< 歷代志下 35 >
1 [慶祝逾越節]事後,約史雅王在耶路撒冷向上主舉行逾越節;正月十四日宰殺了逾越節羔羊,
Ipinagdiwang ni Josias ang Paskwa para kay Yahweh sa Jerusalem at pinatay nila ang mga tupang pampaskwa sa ikalabing apat na araw ng unang buwan.
Itinalaga niya ang mga pari sa kani-kanilang mga posisyon at hinikayat silang maglingkod sa tahanan ni Yahweh.
3 然後對那些教誨以色列民眾並祝聖於上主的肋未人說:「你們應將約櫃放在以色列王達味的兒子撒羅滿所建的殿裏,不必再用肩扛;從今以後,只應為上主你們的天主,和他的人民以色列服務。
Sinabi niya sa mga Levitang nagturo sa buong Israel, na tapat kay Yahweh, “Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Huwag na ninyo itong buhatin sa inyong mga balikat. Ngayon ay sambahin ninyo si Yahweh, na inyong Diyos, at paglingkuran ang kaniyang sambayanang Israel.
4 你們應依家族和班次,照以色列王達味和他的兒子撒羅滿所規定的,自做準備;
Ayusin ninyo ang inyong mga sarili ayon sa pangalan ng inyong mga sambahayan at inyong mga pangkat, na sinusunod ang mga nakasulat na tagubilin ni David, ang hari ng Israel at ni Solomon na kaniyang anak.
5 要按照家族的班次,照平民兄弟們的需要,在聖殿內值班,每班內應有幾個肋未家族的人。
Tumayo kayo sa banal na lugar, ayon sa inyong posisyon kasama ang inyong mga pangkat sa loob ng mga sambahayan ng inyong mga kapatid, ang mga kaapu-apuhan ng mga tao, at ayon sa inyong posisyon sa inyong mga pangkat sa loob ng sambahayan ng mga Levita.
6 應宰殺逾越節羔羊,聖潔自己,為你們弟兄預備一切,全照上主藉著梅瑟吩咐的進行。」
Katayin ninyo ang mga tupang pampaskwa at ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Ihanda ninyo ang mga tupa para sa inyong mga kapatid na mga Israelita. Gawin ninyo iyon bilang pagsunod sa salita ni Yahweh na ibinigay kay Moises.”
7 約史雅於是送給了百姓綿羊羔和山羔羊,凡三萬隻,為在場的人作逾越節的祭品;此外,還有公牛羊三千頭,全是出於君王所有的。
Nagbigay si Josias sa lahat ng taong naroon ng tatlumpung libong tupa at mga batang kambing mula sa mga kawan para sa mga handog para sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro, ang mga ito ay mula sa mga pagmamay-ari ng hari.
8 他的朝臣也自願給百姓、司祭和肋未人贈送祭品。天主聖殿的主管希耳克雅、則加黎雅和耶希耳,送給了司祭們二千六百之羔羊,三百頭公牛,作為逾越節的祭品。
Ang kaniyang mga tagapamuno ay nagbigay ng kusang loob na handog sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Sina Hilkias, Zacarias at Jehiel, ang mga opisyal na namamahala sa bahay ng Diyos ay nagbigay sa mga pari para sa mga handog sa Paskwa ng 2, 600 na maliliit na mga kambing at tatlong daang baka.
9 肋未人的領袖苛納尼雅和他的兩個兄弟舍瑪雅和乃塔乃耳,以及哈沙彼雅、耶依耳和約匝巴得,送給了肋未人五千隻羔羊,五百頭公牛,作為逾越節的祭品。
Gayun din sina Conanias, at Semaya, Natanael, ang kaniyang mga kapatid, sina Hosabias, Jehiel at Jozabad, ang mga pinuno ng mga Levita ay nagbigay sa mga Levita ng mga handog sa Paskwa ng limang libong maliliit na kambing at limang daang mga baka.
10 職務安排好了以後,司祭各站在自己的地方,肋未人亦各按班次,照君王所吩咐的,站在自己的地方,
Kaya ang paglilingkod ay nakahanda na at tumayo ang mga pari sa kani-kaniyang mga puwesto, kasama ng mga Levita sa kani-kanilang mga pangkat bilang pagsunod sa utos ng hari.
11 宰殺逾越節羔羊,司祭由他們手中接過血來灑,肋未人繼續剝去牲皮,
Kinatay nila ang mga tupang pampaskwa at isinaboy ng mga pari ang dugo na kanilang tinanggap mula sa mga kamay ng mga Levita at binalatan naman ng mga Levita ang mga tupa.
12 將應燒的一份取出來,交給平民按家族分成的小組,叫他們依照梅瑟法律所載,奉獻給上主;他們也照樣奉獻了公牛。
Inalis nila ang mga handog na susunugin upang ibigay ito sa mga pangkat ng mga sambahayan ng mga tao, upang ihandog ang mga ito kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga toro.
13 然後按照常例,用火烤熟逾越節羔羊,用鍋或鼎,或罐煮熟其於奉獻的聖物,迅速分給百姓。
Inihaw nila sa apoy ang mga tupang pampaskwa gaya ng sinasabi ng tagubilin. Para naman sa mga handog na nakalaan, pinakuluan nila ito sa mga palayok, kaldero at mga kawali, at mabilis nila itong dinala sa mga tao.
14 這以後纔為自己和司祭預備,因為亞郎的子孫司祭們,直到晚上,忙於奉獻全燔祭和脂油,故此肋未人應為自己,也為亞郎的子孫司祭準備一切。
Hindi nagtagal ay inihanda nila ang mga handog para sa kanilang mga sarili at para sa mga pari, dahil ang mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron ay abala sa paghahandog ng mga handog na susunugin at ang taba hanggang sa gumabi, kaya inihanda ng mga Levita ang mga handog para sa kanilang sarili at para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron.
15 阿撒夫的後裔歌詠者,遵照達味、阿撒夫、赫曼和王的先見者耶杜通的規定,立在自己的地方;門丁看守各門,無須離開自己的職守,因為有他們的弟兄肋未人為他們準備。
Ang mga mang-aawit, ang mga kaapu-apuhan ni Asaf ay nasa kanilang mga pwesto, gaya ng iniutos ni David, sina Asaf, Heman at Jeduthun, ang mga propeta ng hari. Nasa bawat tarangkahan ang mga bantay, hindi nila kinakailangang umalis sa kanilang mga pwesto dahil ang kanilang mga kapatid na mga Levita ang naghanda ng mga handog para sa kanila.
16 這樣,一切為供奉上主,守逾越節,在上主的祭壇上奉獻全燔祭的事務,當日都依照約史雅王的吩咐準備好了。
Kaya, sa panahon iyon, ang kabuuan ng paglilingkod kay Yahweh ay ginawa para sa pagdiriwang ng Paskwa at para maghandog ng handog na susunugin sa altar ni Yahweh, gaya ng iniutos ni Haring Josias.
17 在場的以色列子民當時便舉行逾越節,並舉行無酵節七天。
Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon ang Paskwa sa panahong iyon at pagkatapos ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa loob ng pitong araw.
18 自先知撒慕爾時日以來,在以色列就從未曾舉行過這樣的逾越節;以色列各君王也沒有舉行過像約史雅同司祭、肋未人,在場的猶大和以色列民眾,並耶路撒冷居民所舉行的這逾越節。
Hindi pa nagkaroon ng ganitong pagdiriwang ng Paskwa mula sa panahon ng propetang si Samuel, at hindi ipinagdiwang ng kahit sino sa mga naging hari ng Israel ang Paskwa na gaya ng ginawa ni Josias, kasama ang mga pari, ang mga Levita, at lahat ng mga tao ng Juda at Israel na naroon at ang mga mamamayan ng Jerusalem.
19 這次逾越節是在約史雅第十八年上舉行的。]約史雅逝世]
Ipinagdiwang ang Paskwang ito sa ikalabing-walong taon ng paghahari ni Josias.
20 這些事以後,約史雅修理完了聖殿,埃及王乃苛上來攻打幼發拉的河畔的加革米士。約史雅便出兵抵抗他。
Pagkatapos ng lahat ng ito, pagkatapos isaayos ni Josias ang templo, si Neco na hari ng Ehipto ay pumunta upang makipaglaban sa Carquemis sa ilog ng Eufrates at pumunta si Josias upang labanan siya.
21 乃苛派使者對約史雅說:「猶大王,我與你有什麼關係﹖我今天來不是攻擊你,而是要進攻幼發拉的河,並且天主吩咐我急速前進;你不要干預天主的事,因為天主與我同在,免得他毀滅你。」
Ngunit nagpadala ng mga sugo si Neco sa kaniya at sinabing, “Ano ang gagawin ko sa iyo, hari ng Juda? Hindi ako naparito upang labanan ka sa araw na ito kundi laban sa sambahayan na aking kinakalaban. Inutusan ako ng Diyos na magmadali, kaya huwag mong hadlangan ang Diyos, na siyang kasama ko, kung hindi ay wawasakin ka niya.”
22 約史雅不但不轉身離去,反而堅持要攻打他,不聽從天主藉乃苛所說的話,遂到默基多平原去作戰。
Gayun pa man, ayaw tumalikod ni Josias sa kaniya. Nagbalatkayo siya upang makipaglaban sa kaniya. Hindi siya nakinig sa mga salita ni Neco na nagmula sa bibig ng Diyos, kaya pumunta siya upang makipaglaban sa lambak ng Megido.
23 弓手射傷了約史雅王,王對自己的僕人說:「我受了重傷,將我帶走! 」
Napana ng mga mamamana si Haring Josias, at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod, “Ilayo ninyo ako, dahil malubha akong nasugatan.”
24 他的僕人將他由所乘的車中抱出來,放在另一輛車上,帶到耶路撒冷,王去了世,葬在他祖先的墳墓裏。全猶大和耶路撒冷都舉喪哀悼約史雅,
Kaya inilabas siya ng kaniyang mga lingkod sa karwahe at isinakay sa ibang karwahe. Siya ay dinala sa Jerusalem, kung saan siya namatay. Inilibing siya sa libingan ng kaniyang mga ninuno. Ang lahat ng Juda at Jerusalem ay nagluksa para kay Josias.
25 耶肋米亞為約史雅作了一首輓歌,所有歌唱的男女都唱這首歌詞來哀悼約史雅,直到今日,甚至在以色列中成了常例。這些歌詞都載在輓歌集內。
Nagdalamhati si Jeremias para kay Josias. Nagdadalamhati ang lahat ng mga lalaki at mga babaeng mang-aawit kay Josias hanggang sa araw na ito. Naging kaugalian sa Israel ang mga awit na ito kaya isinulat ang mga ito sa mga awiting pangluksa.
26 約史雅其餘的事蹟,以及他遵循上主法律所載而行的大業,
Para sa mga iba pang usapin tungkol kay Josias at ang kaniyang mga mabubuting gawa bilang pagsunod sa nasusulat sa kautusan ni Yahweh—
27 和他前後所行的事蹟,都記載在以色列和猶大列王時錄上。
at ang kaniyang mga gawain, mula sa umpisa hanggang sa huli ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.