< 撒母耳記上 26 >

1 齊弗人來到基貝亞見撒烏耳說:「達味藏在曠野邊緣哈基拉山中。
Dumating ang mga Zipiteo kay Saul sa Gibea at sinabing, “Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hacila, na bago ang desyerto?”
2 撒烏耳遂動身下到齊弗曠野,同他去的約有三千以色列精兵,在齊弗曠野搜捕達味。
Pagkatapos tumayo si Saul at bumaba sa ilang ng Zip, na may tatlong libong piling kalalakihan ng Israel na kasama niya, upang hanapin si David sa desyerto ng Zip.
3 撒烏耳在曠野邊綠哈拉基山上,靠路旁紮了營。當時達味住在曠野裏,他得知撒烏耳來到曠野搜捕自己,
Nagkampo si Saul sa burol ng Hacila, na bago sa desyerto, na malapit sa daanan. Ngunit si David ay nanatili sa desyerto, at nakita niya na paparating si Saul kasunod niya sa desyerto.
4 遂派出偵探,因而得知撒烏耳確已來到。
Kaya nagpadala si David ng mga espiya at napag-alaman niyang totoong dumating si Saul.
5 達味遂起身來到撒烏耳紮營的地方,察看撒烏耳和他的統帥乃爾的兒子阿貝厏爾睡覺的地方:撒烏耳睡在行營中心,他的部隊駐紮在他的四周。
Tumayo si David at pumunta sa lugar kung saan nagkampo si Saul; nakita niya ang lugar kung saan nagpapahinga si Saul, at si Abner anak na lalaki ni Ner, ang heneral ng kanyang hukbo; Nagpapahinga si Saul sa kampo, at nagkampo ang mga tao palibot sa kanya, natutulog ang lahat.
6 達味就問赫得人阿希默肋客和責魯雅的兒子約阿布的兄弟阿彼瑟說:「誰同我下到撒烏耳的營中去﹖」阿彼瑟答說:「我同你下去」。
Pagkatapos sinabi ni David kay Ahimelec na Hiteo, at kay Abisai anak na lalaki ni Zeruia, ang lalaking kapatid ni Joab, “Sino ang sasama sa akin pababa sa kampo ni Saul?” sinabi ni Abisai, “Sasama ako pababa sa iyo.”
7 達味和阿彼瑟便在夜間深入敵營,見撒烏耳睡臥在行營中心,他的槍插在頭旁地上,阿貝乃爾和部隊環繞他睡在四周。
Kaya pumunta si David at Abisai sa hukbo nang gabi. At nandoon si Saul na natutulog sa loob ng kampo, kasama ang kanyang sibat na nakatusok sa lupa sa tabi ng kanyang ulo. Nagpapahinga si Abner at kanyang mga sundalo sa palibot niya.
8 阿彼瑟對達味說:「今天天主將你的仇人交在你手裏了! 如今讓我用他的槍,把他釘在地上,只一下,不需要給他第二下」。
Pagkatapos sinabi ni Abisai kay David, “Sa araw na ito inilagay ng Diyos sa iyong kamay ang iyong kaaway. Ngayon pakiusap hayaan mong itusok ko siya sa lupa sa pamamagitan ng sibat sa isang bagsak lamang. Hindi ko siya hahampasin ng pangalawang pagkakataon.”
9 達味卻對阿彼瑟說:「不可殺他! 因為誰敢插手加害上主的受傅者,而能無罪呢﹖」
Sinabi ni David kay Abisai, “Huwag mo siyang patayin, sapagkat sino ang mag-aabot ng kanyang kamay laban sa hinirang ni Yahweh at hindi magkakasala?”
10 達味又說:「我指著永生的上主起誓:只有上主可打擊他,或到了他的日子;終於死去,或下到戰場陣亡。
Sinabi ni David, “Habang nabubuhay si Yahweh, papatayin siya ni Yahweh, o darating ang araw na mamamatay siya, o pupunta siya sa labanan at mamamatay.
11 在上主散,我決不頊插手加害上主的受傅者。現今,你快拿去他頭旁的槍和水壺,我們就離去」。
Nawa'y ipagbawal ni Yahweh na dapat kong iunat ang aking kamay laban sa kanyang tinalaga, kaya ngayon, kunin mo ang sibat na nasa kanyang ulo at ang banga ng tubig, at umalis na tayo.”
12 達味遂就撒烏耳頭旁拿了槍和水壺,二人就走了。誰也沒有看見,誰也沒有理會,誰也沒有醒來,都沈睡了,因為上主使他們沉入睡夢中。
Kaya kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig mula sa ulo ni Saul at umalis na sila. Walang ni isang nakakita sa kanila o nakaalam tungkol dito, ni isang tao ang nagising, dahil nakatulog silang lahat, dahil mahimbing na pagtulog ang ibinigay ni Yahweh sa kanila.
13 達味走到對面,遠遠站在山頭上,他們彼此相隔很遠,
Pagkatapos pumunta si David sa kabilang dako at tumayo sa tuktok ng bundok sa malayo, isang malayong pagitan ang nasa kanila.
14 達味於是向軍隊和乃爾的兒子阿貝乃爾喊說:「阿貝乃爾! 你不答應嗎﹖」阿貝乃爾答說:「你是誰﹖竟敢吵醒君王! 」
Sumigaw si David sa mga tao at kay Abner anak na lalaki ni Ner, sinabi niya, “Hindi ka ba sasagot, Abner?” Pagkatapos sumagot at sinabi ni Abner, “Sino kang sumisigaw sa hari?”
15 達味對阿貝乃爾說:「你不是個好漢嗎﹖以色列中有誰能與你相比﹖民間來了一個要殺害你的主上君王的,你為什麼沒有好好護守你的主上君王﹖
Sinabi ni David kay Abner, “Hindi ka ba isang taong matapang? Sino ang katulad mo sa Israel? Bakit hindi ka nagbantay sa iyong panginoon na hari? Dahil may ibang taong dumating upang patayin ang hari na iyong panginoon.
16 這事你實在做的不對! 我指著永生的上主起誓:你們都該死,因為你們沒有好好護守你們的主子,上主的受傳者。現今你去看一看君王的槍在哪裏﹖他頭旁的水壺又在哪裏﹖」
Hindi maganda ang bagay na ito na iyong ginawa. Habang nabubuhay si Yahweh, nararapat kang mamatay dahil hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hinirang ni Yahweh. At ngayon tingnan mo kung nasaan ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kanyang ulonan.”
17 撒烏耳認出是達味的聲音,就說:「我兒達味,這不是你的聲音嗎﹖」達味答說:「我主大王,是我的聲音」。
Nakilala ni Saul ang boses ni David at sinabi, “Boses mo ba iyan, anak kong David?” sinabi ni David, “Ito ang aking boses, aking panginoong hari.”
18 遂接著說:「我主為什麼迫害他的僕人﹖我究竟作了什麼惡事﹖
Sinabi niya, “Bakit tinutugis ng hari ang kanyang lingkod? Ano ang aking nagawa? Anong kasamaan ang nasa aking kamay?
19 如今請我主大王聽他僕人一句話:如果是上主感動你來害我,願衪收納這個祭獻;但是;若是人煽惑你,他們在上主面前是該詛咒的,因為他們今日將我驅逐,不容我分享上主的產業,無異是說:你去,事奉外邦的神吧!
Samakatuwid ngayon, nagmakaawa ako sa iyo, hayaang pakinggan ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kanyang lingkod. Kung si Yahweh na nag-udyok sa iyo laban sa akin, hayaan siyang tumanggap ng isang handog; ngunit kung mga tao ito, nawa'y isumpa sila sa paningin ni Yahweh, dahil sa araw na ito inilayo nila ako, na hindi dapat ako kumapit sa pamana ni Yahweh, na kanilang sinabi sa akin, “Sumamba ka sa ibang mga diyos.”
20 現今,願我的血不流在很遠的地方,因為以色列的君王出來獵取我的性命,就如人在山上獵取鷓鴣! 」
Samakatuwid ngayon, huwag hayaang dumanak ang aking dugo sa lupa mula sa presensya ni Yahweh, para sa hari ng Israel na dumating at humanap sa isang pulgas, bilang isang naghahanap ng ibon sa mga bundok.”
21 撒烏耳說:「我兒達味,我犯了罪,你回去吧! 我再不加害你了! 因為你今天實在珍惜了我的性命。哎! 我太昏愚,實在錯了! 」
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Nagkasala ako. Bumalik ka, David, anak ko, hindi na kita kailanman sasaktan, dahil natatangi ang aking buhay sa iyong mga mata ngayon. Tingnan mo, naging mangmang ako at lubusang nagkamali.”
22 達味答說:「這裏有大王的槍,叫一個僕人來去。
Sumagot si David at sinabi, “Tingnan mo, aking hari, narito ang iyong sibat! Hayaan mong lumapit ang isa sa iyong batang kalalakihan at kunin ito at dalhin ito sa iyo.
23 願上主報答各人的正義和忠誠! 因為今天上主把你交在我手裏,我卻不頊加害上主的受傅者。
Nawa pagbayarin ni Yahweh ang bawat tao para sa kanyang kadakilaan at kanyang katapatan, dahil inilagay ito ni Yahweh sa araw na ito, ngunit hindi ko sasaktan ang kanyang tinalaga.
24 請看! 我今天怎樣看重了你的性命,也願上主怎樣看重我的性命,從一切憂患中拯救我! 」
At tingnan mo, tulad ng buhay mong katangi-tangi sa aking mga mata sa araw na ito, kaya nawa maging mas mahalaga ang buhay ko sa mga mata ni Yahweh, at nawa iligtas niya ako mula sa lahat ng kaguluhan.”
25 撒烏耳對達味說:「我兒達味,你實在是可讚美的,你必有所作為,也必有成就」。然後達味走了,撒烏耳也回了家。
Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Nawa pagpalain ka, anak kong David, upang makagawa ka ng mga dakilang bagay, at tunay na magtatagumpay ka.” Kaya lumakad si David, at bumalik si Saul sa kanyang lugar.

< 撒母耳記上 26 >