< Песен на песните 8 >
1 Дано ми беше ти като брат, Който е сукал от гърдите на майка ми! Когато те намерих вън щях да те целуна, Да! и никой не щеше да ме презре.
Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin.
2 Взел бих те и завела В къщата на майка си, за да ме научиш; Напоила бих те с подправено вино И със сок от наровете си.
Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, na magtuturo sa akin; aking paiinumin ka ng hinaluang alak, ng katas ng aking granada.
3 Левицата му би била под главата ми, И десницата му би ме прегръщала.
Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.
4 Заклевам ви, ерусалимски дъщери, Да не възбудите нито да събудите любовта ми, Преди да пожелае.
Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya.
5 Коя е тая, която идва от пустинята Опираща се на възлюбения си? Аз те събудих под ябълката; Там те роди майка ти, Там те роди родителката ти.
Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
6 Положи ме като печат на сърцето си, Като печат на мишцата си; Защото любовта е силна като смъртта. Ревността е остра като преизподнята, Чието святкане е святкане огнено, пламък най-буен. (Sheol )
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. (Sheol )
7 Много води не могат угаси любовта, Нито реките могат я потопи; Ако би дал някой целия имот на дома си за любовта, Съвсем биха го презрели.
Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.
8 Ние имаме малка сестра, и тя няма гърди. Що да направим със сестра си в деня, когато стане дума за нея?
Tayo'y may isang munting kapatid na babae, at siya'y walang mga suso: ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya'y ipakikiusap?
9 Ако бъде стена ще съградим на нея сребърни укрепления; И ако бъде врата, ще я оградим с кедрови дъски.
Kung siya'y maging isang kuta, pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: at kung siya'y maging isang pintuan, ating tatakpan ng mga tablang sedro.
10 Аз съм стена, и гърдите ми са като стълбовете й; Тогава бях пред очите му като една, която е намерила благоволение.
Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan.
11 Соломон имаше лоза във Ваалхамон; Даде лозето на наематели; За плода му всеки трябваше да донесе хиляда сребърника.
Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.
12 Моето лозе, собствеността ми, е под моята власт; Хилядата нека са на тебе Соломоне, И двете на ония, които пазят плода му.
Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.
13 О ти, която седиш в градините, Другарите внимават на гласа ти; Дай ми и аз да го чуя.
Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: iparinig mo sa akin.
14 Бързай, възлюбени мои, И бъди като сърне или еленче Върху планините на ароматите.
Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia.