< 列王紀下 13 >

1 猶大王阿哈齊雅的兒子約阿士二十三年,耶胡的兒子約阿哈次在撒瑪黎雅登極作以色列王,在位凡十七年。
Sa ikadalawampu't tatlong taon na paghahari ni Joas, anak ni Ahasias hari ng Juda, si Jehoahas ay nagsimulang maghari sa Israel sa Samaria; naghari siya sa loob ng labimpitong taon.
2 他行了上主視為惡的事,隨從了乃巴特的兒子雅洛貝罕使以色列陷於罪惡的罪,始終沒有離開;
Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at sinundan niya ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na nagdulot sa Israel na magkasala; at hindi tumalikod si Jehoahas mula rito.
3 因此,上主向以色列大發忿怒,使他們不斷處於阿蘭王哈匝耳和哈匝耳的兒子本哈達得的權下。
Dahil dito, nagsiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at paulit-ulit niya silang pinasakop kay Hazael hari ng Aram at Ben Hadad anak ni Hazael.
4 約阿哈次便求上主開恩,上主俯聽了他,因為他看見以色列實在遭受阿蘭王的迫害。
Kaya nagsumamo si Jehoahas kay Yahweh, at pinakinggan siya ni Yahweh dahil nakita niya ang pang-aapi sa Israel, kung paano sila inaaapi ng hari ng Aram.
5 上主就賜給以色列一個拯救者,救他們脫離阿蘭的權下,使以色列子民像從前一樣,安居樂業。
Kaya binigyan ni Yahweh ang Israel ng isang tagapagligtas, at sila ay nakatakas sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Aramean, at ang bayan ng Israel ay nagsimulang mamuhay sa kani-kanilang tahanan gaya ng dati.
6 但是,他們仍不離開雅洛貝罕家使以色列陷於罪惡的罪,始終走這條路,並且在撒瑪黎雅還是供著阿舍辣。
Gayunpaman, hindi nila tinalikuran ang mga kasalanan ni Jeroboam, na nagdulot sa Israel na magkasala, at nagpatuloy sila sa paggawa nito. At nanatili ang diyus-diyosang Asera sa Samaria.
7 因此,上主沒有給約阿哈次留下什麼軍隊,只留下了五十騎兵,十輛車和一萬步兵;因為阿蘭王消滅了他們,使他們如同遭人踐踏的塵土。
Nagtira ang mga Amarean kay Jehoahas ng limampung mangangabayo lamang, sampung karwahe, at sampung libong kawal, dahil winasak sila ng hari ng Aram at ginawang tulad ng ipa sa panahon ng anihan.
8 約阿哈次其餘的事蹟,他的偉大作為和他的英勇,都記載在以色列列王實錄上。
Ang iba pang bagay tungkol kay Jehoahas, at ang lahat ng kaniyang ginawa at kaniyang kapangyarihan, hindi ba nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
9 約阿哈次與先祖同眠,葬在撒瑪黎雅;他的兒子耶曷阿士繼位為王。
Kaya nahimlay si Jehoahas kasama ng kaniyang mga ninuno, at siya ay inilibing nila sa Samaria. Si Joas na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
10 猶大王約阿士三十七年,約阿哈次的兒子耶曷阿士在撒瑪黎雅登極作以色列王,在位凡十六年;
Sa ikatatlumpu't pitong taon ng paghahari ni Joas hari ng Juda, nagsimula ang paghahari ni Jehoas anak ni Jehoahas sa Samaria; naghari siya sa loob ng labing-anim na taon.
11 他行了上主視為惡的事,沒有離開乃巴特的兒子雅洛貝罕使以色列陷於罪惡的罪,始終走了這條路。
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh. Hindi niya tinalikuran ang kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, kung saan nagdulot sa Israel na magkasala, at namuhay siya sa mga ito.
12 耶曷阿士其餘的事蹟,他行的一切,以及他與猶大王阿瑪責雅交戰時所表現的英勇,都記載在以色列列王實錄上。
Ang iba pang bagay tungkol kay Joas, at lahat ng kaniyang ginawa, at kaniyang katapangan kung saan nakipaglaban siya kay Amasias hari ng Juda, hindi ba ito nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
13 耶曷阿士與列祖同眠,雅洛貝罕坐上了他的王位;耶曷阿士與以色列列王同葬在撒瑪黎雅。
Nakahimlay si Joas kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Jeroboam ang umupo sa kaniyang trono. Inilibing si Joas sa Samaria kasama ng mga hari ng Israel.
14 那時,厄里叟患了不治之症,以色列王耶曷阿士下來看他,伏在他面上哭說:「我父,我父! 以色列的戰車,以色列的駿馬! 」
Ngayon, si Eliseo ay nagkasakit na kaniyang ikinamatay kalaunan, kaya si Joas ay bumaba at nanangis sa kaniya. Sinabi niya, “Ama ko, ama ko, ang mga karwahe ng Israel at mga mangangabayo ay kinukuha ka palayo!”
15 厄里叟對他說:「你取弓箭來! 」他就取了弓箭來,
Sinabi ni Eliseo, “Kumuha ka ng pana at ilang palaso,” kaya si Joas ay kumuha ng isang pana at ilang mga palaso.
16 先知吩咐王說:「將你的手放在弓上! 」他就把手放在弓箭上;厄里叟把自己的手按在君王的手上,
Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Hawakan mo ang pana,” kaya hinawakan niya ito. Pagkatapos, ipinatong ni Eliseo ang kaniyang kamay sa mga kamay ng hari.
17 說:「你打開朝東的窗戶。」他就打開了。厄里叟吩咐說:「射箭! 」他就射了箭。厄里叟說:「這是上主勝利的一箭;是戰勝阿蘭的一箭;你要在阿費克打敗阿蘭,直到將他消滅。」
Sinabi ni Eliseo, “Buksan mo ang bintanang nakaharap sa silangan,” kaya binuksan niya ito. Pagkatapos sinabi ni Eliseo, “Pumana ka!”, at pumana siya. Sinabi ni Eliseo, “Ito ang palaso ng katagumpayan ni Yahweh, palaso ng katagumpayan laban sa Aram, dahil lulusubin mo ang mga Aramean sa Afec hanggang matalo ninyo sila.”
18 厄里叟又說:「你另取幾枝箭來。」他就取了來;先知對王說:「你向地射擊! 」他射擊三次,就停止了。
Pagkatapos sinabi ni Eliseo, “Kunin mo ang mga palaso,” kaya kinuha ito ni Joas. Sinabi niya sa hari ng Israel, “Ipana mo ito sa lupa,” at pinana niya ito sa lupa nang tatlong beses, pagkatapos tumigil siya.
19 天主的人向他發怒說:「你該射擊五次或六次,纔能完全打敗阿蘭,直到將她消滅。但是現在,你只能三次擊敗阿蘭。」
Pero ang lingkod ng Diyos ay nagalit sa kaniya at sinabing, “Dapat pinana mo ang lupa ng lima o anim na beses. Pagkatapos lulusubin mo ang Aram hanggang maubos mo sila, pero ngayon, lulusubin mo lang sila ng tatlong beses.”
20 厄里叟死了,人安葬了他。第二年春,有一群摩阿布游擊隊來犯國土,
Pagkatapos namatay si Eliseo, at siya ay inilibing. Ngayon sumalakay ang pangkat ng mga Moabita sa pagsisimula ng taon.
21 那時有人正去埋葬一個死人,忽然看見這群游擊隊,便將死人拋在厄里叟的墳墓裡走了。那個死人一接觸到厄里叟的骨骸,就復活站起來。
Habang inililibing nila ang isang lalaki, nakita nila ang isang pangkat ng Moabita, kaya inihagis nila ang katawan sa libingan ni Eliseo. Pagkadikit na pagkadikit ng lalaki sa mga buto ni Eliseo, nabuhay siya at tumayo.
22 約阿哈次年間,阿蘭王哈匝耳常是壓迫以色列人,
Inapi ni Hazael hari ng Aram ang Israel sa panahon ng paghahari ni Jehoahas.
23 但上主因了同亞巴郎、依撒格和雅各伯所立的盟約,恩待、憐憫、眷顧了以色列人,不願加以消滅,所以沒有將他們從自己面前拋棄。
Pero mahabagin si Yahweh sa Israel at mayroon siyang awa at malasakit sa kanila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, Isaac at Jacob. Kaya hindi sila winasak ni Yahweh, at hindi niya pa rin sila inilayo sa kaniyang presensiya.
24 阿蘭王哈匝耳死後,他的兒子本哈達得繼位為王。
Namatay si Hazael hari ng Aram, at si Ben Hadad na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
25 約阿哈次的兒子耶曷阿士從哈匝耳的兒子本哈達得手中,又奪回了他父親約阿哈次在戰爭中所失去的城市;耶曷阿士三次擊敗了他,收復了以色列失去的城市。
Binawi ni Jehoas anak ni Joacaz mula kay Ben Hadad anak ni Hazael ang mga lungsod na kinuha mula kay Joacaz na kaniyang ama noong digmaan. Nilusob siya ni Joas tatlong beses, at nabawi niya ang mga lungsod ng Israel.

< 列王紀下 13 >