< 列王紀下 22 >
1 約史雅登基時才八歲,在耶路撒冷作王凡三十一年,他的母親名叫耶狄達,是波茲卡特人阿達雅的女兒。
Si Josias ay walong taong gulang nang magsimula siyang maghari; naghari siya nang tatlumpu't isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jedida (siya ang anak ni Adaya na taga-Boskat).
2 他行了上主視為正義的事,在一切事上,走了他祖先達味的路。不偏左也不偏右。
Ginawa niya kung ano ang tama sa mata ni Yahweh. Lumakad siya sa lahat ng pamamaraan ni David ang kaniyang ninuno, at hindi siya lumiko sa kanan man o sa kaliwa.
3 約史雅為王十八年時,派默叔藍的孫子,沙番書記到上主的殿裏去,吩咐他說:「
Nangyari ito sa ika-labing walong taon ni Haring Josias, nang isinugo niya si Safan anak na lalaki ni Azalias anak na lalaki ni Mesulam, ang eskriba, sa tahanan ni Yahweh, na sinasabing,
4 你去見大司祭希耳克雅,請他將獻於上主聖殿,和守門人由人民收來的銀錢結算清濋,
Pumunta ka kay Hilkias ang punong pari at sabihin sa kaniyang bilangin ang pera na dinala sa tahanan ni Yahweh, na nalikom ng mga bantay ng templo mula sa bayan.
5 交給那些在上主殿內監工的人,叫他們發給那些在上主殿內工作和修理聖殿破壞地方的工人,
Ipadala mo ito sa kanila sa mga manggagawa na namamahala sa tahanan ni Yahweh at ipabigay mo ito sa mga manggagawa na nasa tahanan ni Yahweh, para kumpunihin ang mga sira sa templo.
6 即木匠、工人和泥水匠,或購買修理聖殿的木料和鑿好的石頭。
Magpabigay ka sa kanila ng pera sa mga karpintero, mga nagtatayo, at mga mason, at para bumili rin ng troso at magtabas ng bato para kumpunihin ang templo.”
7 銀子交給他們之後,不必再同他們算帳,因為他們都是辦事很忠信的人。」
Pero hindi kinailangan ang pagbibigay-sulit para sa pera na ibinigay sa kanila, dahil tapat nila itong pinanghawakan.
8 大司祭希耳克雅對沙番書記說:「我在上主殿內發現了法律書。」希耳克雅將這卷書交給了沙番,沙番讀了。
Sinabi ng punong pari na si Hilkias kay Safan, ang eskriba, “Natagpuan ko ang Aklat ng Batas sa tahanan ni Yahweh. Kaya ibinigay ni Hilkias ang aklat kay Safan, at binasa niya ito.
9 沙番書記遂來見君王,向君王報告說:「你的僕人已將聖殿內所有的銀錢倒出來,交給了那些在上主殿內監工的人。」
Pumunta si Safan at dinala ang aklat sa hari, at nag-ulat din sa kaniya, na nagsasabing, “Nagastos na ng inyong mga lingkod ang pera na natagpuan sa templo at ibinigay ito sa mga tagapangsiwa na nangalaga sa tahanan ni Yahweh.”
10 沙番書記繼而又向君王報告說:「大司祭希耳克雅交給我一卷書。」沙番就在君王面前朗讀了那書。
Pagkatapos sinabi ni Safan ang eskriba sa hari, “Binigyan ako ni Hilkias ang pari ng isang aklat.” Pagkatapos binasa ito ni Safan sa hari.
11 君王一聽了法律書上的話,就撕裂了自己的衣服,
Noong marinig ng hari ang mga salita ng batas, pinunit niya ang kaniyang mga damit.
12 即刻吩咐大司祭希耳克雅,沙番的兒子阿希甘,米加的兒子阿革波爾,沙番書記和君王的臣僕阿撒雅說:「
Inutusan ng hari sina Hilkias ang pari, Ahikam na anak ni Safan, Akbor na anak ni Mikaias, Safan ang eskriba, at Asaias, ang kaniyang sariling lingkod, na sinasabing,
13 你們為我,為人民,為全猶大,去求問上主關於所發現的書上的話;因為我們的祖先沒有聽從這卷書上的話,也沒有按造這卷書上所記載的去實行,所以上主對我們大發忿怒。」
“Pumunta kayo at sumangguni kay Yahweh para sa akin, at para sa bayan at para sa lahat ng Juda, dahil sa mga salita ng aklat na ito na natagpuan. Dahil labis ang galit ni Yahweh na nag-alab laban sa atin. Labis ito, dahil hindi nakinig ang ating mga ninuno sa mga salita ng aklat na ito para sundin ang lahat na isinulat tungkol sa atin.”
14 大司祭希耳克雅、阿希甘、阿革波爾、沙番和阿撒雅,於是去見住在耶路撒冷新市區,哈爾哈斯的孫子,提刻瓦的兒子,管理祭衣的沙隆的妻子,女先知胡耳達,向她說明了來意以後,
Kaya pumunta sina Hilkias ang pari, Ahikam, si Akbor, Safan at Asaias kay Hulda ang babaeng propeta, ang asawa ni Sallum anak ni Tikva anak ni Harhas, tagapag-ingat ng mga kasuotan ng mga pari (nanirahan siya sa Jerusalem sa ikalawang purok), at nagsalita sila sa kaniya.
15 她就回答他們說:「上主以色列的天主這樣說:你們去回報那派你們來見我的人說說:
Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: “Sabihin mo sa lalaking nagsugo sa iyo sa akin,
16 上主這樣說:看,我必要依照猶大王所讀的那卷書上的一切話:使災禍降在這地方和這地方的居民身上,
“Ito ang kung ano ang sinasabi ni Yahweh: “Masdan mo, malapit na akong magdala ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, lahat ng mga salita ng aklat na nabasa ng hari ng Juda.
17 因為他們捨棄了我,向別的神焚香。凡他們所做的,無不惹我動怒;所以我的怒火要向這地方發作,總不熄滅。
Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog ng insenso sa ibang mga diyus-diyosan, para galitin nila ako sa lahat ng kanilang mga ginawa - kaya ang aking galit ay nag-alab laban sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.'”
18 至於那派你們來求問上主的猶大王,你們要這樣對他說:上主以色列的天主這樣說:你既然聽了這些話,
Pero sa hari ng Juda, na nagsugo sa iyo para tanungin ang kalooban ni Yahweh, ito ang kung ano ang sasabihin ninyo sa kaniya: ' Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Tungkol sa mga salita na iyong narinig:
19 既然一聽見我指著這地和這地上的居民,說他們必要成為令人驚駭和詛咒的對象,你就動了心,在我面前自卑自賤,撕裂了自己的衣服,在我面前痛哭,因此我也應允了你:上主的斷語。
dahil ang iyong puso ay malambot, at dahil nagpakumbaba ka sa harap ni Yahweh, nang marinig mo ang kung ano ang aking sinabi laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, na sila ay pababayaan at magiging isang sumpa, at dahil sa pinunit mo ang iyong mga damit at nanangis sa harap ko, nakinig din ako sa iyo' - ito ang pahayag ni Yahweh.
20 我要使你與你的祖先團聚,你要平安歸到你的墳墓裏,你的眼睛也不會見到我要在這地方所降的一切災禍。」他們回去向君王報告了這話。
Masdan mo, isasama kita sa iyong mga ninuno; maisasama ka sa iyong libingan nang may kapayapaan, ni makikita ng iyong mga mata ang anuman sa mga sakuna na dadalhin ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito.” Kaya bumalik sa hari ang mga lalaki dala-dala ang mensaheng ito.