< 歷代志下 14 >

1 阿彼雅與列祖同眠,葬仔達味城;他的兒子阿撒繼位為王。他在位時,國內平安了十年。
Namatay si Abias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Ang kaniyang anak na si Asa ang naging hari. Sa kaniyang kapanahunan, mapayapa ang lupain nang sampung taon.
2 [阿撒的熱誠和努力]阿撒行了上主他的天主視為善,視為正直得事,
Ginawa ni Asa ang mabuti at matuwid sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos,
3 除掉了外邦的祭壇和高丘,毀壞了柱像,拆除了木偶,
sapagkat tinanggal niya ang mga altar ng mga diyus-diyosan at mga dambana. Giniba niya ang mga sagradong batong poste at binuwal ang mga imahe ni Ashera.
4 並命令猶大應尋求上主他們祖先的天主,遵行他的法律和誡命,
Inutusan niya ang mga taga-Juda na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at tuparin ang kaniyang batas at mga kautusan.
5 也鏟除了猶大各城內的高丘和太陽柱。那時,國家在他統治下安享太平。
Tinanggal din niya sa lahat ng lungsod ng Juda ang mga dambana at ang mga altar na sunugan ng insenso. Naging mapayapa ang kaharian sa kaniyang pamamahala.
6 他又在猶大修築了幾座堅城,因為境內平靖,數年沒有戰爭,上主賜予他平安。
Nagpatayo siya ng matitibay na pader sa lungsod ng Juda, sapagkat mapayapa ang lupain at walang digmaan sa mga panahong iyon dahil binigyan siya ni Yahweh ng kapayapaan.
7 阿撒對猶大人說:「我們必須建築這些城邑,四周建築城垣堡壘,安置大門和門閂;地域仍屬我們,是因為我們尋求了上主,我們的天主。我們既尋求了他,他便使我們四境平靖。」於是他們興工建築,事事順利。
Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.
8 阿撒的軍隊,持盾持戈的猶大人三十萬,持牌挽弓的本雅明人二十八萬:這些人都是勇士。[則辣黑進攻失敗]
May mga kawal si Asa na nagdadala ng mga kalasag at mga sibat. Mula sa tribu ni Juda ay mayroon siyang 300, 000 na tauhan at mula sa tribu ni Benjamin ay 280, 000 na tauhan na nagdadala ng mga kalasag at mga pana. Malalakas at matatapang ang mga kalalakihang ito.
9 那時,雇士人則辣黑率領百萬大軍,戰車三百輛,前來進攻,到了瑪勒沙。
Nilusob sila ni Zera na taga-Etiopia na may hukbong isang milyong kawal at tatlong daang karwahe at nagtungo siya sa Maresa.
10 阿撒出來迎戰,陳兵在離瑪勒沙不遠的責法達山谷。
Pagkatapos, lumabas si Asa upang harapin siya at itinakda nila ang hanay para sa labanan sa lambak ng Sefata at Maresa.
11 阿撒呼籲上主他的天主說:「上主! 在強弱懸殊之下,無人能似你能協助。上主,我們的天主! 求你協助我們,因為我們只有依賴你,奉你的名來迎擊這支大軍。上主,你是我們的天主,不要讓人勝過你! 」
Tumangis si Asa kay Yahweh na kaniyang Diyos at sinabi, “Yahweh, walang iba kundi ikaw lamang ang tumutulong sa mga mahihina kapag humaharap sa mga kaaway. Tulungan mo kami Yahweh na aming Diyos sapagkat umaasa kami sa iyo at sa iyong pangalan, narito kami laban sa ganito karaming bilang. Yahweh, ikaw ang aming Diyos, huwag mong hayaang matalo ka ng tao.”
12 於是上主在阿撒和猶大人前打擊了雇士人,雇士人遂逃走。
Kaya hinampas ni Yahweh ang mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng Juda, tumakas ang mga taga-Etiopia.
13 阿撒帶著跟隨他的軍民,追擊他們直到革辣爾。雇士人甚至沒有一個活的,都喪亡了,因為他們為上主和他的軍隊擊潰。猶大人奪取了很多財物。
Hinabol sila ni Asa at ang kaniyang mga kawal hanggang Gerar. Kaya marami sa mga taga-Etiopia ang namatay at ang iba ay hindi na nakabawi pa, dahil lubos silang nawasak sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang hukbo. Marami ang nasamsam ng hukbo.
14 他們又攻破了革辣爾四周所有的城池,因為上主的恐怖籠罩了這些城池;猶大人又將所有的城擄掠一空,因為城中有許多財物。
Winasak ng hukbo ang lahat ng nayon sa paligid ng Gerar, dahil natakot ang lahat ng naninirahan doon kay Yahweh. Sinamsam ng hukbo ang lahat ng nayon at marami silang nakuhang mahahalagang bagay.
15 隨後又毀壞了群畜的圍欄,掠取了許多羊群和駱駝,便回耶路撒冷去了。
Winasak din ng hukbo ang mga toldang tinirhan ng mga pastol na pagala-gala, kinuha nila ang napakaraming tupa, gayundin ang mga kamelyo at bumalik na sila sa Jerusalem.

< 歷代志下 14 >