< 歷代志上 22 >
1 達味歲說:「這裏就是上主天主的殿,這裏就是以色列獻全燔祭的祭壇。」[準備建殿材料]
At sinabi ni David, “Dito itatayo ang tahanan ng Diyos na si Yahweh, kasama ang altar para sa mga handog na susunugin ng Israel.”
2 達味下令招募在以色列境內的外方人,派石匠開鑿石頭,為建造天主的殿:
Kaya inutosan ni David ang kaniyang mga lingkod na tipunin ang mga dayuhang nakatira sa lupain ng Israel. Itinalaga niya sila na maging mga taga-tapyas ng bato, upang tumapyas ng mga malalaking bato, upang maitayo ang tahanan ng Diyos.
3 達味準備了大量的鐵,做門扇的釘子和鉤子;又準備了大量的銅,無法衡量;
Nagbigay si David ng maraming bakal para sa mga pako sa mga pintuan patungo sa mga daanan at para sa mga bisagra. Nagbigay rin siya ng maraming tanso na hindi kayang timbangin,
4 香柏木不可勝數,因為漆冬和提洛人給達味運來了無數的香柏木。
at maraming puno ng sedar na hindi mabilang. (Nagdala ng napakaraming troso ng sedar ang mga taga-Sidon at mga taga-Tiron na hindi kayang bilangin ni David.)
5 達味曾想:「我兒撒羅滿年幼脆弱;為上主要建造的殿宇,必須極其輝煌,聲譽榮耀應傳遍萬邦,所以我必須為他預備一切。」因此,達味在未死以前,預備了許多建築材料。[囑子建殿]
Sinabi ni David, “Ang aking anak na si Solomon ay bata at wala pang karanasan, at ang tahanan na itatayo para kay Yahweh ay dapat na bukod-tanging kahanga-hanga, nang sa gayon ito ay maging tanyag at maluwalhati sa lahat ng ibang lupain. Kaya maghahanda ako para sa pagtatayo nito.” Kaya gumawa si David ng malawakang paghahanda bago ang kaniyang kamatayan.
6 達味將兒子撒羅滿召來,囑咐他為上主以色列的天主建築殿宇。
Pagkatapos ay tinawag niya ang kaniyang anak na si Solomon at inutusan siya na magtayo ng isang tahanan para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
7 達味對撒羅滿說:「我兒,我心裏原想為上主我的天主的名,建築一座殿宇;
Sinabi ni David kay Solomon, “Anak ko, hangarin ko ito na ako mismo ang magtayo ng tahanan, para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos.
8 無奈有上主的話傳於我說:你流了許多血,屢經大戰,你不可為我的名建造殿宇,因為你在我面前往地上流了許多血。
Ngunit dumating si Yahweh sa akin at sinabi, 'Marami ka ng pinadanak na dugo at nakipaglaban sa maraming labanan. Hindi ikaw ang magtatayo ng tahanan para sa aking pangalan, dahil marami ka ng pinadanak na dugo sa mundo sa aking paningin.
9 看,你將生一個兒子,他是一個和平的人,我要使他安寧,不受四周一切仇敵的侵擾,因為他的名字要叫撒羅滿;他在位時,我要將和平與安寧賜予以色列。
Gayunpaman, magkakaroon ka ng isang anak na lalaki na magiging payapang tao. Bibigyan ko siya ng kapahingahan mula sa lahat ng kaniyang kaaway sa bawat panig. Sapagkat Solomon ang kaniyang magiging pangalan, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga araw.
10 他將為我名建造殿宇,他將做我的兒子,我將做他的父親。我必鞏固他的王位,治理以色列,直到永遠。
Magtatayo siya ng isang tahanan para sa aking pangalan. Magiging anak ko siya at ako ang magiging ama niya. Itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian sa buong Israel magpakailanman.”
11 我兒,如今,願上主與你同在,使你成功,為上主你的天主見造殿宇,有如他論及你所說的話。
“Ngayon, aking anak, samahan ka nawa ni Yahweh at bigyan ka niya ng kakayahan upang magtagumpay. Maitayo mo nawa ang tahanan ni Yahweh na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya na gagawin mo.
12 唯願上主賜給你智慧和聰明,使你治理以色列時,遵循上主你的天主的法律。
Tanging si Yahweh nawa ang magbigay sa iyo ng kaalaman at pang-unawa upang masunod mo ang batas ni Yahweh na iyong Diyos, kapag inilagay ka niyang tagapamahala sa buong Israel.
13 如果你謹守遵行上主藉梅瑟吩咐以色列的法律和典章,你必會成功;要有膽量,咬勇氣,不必畏懼,不必驚惶。
At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob.
14 你看,我辛辛苦苦為上主的殿宇,預備了十萬「塔冷通」的金子,一百萬」塔冷通」的銀子,銅和鐵多得不可衡量;又預備了木料和石頭,你還可以補充。
Ngayon, tingnan mo, buong pagsisikap kong inihanda para sa tahanan ni Yahweh ang 100, 000 talento ng ginto, isang milyong talento ng pilak, tanso at maraming bilang ng bakal. Nagbigay rin ako ng troso at bato. Dapat mo pang dagdagan ang lahat ng mga ito.
15 並且在你身邊還有許多工匠、鑿匠、石匠、木匠,以及各種工藝的技術工人。
Mayroon kang maraming manggagawa na makakasama mo, mga taga-tapyas ng bato, mga mason, mga karpintero at mga mahuhusay na manggagawa ng iba't ibang mga bagay na hindi mabilang,
16 關於金銀銅鐵,多得無數。起來興工罷! 願上主與你同在。」 [囑咐首領協助建殿]
na may kakayahang gumawa sa ginto, pilak, tanso at bakal. Kaya simulan mo ng magtrabaho at samahan ka nawa ni Yahweh.”
17 達味又吩咐以色列的領袖協助自己的兒子撒羅滿說:「
Ipinag-utos rin ni David sa lahat ng mga pinuno ng Israel na tulungan ang kaniyang anak na si Solomon, sinasabi,
18 上主,你們的天主不是與你們同在嗎﹖他不是市你們四周都安寧了嗎﹖他已將這地的居民交於我手中,這地已在上主和他的百姓面前歸服了;
“Si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo at binigyan kayo ng kapayapaan sa bawat panig. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng mga nakatira sa rehiyon. Nasakop ni Yahweh ang rehiyon at ang mga tao nito.
19 所以現在你們要專心致志,尋求上主你們的天主。起來! 興工建造上主天主的聖所,將上主的約櫃暗天主的聖器,運入為上主的名所建造的殿宇內。」
Ngayon hanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos nang buong puso at kaluluwa. Tumayo kayo at itayo ang banal na lugar ng Diyos na si Yahweh. At maaari na ninyong dalhin ang kaban ng tipan ni Yahweh at ang mga bagay na pag-aari ng Diyos sa tahanan na itinayo para sa pangalan ni Yahweh.”