< 撒母耳記上 18 >
1 達味同撒烏耳說完了話,約納堂的心和達味的心很相契;約納堂愛他如愛自己一樣。
Nang matapos siyang makipag-usap kay Saul, ibinigkis ang kaluluwa ni Jonatan sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonatan si David bilang kanyang sariling kaluluwa.
Kinuha ni Saul si David na maglingkod sa kanya sa araw na iyon; hindi niya siya hinayaang bumalik sa bahay ng kanyang ama.
Pagkatapos gumawa ng pakikipagkaibigang kasunduan sina Jonatan at David dahil minahal siya ni Jonatan na parang kanyang sariling kaluluwa.
4 約納堂脫下自己穿的外氅,連軍裝,帶刀劍,甚至弓和腰帶,都給了達味。
Hinubad ni Jonatan ang kanyang balabal na kanyang isinuot at ibinigay ito kay David kasama nang kanyang sandata, kanyang espada, pana at sinturon.
5 撒烏耳派達味出去無論作什麼事,沒有不成功的;故此撒烏耳派他作軍隊的將領;軍民和撒烏耳的臣僕都非常喜愛他。
Pumupunta si David saan man siya ipadala ni Saul at nagtatagumpay siya. Itinalaga siya ni Saul bilang pinuno sa kalalakihang mandirigma. Nakakalugod ito sa paningin ng lahat ng tao at sa paningin din ng mga lingkod ni Saul.
6 當達味殺死那培肋舍特人後,班師回來時,婦女們從城中出來,唱歌跳舞,打鼓彈琴,興高采烈地前來歡迎撒烏耳君王。
Sa kanilang pag-uwi mula sa pagtalo sa mga Filisteo, pumunta ang mga kababaihang nagmula sa lahat ng lungsod ng Israel, na nag-aawitan at nagsasayawan, para salubungin si Haring Saul, na may tamburin, kagalakan, at mga instrumentong pangmusika.
7 婦女們邊唱邊跳說:「撒烏耳殺了一千,達味殺了一萬」。
Nag-aawitan ang kababaihan habang tumutugtog; inawit nila: “Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at si David ang kanyang sampung libo.”
8 撒烏耳因此很是憤怒,這話使他很不高興,遂說:「給了根一萬,只給我一千;他所少的只有王位了!」
Galit na galit si Saul at hindi nakalugod sa kanya ang awiting ito. Sinabi niya, “Ipinagpalagay nila kay David ang sampung libo, pero ang ipinagpalagay nila sa akin ay libu-libo lamang. Ano pa ang kanyang makukuha kundi ang kaharian?”
At patuloy na minasdan ni Saul si David na may paghihinala mula sa araw na iyon.
10 第二天,惡神由天主那裏降到撒烏耳身上;使他在屋中發狂。達味一如往日手中彈著琴,撒烏耳手中卻拿著一根長槍,
Kinabukasan sumugod ang mapanirang espiritu kay Saul mula sa Diyos. At nagsisigaw siya sa loob ng bahay. Kaya tumugtog si David ang kaniyang instrumento, gaya ng kanyang ginagawa bawat araw. Hawak ni Saul ang sibat sa kanyang kamay.
11 撒烏耳舉起槍來,想把達味釘在牆上;達味已由他面前逃脫了兩次。
Inihagis ni Saul ang sibat, sapagkat iniisip niya, “Aking itutusok si David sa dingding.” Ngunit tumakas si David mula sa presensiya ni Saul dalawang ulit sa ganitong paraan.
12 撒烏耳害怕達味,因為上主與達味同在,而離開了撒烏耳。
Natakot si Saul kay David, dahil kasama niya si Yahweh, ngunit hindi na kasama ni Saul.
13 因此,撒烏耳叫他離開自己,派他作千夫長,達味便在軍民前往來出入。
Kaya pinaalis siya ni Saul mula sa kanyang presensiya at hinirang siya na isang kumander ng isang libo. Sa ganitong paraan, lumalabas si David at pumupunta sa mga tao.
14 達味在所行的一切事上,無不順利,因為天主與他同在。
Sumasagana si David sa lahat ng kanyang paraan, sapagkat kasama niya si Yahweh.
Nang makita ni Saul na sumagana siya, tumayo siya nang may pagkamangha sa kanya.
16 但全以色列和猶大人卻愛達味,因為他在他們前往來出入。
Pero minahal ng buong Israel at Juda si David dahil lumalabas siya at pumunta sa kanilang harapan.
17 撒烏耳對達味說:「看;我要把我的長女默辣布嫁給你為妻,只要你為我勇敢服務,為上主作戰」。──撒烏耳心中想:我不親手害他,讓培肋舍特人加害他。
Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Narito ang aking panganay na anak na babae, si Merab. Ibibigay ko siya sa iyo bilang asawa. Magpakatapang ka lamang para sa akin at lumaban sa labanan ni Yahweh.” Sapagkat inisip ni Saul, “Huwag hayaang pagbuhatan ko siya ng kamay, ngunit hayaang pagbuhatan siya ng kamay ng mga taga-Filisteo.”
18 達味回答撒烏耳說:「我是誰,我父在以色列又算得什麼,我怎配作君王的女婿﹖」
Sinabi ni David kay Saul, “Sino ako? At ano ang aking buhay, o pamilya ng aking ama sa Israel, na dapat akong maging manugang ng hari?”
19 但是撒烏耳的女兒默辣布正要嫁給達味的時候,卻嫁給了默曷拉人阿德黎耳為妻。
Ngunit sa panahon nang si Merab, ang anak na babae ni Saul, ay dapat ibinigay sana kay David, ibinigay siya bilang asawa kay Adreil na taga-Meholat.
20 當時撒烏耳的女兒米加耳很愛達味;有人告訴了撒烏耳,他看這事好,
Pero minahal ni Mical, na anak na babae ni Saul si David. Sinabihan nila si Saul at nakalugod ito sa kanya.
21 心想:「我把她嫁給達味,叫她成為他的羅網,藉培肋舍特人害他」。所以撒烏耳再次對達味說:「今天你要作我的女婿了! 」
Pagkatapos inisip ni Saul, “Ibibigay ko siya sa kanya, upang siya'y maging bitag sa kanya, at upang ang kamay ng mga taga-Filisteo ay maging laban sa kanya.” Kaya sinabi ni Saul kay David sa pangalawang pagkakataon, “Ikaw ang aking magiging manugang na lalaki.”
22 撒烏耳吩咐他的臣僕說:「你們暗暗地告訴達味說:看,君王多麼喜愛你,如今你要作君王的女婿了! 」
Inutusan ni Saul ang kanyang mga lingkod, “Palihim ninyong kausapin si David at sabihin, 'Tingnan mo, kinasisiyahan ka ng hari, at mahal ka ng lahat niyang mga lingkod. Ngayon nga, magiging manugang na lalaki ka ng hari.”'
23 撒烏耳的臣僕將這些話告訴了達味;達味反答說:「你們以為作君王的女婿軟碟件小事嗎﹖我不過是個貧窮賤卑賤的人」。
Kaya sinabi ng mga lingkod ni Saul kay David ang mga salitang ito. At sinabi ni David, “Maliit na bagay lang ba sa inyo ang maging manugang ng hari, yamang isa akong dukha, at kaunti ang kabuluhan?”
24 撒烏耳的臣僕回報王說:「達味如此如此說了」。
Iniulat ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang ito na sinabi ni David.
25 撒烏耳答說:「你們要這樣對達味說:君王不要什麼聘禮,只要一百培培肋舍特人的包皮,為報復君王的仇敵」。撒烏耳有意使達味落在培肋舍特人手中。
At sinabi ni Saul, “Ganito ang inyong sasabihin kay David, 'Hindi naghahangad ang hari ng anumang dote, isang daang pinagtulian ng mga Filisteo lamang, upang mapaghigantihan ang mga kaaway ng hari.”' Ngayon iniisip ni Saul na mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo.
26 他的臣僕將這些話轉告給達味,達味看這事為作君王的女婿也對,所限的日期尚未過去,
Nang sinabi ng mga lingkod ang mga salitang ito kay David, nakalugod ito kay David na maging manugang ng hari.
27 達味就和他的人起身去殺死了一百培肋舍特人,將他們的包皮帶回,足數交給君王,為作君王的女婿;撒烏耳就將女兒米加耳嫁給他為妻。
Bago lumipas ang mga araw na iyon, humayo si David kasama ang kanyang mga tauhan at pumatay ng dalawang daang Filisteo. Dinala ni David ang kanilang pinagtulian, at ibinigay ang mga ito ng buong bilang sa hari, upang maging manugang siya ng hari. Kaya ibinigay ni Saul ang kanyang anak na si Mical sa kanya bilang asawa.
28 撒烏耳看出了上主與達味同在,全以色列也都愛他,
At nakita at nalaman ni Saul na si Yahweh ay kasama ni David. Minahal siya ni Mical, ang anak na babae ni Saul.
Mas lalong natakot si Saul kay David. Patuloy na naging kaaway ni Saul si David.
30 培肋舍特人的首領仍不斷出征;但每遇他們出征,達味所行的常比撒烏耳所有的臣僕成就更大,為此他更受人景仰。
Kaya lumabas ang mga prinsipe ng Filisteo para sa digmaan, at sa tuwing lumalabas sila, nagtatagumpay si David kaysa sa lahat na mga lingkod ni Saul, kaya ang kanyang pangalan ay binigyan ng mataas na paggalang.