< 列王紀下 20 >

1 在那些日子內,希則克雅患病垂危,阿摩茲的兒子依撒意亞來看他,對他說:「上主這樣說:快料理你的家務,因為你快要死,不能久活了。」
Sa mga panahon na iyon ay may sakit si Hezekias na maaari niyang ikamatay. Kaya pinuntahan siya ni Isaias ang anak ni Amoz, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Ihanda mo ang iyong sambahayan; dahil mamamatay ka na, at hindi na mabubuhay.'”
2 希則克雅就轉面向牆,懇求上主說:「
Pagkatapos humarap si Hezekias sa pader at nanalangin kay Yahweh, na sinasabing,
3 上主,求你記憶我如何懷著忠誠齊全的心,在你面前行走;如何作了你視為正義的事。」然後希則克雅放聲大哭。
“Pakiusap, Yahweh, alalahanin mo kung paano ako buong pusong lumakad ng tapat sa iyong harapan, at kung paano ko ginawa ang tama sa iyong paningin.” At tumangis ng malakas si Hezekais.
4 依撒意亞出來,還沒有走到中院,上主的話傳於他說:「
Bago lumabas si Isaias sa gitnang patyo, dumating sa kaniya ang mensahe ni Yahweh, na sinasabing,
5 你回去,告訴我人民的領袖希則克雅說:上主,你祖先達味的天主這樣說:我聽見了你的祈禱,看見了你的眼淚。看,我必要治好你,第三天你就能上上主的殿。
“Bumalik ka, at sabihin kay Hezekias, ang pinuno ng aking bayan, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na inyong ninuno: “Narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Pagagalingin na kita sa ikatlong araw, at aakyat ka sa tahanan ni Yahweh.
6 我要在你的壽數上多加十五年,且由亞述王手中拯救你和這座城;為了我自己和我的僕人達味,我必要保護這座城。」
Dadagdagan ko ng labinlimang taon ang iyong buhay, at ililigtas kita at ang lungsod na ito mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, at ipagtatanggol ko ang lungsod na ito para sa sarili kong kapakanan at para sa kapakanan ng aking lingkod na si David.'”
7 依撒意亞遂吩咐說:「拿一塊無花果餅來。」人就拿來,貼在瘡口上;君王就好了。
Kaya sinabi ni Isaias, “Kumuha kayo ng tumpok ng mga igos.” Ginawa nila ito at pinatong sa kaniyang pigsa, at gumaling siya.
8 希則克雅對依撒意亞說:「有什麼徵兆,上主要治好我,第三天我就能上上主的殿﹖」
Sabi ni Hezekias kay Isaias, “Ano ang magiging tanda na pagagalingin ako ni Yahweh, at dapat akong umakyat sa templo ni Yahweh sa ikatlong araw?”
9 依撒意亞回答說:「這就是上主給你的徵兆,上主必實踐他所說的話:你要日影向前進十度,還是要往後退十度﹖」
Sumagot si Isaias, “Ito ang magiging tanda para sa iyo mula kay Yahweh, na gagawin ni Yahweh ang bagay na kaniyang sinabi. Dapat bang humakbang ang anino ng sampung hakbang pasulong, o sampung hakbang pabalik?”
10 希則克雅答說:「日影向前進十度太容易,我不要;我要日影倒退十度。」
Sumagot si Hezekias, “Madali lang para sa anino na humakbang ng sampung beses pasulong. Hindi, hayaang humakbang ang anino ng sampung hakbang pabalik.”
11 先知依撒意亞呼求上主,上主就使射在阿哈次日晷上的日影倒退了十度。
Kaya tumawag si Isaias kay Yahweh, at dinulot niya ang anino na humakbang ng sampung beses pabalik, mula sa pinanggalingan nito sa hagdan ni Ahaz.
12 那時,巴比倫王巴拉丹的兒子默洛達客捌拉丹派人來見希則克雅,呈上書信和禮物,因為他聽說希則克雅患病又好了。
Sa panahon na iyon si Berodac Baladan na anak ni Baladan hari ng Babilonia ay nagpadala ng mga liham at isang kaloob kay Hezekias, dahil narinig niya na nagkaroon ng karamdaman si Hezekias.
13 希則克雅非常高興,就叫使者參觀自己的寶庫、金銀、香料、珍膏和武器庫,以及他府庫內所有的財寶:凡他宮中和全國內所有的,希則克雅沒有一樣不叫他們不看的。
Nakinig si Hezekias sa mga liham na iyon, at pinakita niya sa mga mensahero ang buong palasyo at ang kaniyang mahahalagang mga gamit, ang pilak, ang ginto, ang mga sangkap at mahalagang langis, at ang imbakan ng kaniyang mga sandata, at lahat ng matatagpuan sa kaniyang mga imbakan. Walang natira sa kaniyang bahay, ni sa lahat ng kaniyang kaharian, ang hindi pinakita ni Hezekias sa kanila.
14 依撒意亞先知遂來見希則克雅,對他說:「這些人說了什麼﹖他們是從什麼地方到你這裡來的﹖」希則克雅回答說:「他們是從遠方,從巴比倫來的。」
Pumunta si propeta Isaias kay Haring Hezekias at tinanong siya, “Anong sinabi ng mga lalaking ito sa iyo? Saan sila nagmula?” Sinabi ni Hezekias, “Nagmula sila sa malayong bansa ng Babilonia.”
15 先知又問說:「他們在你宮中看見了什麼﹖」希則克雅回答說:「凡我宮中所有的,他們都看了;凡我府庫內所有的,沒有一樣我不叫他們不看的。」
Tinanong ni Isaias, “Ano ang nakita nila sa bahay mo?” Sumagot si Hezekias, “Nakita nila lahat ng bagay sa aking bahay. Wala sa mga mahahalaga kong mga gamit ang hindi ko ipinakita sa kanila.”
16 依撒意亞遂對希則克雅說:「你聽上主的話罷!
Kaya sinabi ni Isaias kay Hezekias, “Makinig sa mensahe ni Yahweh:
17 日子要到,凡你宮中所有的,及你祖先直到今日所積蓄的,都要被帶到巴比倫去,什麼也不會留下:上主說。
'Tingnan mo, paparating na ang araw nang lahat ng nasa iyong palasyo, ang mga bagay na inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
18 此外,由你所出,即你所生的子孫中也有一些要被擄去,在巴比倫王宮內充當太監。
At ang mga anak na lalaki na nanggaling sa iyo, na ikaw mismo ang nag-alaga—dadalhin nila palayo, at sila ay magiging mga eunoko sa palasyo ng hari ng Babilonia.'”
19 希則克雅對依撒意亞說:「你所說的上主的話是合理的!」繼而說:「惟願我有生之日有平安,有安全! 」
Pagkatapos sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Mabuti ang mensahe ni Yahweh na iyong sinabi.” Dahil inisip niya, “Hindi ba magkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa aking panahon?”
20 希則克雅其餘的事蹟,他的英勇和他怎樣鑿池築溝,引水入城的事,都記載在猶大列王實錄上。
Para sa ibang mga bagay tungkol kay Hezekias, at lahat ng kaniyang kapangyarihan, at kung paano niya itinayo ang tubigan at ang padaluyan ng tubig, at paano niya dinala ang tubig sa lungsod—hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda?
21 希則克雅與他的列祖同眠,他的兒子默納舍繼位為王。
Nahimlay si Hezekias kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Manasses na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

< 列王紀下 20 >