< 撒母耳記上 8 >

1 撒慕爾年老的時候,立了他的兩個兒子作以色列的民長。
Nang matanda na si Samuel, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang mga anak niyang lalaki.
2 長子名叫約厄耳,次子名叫阿彼雅,同在貝爾舍巴作民長。
Joel ang pangalan ng panganay niya at Abija ang pangalan ng pangalawa niyang anak na lalaki. Mga hukom sila sa Beer-seba.
3 但是他這兩個兒子不走他所走的路,卻貪圖厚利,接受賄賂,歪曲正理。
Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.
4 以色列眾長老便聯合起來,往辣瑪去見撒慕爾,
Pagkatapos sama-samang nagtipon ang mga nakakatanda ng Israel at pumunta sila kay Samuel sa Rama.
5 對他說:「看,你已經老了,你的兒子們不走你所走的路。如今請你給我們立一位君王治理我們,如同各國一樣。」
Sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, matanda ka na at hindi lumalakad ayon sa mga paraan mo ang iyong mga anak. Pumili ka para sa amin ng isang hari na hahatol sa amin tulad ng lahat ng mga bansa.”
6 撒慕爾聽到他們要求說:「請給我們立一位君王治理我們,」大為不悅,便去祈求上主。
Subalit hindi nalugod si Samuel nang sabihin nilang, “Bigyan mo kami ng haring hahatol sa amin.” Kaya nanalangin si Samuel kay Yahweh.
7 上主對撒慕爾說:「凡民眾向你所說的話,你都要聽從,因為他們不是拋棄你,而是拋棄我作他們的君王。
Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Sundin mo ang boses ng mga tao sa lahat ng bagay na sasabihin nila sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang tinanggihan nila, ngunit ako ang tinanggihan nila mula sa pagiging hari nila.
8 自從我領他們出離埃及直到今日,凡他們做的,無非是拋棄我而事奉別的神;他們現在也這樣來對待你。
Kumikilos sila ngayon tulad ng ginawa nila mula noong araw na inilabas ko sila mula sa Ehipto, pinabayaan ako, at naglingkod sa ibang mga diyos, at kaya ginagawa rin nila sa iyo.
9 好罷! 你就聽從他們的要求,但必須清楚警告他們,要他們明瞭那統治他們的君王所享有的權利。」
Ngayon makinig sa kanila; ngunit taimtim na balaan sila at ipaalam sa kanila ang paraan na mamahala sa kanila ang hari.”
10 撒慕爾把上主的一切話,轉告給那向他要求君王的人民,
Kaya sinabi ni Samuel ang lahat ng salita ni Yahweh sa mga taong humihingi ng hari.
11 說:「那要統治你們的君王所享有的權利是:他要徵用你們的兒子,去充當車夫馬夫,在他的車前奔走:
Sinabi niya, “Ganito kung paano mamumuno ang hari sa inyo. Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki at itatalaga sila sa kanyang mga karo at para maging mga mangangabayo niya, at para tumakbo sa harapan ng kanyang mga karo.
12 委派他們做千夫長、百夫長、五十夫長;令他們耕種他的田地,收割他的莊稼,替他製造作戰的武器和戰車的用具;
Hihirang siya para sa kanyang sarili ng mga kapitan ng libu-libong sundalo, at mga kapitan ng limampung sundalo. Pagbubungkalin niya ang ilan ng kanyang lupa, gagapas ang ilan ng kanyang ani, at ang ilan ay gagawa ng kanyang mga sandata para sa digmaan at mga kagamitan para sa kanyang mga karo.
13 要徵用你們的女兒為他配製香料,烹調食物;
Kukunin din niya ang inyong mga anak na babae para maging mga tagagawa ng pabango, tagapagluto at babaeng magtitinapay.
14 要拿你們最好的莊田、葡萄園和橄欖林,賜給他的臣僕;
Kukunin niya ang pinakamainam sa mga bukid ninyo, ang inyong mga ubasan at mga taniman ng olibo at ibibigay ang mga iyon sa mga lingkod niya.
15 徵收你們莊田和葡萄園出產的十分之一,賜給他的宦官和臣僕;
Kukunin niya ang ikasampu ng inyong butil at ng inyong mga ubasan at ibibigay sa kanyang mga opisyal at mga lingkod.
16 使用你們的僕婢和你們最好的牛驢,替他作工;
Kukunin niya ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod at ang pinakamagaling sa mga binata ninyo at inyong mga asno; pagtatrabahuhin niya silang lahat para sa kanya.
17 徵收你們的羊群十分之一;至於你們自己,還應作他的奴隸。
Kukunin niya ang ikasampu ng inyong mga kawan at magiging mga alipin niya kayo.
18 到那一天,你們必要因你們所選的君王發出哀號;但那一天,上主也不理你們了。」
Pagkatapos sa araw na iyon, tatangis kayo dahil sa haring pinili ninyo para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ni Yahweh sa araw na iyon.”
19 但是,人民不願聽從撒慕爾的話卻對他說:「不! 我們非要一位君王管理我們不可。
Subalit tumangging makinig ang mga tao kay Samuel; sinabi nila, “Hindi! Dapat mayroon kaming hari
20 我們也要像一般異民一樣,有我們的君王來治理我們,率領我們出征作戰。」
upang maging tulad kami ng lahat ng ibang bansa, at upang hatulan kami ng aming hari at manguna sa amin at makipaglaban sa aming mga labanan.”
21 撒慕爾聽見百姓所說的這一切話,就轉告給上主聽。
Nang marinig ni Samuel ang lahat ng salita ng mga tao, inulit niya ang mga iyon sa mga tainga ni Yahweh.
22 上主對撒慕爾說:「你聽從他們的話,給他們一位君王罷! 」撒慕爾就吩咐以色列人說:「你們各自暫回本城去。」
Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Sundin mo ang boses nila at gawan sila ng hari.” Kaya sinabi ni Samuel sa mga kalalakihan ng Israel, “Dapat pumunta ang bawat lalaki sa kanyang sariling lungsod.”

< 撒母耳記上 8 >