< 歷代志下 4 >

1 [製造聖殿器皿]以後,他製了一座銅壇,長二十肘,寬二十肘,高十肘。
Bukod dito, gumawa siya ng isang altar na tanso; ang haba nito ay dalawampung siko, at ang lapad nito ay dalawampung siko. Ang taas nito ay sampung siko.
2 又鑄了一個銅海,從這邊到那邊直徑十肘,作圓形,高五肘,圓周三十肘。
Ginawa rin niya ang lagayan ng tubig na tinawag na bilog na dagat na gawa sa hinulmang metal, na may sampung siko ang luwang ng labi. Ang taas nito ay limang siko, at ang dagat ay tatlumpung siko ang sukat pabilog.
3 銅海邊緣下四周圍,圍繞著匏瓜形的裝飾品,每肘十個,分兩行,匏瓜與銅海是同時鑄成的。
Sa ilalim ng labi nito ay mga toro na pumapalibot sa dagat, sampu sa bawat siko na kasamang hinulma nang hulmahin ang dagat.
4 有十二隻銅牛馱著銅海:三隻向北,三隻向西,三隻向南,三隻向東;銅海安放在銅牛背上,牛尾朝裏。
Ang lagayan ng tubig na tinawag na dagat ay nakapatong sa labindalawang toro, ang tatlo ay nakaharap sa hilaga, ang tatlo ay nakaharap sa timog, ang tatlo ay nakaharap sa kanluran, at ang tatlo ay nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa mga ito, at lahat ng kanilang mga puwitan ay nakapaloob.
5 銅海厚一掌,邊如杯邊,形似百合花,可容三千「巴特。」
Ang dagat ay kasing kapal ng lapad ng isang kamay, at ang labi nito ay pinanday gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak na liryo. Ang dagat ay may lamang tatlong libong baldeng tubig.
6 他又製了十個同盆:五個安置在右邊,五個安置在左邊,作為洗滌之用,洗滌作全燔祭的物品;但銅海只可為司祭作洗滌之用。
Gumawa rin siya ng sampung palanggana para sa paghuhugas ng mga bagay; naglagay siya ng lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa; ang mga kasangkapang ginamit sa pagsasagawa ng handog na susunugin ay huhugasan sa mga ito. Ngunit ang dagat ay paghuhugasan ng mga pari.
7 又照所規定的式樣製了十個金燈台,放在殿內:右邊五個,左邊五個。
Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
8 又製了十張桌子,放在殿內:右邊五張,左邊五張。又造了一百個金碗。
Gumawa siya ng sampung mesa at inilagay sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa. Gumawa siya ng sandaang palangganang ginto.
9 又造了司祭院與大院以及院門,門包市銅,
Bukod pa rito, ginawa niya ang patyo ng mga pari at ang malaking patyo, at ang mga pinto ng patyo; binalot niya ng tanso ang pinto ng mga ito.
10 他把銅海放在右邊東南角。[胡蘭所造的器具]
Inilagay niya ang dagat sa gawing kanan ng tahanan, sa silangan na nakaharap sa timog.
11 胡蘭也製了鍋、鏟和盤。胡蘭為撒羅滿王作了一切應為上主的殿所作的工作:
Ginawa ni Huram ang mga palayok, ang mga pala at ang mga mangkok na pangwisik. Kaya tinapos ni Hiram ang trabahong ginawa niya para kay Haring Solomon sa loob ng tahanan ng Diyos:
12 兩根柱子,兩個柱頂上的球形柱頭,兩個網子,─遮蓋柱頂上兩個球形的柱頭,
ang dalawang haligi, at ang tila mangkok na nasa itaas ng dalawang haligi, at ang dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi.
13 兩個網子上的四百個石榴,─每個網子有良行石榴,以遮蓋柱頂上兩個球形柱頭,
Ginawa niya ang apatnaraang granada para sa dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon: dalawang hilera ng granada para sa bawat hanay ng lambat upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi.
14 十個盆座及座上的十個銅盆,
Ginawa rin niya ang mga patungan at ang mga palangganang ipapatong sa patungan;
15 一個銅海及下面十二隻銅牛,
isang dagat ng maraming tubig at labindalawang toro sa ilalim nito,
16 鍋、鏟、鉤以及一切用具:這一切都是胡蘭阿彼用光滑的銅,給撒羅滿王為上主的殿所製造的,
maging ang mga palayok, mga pala, mga pantusok ng karne, at lahat ng iba pang mga kasangkapan—ginawa ni Huramabi ang mga ito mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon, para sa tahanan ni Yahweh.
17 是王在約但平原,於穌苛特與匝爾堂之間,用膠泥模鑄成的。
Hinulma ng hari ang mga ito sa kapatagan ng Jordan, sa maputik na lupa sa pagitan ng Sucot at Zaretan.
18 撒羅滿所製的這一切器皿,實在眾多;所用的銅,重量無法計算。[其他器皿]
Kaya ginawa ni Solomon ang lahat ng mga sisidlang ito sa labis na kasaganaan; sa katunayan, ang timbang ng tanso ay hindi malaman.
19 以後,撒羅滿又製造了上主殿內的一切用具:金壇和供餅的桌子,
Ginawa ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan na nasa loob ng tahanan ng Diyos, maging ang gintong altar, at ang mga mesa kung saan ilalagay ang tinapay na handog;
20 燈台和依照規例應在內殿前點的燈盞,都是用純金製成的;
ang mga patungan ng ilawan kasama ang mga ilawan ng mga ito, na dinisenyo upang sindihan sa harap ng loobang silid—gawa ang mga ito sa purong ginto;
21 還有花蕊、燈盞和燭剪,都是用金,即純金製成的;
at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga panipit ay gawa sa ginto, purong ginto.
22 還有刀、碗盤和火盤,都是純金的。殿宇的門,即進入至聖所內裏的門,以及聖殿,即正殿的門,也都是金的。
Maging ang mga sindihan ng ilawan, mga palanggana, mga panandok, at mga sunugan ng insenso ay gawa lahat sa purong ginto. Gayon din sa bungad ng tahanan, ang mga loobang pintuan nito patungo sa dakong kabanal-banalan at ang mga pintuan ng tahanan, ang templo, ay gawa sa ginto.

< 歷代志下 4 >