< 歷代志上 16 >
1 [獻祭慶祝]他們將上主的約櫃抬來,安置在達味所搭的帳幕內,然後在天主前奉獻了全燔祭和和平祭。
Ipinasok nila ang kaban ng Diyos at inilagay ito sa gitna ng tolda na ipinagawa ni David para dito. Pagkatapos, naghandog sila ng mga alay na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harap ng Diyos.
2 達味獻完了全燔祭和和平祭,奉上主的名祝福了百姓;
Nang natapos ni David ihandog ang alay na susunugin at handog pangkapayapaan, pinagpala niya ang mga tao sa pangalan ni Yahweh.
3 以後分給全以色列,不論男女,每人一塊餅,一塊肉,一塊葡萄乾餅。派定約櫃的職務
Nagbahagi siya sa bawat Israelita, sa mga kalalakihan at kababaihan, ng tinapay, at isang pirasong karne, at kumpol ng mga pasas.
4 達味又派定了一些肋未人,在上主的約櫃前供職,叫他們讚美、稱謝、頌揚上主,以色列的天主:
Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
5 為首的是阿撒夫、則加黎雅為副,其次是烏黎耳、舍米辣摩特、耶希耳、瑪提提雅、厄里阿布、貝納雅、敖貝得、厄東和耶依耳;他們鼓瑟彈琴,阿撒夫敲鈸。
Ang mga Levitang ito ay sina Asaf, na pinuno, at pumapangalawa sa kaniya sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom at Jeiel. Sila ang tutugtog ng mga instrumentong may kwerdas at mga alpa. Si Asaf naman ang tutugtog sa mga pompiyang nang malakas.
6 司祭貝納雅和雅哈齊耳在天主的約櫃前,不斷吹號筒。
Ang mga paring sina Benaias at Jahaziel ang palaging iihip sa mga sungay sa harapan ng kaban ng tipan ng Diyos.
7 那一天,達味初次任命阿撒夫及其同族兄弟,向上主唱這首稱謝歌:「
At sa araw na iyon, unang hinirang ni David si Asaf at ang kaniyang mga kapatid upang awitin ang awit na ito ng pasasalamat kay Yahweh.
8 你們要稱謝上主,呼號他的聖名,在萬民中宣揚他的功行。
Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kaniyang pangalan at ipaalam sa lahat ng bansa ang kaniyang mga gawa.
Umawit sa kaniya, umawit ng mga papuri sa kaniya at ipagsabi ang lahat ng kaniyang kamangha-manghang mga gawa.
Magmayabang kayo sa kaniyang banal na pangalan, magalak ang puso ng mga naghahanap kay Yahweh.
11 你們要尋求上主和他的德能,要時時尋求他的面容。
Hanapin si Yahweh at ang kaniyang kalakasan; patuloy na hanapin ang kaniyang presensiya.
12 天主的僕人以色列的後裔,天主的被選者雅各伯的子孫,
Alalahanin ang kaniyang mga kamangha-manghang ginawa, ang kaniyang mga himala at mga utos na nagmula sa kaniyang bibig,
13 你們要記憶他所行的奇事,他的異蹟和他口中的斷語。
kayo na kaapu-apuhan ng Israel ang kaniyang mga lingkod, kayong mga tao ni Jacob, ang kaniyang pinili.
Siya si Yahweh, ang ating Diyos. Ang kaniyang mga utos ay nasa buong mundo.
Panatilihin ninyo sa inyong isipan ang kaniyang tipan magpakailanman, ang salita na kaniyang iniutos sa sanlibong salinlahi.
Naaalala niya ang kasunduan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sinumpaan kay Isaac.
Ito ang kaniyang pinatunayan kay Jacob bilang isang kautusan, at sa Israel bilang isang walang hanggang kasunduan.
18 說我必將客納罕地賜給你,作為你們的一分產業。
Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang bahagi ng iyong mamanahin.”
19 當時他雖然人丁有限,數目稀少,還在作那地的旅客,
Sinabi ko ito noong kakaunti pa lamang ang inyong bilang, talagang napakaunti, at mga estranghero sa lupain.
Nagpunta sila mula sa isang bansa patungo sa isang bansa, mula sa isang kaharian patungo sa iba.
21 他不但為容許任何人壓迫他們,而且為了他們,還懲戒列王說:
Hindi niya hinayaan na apihin sila ng sinuman, pinarusahan niya ang mga hari alang-alang sa kanilang kapakanan.
Sinabi niya, “Huwag ninyong gagalawin ang aking mga pinili, at huwag ninyong sasaktan ang aking mga propeta.”
Umawit kay Yahweh, buong mundo; ihayag araw-araw ang kaniyang pagliligtas.
24 在列邦中傳述他的光榮,在萬民中闡揚他的奇事。
Ipahayag ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa, ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa sa lahat ng bansa.
25 因為上主是偉大的,應極受讚美,應受敬畏超越眾神。
Sapagkat si Yahweh ay dakila at marapat na papurihan, at marapat siyang katakutan higit sa lahat ng ibang diyos.
Sapagkat ang lahat ng diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan, ngunit si Yahweh ang lumikha ng mga langit.
Ang kaluwalhatian at kamaharlikaan ay nasa kaniyang presensiya. Ang kalakasan at kagalakan ay nasa kaniyang lugar.
28 萬邦各族啊! 你們應將光榮能力歸於上主,都歸於上主;
Ibigay kay Yahweh ang papuri, kayong mga angkan ng mga tao, ibigay kay Yahweh ang kaluwalhatian at kalakasan.
29 應將上主的各應得的尊榮,歸於上主,帶著獻儀到他面前,以聖潔的華飾敬拜上主。
Ibigay kay Yahweh ang kaluwalhatiang nararapat sa kaniyang pangalan. Magdala ng handog at lumapit sa kaniyang harapan. Yumuko kay Yahweh sa kaniyang banal na kaluwalhatian.
30 大地在他面前應該戰慄,是他使世界堅立,不致動搖。
Manginig sa kaniyang harapan, lahat ng nasa daigdig. Ang sanlibutan ay matatag at hindi ito mayayanig.
31 願諸天喜樂,願大地歡騰,願人在列族中說:上主為王!
Matuwa ang mga langit at ang daigdig ay magalak; sasabihin nila sa lahat ng mga bansa, “maghari si Yahweh.”
32 願滄海及充滿其中的一切,澎湃作響;願田疇和田間的一切,歡欣踴躍!
Dadagundong ang karagatan, at sisigaw ng may kagalakan ang mga pumupuno nito. Magagalak ang mga parang, at ang lahat ng nandito.
33 願森林中的樹木,在上主面前歡呼歌唱! 因為他已降臨審判大地。
Sisigaw ng may kagalakan sa harap ni Yahweh ang mga puno sa kagubatan, sapagkat darating siya upang hatulan ang mundo.
34 你們應當稱謝上主,因為他是至善的,因為他的仁慈永遠常存。
Magpasalamat kay Yahweh, sapagkat siya ay mabuti, at ang matapat niyang kasunduan ay magtatagal magpakailanman.
35 你們要說:拯救我們的天主,拯救我們;從異民中召集我們,救出我們,好讓我們稱頌你的聖名,以讚美你為驕傲。
At sabihing, “Iligtas mo kami, Diyos ng aming kaligtasan. Tipunin mo kami ng magkakasama at iligtas mo kami mula sa ibang mga bansa, upang makapagpasalamat kami sa iyong banal na pangalan at kaluwalhatian sa iyong kapurihan.”
36 上主,以色列的天主,應受讚美,從永遠直到永遠」全體人民答說:「阿們。願上主受讚美! 」[規定約櫃與帳幕前的禮儀]
Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay papurihan magpakailanman hanggang sa magpasawalang-hanggan. Sinabi ng lahat ng tao, “Amen” at pinuri si Yahweh.
37 以後,達味在那裏,即在上主的約櫃前,委派阿撒夫及其兄弟,天天按照規定,不斷在約櫃前供職;
Kaya iniwan ni David si Asaf at ang kaniyang mga kapatid sa harapan ng kaban ng tipan ni Yahweh, upang patuloy na maglingkod sa harapan ng kaban, gaya ng kinakailangang gawin araw-araw.
38 還有敖貝得厄東和他的同族兄弟六十八人。又派耶杜通的兒子敖貝得厄東,還有曷撒為守衛。
Kasama din si Obed- edom at ang animnapu't walong kamag-anak nito. Si Obed-edom na anak ni Jeduthun, kasama si Hosa ang magiging mga tagapagbantay ng tarangkahan.
39 派司祭匝多克與其弟兄眾司祭,在基貝紅高處上主的帳幕前,
Ang paring si Zadok at ang kaniyang mga kapwa pari ay maglilingkod sa harapan ng tabernakulo ni Yahweh sa dambana na nasa Gibeon.
40 在全燔祭壇上,每日早晚按照上主法律書上吩咐以色列所寫的,常向上主獻全燔祭。
Sila ay patuloy na maghahandog ng mga alay na susunugin para kay Yahweh sa altar para sa mga alay na susunugin umaga at gabi, bilang pagsunod sa lahat ng nasusulat sa kautusan ni Yahweh, na ibinigay niya sa Israel bilang kautusan.
41 與他們一起的,還有赫曼、耶杜通及其他被選登記的人,專為稱頌上主:「因為他的仁慈永遠常存。」
Kasama nila sina Heman at Jeduthun, gayon din ang mga pinili sa pangalan upang magpasalamat kay Yahweh dahil ang kaniyang matapat na kasunduan ay magtatagal magpakailanman.
42 他們吹號敲鈸,演奏各種樂器,歌頌天主。耶杜通的兒子作守衛。
Sina Heman at Jeduthun ang namamahala sa mga nagpapatunog ng mga trumpeta, mga pompiyang, at ang ibang mga instrumento para sa sagradong musika. Ang mga anak ni Jeduthun ang nagbantay sa tarangkahan.
43 以後,民眾各自回家,達味也回去祝福自己的家。
Pagkatapos, umuwi ang lahat ng tao sa kanilang mga tahanan, at umuwi si David upang pagpalain ang kaniyang sariling sambahayan.