< 歷代志下 30 >

1 [宣告舉行逾越節]希則克雅派人到全以色列和猶大,且也寫了封公函給厄弗辣因和默納協,叫他們來耶路撒冷上主的殿內,向上主以色列的天主舉行逾越節,
Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
2 因為君王與首領和耶路撒冷會眾已商妥,在二月舉行逾越節。
Sapagkat ang hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem ay nagsanggunian, at napagpasiyahang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan.
3 他們不能如期舉行的原因,是因為自潔的司祭尚不敷用,百姓又尚未齊集在耶路撒冷。
Hindi nila ito maipagdiwang kaagad, sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring nakapaglaan ng kanilang sarili para kay Yahweh, at hindi rin nagtipon-tipon ang mga tao sa Jerusalem.
4 君王和全會眾都認為這樣做很對,
Ang planong ito ay tama sa paningin ng hari at ng buong kapulungan.
5 遂下令通告全以色列,從貝爾舍巴直到丹,都來耶路撒冷,向上主以色列的天主舉行逾越節,因為人很久沒有照章舉行這節了。
Kaya gumawa sila ng kautusan na kinakailangan ipahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na kinakailangang pumunta ang mga tao sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sa katunayan, hindi nila ginanap ito sa napakaraming bilang na gaya ng iniutos sa kasulatan.
6 使者遂帶君王和首領的公函,走遍全以色列和猶大,照君王的吩咐,宣佈說:「以色列的子民,你們應當轉向上主,亞巴郎、依撒格和以色列的天主,好使他轉向你們,這些擺脫亞述王權下的遺民。
Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
7 你們不可像你們的祖先和弟兄一樣,因為他們背叛了上主,他們祖先的天主,上主遂叫他們成了驚駭的對象,有如你們親眼所見的。
Huwag kayong maging katulad ng inyong mga ninuno o kaya ng inyong mga kapatid, na nagkasala laban kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya ibinigay niya sila sa pagkawasak, gaya ng inyong nakita.
8 現在,你們再別頸硬,如同你們祖先一樣,反應投奔上主,進入他永遠祝聖的居所,奉事上主你們的天主,使他的震怒轉離你們。
Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
9 如果你們轉向上主你們的天主,你們的弟兄子女,在擄掠他們的人面前必會蒙受憐憫,會再回到這地;因為上主你們的天主是慈悲的,是仁愛的;如果你們轉向他,他決不會轉面不顧你們。」
Sapagkat kung muli kayong babalik kay Yahweh, makakatagpo ng kahabagan ang inyong mga kapatid at mga anak sa harapan ng mga bumihag sa kanila, at muli silang babalik sa lupaing ito. Sapagkat si Yahweh, ang inyong Diyos, ay mapagbiyaya at maawain, at hindi niya ibabaling ang kaniyang mukha palayo sa inyo, kung babalik kayo sa kaniya.
10 使者由這城到那城,奏遍了厄弗辣因和默納協各地,直到則步隆;但是,那裏的人卻嘲笑侮辱他們。
Kaya dumaan ang mga tagapagdala ng sulat sa bawat lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zebulun; ngunit pinagtawanan at kinutya sila ng mga tao.
11 可是,有些阿協爾、默納協和則步隆人自謙自卑,來到耶路撒冷。
Gayunpaman, may mga kalalakihan sa Aser at Manases at Zebulun na nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.
12 天主的手也在猶大行事,使民眾一心遵從君王和首領,照上主的話所出的命令。[舉行逾越節]
Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
13 二月,有很多人民聚集在耶路撒冷,舉行無酵節,實行是一個大盛會。
Maraming tao, isang napakalaking kapulungan, ang nagsamasama sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa ikalawang buwan.
14 民眾起來,將耶路撒冷所有的丘壇拆毀,將所有焚香的器具拿去,丟在克德龍溪裏。
Tumindig sila at inalis ang mga altar na nasa Jerualem at ang lahat ng mga altar ng insenso; at itinapon ang mga iyon sa batis ng Kidron.
15 二月十四日宰殺了逾越節羔羊;司祭和肋未人自覺慚愧,便聖潔自己,好能在上主殿內奉獻全燔祭。
At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.
16 他們都按天主僕人梅瑟的法律,各自立在自己的地方,司祭由肋未人手中取過血來,灑在祭壇上。
Tumayo sila sa kanilang lugar ayon sa kanilang pangkat, sinusunod ang utos na nasa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na tinanggap nila mula sa mga kamay ng mga Levita.
17 因為會眾中有許多人尚未自潔,肋未人便為所有不潔的人,宰殺逾越節的羔羊,好奉獻給上主。
Dahil marami ang naroroon sa kapulungan na hindi itinalaga ang kanilang mga sarili kay Yahweh, kaya ang mga Levita ang namahala sa pagkakatay ng korderong pampaskwa para sa lahat ng hindi nakapaglinis upang ilaan ang kordero kay Yahweh.
18 實在,有許多人,有許多來自厄弗辣因,默納協、依撒加爾和則布隆的人,沒有自潔,就吃了逾越節的羔羊,竟沒有遵守明文的規定;為此,希則克雅為他們祈禱說:「
Sapagkat marami sa mga tao, ang karamihan sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, ang hindi nakapaglinis ng kanilang sarili, gayon pa man kumain sila ng pagkaing pampaskwa, labag sa nakasulat na tagubilin. Ipinanalangin sila ni Ezequias, na nagsasabing, “Patawarin nawa ng mabuting Yahweh ang bawa't isa
19 凡誠心尋求天主,上主,他們祖先的天主的人,雖然沒有依照聖所的潔禮自潔,願良善的上主予以寬恕! 」
na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar.”
20 上主垂允了希則克雅,寬恕了百姓。
Kaya pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling niya ang mga tao.
21 在耶路撒冷的以色列子民,極其歡樂,七天舉行了無酵節;肋未人和司祭們,天天讚頌上主,極力讚頌上主。
Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon sa Jerusalem ang pista ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw na may labis na kagalakan. Araw-araw nagpuri ang mga Levita at mga pari kay Yahweh, kumakanta kay Yahweh na may mga instrumentong may malakas na tunog.
22 由於所有的肋未人慇勤服事上主,希則克雅便慰勞他們。七天之久,眾人吃了節宴,獻了和平祭,稱謝了上主,他們祖先的天主。
Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
23 以後,全會眾議定,再舉行七天,於是歡樂地又舉行了七天,
Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
24 因為猶大王希則克雅送給了會眾一千頭牛犢,七千隻綿羊;首領們也送給了會眾一千頭牛犢,一萬隻綿羊;且有許多司祭已行了自潔禮。
Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
25 猶大全會眾、司祭和肋未人,來自以色列的全會眾,以及由以色列地來的,或是僑居在猶大的人,都非常高興。
Nagalak ang buong kapulungan ng Juda, kasama ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng mga taong dumating mula sa Israel, pati na rin ang mga dayuhan na mula sa lupain ng Israel at ang mga naninirahan sa Juda.
26 歡樂瀰漫了耶路撒冷,自以色列王達味的兒子撒羅滿以來,耶路撒冷從未有過這樣大的喜慶。
Kaya may labis na kagalakan sa Jerusalem, sapagkat simula sa panahon ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, ay wala pang nangyaring katulad nito sa Jerusalem.
27 肋未人司祭起來為民眾祝福,他們的聲音承蒙垂聽,他們的祈禱達於他天上的神聖居所。
Pagkatapos, tumayo ang mga pari at mga Levita at pinagpala ang mga tao. Narinig ang kanilang tinig at umabot ang kanilang dalangin sa kalangitan, ang banal na lugar kung saan naninirahan ang Diyos.

< 歷代志下 30 >