< Исус Навиев 8 >
1 Подир това Господ рече на Исуса: Не бой се нито се ужасявай; вземи със себе си всичките военни мъже, и стани та се изкачи в Гай; ето, Аз предадох в ръката ти гайския цар, людете му, града му и земята му;
Sinabihan ni Yahweh si Josue, “Huwag matakot; huwag mapanghinaan ng loob. Dalhin mo ang lahat ng mga tao sa digmaan. Pumunta sa Ai. Tingnan mo, ang ibinibigay ko sa iyong kamay ang hari ng Ai, kaniyang bayan, kaniyang siyudad, at kaniyang lupain.
2 и да сториш на Гай и на царя му, както стори на Ерихон и на царя му; само че ще заплените за себе си користите му и добитъка му. Постави против града засада от задната му страна.
Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod.”
3 Тогава Исус стана с всичките военни люде, за да отидат в Гай; и Исус избра тридесет хиляди мъже силни и храбри изпрати ги нощем,
Kaya tumayo si Josue at kinuha ang mga kalalakihan sa digmaan patungong Ai. Pagkatapos pumili si Josue ng tatlumpung libong kalalakihan—malakas, matapang na mga kalalakihan—at pinadala niya sila sa gabi.
4 и заповяда им, казвайки: Гледайте, поставете засада против града от задната страна на града; да се не отдалечите много от града, и да бъдете всички готови;
Inutusan niya sila, “Masdan ito, maglalagay kayo ng tambangan laban sa lungsod, sa likod nito. Huwag masyadong lumayo mula sa lungsod, pero maging handa kayong lahat.
5 а аз и всичките люде, които са с мене, ще се приближим до града; и когато излязат против нас, както изпърво, тогава ние ще побегнем от тях.
Lalapit ako at lahat ng mga kalalakihan na kasama ko sa lungsod. At kapag lumabas sila para salakayin tayo, lalayo tayo mula sa kanila gaya ng dati.
6 Те ще излязат след нас догде ги отдалечим от града; защото ще си рекат: Те бягат от нас, както по-напред; и ние ще побегнем от тях.
Lalabas sila pagkatapos natin hanggang ilayo natin sila mula sa lungsod. Sinasabi nila, 'Lumalayo sila sa atin gaya ng ginawa nila noong una.' Kaya lalayo tayo mula sa kanila.
7 Тогава вие станете от засадата и превземете града; защото Господ вашият Бог ще го предаде в ръката ви.
Pagkatapos lalabas kayo sa lugar ng inyong pinagtataguan, at huhulihin ninyo ang lungsod. Ibibigay ito sa inyong kamay ni Yahweh na inyong Diyos.
8 И като превземете града да запалите града, да сторите според Господното повеление; ето, заповядах ви.
Kapag nahuli ninyo ang lungsdo, susunugin ninyo ito. Gagawin ninyo ito kapag susundin ninyo ang utos na ibinigay sa salita ni Yahweh. Tingnan mo, inutusan ko kayo.”
9 И тъй, Исус ги изпрати; и те отидоха в засада, като седнаха между Ветил и Гай, на западната страна от Гай; а Исус остана през оная нощ всред людете.
Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.
10 И Исус, като стана рано на сутринта и прегледа людете, отиде, той и Израилевите старейшини, пред людете за Гай.
Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai.
11 И всичките военни люде, които бяха с него, отидоха и се приближиха, дойдоха срещу града, и разположиха стан на северната страна от Гай; а между тях и Гай имаше долина.
Lahat ng lumalaban na kalalakihan ay umakyat at nilapitan ang lungsod. Lumapit sila sa lungsod at nagkampo sa hilagang dako ng Ai. Ngayon mayroong isang lambak sa pagitan nila at Ai.
12 И той взе около пет хиляди мъже и ги постави в засада между Ветил и Гай на западната страна от града.
Kinuha niya ang humigit-kumulang ng limang libong kalalakihan at itinakda sila sa pananambang sa kanlurang dako ng lungsod sa pagitan ng Bethel at Ai.
13 И като наредиха людете - цялото войнство, което беше на север от града, и засадата му на запад от града - Исус отиде през оная нощ всред долината.
Ipinuwesto nila ang lahat ng sundalo, ang mga pangunahing hukbo sa hilagang dako ng lungsod, at ang likurang bantay sa kanlurang dako ng lungsod. Nagpalipas ng gabing si Josue sa lambak.
14 А гайският цар, като видя това, побърза, той и всичките му люде, мъжете на града, та станаха рано, и в определен час излязоха на полето на бой против Израиля; но той не знаеше, че имаше засада против него зад града.
Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
15 А Исус и целият Израил се престориха на разбити пред тях и бягаха през пътя за пустинята.
Si Josue at lahat ng Israel ay hinayaan ang kanilang sarili na matalo sa kanilang harapan, at tumakas sila patungo ng ilang.
16 И всичките люде, които бяха в Гай, бяха свикани, за да го гонят; и гониха Исуса, и отдалечиха се от града.
Lahat ng mga tao na nasa loob ng lungsod ay sama-samang tinawag para sumunod sa kanila, at sumunod sila kay Josue at lumayo sila mula sa lungsod.
17 Така в Гай и Ветил не остана човек, който не излезе след Израиля; и те оставиха града отворен и гониха Израиля.
Walang lalaki ang umalis sa Ai at Bethel na siyang hindi lumabas para tugisin ang Israel. Pinabayaan nila ang lungsod at iniwan itong bukas habang tinutugis nila ang Israel.
18 Тогава Господ каза на Исуса: Простри към Гай копието, което държиш в ръката си; защото ще предам града в ръката ти. Исус, прочее, простря към града копието, което държеше в ръката си.
Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Itutok ang sibat na iyon sa iyong kamay patungong Ai, dahil ibibigay ko ang Ai sa iyong kamay.” Itinutok ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay patungo ng lungsod.
19 И щом простря ръката си засадата стана бързо от мястото си, завтекоха се изведнъж и влязоха в града и го превзеха; и побързаха та запалиха града.
Ang mga sundalong nagtatago sa pananambang ay nagmadaling lumabas sa kanilang lugar nang inabot niya ang kaniyang kamay. Tumakbo at pumasok sila ng lungsod at hinuli ito. Mabilis nilang sinunog ang lungsod.
20 А когато гайските мъже се огледаха надире, видяха, и, ето че дим се издигаше от града към небето; и нямаха где да бягат ни тук ни там, понеже людете, които бягаха към пустинята, се обърнаха назад против гонителите.
Lumiko at lumingon ang mga kalalakihan ng Ai. Nakita nila ang usok mula sa lungsod na tumataas sa himpapawid, at hindi sila makatakas sa paraang ito o iyon. Dahil ang mga sundalong Israelita na siyang tumakas sa ilang ngayon ay bumalik para harapin ang mga tumutugis sa kanila.
21 А Исус и целият Израил, като видяха, че засадата беше превзела града, и че се издигаше дим от града, обърнаха се назад и поразиха гайските мъже.
Nang nakita ni Josue at lahat ng Israel na nabihag ang siyudad ng pananambang na may tumataas na usok, umikot sila at pinatay ang mga kalalakihan ng Ai.
22 Другите също излязоха из града против тях; и тъй, те се намериха всред израилтяните, които бяха едни отсам а едни оттам; и тия ги поразиха така щото не оставиха никой от тях да живее или да побегне.
At ang ibang mga sundalo ng Israel, ang mga umalis ng lungsod, lumabas para salakayin sila. Kaya hinuli ang kalalakihan ng Ai sa pagitan ng mga hukbo ng Israel, sa ilang bahagi nito at sa ilang bahagi na iyon. Sinalakay ng Israel ang kalalakihan ng Ai; wala sa kanila ang nakaligtas o nakatakas.
23 А царя на Гай хванаха жив, о го доведоха при Исуса.
Itinago nila ang hari ng Ai, na siyang binihag nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.
24 И като изби Израил всичките жители на Гай в полето и пустинята, гдето ги гониха, и те всички паднаха от острото на ножа догде се изтребиха, тогава целият Израил се върна в Гай и поразиха го с острото на ножа.
Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada.
25 И всичките паднали в оня ден, мъже и жени, бяха дванадесет хиляди души, всичките гайски люде.
Lahat ng natalo sa araw na iyon, kapwa mga lalaki at babae, ay labindalawang libo, lahat ng bayan ng Ai.
26 Защото Исус не оттегли ръката си, с който бе прострял копието, догде не изтреби като обречени, всичките жители на Гай.
Hindi ibinalik ni Josue ang kaniyang kamay na inabot niya, habang hinahawakan ang kaniyang sibat, hanggang tuluyang nawasak niya ang lahat ng bayan ng Ai.
27 Само че Израил плени за себе си добитък и користите на оня град, според думата, която Господ заповяда на Исуса.
Kinuha lamang ng Israel ang mga alagang hayop at ang ninakaw mula sa lungsod para sa kanilang sarili, tulad ng inutos ni Yahweh kay Josue.
28 И така, Исус изгори Гай и го направи всегдашен куп развалини, както е до днес.
Sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang tambakan ng mga nawasak magpakailanman. Ito ay isang lugar na pinabayaan sa araw na ito.
29 А царя на Гай обеси на дърво и го остави да виси до вечерта; и като зайде слънцето, Исус заповяда та снеха трупа от дървото, хвърлиха го във входа на градската порта, и натрупаха на него голяма грамада камъни, която стои и до днес.
Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
30 Тогава Исус издигна олтар на Господа Израилевия Бог на хълма Гевал,
Pagkatapos itinayo ni Josue ang isang altar para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sa Bundok Ebal,
31 както Господният слуга Моисей беше заповядал на израилтяните, според написаното в книгата на Моисеевия закон, олтар от цели камъни, по които желязно сечиво не се бе издигнало; и принесоха на него всеизгаряния Господу, и пожертвуваха примирителни приноси.
gaya ni Moises ang lingkod ni Yahweh na inutusan ang bayan ng Israel, ayon sa nakasulat sa aklat ng batas ni Moises: “Isang altar mula sa hindi nahating mga bato, na walang ni isa ang makahawak sa isang bakal na kagamitan.” At naghandog siya rito ng handog na susunugin kay Yahweh, at nag-alay sila ng mga handog para sa kapayapaan.
32 И там написа на камъните един препис на Моисеевия закон, който написа пред израилтяните.
At doon sa presensya ng bayan ng Israel, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng batas ni Moises.
33 И целият Израил, със старейшините им, първенците и съдиите им, чужденци и туземци, застанаха отсам и оттам ковчега, срещу левитските свещеници, които държаха ковчега на Господния завет, - едната им половина към хълма Гаризин, и другата им половина към хълма Гевал, - както Господният слуга Моисей беше заповядал по-напред, за да благославят Израилевите люде.
Lahat ng Israel, kanilang nakatatanda, mga opisyales, at kanilang mga hukom ay tumayo sa magkabilang bahagi ng kaban sa harap ng mga pari at mga Levita na nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh—ang dayuhan gayundin ang ipinanganak na katutubo—nakatayo sa harap ng Bundok Gerizim ang kalahati sa kanila at nakatayo sa harap ng Bundok Ebal ang ibang kalahati. Pinagpala nila ang bayan ng Israel, gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kanila sa simula.
34 И след това прочее всичките думи на закона, благословията и проклетиите, според всичко каквото бе писано в книгата на закона.
Pagkatapos, binasa ni Josue ang lahat ng mga salita sa batas, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, gaya ng kanilang isinulat sa aklat ng batas.
35 От всичко що заповяда Моисей нямаше дума, която Исус не прочете пред всичките събрани израилтяни, с жените, децата и чужденците, които се събираха между тях.
Walang isang salita mula sa lahat na inutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng pagpupulong ng Israel, kasama ang mga kababaihan, ang maliliit na mga bata, at ang mga dayuhan na siyang nanirahan sa kanila.