< Joshua 23 >
1 Kum te yet a om phoeiah a kaepvai thunkha boeih taeng lamkah Israel te BOEIPA loh a duem sak tih Joshua khaw a khohnin loh patong ben la a paan coeng.
At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue.
2 Te dongah Israel pum kah a hamca rhoek neh a lu rhoek, laitloek rhoek neh rhoiboei rhoek te Joshua loh a khue tih, “Kai he ka khohnin loh patong ben la ka paan coeng.
Tinawag ni Josue ang buong Israel—ang kanilang mga matatanda, ang kanilang mga pinuno, ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga opisiyal—at sinabi sa kanila, “Napakatanda ko na.
3 Namtom boeih taengah BOEIPA na Pathen loh nangmih mikhmuh ah a saii boeih te na hmuh uh coeng. BOEIPA na Pathen loh nangmih ham a vathoh thil coeng.
Nakita ninyo ang lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng mga bansang ito para sa inyong kapakanan, dahil si Yahweh na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.
4 Namtom aka sueng he nangmih koca rhoek kah rho la nangmih taengah kan tael tih Jordan lamkah namtom boeih pataeng khotlak tuili puei due ka saii te na hmuh uh.
Masdan ninyo! Itinalaga ko sa inyo ang mga bansa na natira para sakupin bilang isang pamana para sa inyong mga lipi, kasama ang lahat ng mga bansang winasak ko na, mula sa Jordan patungo sa Malaking Dagat sa kanluran.
5 Amih te BOEIPA na Pathen loh na mikhmuh lamkah a haek vetih na mikhmuh lamkah a tulh bitni. Te vaengah BOEIPA na Pathen loh nangmih taengah a thui vanbangla a khohmuen te na pang pa uh bitni.
Paaalisin sila ni Yahweh na inyong Diyos. Itutulak siya niya mula sa inyo. Sasakupin niya ang kanilang lupain, at aariin ninyo ang kanilang lupain, gaya ng ipinangako sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
6 Tedae Moses kah olkhueng cabu dongah daek tangtae te banvoei bantang lamloh taengphael tak mueh la ngaithuen ham neh boeih vai ham taoe thahuel uh.
Kaya maging matatag kayo, kaya mapapanatili ninyo at magagawa ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Batas ni Moises, hindi kayo lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa,
7 Nangmih lakli ah aka sueng namtom rhoek he kun thil uh boeh. A pathen ming te phoei uh boeh, toemngam uh boeh, amih taengah thothueng uh boeh, amih taengah bakop uh boeh.
kaya hindi kayo maisasama sa mga bansang ito na nananatiling kasama ninyo o babanggitin ang mga pangalan ng kanilang mga diyos, sumumpa sa kanila, sambahin sila, o yumukod sa kanila.
8 Tahae khohnin due na saii uh vanbangla BOEIPA na Pathen taeng bueng ah mah hangdang uh.
Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.
9 Namtom vangpuei pilnu pataeng BOEIPA loh na mikhmuh lamkah a haek tih tihnin due nangmih mikhmuh ah hlang pakhat khaw a pai voel moenih.
Dahil pinaalis ni Yahweh sa harap ninyo ang malaki, malakas na mga bansa. Para sa inyo, walang isa man ang nakatayo sa harapan ninyo hanggang sa kasalukuyan.
10 Nangmih taengah a thui vanbangla BOEIPA na Pathen loh nangmih ham a vathoh coeng dongah nangmih lamkah hlang pakhat long mah thawngkhat khaw a hloem coeng.
Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
11 Te dongah BOEIPA na Pathen te na hinglu neh lungnah ham rhep ngaithuen uh.
Bigyan ng kaukulang pansin, para mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos.
12 Tedae nangmih taengkah aka sueng namtom hlangrhuel taengah na mael na mael uh tih na hangdang uh, amih neh na yuva uh tih amih neh nangmih te na pawnhlai uh thae atah,
Pero kung tatalikod kayo at kakapit sa mga nakaligtas sa mga bansang ito nanatiling kasama ninyo, o kung kumuha ng asawa mula sa kanila, o kung makikisama kayo sa kanila at sila sa inyo,
13 namtom rhoek he BOEIPA na Pathen loh na mikhmuh lamkah haek ham khoep voel mahpawh tila ming rhoe ming uh. BOEIPA na Pathen loh nangmih taengah m'paek khohmuen then lamkah na milh uh hil nangmih ham pael neh hlaeh bangla, na vae ah cungcik la, na mik khuiah tlaeh la om uh ni.
pagkatapos tiyak na malalaman na hindi na palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansang ito mula sa inyo. Sa halip, magiging isang patibong sila at isang bitag para sa inyo, pamalo sa inyong likuran at mga tinik sa inyong mga mata, hanggang sa mamatay kayo mula sa mabungang lupaing ito na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
14 Tihnin ah Kai loh diklai pum kah longpuei ah ka cet coeng. BOEIPA na Pathen loh nang taengah a thui ol then boeih te tah ol pakhat khaw dalh pawh tila na thinko boeih, na hinglu boeih neh na ming uh. Nangmih ham boeih ha thoeng tih a ol pakhat pataeng khaw a dalh sak moenih.
At ngayon lalakad ako sa daan sa buong lupa, at malalaman ninyo ng buong puso at kaluluwa na walang isang salitang hindi nagkatotoo sa lahat ng mga mabubuting bagay na ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa inyo. Lahat ng mga bagay na ito ay nangyari para sa inyo. Walang isa sa kanila ang nabigo.
15 BOEIPA na Pathen loh nangmih taengah a thui ol then boeih loh nangmih ham a thoeng vanbangla BOEIPA na Pathen loh nangmih m'paek khohmuen then dong lamkah nangmih m'mitmoeng sak hlan khuiah hno thae cungkuem te nangmih soah BOEIPA loh hang khuen van ni.
Pero gaya ng bawat salitang ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ay natupad, kaya magdadala si Yahweh sa inyo ng lahat ng mga masasamang bagay hanggang sa mawasak niya kayo mula sa mabuting lupain na ito na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
16 BOEIPA na Pathen loh nangmih ng'uen paipi te na poe uh, na cet uh tih pathen tloe rhoek taengah tho na thueng uh, amih te na bakop thil atah BOEIPA kah thintoek loh nangmih taengah ha sai vetih nangmih taengah m'paek khohmuen then dong lamkah baang na milh uh ni,” a ti nah.
Gagawin niya ito kung sisirain ninyo ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na iniutos niya sa inyo para sundin. Kung pupunta kayo at sasamba sa ibang mga diyos at yumukod sa kanila, sa gayon mag-aalab ang galit ni Yahweh laban sa inyo, at mabilis kayong mamamatay mula sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.”