< 歷代志上 26 >

1 [守門的班次與任務]守門者的班次如下:科辣黑族中,有阿彼雅撒夫的子孫科辣黑的兒子默舍肋米雅。
Ito ang pagkakahati-hati ng mga pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan: Mula sa angkan ni Korah, si Meselemias na anak ni Korah, kaapu-apuhan ni Asaf.
2 默舍肋米雅的兒子:長子為則加黎雅,次為耶狄厄耳,三為則巴狄雅,四為雅特尼耳,
Mayroong mga anak na lalaki si Meselemias: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatniel ang ikaapat,
3 五為赫藍,六為約哈南,七為厄肋約乃。
si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Eliehoenai ang ikapito.
4 敖貝得厄東的兒子:長子為舍瑪雅,次為約匝巴得,三為約阿黑,四為撒加爾,五為乃塔耳,
May mga anak na lalaki si Obed Edom: Si Semaias ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joa ang ikatlo, at si Sacar ang ikaapat, at si Natanel ang ikalima,
5 六為阿米耳,七為依撒加爾,八為培烏肋秦;天主實在祝福了敖貝得厄東。
si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, si Peulletai ang ikawalo, sapagkat pinagpala ng Diyos si Obed Edom.
6 他的兒子舍瑪雅所生的兒子,都為他們父家的主管,因為都是有力的勇士。
Si Semaias, na kaniyang anak ay nagkaroon ng mga anak na lalaki na namumuno sa kani-kanilang mga pamilya. Sila ang mga kalalakihang marami ang kakayahan.
7 舍瑪雅的兒子:敖特尼、勒法耳和敖貝得;他的兄弟厄耳匝巴得的兒子,厄里胡和色瑪革雅也是勇敢的人。
Ang mga anak na lalaki ni Semaias ay sina Otni, Refael, Obed at Elzabad. Ang mga kamag-anak niya na sina Elihu at Semaquias ay mga kalalakihang may mga kakayahan rin.
8 這些都是敖貝得厄東的後裔。他們及他們的兒子並兄弟,個個都是勇敢而又能幹的人。敖貝得厄東的後裔共計六十二人。
Lahat sila ay mga kaapu-apuhan ni Obed-edom. Sila at ang kanilang mga anak at mga kamag-anak ay may kakayahang gawin ang kanilang mga tungkulin sa paglilingkod sa loob ng tabernakulo. Ang animnapu't dalawa sa kanila ay mga kamag-anak ni Obed-edom.
9 默舍肋米亞的子孫和弟兄,都是勇士共計十八人。
Si Meselemias ay may mga lalaking anak at kamag-anak, mga lalaking may kakayahan, labingwalo silang lahat.
10 默辣黎的子孫中曷撒有些兒子:為首的是史默黎,他原非長子,是他父親立他為首的,
Si Hosa, na kaapu-apuhan ni Merari, ay may mga anak na lalaki: si Simri ang pinuno (ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama kahit hindi siya ang panganay),
11 次為希耳克雅,三為特巴里雅,四為則加黎雅。曷撒的兒子和弟兄共計十三人。
si Hilkias ang ikalawa, si Tebalias ang ikatlo, at si Zacarias ang ikaapat. Lahat ng mga anak ni Hosa at mga kamag-anak ay labintatlo ang bilang.
12 以上是守門者的班次,無論是族長或是他們的弟兄,在上主殿內盡職,都有同等的任務。
Ang pagkakapangkat-pangkat na ito ng mga tagapagbantay ng tarangkahan, na ayon sa kanilang mga pinuno ay may mga tungkulin na tulad ng kanilang mga kamag-anak, upang maglingkod sa tahanan ni Yahweh.
13 他們不論大小,按照他們的家族抽籤,看守各門。
Nagpalabunutan sila, maging bata at matanda, ayon sa kanilang mga pamilya, para sa bawat tarangkahan.
14 中籤首東門的為舍肋米雅。他的兒子則加黎雅是個聰敏的謀士,中籤守北門。
Nang nagpalabunutan sila para sa silangang tarangkahan, napunta ito kay Selemias. Pagkatapos ay nagpalabunutan uli sila para sa anak niyang si Zacarias, isang matalinong tagapagpayo, at napunta sa kaniya ang hilagang tarangkahan.
15 敖貝得厄東守衛南門,他的兒子們看守庫房。
Kay Obed-edom itinalaga ang tarangkahan sa timog, at itinalaga sa kaniyang mga anak ang mga bahay-imbakan.
16 曷撒守西邊上坡大路的舍肋革特門。每班守衛人數相等:
Itinalaga kina Supim at Hosa ang kanlurang tarangkahan pati na rin ang tarangkahan ng Sallequet, na nasa daang paakyat. Itinakda ang pagbabantay para sa bawat pamilya.
17 東面每日六人,北面每日四人,南面每日四人,每一庫房二人;
Sa bandang silangan ay may anim na Levita, sa hilaga ay may apat sa isang araw, sa timog ay may apat sa isang araw at dalawang pares sa mga bahay-imbakan.
18 西面廊房行人路上四人,廊房兩人:
Sa kanlurang patyo ay may apat na nakabantay, may apat din sa daanan, at may dalawa sa patyo.
19 以上是科辣黑子孫和默辣黎子孫守門的班次。[殿內府庫守衛]
Ito ang mga pagkakapangkat-pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan. Marami sa kanila ay mga kaapu-apuhan nina Korah at Merari.
20 他們的弟兄肋未人,掌管天主殿內的府庫,及聖物的府庫。
Sa mga Levita, si Ahias ang taga-pangasiwa ng mga kayamanan sa tahanan ng Diyos, at ang mga bagay na kayamanan na pag-aari ni Yahweh.
21 革爾雄族拉當的子孫中作族長的,是革爾雄足拉當的子孫耶希耳。
Ang mga kaapu-apuhan ni Ladan na nagmula kay Gershon at mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan na Gersonita, ay sina Jehiel at ang kaniyang mga anak,
22 耶希耳與他的弟兄則堂和約厄耳掌管上主殿內的府庫。
si Zetam, at si Joel na kaniyang kapatid, na nangangasiwa sa mga bahay-imbakan sa tahanan ni Yahweh.
23 至於阿默蘭族、依茲哈爾族、赫貝龍族和烏齊耳族:
May mga bantay din na kinuha mula sa mga angkan nina Amram, Ishar, Hebron, at Uzziel.
24 有梅瑟的兒子,革爾雄的子孫叔巴耳為府庫的司長。
Si Sebuel na anak ni Gershon na anak ni Moises ang nangangangasiwa ng mga bahay-imbakan.
25 至於他的弟兄厄里厄則爾的子孫,是勒哈彼雅、耶沙雅、約蘭、齊革黎和舍羅米特。
Ang kaniyang mga kamag-anak mula sa angkan ni Eliezer ay ang anak niyang si Rehabias, ang anak na lalaki ni Rehabias na si Jesaias, ang anak na lalaki ni Jesaias na si Joram, ang anak na lalaki ni Joram na si Zicri, at ang anak na lalaki naman ni Zicri na si Selomit.
26 這舍羅米特和他的弟兄們掌管府庫中的一切聖物,就是達味君王、各族長、千夫長、百夫長及軍官所獻的聖物、
Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh.
27 他們將戰爭時所掠奪的財物獻上,作為修建上主殿宇之用。
Inilaan nila ang ilan sa mga nasamsam sa labanan para sa pagpapaayos ng tahanan ni Yahweh.
28 此外,尚有「先見者」撒慕爾、克士的兒子撒烏耳、乃爾的兒子阿貝乃爾和責魯雅的兒子約阿布所獻的一切財物。總之,凡是奉獻之物,全由舍羅米特和他的弟兄們掌管。[委派各地長官]
Nangangasiwa rin sila sa lahat ng mga bagay na inilaan ni propeta Samuel kay Yahweh, mga bagay na inilaan ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruias. Ang lahat ng mga inilaan kay Yahweh ay nasa ilalim ng pag-iingat ni Selomit at ng kaniyang mga kamag-anak.
29 依茲哈爾的子孫革納尼雅和他的兒子充任官長和判官,處理以色列的外務。
Sa mga kaapu-apuhan ni Ishar, si Kenanias at ang kaniyang mga anak ang tagapamahala sa mga gawain sa labas ng Israel. Sila ang mga opisyal at mga hukom.
30 赫貝龍的子孫哈沙彼雅和他的弟兄一千七百人,都是勇敢的人,負責約但河西以色列人所有關於上主和君王的事務。
Sa mga kaapu-apuhan ni Hebron, sina Hashabaias at ang kaniyang mga kapatid, 1, 700 na kalalakihang may kakayahan, ang tagapamahala sa gawain para kay Yahweh at sa mga gawaing para sa Hari. Sila ay nasa kanlurang bahagi ng Jordan.
31 赫貝龍族為族長的是耶黎雅。達味在位第四十年,曾按照赫貝龍族的族系和家世調查,在基肋阿得的雅則爾找到了這族的有力的勇士。
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Hebron, si Jerijas ang pinuno ng kaniyang mga kaapu-apuhan, na kabilang sa listahan ng kanilang mga pamilya. Sa ika-apatnapung taon ng paghahari ni David sinaliksik nila ang mga talaan at natagpuan nilang may mga mahuhusay na kalalakihan sa kanila sa Jazer ng Gilead.
32 耶黎雅的弟兄中有二千七百人,都是英勇之士,又兼為族長;達味君王便委派他們負責勒烏本人、加得人和默納協半支派的一切有關天主和君王的事務。
Si Jerijas ay may 2, 700 na kamag-anak, na mga pinuno ng pamilya. Ginawa sila ni David na tagapangasiwa sa tribo ni Ruben at Gad at sa kalahating tribo ni Manases, para sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Diyos at sa Hari.

< 歷代志上 26 >