< Joel 3 >
1 Te khohnin neh te vaeng tue ah Judah neh Jerusalem thongtla te ka mael rhoe ka mael puei ni.
Tingnan ninyo, sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, kapag ibinalik ko ang pagkakabihag ng mga Juda at Jerusalem,
2 Namtom boeih te ka coi vetih amih Jehoshaphat kol la ka suntlak puei ni. Ka pilnam neh ka rho Israel kongah amih te lai ka soeh thil ni. Namtom taengah a yaal uh tih ka khohmuen he a tael uh dongah.
titipunin ko ang lahat ng mga bansa at dadalhin sila pababa sa bayan ni Jehoshafat. Hahatulan ko sila doon, dahil sa aking mga tao at ang aking tagapagmanang Israel na kanilang ikinalat sa mga bansa at dahil hinati-hati nila ang aking lupain.
3 Ka pilnam ham hmulung a naan uh. Te dongah tongpaca te pumyoi la a paek uh tih hutaca te ok ham la misurtui la a yoih uh.
Nagpalabunutan sila para sa aking mga tao, ipinagpalit ang batang lalaki para sa nagbebenta ng aliw at ipinagbili ang batang babae para sa alak upang sila ay makainom.
4 Tyre, Sidon neh Philistia saa boeih aw nang neh kai balae benbo? Kai soah aka thuung la na tiing uh nim? Kai he nan thuung uh cakhaw nangmih tiing bangla na lu ah tlek kan thuung paitok ni.
Ngayon, bakit kayo nagagalit sa akin mga taga-Tiro, Sidon at sa lahat ng nasa rehiyon ng Filistea? Gagantihan ba ninyo ako? Kahit pa gumanti kayo sa akin, kaagad kong ibabalik ang paghihiganti sa inyong mga sariling ulo.
5 Ka cak neh ka sui na loh uh tih ka ngailaemnah hnothen te na bawkim la na khuen uh.
Sapagkat kinuha ninyo ang aking pilak at ang aking ginto, at idinala ninyo ang aking mga mahahalagang kayamanan sa inyong mga templo.
6 Judah ca rhoek neh Jerusalem ca te Greek ca taengla na yoih uh tih a Khorhi dong lamloh amih te na lakhla sak.
Ipinagbili ninyo ang mga tao ng Juda at Jerusalem sa mga Griego, upang mailayo ninyo sila sa kanilang lupain.
7 Amih yoih nah hmuen lamloh amih te pahoi ah ka haeng coeng he. Te dongah na thaphu te na lu ah kan thuung ni.
Tingnan ninyo, paaalisin ko na sila mula sa mga lugar kung saan ninyo sila ipinagbili at ibabalik ko sa inyong mga ulo ang inyong ganti.
8 Na canu na capa rhoek te Judah ca rhoek kut ah ka yoih vetih amih te Sabean taeng neh khohla namtom taengah a yoih uh ni tila BOEIPA loh a thui.
Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao ng Juda. Ipagbibili sila sa mga Sabeo, isang malayong bansa sapagkat ito ang sinabi ni Yahweh.
9 He he namtom taengah doek uh laeh. Caemtloek te ciim uh laeh. Hlangrhalh rhoek haenghang uh laeh. Thoeih uh saeh lamtah caemtloek hlang boeih te paan uh saeh.
Ipahayag ninyo ito sa mga bansa: 'Ilaan ninyo ang inyong sarili para sa isang digmaan, gisingin ninyo ang mga malalakas na kalalakihan, hayaan silang lumapit at hayaang sumalakay ang lahat ng mandirigma.
10 Na tuktong te cunghang la, na vin te khaw cai la dae uh. Tattloel long khaw ka, “Hlangrhalh,” ti saeh.
Gawin ninyong mga espada ang inyong mga araro at ang inyong mga pangtabas na mga sibat. Hayaang sabihin ng mga mahihina, “Ako ay malakas.”
11 Kaepvai lamkah namtom boeih capit uh lamtah paan uh lamtah tingtun uh laeh. BOEIPA aw na hlangrhalh rhoek pahoi ah ael sak laeh.
Magmadali kayo at pumarito, kayong mga karatig bansa at magtipun-tipon kayo.' Ipadala mo doon ang iyong mga malalakas na mandirigma, Yahweh.
12 Haenghang saeh lamtah namtom te Jehoshaphat kol la cet uh saeh. Kaepvai kah namtom boeih te laitloek hamla kana ngol ni te.
Hayaan mong gisingin ng mga bansa ang kanilang mga sarili at pumunta sa lambak ni Jehoshafat. Sapagkat doon ako uupo upang hatulan ang lahat ng nakapalibot na mga bansa.
13 Cangah ham hmin coeng tih vinkui te tueih uh laeh. Lo uh, misur rhom khaw bae tih taemrhai uh laeh. va-am rhoek a baepet bangla amih kah boethae tah ping coeng.
Gamitin ninyo ang karit dahil hinog na ang ani. Halikayo, durugin ninyo ang mga ubas dahil puno na ang mga pigaan ng ubas, umaapaw na ang mga kawa dahil katakut-takot ang kanilang kasamaan.
14 Oltloeknah tuikol ah tah hlangping la hlangping kak coeng ni. Oltloeknah tuikol ah BOEIPA kah khohnin yoei coeng.
Mayroong kaguluhan, isang kaguluhan sa lambak ng Paghuhukom. Dahil ang araw ni Yahweh ay malapit sa lambak ng Paghuhukom.
15 Khomik neh hla hmuep vetih aisi rhoek loh a aa a hloh ni.
Didilim ang araw at buwan, mawawalan ng liwanag ang mga bituin.
16 BOEIPA tah Zion lamloh kawk tih Jerusalem lamloh a ol a huel. Vaan neh diklai hinghuen dae BOEIPA tah a pilnam ham hlipyingnah neh Israel ca ham lunghim la om.
Sisigaw si Yahweh mula sa Zion, at lalakas ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem. Mayayanig ang kalangitan at lupa, ngunit si Yahweh ang magiging kanlungan ng kaniyang mga tao at sandigan para sa mga tao ng Israel.
17 Te dongah nangmih kah Pathen BOEIPA kamah he ka cimcaihnah tlang Zion ah kho a sak tila ming uh. Jerusalem he hmuencim la om vetih kholong loh te te koep caehpah mahpawh.
“Upang malaman ninyo na ako si Yahweh ang inyong Diyos na nananahan sa Zion, sa aking banal na bundok. At magiging banal ang Jerusalem, at wala nang hukbo ang muling sasalakay pa sa kaniya.
18 Te khohnin a pha vaengah tlang kah thingtui cip vetih mol lamkah suktui long ni. Judah sokca boeih te tui long ni. Tuisih te BOEIPA im lamloh phuet vetih Shittim soklong te a suep ni.
At mangyayari nga sa araw na iyon na papatak ang matamis na alak sa mga bundok, aapaw ang gatas sa mga burol, dadaloy ang tubig sa lahat ng mga batis ng Juda, at isang bukal ang manggagaling sa tahanan ni Yahweh at didiligan ang lambak ng Acacia.
19 Egypt tah khopong la poeh vetih Edom khaw khosoek khopong la om ni. Judah ca rhoek kuthlahnah loh a khohmuen kah ommongsitoe thii te a long sak.
Magiging wasak na lugar ang Egipto at magiging napabayaang ilang ang Edom dahil sa ginawa nilang karahasan sa mga tao ng Juda, dahil nagpadanak sila ng dugo ng mga walang kasalanan sa kanilang lupain.
20 Judah tah kumhal duela kho a sak vetih Jerusalem khaw a cadilcahma neh cadilcahma duela om ni.
Ngunit mananahan ang Juda magpakailanman, at mananahan ang mga salinlahi ng Jerusalem.
21 A thii dongah ka hmil mueh te ka hmil ni. BOEIPA he Zion ah kho a sak.
Ipaghihiganti ko ang kanilang dugo na hindi ko pa naipaghiganti,” sapagkat nananahan si Yahweh sa Zion.