< Hosea 10 >
1 Israel tah misur bangla culh tih amah ah a thaih om. A thaih te a pul bangla hmueihtuk khaw ping. A khohmuen a then bangla kaam dongah lohna uh.
Ang Israel ay isang malagong puno ng ubas na namumunga. Habang dumarami ang kaniyang bunga, mas dumarami ang mga altar na kaniyang itinatayo. Habang namumunga ng marami ang kaniyang lupain, pinapabuti niya ang kaniyang mga banal na haligi.
2 A lungbuei hoem uh tih boe uh coeng. Amah loh amih kah hmueihtuk a phil pah vetih a kaam te a rhoelrhak pah ni.
Mapanlinlang ang kanilang puso; kinakailangan nila ngayong pasanin ang kanilang kasalanan. Bubuwagin ni Yahweh ang kanilang mga altar; at wawasakin niya ang kanilang mga banal na haligi.
3 Te dongah, “BOEIPA he n'rhih uh pawt dongah mamih he manghai tal coeng dae manghai loh mamih ham balae a saii eh?” a ti uh pawn ni.
Sapagkat sasabihin nila ngayon, “Wala kaming hari, sapagkat hindi kami natatakot kay Yahweh. At sa isang hari—ano ang magagawa niya para sa atin?”
4 Paipi saii ham vaengah a poeyoek la tap ham ol a thui uh dongah lai kong ah laitloeknah sue la cawn.
Nagsalita sila ng mga salitang walang kabuluhan at gumagawa ng mga kasunduan sa pamamagitan ng pagsumpa ng hindi totoo. Kaya lumitaw ang katarungan tulad ng mga nakakalasong damo sa mga tudling ng isang bukid.
5 Bethaven vaitola te Samaria imben loh a bakuep uh thil tih a pilnam loh a soah nguekcoi. A mueirhol khosoih rhoek te a so neh a thangpomnah dongah omngaih dae anih lamkah te a poelyoe pah hae coeng.
Matatakot ang mga naninirahan sa Samaria dahil sa mga guya ng Beth-aven. Ipinagluksa sila ng mga tao nito, gaya ng ginawa ng mga paring sumasamba sa mga diyus-diyosan na nagalak sa kanila at sa kanilang kaluwalhatian, ngunit wala na sila roon.
6 Amah te khaw Assyria ah Jareb manghai kah khocang la a khuen ni. Ephraim loh yah a poh vetih Israel khaw amah kah cilsuep dongah yak ni.
Dadalhin sila tungo sa Asiria bilang isang kaloob para sa dakilang hari. Malalagay sa kahihiyan ang Efraim, at mapapahiya ang Israel dahil sa pagsunod sa mga payo ng mga diyus-diyosan.
7 Samaria he hmata ni, a manghai khaw tui hman kah tuihom banghui ni.
Wawasakin ang hari ng Samaria, tulad ng isang maliit na piraso ng kahoy na nasa ibabaw ng tubig.
8 Israel kah tholhnah boethae hmuensang kah tim ni. Amih kah hmueihtuk soah hling neh lota luei vetih, “Tlang rhoek te kaimih n'et lamtah som rhoek te kaimih soah cungku lah,” a ti uh ni.
Ang mga dambana ng kasamaan—ang kasalanan ng Israel—ay mawawasak. Tutubo ang mga tinik at mga dawag sa kanilang mga altar. Sasabihin ng mga tao sa mga bundok, “Takpan ninyo kami!” at sa mga burol, “Bumagsak kayo sa amin!”
9 Gibeah tue lamloh Israel nang na tholh tih pahoi pai uh. Gibeah ah hlangthae koca taengla caemtloek khaw amih te a kae moenih.
“Israel, nagkasala ka mula pa noong mga araw ng Gibea; nanatili ka roon. Hindi ba nalampasan ng digmaan ang mga gumagawa ng kasamaan sa Gibea?
10 Ka hue vaengah amih te ka toel pueng ni. Amih kathaesainah dongah amih te tholhnah rhaepnit neh a pin vaengah pilnam loh amih taengah tingtun uh bitni.
Kung nanaisin ko ito, itutuwid ko sila. Magtitipun-tipon ang lahat ng mga bansa laban sa kanila at gagapusin sila dahil sa kanilang dalawahang kasamaan.
11 Ephraim he cang til ham aka lungnah vaitola bangla a cang dae kai loh a rhawn then te ka nan thil ni. Ephraim ka ngol thil vaengah Judah loh a yoe vetih Jakob loh amah hamla a thoe ni.
Naturuang isang dumalagang baka si Efraim na kinagigiliwang mag-giik ng butil, kaya maglalagay ako ng isang pamatok sa kaniyang magandang leeg. Lalagyan ko ng pamatok ang Efraim; mag-aararo ang Juda; si Jacob mismo ang hihila sa pangsuyod.
12 Namamih ham duengnah te soem uh lamtah sitlohnah ol te at uh. Namamih kah khohai te yawt uh. Nangmih soah duengnah pai tih n'thuinuet hil tah BOEIPA te toem ham tue coeng ni.
Magtanim ng katuwiran para sa inyong sarili, at anihin ang bunga ng matapat na kasunduan. Bungkalin ninyo ang hindi pa naaararong lupa, sapagkat panahon na upang hanapin si Yahweh, hanggang sa siya ay dumating at magpa-ulan ng katuwiran sa inyo.
13 Halangnah la na thoe uh dongah dumlai na ah uh. Na longpuei ah na hlangrhalh cungkuem neh na pangtung dongah laithae thaih ni na caak uh.
Nag-araro kayo ng kasamaan; umani kayo ng kawalan ng katarungan. Kinain ninyo ang bunga ng pandaraya dahil nagtiwala kayo sa inyong mga plano at sa inyong maraming mga kawal.
14 Na pilnam taengah longlonah pai vetih na hmuencak boeih te caemtloek hnin kah manu neh camoe aka til Betharbel Shalman rhoelrhanah bangla a rhoelrhak ni.
Kaya isang ingay ng digmaan ang babangon sa gitna ng inyong mga tao, at ang lahat ng inyong matitibay na mga lungsod ay mawawasak. Magiging tulad ito sa pagwasak ni Salman sa Beth-arbel sa araw ng labanan, nang ang mga ina ay ginutay-gutay ng pira-piraso kasama ng kanilang mga anak.
15 Nangmih kah boethae, boethae hmai ah Bethel loh nangmih ham a saii tangloeng pawn ni. Mincang ah Israel manghai te hmata rhoe hmata ni.
Kaya mangyayari din ito sa inyo, Bethel, dahil sa napakalaki mong kasamaan. Tiyak na mamamatay ang hari ng Israel sa pagsapit ng bukang-liwayway.”