< 撒母耳記上 17 >
1 培肋舍特人調集了軍隊,準備作戰,集合在猶大,在索苛與阿則卡之間的厄斐斯達明紮了營。
Ngayon tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soco, na nabibilang sa Juda. Nagkampo sila sa pagitan ng Soco at Azeka, sa Epesdammim.
2 撒烏耳和以色列人齊集起來,在厄拉谷紮了營,擺陣準備迎擊培肋舍特人。
Nagtipon at nagkampo si Saul at ang kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at nagsihanay upang makipaglaban sa mga Filisteo.
3 培肋舍特人站在這邊一座山上,以色列人站在那邊一座山上,中間隔著山谷。
Nakatayo ang mga Filisteo sa isang bundok sa kabilang dako at nakatayo naman ang mga Israelita sa isang bundok sa kabilang dako na may isang lambak ang nakapagitan sa kanila.
4 從培肋舍特人陣地中走出一個挑戰的人,名叫哥肋雅,是加特人,身高六肘又一柞,
Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
5 頭帶銅盔,身穿鎧衣,鎧衣的重銅重五千「協刻爾」,
Mayroon siyang isang salakot na tanso sa kanyang ulo, at nasusuutan siya ng isang baluti sa katawan. Tumitimbang ang baluti ng limang libong siklong tanso.
Mayroon siyang tansong baluti sa kanyang mga binti at isang sibat na tanso sa pagitan ng kanyang mga balikat.
7 矛桿像織布機的大軸,矛頭重六百「協刻爾」;有個持盾的人給他開道。
At ang hawakan ng kanyang sibat ay malaki, na may isang silong panghabi para sa paghahagis nito gaya ng tali sa isang panghabi ng manghahabi. Tumitimbang ang ulo ng kanyang sibat ng anim na raang siklong bakal. Ang kanyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kanya.
8 他站在以色列人的陣地前,喊說:「你們為什麼出來擺陣作戰﹖我不是培肋舍特人嗎﹖你們不是撒烏耳的奴才嗎﹖你們挑選一人,下來同我對敵!
Tumayo siya at sumigaw sa mga hukbo ng Israel, “Bakit kayo lumabas para humanay sa pakikipaglaban? Hindi ba ako isang Filisteo, at hindi ba kayo mga lingkod ni Saul? Pumili kayo ng isang lalaki para sa inyong sarili at hayaan siyang bumaba rito sa akin.
9 假使他能同我決鬥,殺了我,我們就作你們的奴隸;但是,如果我得勝,殺了他,你們就應服事我們,作我們的奴隸」。
Kung kaya niya akong labanan at mapatay ako, sa gayon magiging mga alipin ninyo kami. Ngunit kung matalo at mapatay ko siya, sa gayon magiging mga lingkod namin kayo at maglingkod sa amin.”
10 那培肋舍特人還說:「今天我向以色列罵陣,你們給我個人來,讓我們彼此決鬥」。
Muling sinabi ng Filisteo, “Hinahamon ko ang mga hukbo ng Israel ngayon. Bigyan ninyo ako ng isang tao para makapaglaban kami.”
11 撒烏耳和全以色列聽見那培肋舍特說的這些話,都非常驚慌害怕。
Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang sinabi ng Filisteo, pinanghinaan sila ng loob at labis na natakot.
12 達味是猶大白冷的一個厄弗辣大人的兒子,那人名叫葉瑟,他有八個兒子。此人在撒烏耳時,已經老了。
Ngayon si David ay anak ng Efrateo ng Betlehem sa Juda, na nagngangalang Jesse. Mayroong siyang walong anak na lalaki. Isang matandang lalaki si Jesse sa panahon ni Saul, higit sa gulang sa mga kalalakihan.
13 葉瑟的三個大兒已跟撒烏耳出征作戰;從軍的三個兒子:長子叫厄里雅布,次子名叫阿彼納達布,三子名叫沙瑪。
Sumunod ang tatlong anak ni Jesse kay Saul sa pakikipaglaban. Ang pangalan ng tatlong anak niyang lalaki na sumama sa labanan ay sina Eliab ang panganay, pangalawa sa kanya si Abinadab, at ang pangatlo ay si Shamma.
Si David ang bunso. Sumunod kay Saul ang tatlong pinakamatanda.
15 達味有時服侍撒烏耳,有時離開,回白冷放父親的羊。
Ngayon nagpapabalik-balik si David sa pagitan ng hukbo ni Saul at ng mga tupa ng kanyang ama sa Betlehem, upang pakainin ang mga ito.
16 那培肋舍特人早晨晚上常出來挑戰,一連四十天之久。
Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan.
17 葉瑟對他的兒子達味說:「你給你哥哥們帶去這一「厄法」炒麥和十個餅,快往營裏給你哥哥們送去。
Pagkatapos sinabi ni Jesse sa kanyang anak na si David, “Dalahan mo ang iyong mga kapatid ng epa ng butil na sinangag at itong sampung tinapay at dalhin agad ang mga ito sa kampo para sa iyong mga kapatid mo.
18 將這十塊奶餅送給千夫長.然後看望你的哥哥們是否平安,並把他們的薪俸帶回來。
Dalahin mo din ang sampung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo. Tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid na lalaki at magdala ka pabalik ng ilang patunay na mabuti ang kanilang kalagayan.
19 他們與撒烏耳和全以色列人都在厄拉谷,同培肋舍特人作戰」。
Kasama ni Saul ang iyong mga kapatid at lahat ng kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo.”
20 達味清早起來,把羊群托給一個看羊的人,就照他父親葉瑟吩咐的起身去了。他來到營中時,軍隊正出來擺陣,喊著衝鋒的口號。
Bumangon si David ng maaga kinaumagahan at iniwan ang kawan ng tupa sa pangangalaga ng isang pastol. Kinuha niya ang mga gamit at umalis, gaya ng iniutos ni Jesse sa kanya. Pumunta siya sa kampo habang lumalabas ang hukbo sa larangan ng digmaan na isinisigaw ang sigaw pandigma.
At nagsihanay ang Israel at mga Filisteo para sa labanan, hukbo laban sa hukbo.
22 達味把自己的行囊交給一個看守輜重兵的1 內,跑入陣內,向他的哥哥們問安。
Iniwan ni David ang kanyang mga dala sa tagapag-ingat ng mga gamit, tumakbo sa mga hukbo, at binati ang kanyang mga kapatid.
23 當他和他們談話時,名叫哥肋雅的挑戰者,──加特的培肋舍特人──從培肋舍特人的陣裏上來,說了以所述的話,達味聽見了。
Habang nakikipag-usap siya sa kanila, lumabas mula sa hukbo ng Filisteo ang isang malakas na tao, ang taga-Filisteo ng Gat, na Goliat ang pangalan, at sinabi ang ganoon ding mga salita.
24 所有的以色列人一看見那人,都非常害怕,便由他面前逃避了。
At narinig ni David ang mga ito. Nang makita ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang lalaki, tumakas sila mula sa kanya at takot na takot sila.
25 那時有個以色列人宣佈說:「你們看見了上來的這人嗎﹖這人上來是辱罵以色列。若有人把他殺死,君王要賜給他許多財富,將自己是女兒嫁給他為妻,並使他的父家在以色列內豁免繳稅」。
Sinabi ng mga kalalakihan ng Israel, “Nakita ba ninyo ang taong dumating dito? Naparito siya upang hamunin ang Israel. At bibigyan ng hari ng maraming kayamanan ang taong makakapatay sa kanya, ibibigay sa kanya ang kanyang anak na babae para mapangasawa, at hindi na pababayarin ang sambahayan ng kanyang ama mula sa pagpapabuwis sa Israel.”
26 達味問站在他旁邊的人說:「殺死這培肋舍特人,給以色列雪恥的人得什麼賞﹖這未受割損培肋舍特人是誰﹖他竟敢辱罵永生天主的軍旅! 」
Sinabi ni David sa mga kalalakihang nakatayo sa tabi niya, “Ano ang gagawin sa taong makakapatay sa Filisteong ito at mag-aalis ng kahihiyan mula sa Israel? Sino ang hindi tuling Filisteo ito na humahamon sa mga hukbo ng buhay na Diyos?”
27 人就把上邊那些話告訴他說:「殺死這人的,要得這樣這樣的報酬」。
Pagkatapos inulit ng mga tao kung ano ang kanilang sinasabi at sinabihan siya, “Ganito ang gagawin sa taong makakapatay sa kanya.”
28 他的大哥厄里雅布一聽見達味對那些人所說的話,便對達味大發憤怒說:「你為什麼下來﹖你在曠野中放的那幾隻羊,託給了誰﹖我知道你驕傲,心中不懷好意;你下來只是要看作戰」。
Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
29 達味回答說:「我究竟作的什麼不對﹖連句話也不能說嗎﹖」
Sinabi ni David, “Ano ang nagawa ko ngayon? Hindi ba isang tanong lang iyon?”
30 達味就離開那裏,到了另一處,又問了同樣的事,人回答的話也和先前一樣。
Tumalikod siya sa kanya tungo sa iba, at nagsalita sa ganoon ding paraan. Sumagot ang mga tao ng parehong bagay gaya ng kanina.
31 有人聽見了達味說的話,就去報告給撒烏耳;撒烏耳就命他前來。
Nang marinig ang mga salitang sinabi ni David, inulit ng mga sundalo ang mga ito kay Saul, at ipinatawag niya si David.
32 達味對撒烏耳說:「請我主不必為那人而沮喪,你僕人要去同這培肋舍特人決鬥」。
Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, “Hayaang walang puso ang mabigo dahil sa Filisteong iyon; pupunta ang iyong lingkod at makikipaglaban sa Filisteong ito.”
33 撒烏耳對達味說:「你不能去對抗這培肋舍特人,同他決鬥,因為你還年輕,而他自幼便是習於戰鬥的人」。
Sinabi ni Saul kay David, “Hindi mo kayang pumunta sa Filisteong iyon para makipaglaban sa kanya; sapagkat isang kabataan ka lamang, at isa siyang taong mandirigma mula sa kanyang kabataan.”
34 達味回答撒烏耳說:「你的僕人是為他父親牧羊的人,幾時有獅子或狗熊闖來,由羊群中奪去一隻羊,
Pero sinabi ni David kay Saul, “Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan,
35 我就追上去,打死牠,從牠口中救出那隻來;假使獅子起來撲我,我就抓住牠的鬚,將牠打死。
hinahabol ko ito at sinasalakay ito, at inililigtas ito mula sa kanyang bibig. At kapag lumaban ito sa akin, hinuhuli ko ito sa kanyang balbas, hinahampas at pinapatay ito.
36 你的你的僕人連獅子帶狗熊都打死了,這未受割損的培肋舍特人也不過像其中的一個,因為他竟敢辱罵永生天主的軍旅」。
Parehong pinatay ng iyong lingkod ang isang leon at isang oso. Ang hindi tuling Filisteong ito ay magiging tulad ng isa sa kanila, yamang hinahamon niya ang mga hukbo ng buhay na Diyos.”
37 達味又接著說:「由獅子和狗熊中拯救我的上主,也必從這培肋舍特人手中拯救我」。撒烏耳對達味說:「去吧! 望上主與你同在! 」
Sinabi ni David, “Iniligtas ako ni Yahweh mula sa pangalmot ng leon at mula sa pangalmot ng oso. Ililigtas niya ako mula sa kamay ng Filisteong ito.” Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Humayo ka, at sumaiyo nawa si Yahweh.”
38 撒烏耳給達味穿上自己的武裝,給他頭上帶上銅盔,身上穿上鎧甲,
Dinamitan ni Saul si David ng kanyang baluti. Inilagay niya ang isang turbanteng tanso sa kanyang ulo, at dinamitan niya siya ng isang baluti sa katawan.
39 又在鎧甲上偑上自己的刀。達味試走了兩步,因他沒有穿慣,遂對撒烏耳說:「穿戴這些東西,不能行動,因為先前總沒有穿過」。所以他又將盔甲從身上脫下。
Ibinigkis ni David ang kanyang espada sa kanyang baluti. Pero hindi na siya makalakad, dahil hindi siya nasanay sa mga ito. Pagkatapos sinabi ni David kay Saul, “Hindi ako makakalaban gamit ang mga ito, sapagka't hindi ako nasanay sa mga ito.” Kaya hinubad ni David ang mga ito.
40 達味手裏拿著自己的棍子,在河裏揀了五塊很光滑的石頭,放在牧童隨身所帶的袋子內,即裝石囊內,手內拿著投石器,向那培肋舍特人走去。
Kinuha niya ang kanyang tungkod at pumili ng limang makinis na bato mula sa batis; inilagay niya ang mga ito sa kanyang supot pangpastol. Nasa kanyang kamay ang kanyang tirador habang lumalapit siya sa Filisteo.
41 那培肋舍特人也大搖大擺走近了達味,給他持盾的走在他開路。
Dumating ang Palestina at lumapit kay David, kasama ang tagadala ng kanyang kalasag sa kanyang harapan.
42 那培肋舍特人瞪眼一看,見了達味,遂看不起他,因達味還很年輕,面色紅潤,眉清目秀。
Nang tumingin sa palibot ang Palestina at nakita si David, kinamuhian niya siya, sapagka't isa lamang siyang bata, at malusog na may isang magandang anyo.
43 那培肋舍特人對達味說:「莫非我是隻狗,你竟拿棍子來對付我﹖」達味回答說:「你比一隻狗還不如! 」那培肋舍特人就指著自己的神詛咒達味,
Pagkatapos sinabi ng Palestina kay David, “Isa ba akong aso, na pumarito kang may dalang tungkod?” At isinumpa ng Palestina si David sa pamamagitan ng kanyang mga diyos.
44 且對達味說:「你到我這裏來,我要把你的肉,給空中的飛鳥和田野的走獸吃」。
Sinabi ng Filisteo kay David, “Lumapit ka sa akin, at ibibigay ko ang iyong laman sa mga ibon sa kalangitan at sa mga mababanigs na hayop ng parang.”
45 達味回答那培肋舍特說:「你仗著刀槍箭戟來對付我,但我是仗著你所淩辱的萬軍的上主,以色列的天主的聖名來對付你。
Sumagot si David sa Filisteo, “Pumarito ka sa akin na may isang espada, isang sibat, at isang mahabang sibat. Ngunit pumarito ako sa iyo sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng mga hukbo ng Israel, na iyong kinamumuhian.
46 今天上主定把你交在我手中,我必打死你割下你的頭來;今天我要把你的屍體和培肋舍特軍人的屍體,給空中的飛鳥和田野的走獸吃:這樣:全地都要知道在以色列有天主。
Ngayon, bibigyan ako ni Yahweh ng tagumpay laban sa iyo, at papatayin kita at aalisin ang iyong ulo mula sa iyong katawan. Ngayon ibibigay ko ang mga patay na katawan ng hukbong Filisteo sa mga ibon ng kalangitan at sa mababangis na mga hayop ng mundo, upang malaman ng lahat ng mundo na may Diyos ang Israel,
47 在埸的眾人也要知道,上主不賴刀槍賜人勝利,戰爭勝負只屬於上主,衪已把你們交我們手中了」。
at upang malaman ng lahat ng nagtitipong ito na hindi nagbibigay ng tagumpay si Yahweh gamit ang espada o sibat. Sapagka't ang pakikipaglaban ay kay Yahweh, at ibibigay niya kayo sa aming mga kamay.”
48 正當那培肋舍特人起身,大搖大擺向達味走來時,達味趕快由陣中跑出來,迎那培肋舍特人;
Nang tumayo ang Filisteo at lumapit kay David, sa gayon tumakbo ng mabilis si David patungo sa hukbo ng mga kaaway upang salubungin siya.
49 同時伸手,由囊中取出一塊石頭,套在投石器上打過去,正打在那培肋舍特人的額上,石頭穿入額內,那人就跌倒在地上。
Isinuot ni David ang kanyang kamay sa kanyang supot, kumuha ng isang bato mula rito, tinirador ito, at tinamaan ang Filisteo sa kanyang noo. Bumaon ang bato sa noo ng Filisteo, at sumubsob ang kanyang mukha sa lupa.
50 如此,達味用投石器和石頭,得勝了那培肋舍特人,打中了他,將他殺死,雖然手無寸鐵。
Tinalo ni David ang ang Palestina gamit ang isang tirador at isang bato. Tinamaan niya ang ang Palestina at pinatay siya. Walang espada sa kamay ni David.
51 達味遂跑過去,站在培肋舍特人身上,拿起他的刀,從鞘內拔出,殺了他,砍下他的頭。所有培肋舍特人看見他們的英雄死了,就囡散奔逃。
Pagkatapos tumakbo si David at tumayo sa ibabaw ng Palestina at kinuha ang kanyang espada, binunot sa lagayan ng kaniyang espada, pinatay siya, at pinugot ang kanyang ulo gamit ito. Nang makita ng mga Filisteo na patay na ang kanilang malakas na lalaki, tumakas sila.
52 以色列人和猶大人就起來吶喊,追擊培肋舍特人直到加特關,直到厄刻龍城門。沿沙阿辣因的路上,直到加特和厄刻龍,遍地是培肋舍特人的屍首。
Pagkatapos sumigaw ang mga kalalakihan ng Israel at Juda, at hinabol nila ang mga Filisteo hanggang sa lambak at mga tarangkahan ng Ekron. Nakahandusay ang mga patay na Filisteo sa daan patungong Shaaraim, hanggang sa Gat at sa Ekron.
53 以色列人追殺培肋舍特人回來,又搶劫了他們的幕。
Bumalik ang mga tao ng Israel mula sa pagtugis sa mga Filisteo, at ninakawan ang kanila kampo.
54 以後,達味取了那培肋舍特人的頭,送到耶路撒冷;至於那人的武器,卻放在會幕內。
Kinuha ni David ang ulo ng Filisteo at dinala ito sa Jerusalem, ngunit nilagay niya ang kanyang baluti sa kanyang tolda.
55 當撒烏耳看見達味去和那培肋舍特人迎戰時,就問統帥阿貝乃爾說:「阿貝乃爾,這少年人是誰的兒子﹖」阿貝乃爾回答說:「大王萬歲,我不知道」。
Nang makita ni Saul si David na lumabas laban sa mga Filisteo, sinabi niya kay Abner, ang kapitan ng hukbo, “Abner, kaninong anak ang binatang ito?” Tumugon si Abner, “Habang nabubuhay ka, hari, hindi ko alam.”
Sinabi ng hari, “Tanungin ninyo kung sino ang maaaring nakakaalam, kung kaninong anak ang binata.”
57 達味殺死那培肋舍特人回來時,阿貝乃爾帶他去見撒烏耳,他手中還拿著那培肋舍特人的頭。
Nang makabalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, pinuntahan siya ni Abner at dinala sa harapan ni Saul na dala ang ulo ng Palestina sa kanyang kamay.
58 撒烏耳問他說:「少年人你是誰的兒子﹖」達味答說:「我是你僕白冷人葉瑟的兒子」。
Sinabi ni Saul sa kanya, “Kaninong anak ka, binata?” At sumagot si David, “Anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na taga-Bethlehem.”