< 歷代志下 2 >

1 撒羅滿決定為上主的名建造聖殿,為自己修築王宮。
Ngayon, iniutos ni Solomon ang pagpapatayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh at pagpapatayo ng palasyo para sa kaniyang kaharian.
2 撒羅滿點派了七萬人作運夫,八萬人在山上鑿石,三千六百人作監工。
Nagtalaga si Solomon ng pitumpung libong kalalakihan na tagahakot at walumpung libong kalalakihan na tagaputol ng mga kahoy sa mga kabundukan at 3, 600 na kalalakihan upang mangasiwa sa kanila.
3 撒羅滿遣使向提洛王希蘭說:「有如你怎樣對待了我父達味,給他運來了香柏木,建造他居住的宮殿,也請你如此對待我。
Nagpadala ng mensahe si Solomon kay Hiram, ang hari ng Tiro, na nagsasabi, “Tulad ng ginawa mo sa aking amang si David na pinadalhan mo ng sedar na mga troso upang magpatayo ng tahanan na matitirahan, gawin mo rin iyon sa akin.
4 我現今要為上主我的天主的名,建造一座聖殿,奉獻給他,在他面前焚燒芬芳的香料,永遠獻上供餅,每日早晚、安息日、月朔,以及上主我們天主的節日,奉獻全燔祭:這為以色列人是永久的事。
Tingnan mo, malapit na akong magtayo ng isang tahanan para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos, upang ihandog ito sa kaniya, upang magsunog sa harap niya ng matatamis na mga sangkap, para sa tinapay ng presensiya at para sa mga alay na susunugin sa umaga at gabi, sa Araw ng Pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa nakatakdang mga kapistahan para kay Yahweh na aming Diyos. Ito ay batas ng Israel sa lahat ng panahon.
5 我建造的殿宇必須廣大,因為我們的天父大於諸神。
Ang itatayo kong tahanan ay magiging napakalaki, sapagkat mas dakila ang aming Diyos kaysa sa lahat ng mga diyus-diyosan.
6 然而,誰有能力為他建造一座殿宇﹖天與諸天之天,尚容不下他。我是誰,竟能為他建造殿宇﹖不過只是為在他面前焚香罷了!
Ngunit sino ang makapagtatayo ng isang tahanan para sa Diyos, gayong sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi siya magkasiya? Sino ako upang ipagtayo siya ng tahanan, maliban na magsunog ng mga alay sa harapan niya?
7 現在,請你給我派一位技師來,他要精於金、銀、銅、鐵,以及紫紅、朱紅、藍線等工作;並且還應會各種雕刻,好與我父親達味在猶大和耶路撒冷所準備的技術人員一同工作。
Kaya padalhan mo ako ng isang tao na dalubhasa sa pagpanday ng ginto, pilak, tanso, bakal at marunong humabi ng telang kulay ube, pula at asul, at isang tao na nakakaalam gumawa ng lahat ng uri ng pag-uukit ng kahoy. Siya ay makakasama ng mga dalubhasang kalalakihan na kasama ko sa Juda at Jerusalem, na ibinigay ng aking ama na si David.
8 請你由黎巴嫩給我運香柏、松柏和檀香木來,因為我知道你的僕人善於砍伐黎巴嫩的木材;我的僕人將與你的僕人一同工作。
Padalhan mo rin ako ng mga puno ng sedar, mga puno ng pir at mga puno ng algum mula sa Lebanon; sapagkat alam ko na mahusay ang iyong mga lingkod sa pagputol ng troso sa Lebanon. Sasamahan ng aking mga lingkod ang iyong mga lingkod,
9 他們要為我大量預備木材,因為我要建造的殿宇極其廣大。
upang ihanda ang napakaraming troso para sa akin; sapagkat magiging napakalaki at kahanga-hanga ang tahanan na aking itatayo.
10 至於你那些伐木砍樹的僕人,我必供給他們食糧,小麥二萬「苛爾,」大麥二萬「苛爾,」酒兩萬「巴特,」油兩萬「巴特。」[提洛王應允合作]
Ibibigay ko sa iyong mga lingkod, na puputol ng kahoy, ang dalawampung libong sisidlang puno ng binayong trigo, dalawampung libong sisidlang puno ng sebada, dalawampung libong sisidlang puno ng alak at dalawampung libong sisidlan na puno ng langis.”
11 提洛王希蘭回信給撒羅滿說:「上主由於愛慕自己的百姓,所以立你作了他們的君王。」
At sumagot si Hiram na hari ng Tiro sa liham, na ipinadala niya kay Solomon: “Sapagkat mahal ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ginawa ka niyang hari sa kanila.”
12 希蘭又說:「創造天地的上主以色列的天主應受讚美! 因為他賜給了達味王一個智慧的兒子,聰明機敏,可為上主建造殿宇,為自己修築無宮。
Sinabi pa ni Hiram, “Purihin si Yahweh, Diyos ng Israel, na lumikha ng langit at lupa, na nagbigay kay haring David ng isang matalinong anak, pinagkalooban ng mabuting pagpapasiya at karunungan, na magtatayo ng tahanan para kay Yahweh, at tahanan para sa kaniyang kaharian.
13 我現在打發一個具有智慧和才學的人去,他名叫胡蘭阿彼,
Ngayon nagpadala ako ng bihasang tao, na pinagkalooban ng karunungan, si Huramabi,
14 是一丹支派女人的兒子,他父親是提洛人,他精於金、銀、銅、鐵、石、木紫色、紅色、藍色、細麻,以及朱紅線各種工作,善於各種雕刻,又能設計各種托於他的技工。這人可與你的技師和你父親我主達味的技師,一同工作。
na lalaking anak ng isang babaeng mula sa angkan ni Dan. Ang kaniyang ama ay mula sa Tiro. Bihasa siyang gumawa gamit ang ginto, pilak, tanso, bakal, bato at troso at humabi ng telang kulay ube, pula at asul at pino na lino. Bihasa rin siya sa paggawa ng lahat ng uri ng pag-uukit at paggawa ng lahat ng uri ng disenyo. Isamo mo siya sa iyong mga bihasang mangagawa, at sa mga bihasang mangagawa ng aking panginoong si David na iyong ama.
15 我主談及的小麥、大麥、油和酒,請即運來分配給僕人。
At ngayon, ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak na sinabi ng aking panginoon, ipadala ninyo ang mga ito sa inyong mga lingkod.
16 我們必照你所需要的,在黎巴嫩砍伐樹木,編成木筏,由海上運到約培;以後你運到耶路撒冷。選派工匠
Puputol kami ng kahoy mula sa Lebanon, kasindami ng iyong kailangan. Dadalhin namin ito sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat patungong Jopa at bubuhatin ninyo ito patungong Jerusalem.”
17 撒羅滿按照他父親達味所統計過的數目,又統計了住在以色列境內的一切外方人,共計十五萬三千六百人,
Binilang ni Solomon ang lahat ng mga dayuhang naroon sa lupain ng Israel, na sinusunod ang paraan ng pagbilang sa kanila ni David na kaniyang ama. Sila ay 153, 600.
18 委派其中的七萬人作運夫,八萬人在山上鑿石,安千六百人作監工,督促人民工作。
Nagtalaga siya ng pitumpong libo sa kanila upang magbuhat, walumpong libo na tagaputol ng mga kahoy sa mga kabundukan at 3, 600 na tagapamahala upang pakilusin ang mga tao.

< 歷代志下 2 >