< 歷代志上 29 >

1 [達味勸捐]達味王又對全會眾說:「我的兒子撒羅滿,天主所特天主;
Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos.
2 為此,我竭盡力量為我天主的殿宇,預備了金子作金器,銀子作銀器,銅作銅器,鐵作鐵器,木作木器,且有紅瑪瑙、可鑲嵌的寶石、孔雀石、斑色石、各種玉石,以及很多大理石。
Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol.
3 此外,因為我愛我天主的殿宇,除了我為建築聖殿所準備的以外,我還將我私蓄的金銀,獻給我天主的殿宇:
Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo:
4 就是敖非爾金子三千「塔冷通,」純銀七千「塔冷通,」為包殿內的牆壁;
tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talento na pinong pilak upang ilagay sa mga dingding ng mga gusali.
5 金子用來製造金器,銀子用來製造銀器,和匠人所應作的一切巧工。今天誰自願給上主捐獻呢﹖」
Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?”
6 於是各族長、以色列各支派的首領、千夫長、百夫長以及掌管君王勞役的主管,都自願捐獻。
Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari.
7 為了天主殿宇的用途,他們捐獻了五千「塔冷通」金子,一萬「達理克,」一萬「塔冷通」銀子,一暗八千「塔冷通」銅和十萬「塔冷通」鐵。
Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal.
8 凡有寶石的,都交入上主殿內府庫裏,由革爾雄人耶希耳保管。
Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon.
9 百姓都因這些人甘願捐獻而高興,因為他們都甘心情願向上主捐獻;達味君王也非常高興。[達味讚頌上主]
Nagalak ang mga tao dahil sa mga kusang-loob na handog na ito, sapagkat buong puso silang nagbigay kay Yahweh. Labis ding nagalak si Haring David.
10 達味遂在全會眾面前讚頌上主說:「上主,我們的祖先以色列的天主應受讚美,從永遠直到永遠!
Pinapurihan ni David si Yahweh sa harapan ng lahat ng kapulungan. Sinabi niya, “Papurihan ka nawa, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ninuno, magpakailanman.
11 上主! 偉大、能力、榮耀、壯麗和威嚴都歸於你,因為上天下地所有的一切都是你的。上主! 王權屬於你,你應受舉揚為萬有的元首。
Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat.
12 富貴和光榮由你而來,你是一切的主宰;力量和權能在你手中;人強大,人昌盛,都出於你手。
Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman.
13 我們的天主,現在我們稱頌你,讚揚你榮耀的名。
At ngayon, aming Diyos, pinasasalamatan ka namin at pinapupurihan ang iyong maluwalhating pangalan.
14 我算什麼﹖我的百姓又算什麼﹖竟有能力如此甘願捐獻﹖其實一切是由你而來,我們只是將由你手中得來的,再奉獻給你。
Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo.
15 我們在你面前是外方人,是旅居作客的,一如我們的祖先;我們在世上的時日有如陰影,不能持久。
Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo.
16 上主我們的天主! 我們為建築敬拜你聖名的殿宇所預備的這一切財物,都是由你而來,也完全是你的。
Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo.
17 我的天主! 我知道你考驗人心,你喜愛正直,我即以正直的心自願獻上這一切,並且我現在很喜歡看見你在這裏的百姓,都自願向你捐獻。
Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
18 上主,我們祖先亞巴郎、依撒格、以色列的天主! 求你永遠使你的人民保存這種心思意願,令他們的心靈堅定於你。
Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
19 求你賜給我兒撒羅滿一顆純全的心,遵守你的誡命、你的法律和你的典章,一一實行,用我所準備的來建築殿宇。」
Bigyan mo si Solomon na aking anak ng buong pusong pagnanais na sundin ang iyong mga kautusan, ang iyong mga utos sa kasunduan, at ang iyong mga tuntunin, at isagawa ang lahat ng mga planong ito na itayo ang palasyo na aking ipinaghanda.
20 達味對全會眾說:「你們應該讚頌上主,你們的天主! 」全會眾便讚頌了上主,他們祖先的天主,向上主,及君王俯首下拜。[撒羅滿登極]
Sinabi ni David sa lahat ng kapulungan, “Papurihan ngayon si Yahweh na inyong Diyos.” Nagpuri ang lahat ng kapulungan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh at nagpatirapa sila sa harapan ng hari.
21 次日,他向上主獻了全燔祭:牛犢一千,公山羊一千,羔羊一千,以及同獻的奠祭,並為以色列民眾獻了許多犧牲。
Kinabukasan, naghain sila ng mga handog kay Yahweh at mga handog na susunugin para sa kaniya. Naghandog sila ng isang libong toro, isang libong lalaking tupa, at isang libong kordero, kabilang ang mga handog na inumin at mga hain na masagana para sa buong Israel.
22 那天,他們在上主面前,歡天喜地地吃喝,以後,他們二次立達味的兒子撒羅滿為王,給他傅油,為上主作人君;又給匝多克傅油,立他為大司祭。
Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.
23 於是撒羅滿坐在上主的寶座上,代他父親達味為王;他非常順利,全以色列都服從他。
At umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari sa halip na si David na kaniyang ama. Pinagpala siya, at sinunod siya ng buong Israel.
24 所有的首領、勇士以及達味王所有的兒子,都屬撒羅滿王權下。
Nagpahayag ng katapatan ang lahat ng mga pinuno, mga kawal, at ang lahat ng mga anak ni David kay Haring Solomon.
25 上主在全以色列民眾面前,特別高舉了撒羅滿,賜予他君王的威嚴,勝過以前所有的以色列君王。[達味逝世]
Lubos na pinarangalan ni Yahweh si Solomon sa harap ng buong Israel at ipinagkaloob sa kaniya ang kapangyarihang higit kaysa sa mga ibinigay niya sa sinumang hari ng Israel.
26 葉瑟的兒子達味統治了全以色列,
Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.
27 統治以色列為時凡四十年:在赫貝龍為王七年,在耶路撒冷為王三十三年。
Naging hari si David sa Israel sa loob ng apatnapung taon. Namuno siya ng pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
28 他死時年紀很大,享了高壽和榮華富貴;他的兒子撒羅滿繼位為王。
Namatay siya na nasa tamang katandaan, pagkatapos niyang tinamasa ang mahabang buhay, kayamanan at karangalan. Si Solomon na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya.
29 達味王的前後事蹟,都記載在先見者撒慕爾言行錄、先知納堂言行錄和先見者加得言行錄上。
Nakasulat ang mga nagawa ni Haring David sa kasaysayan ni Samuel na propeta, sa kasaysayan ni Natan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na propeta.
30 他與國家有關的大事、他的武功,以及他與以色列和四鄰各國所經歷的史事,全都記載在這些書上。
Nakatala roon ang mga ginawa niya sa kaniyang pamumuno, ang kaniyang nagawa at ang mga pangyayari na nakaapekto sa kaniya, sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa ibang lupain.

< 歷代志上 29 >