< 歷代志上 28 >
1 [達味宣佈建殿]達味召集了以色列的眾首長、各支派首長、值班服事君王的首長、千夫長、百夫長、掌管軍人及王室子女財產牲畜的首長,以及太監、勇士和眾顯要,到耶路撒冷來。
Pinulong ni David ang lahat ng mga pinuno sa Israel at Jerusalem: ang mga pinuno ng mga tribo, ang mga pinuno ng bawat pangkat na naglilingkod sa hari sa itinakdang panahon ng kanilang gawain, mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal, ang mga namamahala sa lahat ng mga pag-aari at mga ari-arian ng hari at ng kaniyang mga anak na lalaki, at ang mga pinuno at mga mandirigmang lalaki, kabilang ang mga pinakadalubhasa sa kanila.
2 達味王站起來說道:「我的弟兄,我的百姓,請聽我的話! 我原有意為上主的約櫃,即為我們天主的腳凳,建造一座安放的殿宇,並且我已作了建造的準備;
Pagkatapos tumayo si haring David at sinabi, “Makinig kayo sa akin, mga kapatid at mga mamamayan. Layunin kong magtayo ng isang templo para sa kaban ng tipan ni Yahweh; isang tungtungan ng paa ng ating Diyos, at nakapaghanda na ako sa pagpapatayo nito.
3 然而天主對我說:你不可為我的名建築殿宇,因為你是一個軍人,流過人的血。
Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, 'Hindi ka magtatayo ng isang templo para sa aking pangalan, sapagkat ikaw ay isang mandirigma at nagpadanak ng dugo.'
4 上主以色列的天主,由我父全家中選拔了我永遠作王,統治以色列,因為他選拔了猶大為長,由猷大家族中又選拔了我的父家,在我父親的兒子中,他喜愛我,立我作王,統治全以色列;
Ngunit si Yahweh na Diyos ng Israel, pinili niya ako sa lahat ng pamilya ng aking ama na maging hari sa Israel magpakailanman. Pinili niya ang tribo ni Juda bilang pinuno. Sa tribo ng Juda at sa sambahayan ng aking ama, sa lahat ng lalaking anak ng aking ama, ako ang pinili niya na maging hari sa buong Israel.
5 他又從我的眾子中,─因為上主賞賜了我許多兒子,選拔了我兒撒羅滿,坐上主王國的寶座,治理以色列。
Mula sa maraming anak na ibinigay ni Yahweh sa akin, pinili niya si Solomon, na aking anak, na maupo sa trono ng kaharian ni Yahweh sa buong Israel.
6 他這樣對我說:是你的兒子撒羅滿要為我建築殿宇和庭院,因為我以選了他作我的兒子,我要作他的父親。
Sinabi niya sa akin, 'Ang anak mong si Solomon ang magtatayo ng aking tahanan at ng aking mga patyo, sapagkat pinili ko siya upang maging anak ko at ako ang magiging ama niya.
7 如果他堅守遵行我的誡命和法律,如同今日一樣,我必鞏固他的王權直到永遠。
Itatatag ko ang kaniyang kaharian magpakailanman kung mananatili siyang matapat sa pagsunod sa aking mga kautusan at mga utos, katulad mo sa araw na ito.'
8 所以現今當著全以色列,上主的會眾面前,在我們天主聽聞之下,我勸你們必須遵守並尋求上主,你們天主的一切誡命,好使你們保有這塊美麗的地方,永遠遺留給你們的子孫。
Kaya ngayon, sa harap ng buong Israel, at ng kapulungang ito para kay Yahweh at sa harapan ng ating Diyos, kailangan na ingatan at sikapin ninyong isagawa ang lahat ng kautusan ni Yahweh na inyong Diyos. Gawin ninyo ito upang makamtan ninyo ang mabuting lupaing ito at maipamana magpakailanman sa inyong mga anak na susunod sa inyo.
9 至於你、我兒撒羅滿! 你要認識你父親的天主,全心樂意事奉他,因為上主洞察所有人的心,知道人的一切心思欲念。如果你尋求他,他必使你尋獲;如果你背判他,他必要永遠拋棄你。
At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman.
10 現在,你該注意,因為上主揀選了你建築殿宇作為他的聖所,你要勇敢去行。」[交付聖殿圖樣]
Isipin mo na pinili ka ni Yahweh na magtayo ng templong ito bilang kaniyang santuwaryo. Magpakatatag ka at gawin ito.”
11 達味遂將門廊、廂房、府庫、樓閣、內室和至聖所的圖樣,交給了他的兒子撒羅滿;
Pagkatapos nito ibinigay ni David kay Solomon na kaniyang anak ang plano para sa portiko ng templo, ng mga gusali ng templo, ng mga silid imbakan, ng mga silid na nasa itaas, ng mga silid sa loob, at ang silid kung saan ilalagay ang takip ng luklukan ng awa.
12 將他心中關於上主殿宇的庭院,周圍的房屋,天主殿內的府庫,聖物的府庫所有的圖樣,
Ibinigay niya ang plano na kaniyang iginuhit para sa patyo ng bahay ni Yahweh, ang lahat ng nakapalibot na mga silid, ang silid imbakan sa tahanan ng Diyos, at ang mga kabang-yaman na pag-aari ni Yahweh.
13 以及關於司祭和肋未人的班次,在上主殿內應行的一切禮儀,上主殿內行禮儀時應用的一切器皿,都指示給他,
Ibinigay niya ang mga tuntunin para sa mga gawain ng bawat pangkat ng mga pari at mga Levita, para sa mga itinalagang responsibilidad para sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, at para sa lahat ng mga bagay sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh.
14 並給他指定用多少份量的金子,製各種禮儀應使用的一切金器;用多少份量的銀子,製各種歷任應使用的一切銀器,
Ibinigay niya ang timbang ng lahat ng sisidlang ginto, at ng lahat ng sisidlang pilak, at ng lahat ng mga bagay na kailangan para sa bawat uri ng paglilingkod.
15 用多少份量的金子,製金燈台及台上的金燈,用多少份量製每盞金燈台及台上的金燈;用多少份量的銀子,製銀燈台及台上的銀燈,每盞銀燈台及台上銀燈的重量,按每盞燈台的用途應用多少;
Ibinigay ang mga detalye ng mga ito, ang timbang, kabilang ang detalye para sa mga ilawang ginto at para sa mga gintong patungan ng mga ito, ang mga detalye ng timbang ng bawat isa nito, pati na ang patungang pilak at ang mga detalye para sa tamang paggamit sa bawat patungan ng mga ilawan.
16 用多少份量的金子,製供餅的桌子,每張應用多少;用多少銀子製銀桌子;
Ibinigay niya ang timbang ng mga ginto para sa mga lamesa ng tinapay na handog, para sa bawat lamesa, at ang timbang ng pilak para sa mga lamesang pilak.
17 用多少份量的純金,製叉、盤和壺;用多少份量的金子,製各種金碗,每隻碗重量多少;用多少份量的銀子,製各種銀碗,每隻碗重量多少;
Ibinigay niya ang timbang ng purong ginto para sa mga panusok ng karne, mga palanggana, at mga tasa. Ibinigay niya ang timbang para sa bawat gintong mangkok, at ang timbang ng bawat pilak na mangkok.
18 用多少份量的純金,製造香壇;最後給他指定了車子的圖樣,即展開翅膀遮蓋上主的約櫃的金革魯的圖樣:
Ibinigay niya ang timbang ng pinong ginto para sa altar ng insenso, at ng ginto para sa disenyo ng mga kerubin na nakabuka ang kanilang mga pakpak at tumatakip sa kaban ng tipan ni Yahweh.
19 這一切,即這一切工作的圖樣,都給他按照上主的指示劃了出來。[勸勉撒羅滿]
Sinabi ni David, “Isinulat ko ang mga ito habang pinapatnubayan ako ni Yahweh at ipinaunawa sa akin ang tungkol sa mga disenyo.”
20 達味又對他的兒子撒羅滿說:「你要勇敢勉力去行,不必害怕,不必畏懼,因為上主天主,我的天主必與你同在;他決不遠離你,決不拋棄你,直到你完成修築上主殿宇的一切工作。
Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, “Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh.
21 你看,司祭和肋未人已分好班次,奉行天主殿內的事務;在各種工作上,又有各種的巧匠自願輔助你,首領和全體人民又都聽你的指揮。」
Tingnan mo, narito ang mga pangkat ng mga pari at mga Levita para sa lahat ng paglilingkod sa templo ng Diyos. Makakasama mo sila, kasama ng lahat ng mga kalalakihang bihasang at may kusang loob upang tulungan ka sa gawain at upang gampanan ang paglilingkod. Ang mga opisyal at ang lahat ng mga tao ay handang sumunod sa iyong mga utos.”