< 歷代志下 13 >

1 [阿彼雅為王]雅洛貝罕王十八年,阿彼雅登極作猶大王,
Sa ika-labingwalong taon ni Haring Jeroboam, nagsimulang maghari si Abias sa Judah.
2 在耶路撒冷作王三年,他母親名叫瑪阿加,是基貝亞人烏黎耳的女兒。阿彼雅與雅洛貝罕之間不斷發生戰爭。[南北戰爭]
Naghari siya ng tatlong taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacah na anak ni Uriel na taga-Gibea. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ni Abias at Jeroboam.
3 當時阿彼雅統率四十萬英勇的精兵出戰,雅洛貝罕率領八十萬健壯的精兵列陣出迎。
Nagtungo si Abias sa digmaan dala ang malakas na hukbo, magigiting na mga kawal at 400, 000 na piniling mga kalalakihan. Humanay naman si Jeroboam laban sa kaniya ng 800, 000 na piling mga kalalakihan, malalakas at magigiting na mga kawal.
4 阿彼雅立在厄弗辣因山地的責瑪辣因山崗說:「雅洛貝罕和全以色列人,請聽我的話:
Tumayo si Abias sa Bundok ng Zemaraim, sa may lupaing maburol ng Efraim at nagsabi, “Makinig ka sa akin Jeroboam at lahat ng Israel!
5 上主以色列的天主,曾立鹽約,將以色列王位永遠賜予達味和他的子孫,莫非你們不知道嗎﹖
Hindi ba ninyo alam na si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay kay David ng pamumuno sa buong Israel magpakailanman, sa kaniya at sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng isang kasunduan?
6 無奈達味的兒子撒羅滿的一個僕人,乃巴特的兒子雅洛貝罕起來背叛了他的主人。
Ngunit si Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, ang lingkod ni Solomon na anak ni David ay nakipaglaban at naghimagsik sa kaniyang panginoon.
7 遂有一些無賴匪徒聚集起來,跟隨他攻擊撒羅滿的兒子勒哈貝罕;勒哈貝罕當年尚年輕脆弱,不能抵禦他們。
Mga walang kabuluhang lalaki na mga hamak na tao ang nakipagtipon sa kaniya. Dumating sila laban kay Rehoboam na anak ni Solomon, nang bata pa si Rehoboam at walang pang karanasan at hindi sila kayang tapatan.
8 現在,你們企圖反抗達味子孫佔有的上主的國家,因為你們人數眾多,在你們中間且有雅洛貝罕製作的金牛作為你們的神。
Ngayon ay sinasabi ninyo na kaya ninyong labanan ang makapangyarihang pamumuno ni Yahweh sa kamay ng mga kaapu-apuhan ni David. Kayo ay isang malaking hukbo at kasama ninyo ang mga ginintuang guya na ginawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.
9 你們不是驅逐了上主的司祭,亞郎的子孫和肋未人,依照列邦民族的習慣,為自己另立了司祭嗎﹖任何一個人,只要牽一隻工牛犢和七隻公綿羊前去,自行祝聖,便可作那本不是神的司祭。
Hindi ba't pinaalis ninyo ang mga pari ni Yahweh na mga anak ni Aaron at ang mga Levita? Hindi ba gumawa kayo ng mga pari para sa inyong sarili ayon sa pamamaraan ng ibang lahi ng ibang lupain? Ang sinumang dumarating upang italaga ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang batang toro at pitong lalaking tupa ay maaaring maging isang pari sa mga hindi tunay na diyos.
10 至於我們,上主是我們的天主,我們沒有離棄過他;事奉上主的司祭仍是亞郎的子孫,肋未人仍各盡己責,
Ngunit para sa amin, si Yahweh ang aming Diyos at hindi namin siya tinalikuran. Mayroon kaming mga pari na mga anak ni Aaron na naglilingkod kay Yahweh at ang mga Levita na nasa kanilang mga gawain.
11 每日早晚向上主獻全燔祭,焚香,在清潔的桌子上陳設供餅,每晚點燃金燈台上的金燈。我們如此遵守了上主我們天主的職守,你們反而離棄了他。
Nagsusunog sila sa bawat umaga at gabi ng mga alay na susunugin at mga mababangong insenso para kay Yahweh. Sila rin ay naghahanda ng tinapay na handog sa ibabaw ng dinalisay na hapag. Sinisindihan rin nila ang ilawang gintong patungan upang ang mga ito ay magliwanag sa bawat gabi. Sinusunod namin ang mga kautusan ni Yahweh na aming Diyos, ngunit tinalikuran ninyo siya.
12 但是天主與我們在一起,作我們的前導;他的司祭手持警號,就要鳴號向你們進攻。以色列子民,你們不可與上主你們祖先的天主交戰! 你們決不會勝利! 」
Tingnan ninyo, kasama namin ang Diyos na siyang namumuno at ang kaniyang mga pari ay narito dala ang mga trumpeta upang magpatunog ng babala laban sa inyo. Bayang Israel, huwag ninyong labanan si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sapagkat hindi kayo magtatagumpay.”
13 但是雅洛貝罕卻使伏兵繞到猶大背後,這樣以色列人在猶大人前面,伏兵在他們背後。
Ngunit naghanda si Jeroboam ng isang lihim na pagsalakay sa kanilang likuran. Ang kaniyang hukbo ay nasa harapan ng Juda at ang lihim na pagsalakay ay nasa kanilang likuran.
14 猶大人一轉身,見自己前後受敵,便呼籲上主,司祭們吹起號角,
Nang lumingon sa likuran ang mga taga-Juda, nakita nila na ang labanan ay parehong nasa kanilang harapan at likuran. Sumigaw sila ng malakas kay Yahweh at hinipan ng mga pari ang mga trumpeta.
15 猶大人就高聲吶喊。當猶大人吶喊時,天主在阿彼雅和猶大人前擊潰了雅洛貝罕和全以色列人。
At sumigaw ang mga kalalakihan ng Juda at habang sumisigaw sila, nangyari nga na hinampas ng Diyos si Jeroboam at ang lahat ng Israel sa harapan ni Abias at ng taga-Juda.
16 以色列人便由猶大前逃走,天主將他們交在猶大人手中。
Tumakas ang mga Israelita mula sa Juda at ipinasakamay sila ng Diyos sa mga taga-Juda.
17 阿彼雅和他的軍隊對以色列大加殺戮,以色列被殺,喪亡的精兵有五十萬。
Pinatay sila ni Abias at ng kaniyang hukbo; 500, 000 na piling lalaki ng Israel ang namatay.
18 這一次以色列子民大敗,猶大子民獲得大勝,因為他們依靠了上主他們祖先的天主。
Sa ganitong paraan, natalo ang Israel nang panahong iyon. Nagtagumpay ang mga taga-Juda dahil umasa sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
19 阿彼雅追擊雅洛貝罕,奪取了他的幾座城;貝特耳及所屬村鎮,耶沙納及所屬村鎮,厄斐龍及所屬村鎮。
Tinugis ni Abias si Jeroboam at sinakop niya ang mga lungsod mula sa kaniya, ang Bethel, Jesana at Efron, kasama ang mga nayon ng mga ito.
20 阿彼雅在時,雅洛貝罕再沒有強盛起來;此後,上主打擊了他,他便去了世。[阿彼雅逝世]
Hindi na nabawi ni Jeroboam ang kapangyarihan sa panahon ng paghahari ni Abias, hinampas siya ni Yahweh at namatay siya.
21 阿彼雅日漸強盛,娶了十四個妻妾,生了二十二個兒子,十六個女兒。
Subalit naging makapangyarihan si Abias, nagkaroon siya ng labing-apat na asawa at naging ama ng dalawampu't dalawang anak na lalaki at labing-anim na anak na babae.
22 阿彼雅其餘得事蹟和他的言行,都記載在先見者依多傳記上。
Ang iba pang ginawa at sinabi ni Abias ay naisulat sa kasaysayan ni proteta Iddo.

< 歷代志下 13 >