< 撒母耳記上 7 >
1 克黎雅特耶阿陵人遂下來,將上主的約櫃抬上去,送到住在丘嶺上的阿彼納達布家裏,並且祝聖他的兒子厄肋阿匝爾,看守上主的約櫃。
Dumating ang mga kalalakihan ng Kiriat-Jearim, kinuha ang kaban ni Yahweh, at dinala ito sa bahay ni Abinadab sa burol. Itinalaga nila ang kanyang anak na lalaking si Eleazar para mangalaga sa kaban ni Yahweh.
2 自從約櫃停放在克黎雅特耶阿陵的那天起,過了很長的時間,大約二十年之久,以色列全家又歸向上主。
Mula nang araw na manatili ang kaban sa Kiriat-Jearim, lumipas ang mahabang panahon, dalawampung taon. Nanaghoy ang buong bahay ng Israel at ninais nilang bumaling kay Yahweh.
3 那時撒慕爾對以色列全家說:「如果你們全心歸向上主,就該將外邦的神由你們中間剷除,一心歸向上主,惟獨事奉上主,他必由培肋舍特人手中解救你們。」
Sinabi ni Samuel sa lahat ng tao ng Israel, “Kung babalik kayo kay Yahweh nang inyong buong puso, alisin ninyo ang mga dayuhang diyos at ang Astarot mula sa inyo, ibaling ang inyong mga puso kay Yahweh, at siya lamang ang sambahin, sa gayon ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.”
4 以色列子民遂剷除了巴耳和阿市托勒特,唯獨事奉上主。
Pagkatapos inalis ng mga tao ng Israel ang mga Baal at mga Astarot, at sinamba lamang si Yahweh.
5 於是撒慕爾說:「你們把全以色列聚集在米茲帕,我要為你們懇求上主。」
Pagkatapos, sinabi ni Samuel, “Dalahin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at mananalangin ako kay Yahweh para sa inyo.”
6 他們便集在米茲帕,汲了水來,倒在上主面前,並且在那一天禁食說:「我們犯了罪,得罪了上主! 」從此撒慕爾在米茲帕治理以色列子民。
Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, “Nagkasala kami laban kay Yahweh.” Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.
7 培肋舍特人一聽說以色列子民聚集在米茲帕,培肋舍特的酋長就上來攻打以色列,以色列子民聽說培肋舍特人前來,大為震驚,
Ngayon nang marining ng mga Filisteo na nagtipon ang mga tao ng Israel sa Mizpa, sinalakay ng mga namumuno ng Filisteo ang Israel. Pagkarinig ng mga tao ng Israel nito, natakot sila sa mga Palestina.
8 對撒慕爾說:「你不要停止為我們哀求上主,我們的天主,好叫他救我們脫離培肋舍特人的威脅。」
Pagkatapos sinabi ng bayan ng Israel kay Samuel, “Huwag kang tumigil sa pagtawag kay Yahweh na ating Diyos para sa amin, upang iligtas niya kami mula sa kamay ng mga Filisteo.”
9 撒慕爾遂拿了一隻還在吃奶的羔羊獻給上主,作全燔祭,為以色列呼籲上主,上主應允了他。
Kumuha si Samuel ng isang pinapasusong kordero at inihandog ito bilang isang buong sinunog na handog kay Yahweh. Pagkatapos patuloy na tumawag si Samuel kay Yahweh para sa Israel, at sinagot siya ni Yahweh.
10 當撒慕爾正在奉獻全燔祭時,培肋舍特人前來,要與以色列交戰;但上主在那一天使雷聲向著培肋舍特人大作,恐嚇他們,他們就在以色列面前潰退了。
Habang inihahandog ni Samuel ang sinunog na handog, lumapit ang mga Filisteo para salakayin ang Israel. Subalit nagpakulog si Yahweh ng isang malakas na tunog sa araw na iyon laban sa mga Filisteo at nagkagulo sila, at napuksa sila sa harapan ng Israel.
11 以色列人遂從米茲帕出來追擊培肋舍特人,擊殺他們直到貝特加爾下邊。
Pumunta ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, at tinugis nila ang mga Filisteo at pinatay sila hanggang sa ibaba ng Betcar.
12 以後,撒慕爾取了一塊石頭,豎立在米茲帕與耶撒納中間,給那石起名叫厄本厄則爾,說:「直到這時上主救助了我們。」
Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bato at itinayo ito sa pagitan ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer, sinasabing, “Hanggang sa ngayon tinulungan pa rin kami ni Yahweh.”
13 培肋舍特人受了這次挫折以後,不敢再來侵犯以色列的邊境;撒慕爾活著時,上主的手常壓制了培肋舍特人。
Kaya nag-api ang mga Filisteo at hindi sila pumasok sa hangganan ng Israel. Laban sa mga Filisteo ang kamay ni Yahweh sa lahat ng araw ni Samuel.
14 培肋舍特人由以色列奪去的城市,自厄刻龍直到加特,都歸還了以色列人;以色列人由培肋舍特人手中收復了自己的領土;在那時以色列和阿摩黎人之間平安無事。
Naibalik sa Israel ang mga bayang kinuha ng mga Filisteo mula sa Israel, mula sa Ekron hanggang sa Gat; binawi ng Israel ang kanilang nasasakupan mula sa mga Filisteo. Pagkatapos nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at mga Amoreo.
Hinatulan ni Samuel ang Israel sa lahat ng araw ng kanyang buhay.
16 他每年去視察貝特耳、基耳加耳和米茲帕,在這些地方治理以色列人。
Bawat taon lumilibot siya sa Bethel, sa Gilgal at sa Mizpa. Pinagpapasiyahan niya ang mga alitan para sa Israel sa lahat ng mga lugar na ito.
17 以後他回到辣瑪,因為他的家在那裏,他也在那裏治理以色列人,並在那裏給上主建了一座祭壇。
Pagkatapos babalik siya sa Rama, sapagkat naroon ang bahay niya; at doon pinagpapasiyahan din niya ang mga alitan para sa Israel. Gumawa rin siya ng altar doon kay Yahweh.