< 列王紀上 3 >

1 [撒羅滿與外族結親]撒羅滿與埃及王法郎結親,娶了法郎的公主,接她住在達味城,直等到他建完了自己的宮殿、上主的殿及耶路撒冷四周圍的城垣。
Kumampi si Solomon sa Paraon na hari ng Ehipto sa pamamagitan ng pagpapakasal. Kinuha niya ang anak na babae ng Paraon at dinala siya sa lungsod ni David hanggang sa matapos niya ang pagtatayo ng kaniyang sariling tahanan, ang tahanan ni Yahweh, at ang pader sa paligid ng Jerusalem.
2 百姓仍然在高丘上獻祭,因為直到那時,還沒有為上主的名建造殿宇。
Nag-aalay ang mga tao sa mga dambana, dahil wala pang tahanan ang naitayo para sa pangalan ni Yahweh.
3 撒羅滿愛慕上主,遵行他父親達味的律例,只是仍在高丘上獻祭焚香。上主顯現給撒羅滿
Minahal ni Solomon si Yahweh, lumalakad sa mga alituntunin ni David na kaniyang ama, maliban na nag-alay siya at nagsunog ng insenso sa mga dambana.
4 撒羅滿王去了基貝紅,為在那裏獻祭,因為那是一個最廣大的高丘。撒羅滿在那裏的祭壇上奉獻了一千全燔祭。
Pumunta ang hari sa Gibeon para mag-alay doon, dahil iyon ang malaking dambana. Naghandog si Solomon ng isang libong susunuging handog sa altar na iyon.
5 撒羅滿在基貝紅時,夜間上主藉著夢顯現給他;天主對他說﹕「你不拘求什麼,我必給你。」
Nagpakita si Yahweh sa Gibeon kay Solomon sa isang panaginip isang gabi; sinabi niya, “Humiling ka! Ano ang ibibigay ko sa iyo?”
6 撒羅滿說﹕「你的僕人,我的父親達味曾以虔誠、公義及正直的心與你同行,你曾向他表示了偉大的恩德,又為給他保持這偉大的恩德,賜給了他一個兒子,坐在他的寶座上,如同今天一樣。
Kaya sinabi ni Solomon, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan sa iyong lingkod, si David, aking ama, dahil lumakad siya sa harap mo nang may pagtitiwala, katuwiran, at kabutihan ng puso. Iningatan mo ang dakilang katapatan sa tipan na ito para sa kaniya at binigyan mo siya ng anak na lalaki para maupo sa trono niya ngayon.
7 上主,我的天主,現在你使你的僕人替代我父親達味為王,但我還太年輕,不知道如何處理國事。
At ngayon, Yahweh na aking Diyos, ginawa mong hari ang iyong lingkod kapalit ni David na aking ama, kahit na isa lamang akong bata. Hindi ko alam kung paano lumabas o pumasok.
8 你的僕人是住在你所選的民族中間,這是一個多得不可統計,不可勝數的大民族。
Ang iyong lingkod ay nasa kalagitnaan ng mga taong pinili mo, dakilang bayan, masyadong marami para itala o bilangin.
9 為此,求你賜給你的僕人一顆慧心,可統治你的百姓,判斷善惡;否則,誰能統治你這樣眾多的人民呢﹖」
Kaya bigyan mo ang iyong lingkod ng maunawaing puso para hatulan ang iyong bayan, para malaman ko ang mabuti at masama. Dahil sino ang may kakayahang hatulan ang dakilang bansa mo na ito?”
10 因為撒羅滿求了這件事,獲得了上主的歡心。
Ang kahilingan na ito ni Solomon ay ikinalugod ng Panginoon.
11 天主於是對他說﹕「因為你求了這件事,而沒有為你自己求長壽,也沒有為你自己求富貴,也沒有要求你敵人的性命,單單為你自己求了智慧,為能辨明正義。
Kaya sinabi sa kaniya ng Diyos, “Dahil hiniling mo ang bagay na ito at hindi ka humiling para sa sarili mo ng mahabang buhay o kayamanan o ang buhay ng iyong mga kalaban, pero humiling ka para sa sarili mo ng kaunawaan para malaman ang katarungan.
12 我必照你的話作,賞賜你一顆聰明智慧的心,在你以前沒有像你的人,在你以後,也不會興起一個像你的人。
Tingnan mo, ngayon gagawin ko ang lahat ng hiniling mo sa akin. Bibigyan kita ng may karunungan at maunawaing puso, sa gayon wala ng katulad mo na nauna sa iyo, at walang katulad mo ang mas hihigit na susunod sa iyo.
13 你沒有要求的榮華富貴,我也賞賜你,使你在列王中,一生沒有可與你相比的。
Binigay ko rin sa iyo ang hindi mo hiniling, ang parehong kayamanan at karangalan, para walang magiging katulad mo sa mga hari sa lahat ng iyong mga araw.
14 如果你履行我的道路,恪守我的法律和我的命令,一如你父親達味所行的,我必要延長你的壽命。」
Kung lalakad ka sa aking mga paraan para sundin ang aking mga alituntunin at utos, tulad ng paglakad ng iyong ama na si David, pahahabain ko ang iyong mga araw.”
15 撒羅滿醒來,纔知道原是一夢;以後他回了耶路撒冷,立在上主的約櫃前,奉獻了全燔祭與和平祭,設宴款待了自己所有的臣僕。撒羅滿斷獄如神
Pagkatapos ay nagising si Solomon, masdan ito, isa iyong panaginip. Pumunta siya sa Jerusalem at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon. Nag-alay siya ng mga handog na susunugin at handog para sa kapayapaan, at nagdaos ng isang handaan para sa lahat ng kaniyang mga lingkod.
16 有一天,有兩個妓女來見君王,立在君王面前。
May dalawang bayarang babae ang pumunta sa hari at tumayo sa harap niya.
17 一個女人說﹕「我主,我和這個女人同住一房,在這房裏,我靠著她生了一個孩子。
Sinabi ng isang babae, “O, aking panginoon, ako at ang babaeng ito ay naninirahan sa iisang bahay, at nanganak ako kasama siya sa bahay na iyon.
18 我生產後第三天,這個女子也生了一個孩子。我們住在一起,在這房裏,除我們二人外,再沒有別人住在這房裏。
Nangyari na sa ikatlong araw matapos kong manganak ay nanganak din ang babaeng ito. Magkasama kami. Wala na kaming kasama sa bahay, pero kami lamang dalawa ang nasa bahay.
19 有一夜,這個女子的兒子死了,是因為她睡覺壓死的。
Isang gabi ay namatay ang kaniyang anak na lalaki, dahil nahigaan niya ito.
20 她半夜起來,趁你婢女熟睡時,從我身邊抱去我的兒子,放在她懷裡,把她死了的兒子,放在我懷裡。
Kaya tumayo siya nang hatinggabi at kinuha ang aking anak na lalaki sa tabi ko, habang natutulog ang iyong lingkod, at inihiga siya sa kaniyang dibdib, at inihiga ang kaniyang patay na anak sa aking dibdib.
21 當我清早起來,給孩子餵奶時,發覺孩子死了;及至天亮,我仔細一看,發覺他不是我親生的兒子。」
Nang tumayo ako kinaumagahan para pasusuin ang aking anak, patay na siya. Pero nang tinignan ko siya nang mabuti kinaumagahan, hindi siya ang aking anak, na ipinanganak ko.”
22 另一個女人說﹕「不是的,活的是我的兒子,死的是你的兒子。」這個女人說﹕「不是的,死的是你的兒子,活的是我的兒子。」她們倆就這樣在君王面前爭論不休。
Pagkatapos ay sinabi ng isa pang babae, “Hindi, ang nabubuhay ang aking anak, at ang patay ay ang iyong anak.” Sinabi ng unang babae, “Hindi, ang patay ay ang iyong anak, at ang nabubuhay ay ang aking anak.” Ganito sila nag-usap sa harap ng hari.
23 君王說﹕「這一個說﹕活的是我的兒子,死的是你的兒子;那一個說﹕不是的,死的是你的兒子,活的是我的兒子。」
Pagkatapos ay sinabi ng hari, “Ang isa sa inyo ay sinasabi, 'Ito ang aking anak na nabubuhay, at ang iyong anak ay patay na,' at sinasabi ng isa pa, 'Hindi, ang anak mo ay ang patay na, at ang anak ko ay ang nabubuhay pa.'”
24 君王吩咐說﹕「給我拿把刀來! 」人就給君王拿來了一把刀。
Sinabi ng hari, “Magdala kayo sa akin ng espada.” Kaya nagdala sila ng espada sa hari.
25 君王遂下令說﹕「把那活孩子劈成兩半﹕一半給這一個,一半給那一個。」
Pagkatapos ay sinabi ng hari, “Hatiin ninyo ng dalawa ang nabubuhay na bata, at ibigay ang kalahati sa babaeng ito, at ang kalahati sa isa pa.”
26 那活孩子的母親因為愛子心切,就對君王說﹕「我主,請把活孩子給那女人罷! 千萬不要殺他! 」那個女人說﹕「劈開罷! 這孩子不歸我,也不歸你! 」
At ang babae na ang anak ay buhay pa ay nagsalita sa hari, dahil ang kaniyang puso ay puno ng pagmamahal para sa kaniyang anak, “O, aking panginoon, ibigay mo na lang sa kaniya ang nabubuhay na bata, at huwag mo siyang patayin sa anumang paraan.” Pero sinabi ng isa pang babae, “Hindi siya mapupunta sa akin o sa iyo. Hatiin ninyo siya.”
27 君王於是宣判說﹕「將活孩子給這個女人,不要殺他。這個女人實在是他的母親! 」
Pagkatapos ay sumagot ang hari at sinabi, “Ibigay niyo sa unang babae ang nabubuhay na bata, at huwag ninyo siyang patayin sa anumang paraan. Siya ang kaniyang ina.”
28 全以色列人聽了君王所斷的案件,便都尊敬君王,因為他們見他斷案時,具有天主的智慧。
Nang narinig ng buong Israel ang paghahatol na ginawa ng hari, natakot sila sa hari, dahil nakita nila ang karunungan ng Diyos ay nasa kaniya sa pagbibigay ng hatol.

< 列王紀上 3 >