< 撒母耳記上 13 >

1 撒烏耳三十歲登極,作以色列王四十年。
Tatlumpong taong gulang si Saul nang nagsimula siyang mamuno; nang namuno siya sa loob ng apatnapung taon sa Israel,
2 撒烏耳從以色列人中挑選了三千人:兩千在米革瑪斯和貝特耳山地與撒烏耳在一起;一千在本雅明的革巴隨著約納堂;剩下的人,撒烏耳遺散他們各回本帳幕。
pumili siya ng tatlong libong kalalakihan ng Israel. Dalawang libo ang kasama niya sa Micmas at sa maburol na lugar ng Bethel, habang isang libo ang kasama ni Jonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi niya ang mga natitirang sundalo, bawat lalaki sa kanyang tolda.
3 約納堂擊殺了駐紮在基貝亞的培肋舍特人的官吏,培肋舍特人遂知道希伯人已經叛變。撒烏耳在全國吹了警號,
Tinalo ni Jonatan ang kuta ng mga Filisteo na nasa Geba at narinig ito ng mga Filisteo. Pagkatapos hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, nagsasabing, “Hayaang marinig ng mga Hebreo.”
4 全以色列人都聽說:撒烏耳擊殺了培肋舍特人的一個官吏,所以以色列為培肋舍特人所仇恨;於是人民便跟隨撒烏耳聚集在基耳加耳。
Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal.
5 培肋舍特人已調齊來攻打以色列人;他們有戰車三千,騎兵六千,民兵多得如同海邊的沙,都上來在貝特阿文東方的米革瑪斯紮了營。
Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven.
6 以色列人一見大難臨頭,敵人壓境,就有人藏在山洞裏,土窟內,岩石下,地窖內和旱井裏,
Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila ay nasa panganib—sapagkat ang mga tao ay namimighati, nagtago ang mga tao sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay.
7 另有許多人渡過約但河往加得和基肋阿得去了;但撒烏耳卻還在基耳加耳,跟隨他的人都戰慄害怕。
Ang ilan sa mga Hebreo ay pumunta sa ibayo ng Jordan sa lupain ni Gad at Galaad. Subalit naroon pa rin si Saul sa Gilgal, at nanginginig ang lahat ng mga tao na sumusunod sa kanya.
8 撒烏耳照撒慕爾約定的日期等了七天,但是撒慕爾卻沒有到基耳加耳來,因此軍民離開撒烏耳四散逃跑了。
Naghintay siya ng pitong araw, ang itinakdang panahon ni Samuel. Subalit hindi pumunta si Samuel sa Gilgal, at naghiwa-hiwalay ang mga tao mula kay Saul.
9 撒烏耳於是吩咐說:「把全燔祭品與和平祭品送到我這裏來! 」他遂獻了全燔祭。
Sinabi ni Saul, “Dalhin ninyo sa akin ang handog na susunugin at ang mga handog pangkapayapaan” Pagkatapos inihandog niya ang handog na susunugin.
10 他剛獻完全燔祭,撒慕爾來了,撒烏耳便去迎接他,向他致敬。
Nang matapos siyang maghandog ng handog na susunugin dumating si Samuel. Lumabas si Saul upang salubungin siya at upang batiin siya.
11 撒慕爾問道:「你作了什麼事﹖」撒烏耳答說:「我看見軍民離開我四散逃跑了,你又沒有照定期來,同時培肋舍特人已集合在米革瑪斯,
Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Ano itong nagawa mo?” Sumagot si Saul, “Nang nakita ko na iniwanan na ako ng mga tao, at hindi ka dumating sa loob ng itinakdang panahon, at nagtipon ang mga Filisteo sa Micmas,
12 所以我想現在培肋舍特人就要下到基耳加耳來攻打我,我還沒向上主求援,所以我迫不得已,奉獻了全燔祭。」
sinabi ko, 'Bababa ngayon ang mga Filisteo laban sa akin sa Gilgal, at hindi ko hinanap ang pabor ni Yahweh.' Kaya pinilit ko ang aking sarili na ihandog ang handog na susunugin.”
13 撒慕爾對撒烏耳說:「你作的真糊塗! 假使你遵守了上主你的天主吩咐的命令,上主必鞏固你在以色列的王位直到永遠。
Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Kumilos ka ng may kahangalan. Hindi mo sinunod ang utos ni Yahweh na iyong Diyos na ibinigay niya sa iyo. Sa gayon itinatag sana ni Yahweh ang iyong pamumuno sa Israel magpakailanman.
14 但現在你的王位已立不住了;上主已另找了一位隨他心意的人,立他為百姓的首領,因為你沒有遵守上主吩咐你的命令。」
Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”
15 撒慕爾就起身離開基耳加耳走了。剩下的人跟隨撒烏耳從基耳加耳上到了本雅明的革巴,與那裏的軍隊會合;撒烏耳統計了隨從他的部隊,約有六百人。
Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Gilgal patungong Gibea ng Benjamin. Pagkatapos binilang ni Saul ang mga tao na naroon kasama niya, halos anim na raang kalalakihan.
16 撒烏耳和他的兒子約納堂,並一切隨從他們的人駐紮在本雅明的革巴;同時培肋舍特人已在米革瑪斯安了營。
Si Saul, kanyang anak na lalaking si Jonatan, at ang mga tao na naroon kasama nila, ay nanatili sa Geba ng Benjamin. Subalit nagkampo ang mga Filisteo sa Micmas.
17 那時從培肋舍特營中有三個突擊隊出發:一隊取道敖斐辣,開往叔阿耳地方;
Dumating ang mga mananalakay mula sa kampo ng mga Filisteo sa tatlong pangkat. Isang pangkat ay patungong Ofra, sa lupain ng Sual.
18 一隊開往貝特曷龍;另一隊開往革巴,此地俯瞰往曠野去的袋狼山谷。
Ang ibang pangkat ay patungong Beth-horon, at ang ibang pangkat ay patungo sa hangganan na nakatanaw sa lambak ng Zeboim patungo sa ilang.
19 那時,在以色列全境內沒有鐵匠,原來培肋舍特人說過:「免得希伯來人製造刀鎗。」
Walang mahanap na panday sa buong Israel, dahil sinabi ng mga Filisteo, “Kung hindi gagawa ang mga Hebreo ng mga espada o mga sibat para sa kanilang mga sarili.”
20 因此,以色列人為磨快犁、鋤、斧、鐮,都要下到培肋舍特人那裏。
Subalit ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay sanay na bumaba sa mga Filisteo, bawat isa upang hasain ang tulis ng kanyang arado, kanyang asarol, kanyang palakol, at kanyang karit.
21 磨快犁和鋤的價錢是三分之二「協刻耳,」磨快鐮刀或裝製刺針是三分之一「協刻耳。」
Ang bayad ay ikadalawang bahagi ng isang sekel para sa tulis ng arado, at sa mga asarol, at isangkatlo ng isang sekel para sa paghahasa ng mga palakol at para sa pagpapatuwid ng mga pantaboy.
22 所以在米革瑪斯到了開戰的那一天,隨從撒烏耳和約納堂的人手中都沒有刀鎗,祇是撒烏耳和他的兒子約納堂有刀鎗。
Kaya sa araw ng labanan, walang mga espada o mga sibat na makikita sa mga kamay ng alinmang sundalo na kasama nina Saul at Jonatan; sina Saul at kanyang anak na lalaki na si Jonatan lamang ang mayroon nito.
23 那時培肋舍特人的前哨向米革瑪斯關口推進。
Ang kuta ng mga Filisteo ay pumunta sa lagusan ng Micmas.

< 撒母耳記上 13 >