< 列王紀下 18 >

1 以色列王厄拉的兒子曷舍亞三年,阿哈次的兒子希則克雅登基為猶大王。
Ngayon sa pangatlong taon ni Hosea na anak ni Ela, hari ng Israel, nagsimulang maghari si Hezekias na anak ni Ahaz, hari ng Juda.
2 他登極時年二十五歲,在耶路撒冷作王凡二十九年;他的母親名阿彼雅,是則加黎雅的女兒。
Dalawampu't limang taong gulang siya nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Abija ang pangalan ng kaniyang ina; na anak ni Zecarias.
3 希則克雅行了上主視為正義的事,完全像他祖先達味所行的一樣;
Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yahweh, sinunod ang lahat ng halimbawa na ginawa ni David, na kaniyang ninuno.
4 他廢除了高丘,毀壞了石柱,砍倒了木偶,打碎了梅瑟所製造的銅蛇,因為直到那時,以色列子民仍向銅蛇焚香,稱為乃胡市堂。
Tinanggal niya ang mga dambana, winasak ang mga sagradong poste na gawa sa bato, at pinutol ang mga poste ni Asera. Pinagpira-piraso niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil sa mga panahon na iyon nagsusunog dito ng insenso ang bayan ng Israel; tinawag itong “Nehustan”.
5 他信賴上主以色列的天主;在他前後的猶大列王中,沒有一個可與他相比的。
Nagtiwala si Hezekias kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na walang katulad sa lahat ng mga haring sumunod sa kaniya, ni sa mga haring sinundan niya.
6 他依靠上主,緊隨不離,謹守上主頒給梅瑟的誡命。
Dahil nanindigan siya kay Yahweh. Hindi siya tumigil sa pag-sunod sa kaniya pero iningatan niya ang lahat ng kaniyang mga kautusan, na inutos ni Yahweh kay Moises.
7 因此,上主與他同在,他無論作什麼,必都順利,且擺脫了亞述王的羈絆,不再作他的藩屬;
Kaya sinamahan ni Yahweh si Hezekias, at saanman siya pumunta siya ay sumagana. Naghimagsik siya laban sa hari ng Asiria at hindi siya pinaglingkuran.
8 又擊敗了培肋舍特人,直追到迦薩,佔領了他們的土地,攻取了守望台和堅城。
Nilusob niya ang mga taga-Filisteo patungong Gaza at ang mga hangganang nasa paligid, mula sa tore ng bantay hanggang sa matibay na lungsod.
9 希則克雅王四年,即以色列王厄拉的兒子曷舍亞七年,亞述王沙耳瑪乃色來進攻撒瑪黎雅,圍困了這城;
Sa ika-apat na taon ni Haring Hezekias, na ika-pitong taon ni Haring Hosea na anak ni Ela hari ng Israel, nilusob ni Salmaneser na hari ng Asiria ang Samaria at pinalibutan ito.
10 三年年底攻下,即希則克雅王六年,以色列王曷舍亞九年,撒瑪黎雅失陷。
Sa katapusan ng ikatlong taon ay kinuha nila ito, sa ika-anim na taon ni Hezekias, na ika-siyam na taon ni Hoshea na hari ng Israel; sa ganitong paraan ay nasakop ang Samaria.
11 亞述王遂將以色列人擄往亞述,徙置在哈拉黑和靠近哥倉河的哈波爾,以及瑪待各城內。
Kaya dinala ng hari ng Asiria ang mga Israelita papuntang Asiria at nilagay sila sa Hala, at sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
12 這是因為他們沒有聽從上主,他們天主的聲音,違反了他的盟約:凡上主的僕人梅瑟所吩咐的,他們一概沒有聽從,也沒有遵行。
Ginawa niya ito dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, pero nilabag ang kaniyang tipan, lahat ng inutos ni Moises ang lingkod ni Yahweh. Tinanggihan nilang makinig dito o gawin ito.
13 希則克雅王十四年,亞述王散乃黑黎布前來進攻猶大的一切堅城,都佔領了。
Pagkatapos sa ika-labing apat na taon ni Haring Hezekias, nilusob ni Senaquerib na hari ng Asiria ang lahat ng matitibay na lungsod ng Juda at sinakop sila.
14 猶大王希則克雅於是派遣使者,到拉基士去見亞述王說:「我錯了,請你退兵;凡你向我提出的條件,我都接受。」於是亞述王限令猶大王希則克雅繳納三百「塔冷通」銀子,三十「塔冷通」金子。
Kaya nagpadala si Hezekias hari ng Juda ng mensahe sa hari ng Asiria, na nasa Lacis, sinasabing, “Nasaktan ko ang iyong kalooban. Lumayo ka mula sa akin. Titiisin ko kung anuman ang ipataw mo sa akin.” Hiningi ng hari ng Asiria kay Hezekias na hari ng Juda na magbayad ng tatlong daang talento ng pilak at tatlumpung talento ng ginto.
15 希則克雅只得把上主殿內,和王宮府庫所有的銀子都交出來。
Kaya binigay sa kaniya ni Hezekias ang lahat ng pilak na natagpuan sa tahanan ni Yahweh at sa mga pananalapi sa palasyo ng hari.
16 同時,猶大王希則克雅將上主殿宇門上的金子和他自己包鑲在門柱上的金子都剝下來,交給了亞述王。
Pagkatapos pinutol ni Hezekias ang ginto mula sa mga pinto ng templo ni Yahweh at mula sa mga poste na kaniyang pinagpatungan; binigay niya ang ginto sa hari ng Asiria.
17 亞述王從拉基士打發元帥、衛隊長和大將軍率領大軍到耶路撒冷去見希則克雅。他們就上到耶路撒冷,一來到,就站在上池的水溝旁,漂布田間的大路上,
Pero pinakilos ng hari ng Asiria ang kaniyang dakilang hukbo, pinadala si Tartan at Rabsaris at ang punong tagapag-utos mula sa Lacis kay Haring Hezekias sa Jerusalem. Naglakbay sila sa kalsada at dumating sa labas ng Jerusalem. Nilapitan nila ang padaluyan ng tubig sa itaas na tubigan, sa malawak na daanan ng mga naglalaba, at tumayo dito.
18 求見君王。希耳克雅的兒子厄里雅金家宰,舍布納書記和阿撒夫的兒子約阿黑史官,出來迎接他們。
Nang nanawagan sila kay Haring Hezekias, sina Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng sambahayan, at Sebna ang eskriba, at Joas anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay lumabas para katagpuin sila.
19 大將軍對他們說:「你們去告訴希則克雅說:大王,亞述王這樣說:你所依靠的,算得什麼依靠﹖
Kaya sinabi sa kanila ng punong tagapag-utos na sabihin kay Hezekias kung ano ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asiria: “Ano ang pinanggagalingan ng iyong kapanatagan?
20 你想空口說話,就是戰略和戰鬥的力量嗎﹖如今你靠誰來背叛我﹖
Nagsasalita ka lang ng mga walang kabuluhang mga salita, sinasabi mong may mga alyansa at lakas para sa digmaan. Ngayon sino ang iyong pinagkakatiwalaan? Sino ang nagbigay sa iyo ng tapang na maghimagsik laban sa akin?
21 我現在你看,你依靠的埃及是一根破裂的蘆杖;誰依靠這杖,它就刺傷誰的手,且把手刺透;埃及王法郎對所有依靠他的人,就是這樣。
Tingnan mo, nagtitiwala ka sa tungkod na panglakad ng bugbog na tambo ng Ehipto, pero kapag sinandalan ito ng isang tao tutusok ito sa kaniyang kamay at bubutasin ito. Iyon ang Paraon hari ng Ehipto sa sinumang nagtitiwala sa kaniya.
22 假使你們對我說:我們依靠雅威我們的天主,希則克雅豈不是曾推翻他的高丘和祭壇,且對猶大和耶路撒冷說:你們只應在耶路撒冷的這祭壇前朝拜﹖
Pero kapag sinabi mo sa akin, 'Nagtitiwala kami kay Yahweh aming Diyos', hindi ba't siya ang tinaggalan ni Hezekias ng mga dambana at mga altar, at sinabi sa Juda at sa Jerusalem, 'Dapat kayong magsamba sa altar na ito sa Jerusalem'?
23 如今你可與我的主上亞述王打賭:我給你兩千匹馬,你是否能給這些馬配上騎兵﹖
Kaya ngayon, nais kong gumawa ka ng magandang alok mula sa aking panginoon ang hari ng Asiria. Bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung makakahanap ka ng mga sasakay sa kanila.
24 若不能,你怎敢拒絕我主上最小僕人中的一個軍長,而去依靠埃及的戰車和騎兵﹖
Paano mo malalabanan kahit ang isang kapitan ng mahihina sa mga lingkod ng aking panginoon? Pinagkatiwalaan mo ang Ehipto para sa mga karwahe at mangangabayo!
25 現在,我上來攻打毀滅這地,難道不是雅威的意思嗎﹖雅威曾對我說:你上去攻打這地,加以毀滅! 」
Naglakbay ba ako dito nang wala si Yahweh para labanan at wasakin ang lugar na ito? Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Lusubin mo ang lupain at wasakin ito.'”
26 希耳克雅的兒子厄里雅金、舍布納和約阿黑對大將軍說:「請你對你的僕人說阿剌美話,因為我們都懂;你不要對我們說猶太話,因為城牆上的百姓能聽到。」
Pagkatapos sinabi nila Eliakim na anak ni Hilkias, ni Sebna, at ni Joas sa punong tagapag-utos, “Pakiusap, kausapin mo ang iyong mga lingkod sa wikang Aramaic, dahil naiintindihan namin ito. Huwag mo kaming kausapin sa wika ng Juda sa tainga ng mga mamamayang nasa pader.”
27 大將軍回答說:「難道我的主上打發我來,只對你的主上和你講這些話,而不是對那些坐在城牆上,和你們一樣該吃自己的糞,喝自己的尿的人,講這些話嗎﹖」
Pero sinabi ng punong tagapag-utos sa kanila, “Pinadala ba ako ng aking panginoon para sabihin sa inyong panginoon at sa inyo ang mga salitang ito? Hindi ba niya ako pinadala para sa mga taong nakaupo sa pader, ang kakain ng kanilang sariling mga dumi at iinumin ang kanilang mga ihi kasama ninyo?”
28 大將軍於是站起來,仍用猶太話大聲喊說:「你們聽大王亞述王的話罷!
Pagkatapos tumayo ang punong tagapag-utos at sumigaw nang may malakas na tinig sa wikang Judio, “Makinig sa salita ng dakilang hari, ang hari ng Asiria.
29 大王這樣說:你們別上希則克雅的當,他決不能拯救你們脫離我的手;
Sinasabi ng hari, “Huwag ninyong hayaang linlangin kayo ni Hezekias, dahil hindi niya kayo maliligtas mula sa aking kapangyarihan.
30 也不要讓希則克雅使你們依靠雅威說:雅威必會拯救我們,這城決不會落在亞述王手中。
Huwag ninyong hayaang pilitin kayo ni Hezekias na pagkatiwalaan si Yahweh, na sinasabing, “Siguradong ililigtas tayo ni Yahweh; hindi mapapasakamay ang lungsod na ito sa hari ng Asiria.'”
31 千萬別聽信希則克雅! 原來亞述王曾這樣說:你們要與我和好,出來歸順我,各人就可以吃自己的葡萄和無花果,各人也可以喝自己井裡的水,
Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: 'Makipagpayapaan kayo sa akin at lumabas kayo at pumunta sa akin. Pagkatapos ang bawat isa sa inyo ay kakain sa sarili niyang ubasan at mula sa sarili niyang puno ng igos, at iinom ng tubig mula sa sarili niyang balon.
32 直到我來領你們到一個與你們本國一樣的地方去,一個有五穀和新酒的地方,一個有食糧和葡萄樹的地方,一個產橄欖油和蜂蜜的地方,叫你們生活下去,而不至於死亡。千萬別聽信希則克雅,因為他欺騙你們說:雅威必拯救我們。
Gagawin ninyo ito hanggang sa dumating ako at dalhin kayo sa lupaing gaya ng inyong sariling lupain, isang lupain ng butil at bagong alak, isang lupain ng tinapay at ubasan, isang lupain ng mga puno ng olibo at pulot, para mabuhay kayo at hindi mamatay.' Huwag kayong makinig kay Hezekias kapag sinubukan niya kayong pilitin, na sinasabing, 'Sasagipin tayo ni Yahweh.'
33 萬國的神中,有那一個由亞述王手中,拯救了自己的國土﹖
Mayroon ba sa mga diyos ng mga tao ang sumagip sa kanila mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria?
34 哈瑪特和阿帕得的神在那裡﹖色法瓦因、赫納和依瓦的神在那裡﹖撒瑪黎雅地的神在那裡﹖難道他們從我手中拯救了撒瑪黎雅﹖
Nasaan na ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan na ang mga diyos ng Sefarvaim, Hena, at Iva? Sinagip ba nila ang Samaria mula sa aking kamay?
35 在這地域中的神,有那一個由我手中救出了自己的國土﹖難道雅威就能由我手中拯救耶路撒冷嗎﹖」
Sa lahat ng mga diyos sa lupain, mayroon bang diyos na nakapagsagip ng kaniyang lupain mula sa aking kapangyarihan? Paano ililigtas ni Yahweh ang Jerusalem mula sa aking kapangyarihan?”
36 人都不作聲,一句話都沒有回答他,因為君王有命,不要回答他。
Pero nanatiling tahimik ang mga mamamayan at hindi sumagot, dahil sinabi sa kanila ng hari, “Huwag ninyo siyang sasagutin.”
37 當下希耳克雅的兒子厄里雅金家宰、舍布納書記和阿撒夫的兒子約阿黑史官,撕裂了自己的衣服,來見希則克雅,將那將軍的話全部告訴了他。
Pagkatapos sina Eliakim na anak ni Hilkias, ang pinuno ng sambahayan; si Sebna ang eskriba; at Joas ang anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay pinuntahan si Hezekias nang may mga punit na damit, at inulat sa kaniya ang mga sinabi ng punong tagapag-utos.

< 列王紀下 18 >