< Olcueih 14 >

1 Hlang cueih nu loh a im a sak dae, anglat long tah a kut neh a koengloeng.
Ang marunong na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ito ng kaniyang sariling mga kamay.
2 BOEIPA aka rhih tah a dueng la cet dae, a longpuei kho aka hmang loh BOEIPA a hnaep.
Ang lumalakad ng matuwid ay may takot kay Yahweh, ngunit ang hindi tapat sa kaniyang pamumuhay ay hinahamak siya.
3 Hlang ang kah a ka ah hoemnah kuhci om tih, aka cueih rhoek kah hmuilai loh amamih te a ngaithuen sak.
Mula sa bibig ng isang hangal ay lumalabas ang isang sanga ng kaniyang pagmamataas, ngunit ang mga labi ng marunong ay iingatan sila.
4 Saelhung a om pawt vaengah kongduk khaw caih dae, vaito thadueng lamkah canghum cangpai thoeng.
Kung saan walang baka ang sabsaban ay malinis, ngunit ang isang masaganang pananim ay maaaring dumating sa pamamagitan ng lakas ng isang baka.
5 Oltak rhoek kah laipai tah a laithae moenih. Tedae a honghi kah laipai long tah laithae ni a sat.
Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit ang huwad na saksi ay nabubuhay sa kasinungalingan.
6 Hmuiyoi loh cueihnah a tlap dae a hong ni, mingnah he aka yakming ham tah yoeikoek mai.
Ang nangungutya ay naghahanap ng karunungan at walang makita, ngunit ang kaalaman ay madaling dumating sa taong may pang-unawa.
7 Hlang ang te a hmai lamloh caeh tak, mingnah olka te na ming pawt ve.
Umiwas mula sa isang taong hangal, dahil ikaw ay hindi makakakita ng kaalaman sa kaniyang mga labi.
8 Aka thaai kah cueihnah long tah a longpuei te a yakming dae, aka ang kah a anglat tah thailatnah ni.
Ang karunungan ng taong maingat ay para maunawaan ang kaniyang sariling paraan, ngunit ang kamangmangan ng mga hangal ay panlilinlang.
9 Aka ang loh hmaithennah te a hnael dae, aka thuem long tah a laklo ah kolonah a saii.
Ang mga hangal ay nangungutya kapag ang handog sa pagkakasala ay inialay, ngunit sa matuwid ang kagandahang-loob ay ibinabahagi.
10 A hinglu khahingnah loh lungbuei a ming. Te dongah a kohoenah dongah rhalawt loh boi thil pawh.
Alam ng puso ang sarili niyang kapaitan, at walang sinuman ang nakikibahagi sa kagalakan nito.
11 Halang rhoek kah im tah a phae pah vetih aka thuem kah dap tah rhoeng ni.
Ang bahay ng mga taong masama ay wawasakin, ngunit ang tolda ng taong matuwid ay sasagana.
12 Longpuei he hlang kah mikhmuh ah thuem dae a hmailong ah dueknah longpuei la om.
Mayroong isang landas na tila tama sa isang tao, ngunit ang dulo nito ay naghahatid lamang sa kamatayan.
13 Nueihbu dongah lungbuei loh thak a khoeih tih, a tloihsoi ah kohoenah khaw pha-ueknah la poeh.
Ang puso ay maaaring tumawa ngunit nananatiling nasasaktan, at ang kagalakan ay maaaring magtapos sa kapighatian.
14 Lungbuei aka balkhong khaw, hlang then khaw a khosing te amah hah bitni.
Ang hindi tapat ay makukuha kung ano ang karapat-dapat sa kaniyang pamumuhay, ngunit ang taong mabuti ay makukuha kung ano ang kaniya.
15 Hlangyoe long tah olka boeih te a tangnah dae, aka thaai long tah a khokan te a yakming.
Ang hindi naturuan ay naniniwala sa lahat ng bagay, ngunit ang taong maingat, iniisip ang kaniyang mga hakbang.
16 Aka cueih long tah a rhih tih boethae te a nong tak. Tedae aka ang long tah a paan tih a omtoem.
Ang marunong ay may takot at lumalayo mula sa kasamaan, ngunit ang hangal ay panatag na hindi pinapansin ang babala.
17 Thintoek bangkek loh a anglat a phoe tih, tangkhuepnah aka khueh hlang khaw a hmuhuet uh.
Ang isang madaling magalit ay nakagagawa ng mga kahangalan, at ang tao na gumagawa ng masasamang pamamaraan ay kinamumuhian.
18 Hlangyoe loh anglat a pang tih, aka thaai rhoek loh mingnah te a muei uh.
Ang mga taong hindi naturuan ay magmamana ng kahangalan, ngunit ang taong maingat ay napapaligiran ng kaalaman.
19 Hlang thae rhoek te hlang then rhoek kah mikhmuh ah, halang rhoek te hlang dueng kah vongka ah ngam uh ni.
Ang mga masasama ay yuyuko sa harap ng mabubuti, at ang mga masama ay luluhod sa tarangkahan ng mga matuwid.
20 Khodaeng te a hui long khaw a hmuhuet tih, hlanglen tah muep a lungnah.
Ang mahihirap ay kinamumuhian kahit ng kaniyang sariling mga kasamahan, ngunit ang mga mayayaman ay maraming kaibigan.
21 A hui taengah aka hnoelrhoeng uh tah tholh tih, mangdaeng kodo aka rhen tah a yoethen.
Ang isang nagpapakita ng paghamak sa kaniyang kapwa ay nagkakasala, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa mahirap ay masaya.
22 Boethae aka uep rhoek te kho a hmang uh moenih a? Tedae sitlohnah neh uepomnah long tah hnothen ni a caai thil.
Hindi ba ang mga nagbabalak ng masama ay naliligaw? Ngunit ang mga nagbabalak na gumawa ng mabuti ay makatatanggap nang katapatan sa tipan at pagtitiwala.
23 Patangnah cungkuem loh kumkonah a om sak. Tedae hmuilai dongkah ol bueng ngawn tah tloelnah la poeh.
Sa lahat ng mahirap na gawain ay may darating na kapakinabangan, ngunit kung puro salita lamang, ito ay hahantong sa kahirapan.
24 Khuehtawn he aka cueih rhoek kah a rhuisam la om tih, aka ang rhoek tah anglat la anglat coeng.
Ang korona ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kamangmangan ng mga hangal ay nagdadala ng lalong maraming kahangalan.
25 Oltak kah laipai loh hinglu a huul tih, hlangthai palat loh laithae a sat.
Ang matapat na saksi ay naglilitas ng mga buhay, ngunit ang isang huwad na saksi ay nabubuhay sa kasinungalingan.
26 BOEIPA hinyahnah dongah pangtungnah sarhi khaw om, te dongah a ca rhoek ham hlipyingnah la om.
Kapag ang isang tao ay takot kay Yahweh, siya rin ay may higit na tiwala sa kaniya; ang mga bagay na ito ay magiging katulad ng isang matatag na lugar na proteksyon para sa mga anak ng taong ito.
27 BOEIPA hinyahnah tah hingnah thunsih neh, dueknah hlaeh lamloh aka phaelh sak la om.
Ang pagkatakot kay Yahweh ay isang bukal ng buhay, para ang tao ay makalayo mula sa patibong ng kamatayan.
28 Pilnam kah cangpai dongah ni manghai kah rhuepomnah khaw a om, namtu a om pawt vaengah mangpa kah porhaknah la om.
Ang kaluwalhatian ng hari ay matatagpuan sa malaking bilang ng kaniyang mga tao, ngunit kung walang mga tao ang prinsipe ay napapahamak.
29 Thintoek aka ueh tah bahoeng a lungcuei tih, mueihla bangkek loh anglat ni a pomsang.
Ang matiyaga ay may malawak na pang-unawa, ngunit ang taong mabilis magalit ay itinataas ang kamangmangan.
30 Lungbuei hoeihnah tah pumsa kah hingnah la om tih, thatlainah khaw rhuh keet la poeh.
Ang pusong panatag ay buhay para sa katawan, ngunit ang inggit ay binubulok ang mga buto.
31 Tattloel aka hnaemtaek loh amah aka saii ni a veet, BOEIPA aka thangpom long tah khodaeng a rhen.
Ang isang nagmamalupit sa mahihirap ay isinusumpa ang kaniyang Maykapal, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa nangangailangan ay pinaparangalan siya.
32 Halang tah a boethae ah bung tih, aka dueng tah a dueknah rhangneh ying.
Ang masama ay ibinagsak sa pamamagitan ng kaniyang masamang mga gawa, ngunit ang matuwid ay may isang kanlungan kahit sa kamatayan.
33 Aka yakming kah lungbuei ah cueihnah khaw rhaehrhong tih, hlang ang lakli ah khaw ming uh coeng.
Ang karunungan ay nasa puso ng nakakakilala ng mabuti, ngunit sa kasamahan ng mga hangal ay ibinunyag niya ng kaniyang sarili.
34 Duengnah loh namtom a pomsang tih, tholhnah loh namtu te rhaidaeng la a khueh.
Ang paggawa ng tama ay nagtataas ng isang bansa, ngunit ang kasalanan ay isang kahihiyan para sa sinuman.
35 Manghai kah kolonah loh sal te a cangbam tih, a thinpom loh yah a bai.
Ang kagandahang-loob ng hari ay para sa maingat na lingkod, ngunit ang kaniyang galit ay para sa isang kumikilos nang kahiya-hiya.

< Olcueih 14 >