< Езекил 17 >
1 И Господното слово дойде към мене и рече:
Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 Сине човешки, предложи гатанка, и кажи притча за Израилевия дом, като речеш:
“Anak ng tao, maghayag ka ng isang bugtong at magsalita ka ng isang talinghaga sa sambahayan ng Israel.
3 Така казва Господ Иеова: Един голям орел, с големи крила и дълги пера, С гъста, пъстрошарена перушина, Дойде в Ливан, та откъсна най-високото клонче на кедъра.
Sabihin mo, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang isang malaking agila na may malaki at mahabang pakpak, makapal ang mga balahibo, at may ibat' ibang kulay ay nagtungo sa Lebanon at dumapo sa itaas na bahagi ng puno ng sedar.
4 Той откърши върховете на клончетата му Та ги занесе в търговска страна, Тури ги в търговски град.
Pinutol nito ang mga dulo ng mga sanga at dinala ang mga ito sa lupain ng Canaan; itinanim niya ito sa lungsod ng mga mangangalakal.
5 Взе и от семето на земята Та го пося на плодородна почва; Постави го при много води, посади го като върба.
Kumuha rin siya ng ilang binhi sa lupa at itinanim ito sa lupang handa nang taniman. Itinanim niya ito sa tabi ng malawak na bahagi ng tubig katulad ng punong kahoy na tinatawag na wilow.
6 И то поникна и стана разстлана лоза, ниска на ръст, Чиито клончета се обръщаха към него, И корените й бяха под него. Така стана лоза, Пусна пръчки, и покара отрасли.
At pagkatapos tumubo ito at naging isang gumagapang na baging pababa sa lupa. Ang bawat mga sanga nito ay patungo sa kaniya, at ang mga ugat nito ay lumago sa ilalim nito. Kaya ito ay naging isang baging at nagkaroon ng mga sanga at umusbong.
7 Имаше и друг голям орел с големи крила и гъста перушина; И, ето, от лехите гдето беше посадена Тая лоза разпростря корените си към него, И простря клончетата си към него, за да я напои.
Subalit may isa pang napakalaking agila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo. At tingnan mo! Ang baging at ang kaniyang mga ugat ay humarap sa agila, at kumalat ang mga sanga patungo sa agila mula sa lugar kung saan ito nakatanim upang ito ay matubigan.
8 Тя бе посадена на добра почва, при много води, За да пусне пръчки и да принесе плод, Та да стане добра лоза.
Ito ay nakatanim sa magandang lupa sa tabi ng malawak na bahagi ng tubig upang ito ay magkaroon ng maraming sanga at mamunga, upang maging kahangahangang baging!
9 Речи: Така казва Господ Иеова: Ще благоуспее ли? Не ще ли изскубе той корените й, И отсече плода й, та да изсъхне, Да изсъхнат всичките й пресни листа, Даже без да има голяма сила или много люде, Които да я изскубят из корен?
Sabihin mo sa mga tao, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Ito ba ay yayabong? Hindi ba niya bubunutin ang mga ugat at pipitasin ang mga bunga nito kaya ang lahat ng malagong mga dahon ay matutuyo? Walang malakas na braso o maraming tao ang mga makakabunot ng mga ugat nito.
10 Ето, дори ако и посадена, ще благоуспее ли? Не ще ли изсъхне съвсем Щом я досегне източният вятър? Ще изсъхне в лехите, гдето бе израснала.
Kaya tingnan mo! Pagkatapos itong maitanim, lalago ba ito? hindi ba ito malalanta kapag ito ay dadampian ng hanging mula sa silangan? Ito ay ganap na matutuyo sa kaniyang kinatataniman.'”
11 При това Господното слово дойде към мене и рече:
Pagkatapos, ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
12 Кажи сега на бунтовния дом: Не проумявате ли що значи това? Поясни им - Ето, вавилонският цар дойде в Ерусалим Та взе царя му и първенците му, И ги заведе със себе си във Вавилон;
“Sabihin mo sa mga mapanghimagsik na sambahayan, 'Hindi ba ninyo alam ang ibig sabihin ng mga bagay na ito? Tingnan mo! Ang hari ng Babilonia ay nagpunta sa Jerusalem at kinuha ang hari at ang kaniyang mga prinsipe at dinala sila sa kaniya sa Babilonia.
13 Взе и от царския род та свърза договор с него, Като го направи да се закълне; И отведе силните на страната,
Pagkatapos ay kumuha siya ng maharlikang kaapu-apuhan at gumawa sila ng kasunduan, at pinanumpa siya nito. At dinala niya ang mga makapangyarihang tao sa lupain,
14 За да се унижи царството, И да се не издигне, Но да се утвърди като пази договора му.
upang ang kaharian ay maging mababa at hindi na nito maibangon ang sarili. Sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang kasunduan ang lupain ay makaliligtas.
15 Обаче той въстана против него, и прати свои посланици в Египет, За да му дадат коне и много люде. Ще благоуспее ли? ще се избави ли оня, който прави това? Или като нарушава договора ще избегне ли?
Ngunit ang hari ng Jerusalem ay naghimagsik laban sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kinatawan sa Egipto upang kumuha ng mga kabayo at ng hukbo. Siya ba ay magtatagumpay? Makatatakas ba ang taong gumagawa ng mga bagay na ito? Kung lalabagin niya ang kasunduan, makatatakas ba siya?
16 Заклевам се в живота Си, казва Господ Иеова, В мястото гдето живее царят, който го е поставил цар, Чиято клетва той е презрял и чийто договор е нарушил, Непременно там ще умре при него всред Вавилон.
Habang ako ay nabubuhay! — ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— siya ay tiyak na mamamatay sa lupain ng hari na gumawa sa kaniya bilang hari, ang hari na siyang gumawa ng panunumpang hinamak niya at sa kasunduan na hindi niya sinunod. Siya ay mamamatay sa gitna ng Babilonia!
17 И Фараон със силната си войска и с голямото си множество Няма да направи за него нищо във войната, При все че издига могили и гради укрепления, за да погуби много души.
At ang Paraon, kasama ang kaniyang malakas na hukbo at ang pagtitipon ng maraming kalalakihan para sa digmaan ay hindi siya kayang protektahan sa labanan, kapag ang hukbo ng Babilonia ay gagawa ng tambak ng lupa at mga pader upang sirain ang maraming buhay.
18 Защото той презря клетвата и наруши договора; И, ето, след като даде ръка си, Пак стори всичко това. Той няма да се отърве.
Sapagkat hinamak ng hari ang kaniyang panunumpa sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa kasunduan. Tingnan mo, iniabot niya ang kaniyang kamay upang mangako, subalit ginawa niya ang lahat ng mga bagay na ito. Hindi siya makatatakas.
19 Затова, така казва Господ Иеова: Заклевам се в живота Си, наистина ще възвърна върху главата му Клетвата Ми, която е презрял, И договора Ми, който е нарушил.
Kung gayon—ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh—habang Ako ay nabubuhay, hindi ba ang aking panunumpa na kaniyang hinamak at hindi sinunod at kasunduan na kaniyang hindi tinupad na inyong winasak? Kaya dadalhin ko ang kaparusahan niya sa kaniyang ulo!
20 Ще разпростра мрежата Си върху него, Та ще се хване в примката Ми; Ще го закарам във Вавилон, И там ще се съдя с него за престъплението, Което извърши против Мене.
Ilalatag ko ang aking lambat sa kaniya at mahuhuli siya sa aking lambat. Pagkatapos ay dadalhin ko siya sa Babilonia at hahatulan ko siya doon dahil ang pagtataksil na ginawa niya nang ipagkanulo niya ako!
21 И всичките му бежанци с всичките му полкове Ще паднат от нож, А останалите ще се разпръснат към всичките ветрища; И ще познаете, че Аз Господ изговорих това.
At lahat ng mga bihag sa kaniyang mga hukbo ay babagsak sa pamamagitan ng espada, at ang mga matitira ay kakalat sa lahat ng dako. At malalaman ninyo na ako si Yahweh; Ipinahayag ko na ito ay mangyayari!'
22 Така казва Господ Иеова: Ще взема и от върха на високия кедър и ще го посадя; Ще откърша от върховете на младите му клончета едно крехко клонче, И ще го посадя на планина висока и отлична;
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh, 'Kaya ako mismo ang magtatanggal ng pinakamataas na bahagi ng puno ng sedar, at itatanim ko ito nang malayo ang mga malambot na sanga nito. Babaliin ko ito, at ako mismo ang magtatanim nito sa mataas na bundok!
23 На високата Израилева планина ще го посадя; И то ще изкара клончета, ще дава плод, И ще стане великолепен кедър; Под него ще обитават всички птици от всякакъв вид, Под сянката на клоните му ще живеят.
Itatanim ko ito sa mga bundok ng Israel kaya ito ay lalago magkakaroon ng mga sanga at mamumunga, at magiging kahanga-hangang sedar kaya mamumuhay sa ilalim nito ang mga ibon. Sila ay mamumugad sa lilim ng mga sanga nito.
24 И всичките дървета на полето ще познаят, Че Аз Господ сниших високото дърво, възвисих ниското дърво, Изсуших зеленото дърво, и направих сухото дърво да се раззеленее. Аз Господ изговорих това, и ще го извърша.
Pagkatapos lahat ng puno sa bukid ay malalaman na ako si Yahweh. Ibinababa ko ang mga matatayog na puno; Itinataas ko ang mga mababang puno! tinutuyo ko ang punong nadiligan Pinapayabong ko ang tuyong puno! Ako si Yahweh; ipinahayag ko na mangyayari ito at nagawa ko na ito!”'