
Kaya tumayo si Joab, pumunta sa Gesur at dinala si Absalom pabalik sa Jerusalem.
24 君王說:「叫他回自己家裏去吧! 不要來見我」。於是阿貝沙隆回到自己家裏,不是見君王的面。
Sinabi ng hari, “Maaari siyang bumalik sa kaniyang sariling bahay, pero hindi niya maaaring makita ang aking mukha.” Kaya bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, pero hindi nakita ang mukha ng hari.
25 在全以色列中,沒有一人像阿貝沙隆那樣英俊,堪受讚美的,在他身上,自踵至頂,沒有一默缺陷。
Ngayon, walang sinuman sa buong Israel ang pinuri para sa kaniyang kakisigan na higit pa kay Absalom. Walang kapintasan sa kaniya mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo.
26 他剪髮以後,──他每年年底剪髮一次,因為頭上積髮太多,他必須剪去,──稱了稱剪的頭髮,依王家的衡制,重二百「協刻耳」。
Kapag ginugupit niya ang buhok sa kaniyang ulo sa katapusan ng bawat taon, dahil mabigat ito sa kaniya, tinitimbang niya ang kaniyang buhok; tumitimbang ito ng dalawang daang sekel na sinusukat sa pamamagitan ng pamantayang timbang ng hari.
27 阿貝沙隆有三個兒子,一個女兒;女兒名叫塔瑪爾,是個很美麗的女子。
Isinilang kay Absalom ang tatlong anak na lalaki at isang anak na babae na ang pangalan ay Tamar. Isa siyang magandang babae.
28 阿貝沙隆在耶路撒冷住了兩年,仍未得見君王的面。
Nanirahan si Absalom sa Jerusalem ng dalawang buong taon na hindi nakikita ang mukha ng hari.
29 阿貝沙隆遂派人到約阿布那裏,求他引自己去見君王。但是,約阿布不願到他那裏去,他又派人去,他仍是不肯來。
Pagkatapos nagpadala ng salita si Absalom kay Joab para ipadala siya sa hari, pero hindi pumunta sa kaniya si Joab. Kaya nagpadala ng salita si Absalom sa pangalawang pagkakataon, pero hindi parin pumunta si Joab.
30 他於是對的僕人說:「你們看,約阿布的莊田與我的相接,他在那裏種了大麥,你們去放火燒田」。阿貝沙隆的僕人於是放火燒了田。
Kaya sinabi ni Absalom sa kaniyang mga lingkod, “Tingnan, malapit sa akin ang bukid ni Joab at mayroon siyang sebada roon. Puntahan ninyo at sunugin ito.” Kaya sinunog ng mga lingkod ni Absalom ang bukid.
31 約阿布就起身來到阿貝沙隆的家裡,對他說:「你的僕人為什麼燒了我的田?」
Pagkatapos tumayo si Joab at pumunta sa bahay ni Absalom at sinabi sa kaniya, “Bakit sinunog ng iyong mga lingkod ang aking bukid?”
32 阿貝沙隆回答約阿布說:「看,我派人到你那裡說:請你到我這裡來,我願派你去見君王,問他為什麼叫我從革叔爾回來?假如我仍留在那裡,為我豈不更好!如今我願見君王的面,我若有罪,他可殺我!」
Sumagot si Absalom kay Joab, “Tingnan, nagpadala ako ng salita sa iyo na nagsasabing, 'Pumarito ka para maaaring maipadala kita sa hari para sabihin na, “Bakit pa ako pumarito mula sa Gesur? Mas mabuti pang nanatili ako roon. Kaya ngayon hayaan akong makita ang mukha ng hari at kung nagkasala ako, hayaan siyang patayin ako."”'
33 約阿布便去見君王,稟告了這些話。王遂召見阿貝沙隆;他來到君王前,俯首至地,叩拜君王;君王就吻了阿貝沙隆。
Kaya pumunta si Joab sa hari at sinabihan siya. Nang pinatawag ng hari si Absalom, pumunta siya sa hari at yumukod nang mababa sa lupa sa harapan ng hari at hinagkan ng hari si Absalom.