< Езекил 1 >
1 В тридесетата година, четвъртия месец, на петия ден от месеца, като бях между пленниците при реката Ховар, отвориха се небесата, и аз видях Божии видения.
Sa ikatatlumpung taon, sa ikaapat na buwan, at sa ikalimang araw ng buwan, nangyaring naninirahan akong kasama ng mga bihag sa tabi ng Kanal Kebar. Nabuksan ang kalangitan, at nakakita ako ng mga pangitain ng Diyos!
2 На петия ден от месеца в тая година, която бе петата от пленяването на цар Иоахина,
Noong ikalimang araw ng buwan na iyon—ito ang ikalimang taon ng pagkatapon kay Haring Jehoiakin,
3 Господното слово дойде нарочно към свещеника Езекиила, син на Вузия, в Халдейската земя, при реката Ховар; и там Господната ръка биде върху него.
dumating nang may kapangyarihan ang salita ni Yahweh kay Ezekiel na anak ni Buzi at ang pari sa lupain ng mga Caldeo sa tabi ng Kanal Kebar. Dumating ang kamay ni Yahweh sa kaniya roon.
4 Видях, и, ето, вихрушка идеше от север, голям облак и пламнал огън, а около него сияние; и отсред него се виждаше нещо на глед като светъл метал, от средата на огъня.
Pagkatapos, tumingin ako, at mayroong dumarating na malakas na hangin mula sa hilaga—isang malaking ulap na may kumikinang na apoy sa loob nito, at liwanag ang nasa palibot at loob nito, at kulay ng ambar ang apoy sa loob ng ulap.
5 Отсред него се виждаше и подобие на четири живи същества. И това беше изгледът им; те имаха човешко подобие.
Sa gitna ay anyo ng apat na buhay na nilalang. Ito ang kanilang wangis: mayroon silang anyong tao,
6 Всяко от тях имаше четири лица, всяко имаше и четири крила.
ngunit ang bawat isa sa kanila ay mayroong apat na mukha, at ang bawat isa sa mga nilalang ay may apat na pakpak.
7 Нозете им бяха прави нозе; и стъпалото на нозете им беше подобно на стъпало на телешка нога; и изпущаха искри като повърхността на лъскава мед.
Tuwid ang kanilang mga binti, ngunit ang talampakan ng kanilang mga paa ay tulad ng mga kuko ng isang guya na makinang tulad ng pinakintab na tanso.
8 И имаха човешки ръце под крилата си на четирите си страни; и на четирите лицата и крилата бяха така:
Gayon pa man, mayroon silang mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa lahat ng apat na dako. Sa kanilang apat, ang kanilang mga mukha at mga pakpak ay ganito:
9 крилата им се съединяваха едно с друго; не се обръщаха като вървяха; всяко вървеше направо пред себе си.
ang kanilang mga pakpak ay sumasagi sa mga pakpak ng kasunod na nilalang, at hindi sila lumiliko habang umuusad, sa halip, ang bawat isa ay umusad pasulong.
10 А колкото за изгледа на лицата им, той беше като човешко лице; и четирите имаха лъвово лице от дясната страна; и четирите имаха волско лице от лявата; и четирите имаха орлово лице.
Ang wangis ng kanilang mga mukha ay tulad ng mukha ng isang tao, sunod, ang mukha ng isang leon sa kanan, sunod, ang mukha ng isang toro sa kaliwa, at sa huli, ang mukha ng isang agila.
11 и лицата им и крилата им бяха обърнати нагоре; две крила на всяко се съединяваха едно с друго, и двете покриваха телата им.
Ganyan ang kanilang mga mukha, at ang kanilang mga pakpak ay nakabuka sa itaas, upang ang bawat nilalang ay may pares ng mga pakpak na nakasagi sa pakpak ng isa pang nilalang, at isang pares din ng mga pakpak ang nakatakip sa kanilang mga katawan.
12 И вървяха всяко направо пред себе си; гдето се носеше духа, там вървяха; като вървяха не се обръщаха.
Ang bawat isa ay umusad pasulong, upang saanman sila utusang pumunta ng Espiritu, pumunta sila nang hindi lumilingon.
13 А колкото за подобието на живите същества, изгледът им бе като запалени огнени въглища, като изгледа на факли, които се движеха нагоре надолу между живите същества; огънят беше светъл, и светкавица изскачаше из огъня.
Tulad ng mga nagliliyab na baga ang mga buhay na nilalang, o tulad ng mga sulo, may maliwanag na apoy din na gumagalaw kasama ng mga nilalang, at may mga kumikislap na kidlat.
14 И живите същества блещукаха наглед като светкавица.
Mabilis na gumagalaw nangpabalik-balik ang mga buhay na nilalang, at mukha silang kidlat!
15 А като гледах живите същества, ето по едно колело на земята при живите същества, за всяко от четирите им лица,
At tumingin ako sa mga buhay na nilalang, may isang gulong sa ilalim na nasa tabi ng mga buhay na nilalang.
16 Изгледът на колелата и направата им бе като цвят на хрисолит; и четирите имаха еднакво подобие; а изгледът им и направата им бяха като че ли на колело в колело.
Ito ang wangis at balangkas ng mga gulong: ang bawat gulong ay tulad ng berilyo, at magkakatulad lahat ang apat, tila binabagtas ng isang gulong ang isa pang gulong.
17 Когато вървяха, вървяха към четирите си страни; не се обръщаха като вървяха.
Kapag gumulong ang mga gulong, nakakapunta sila sa bawat direksyon nang hindi lumilingon.
18 А колелата им бяха високи и страшни; и колелата около тия четири бяха пълни с очи.
Para naman sa mga gilid naman ng mga ito, matataas at nakakatakot, sapagkat ang mga gilid ay puno ng mga mata paikot!
19 И когато вървяха живите същества, и колелата вървяха край тях; и когато се издигаха живите същества от земята, и колелата се издигаха.
Kapag gumagalaw ang mga buhay na nilalang, gumagalaw ang mga gulong sa tabi nila. Kapag pumapaitaas ang mga buhay na nilalang mula sa lupa, pumapaitaas din ang mga gulong.
20 Гдето имаше да иде духът, там вървяха и те; там гдето духът имаше да иде, и колелата се издигаха край тях; защото духът на всяко от живите същества беше и в колелата му.
Saanman pumupunta ang Espiritu, pumupunta sila kung saan tumutungo ang Espiritu, pumapaitaas sa tabi nila ang mga gulong, sapagkat ang espiritu ng mga buhay na nilalang ay nasa mga gulong.
21 Когато вървяха ония, вървяха и тия; и когато стояха ония, стояха и тия; а когато ония се издигаха от земята, то и колелата се издигаха край тях; защото духът на всяко от живите същества беше и в колелата му.
Kapag gumagalaw ang mga nilalang, gumagalaw rin ang mga gulong, at kapag tumitigil ang mga nilalang, tumitigil ang mga gulong, kapag pumapaitaas mula sa lupa ang mga nilalang, pumapaitaas ang mga gulong sa tabi nila, sapagkat ang espiritu ng mga buhay na nilalang ay nasa mga gulong.
22 А над главите на живите същества имаше подобие на един простор, на глед като цвят на страшен кристал, разпрострян над главите им.
Sa ibabaw ng mga ulo ng mga buhay na nilalang ay may tulad ng isang napakalaking pabilog na bubong, tulad ito ng kahanga-hangang kristal na nakabuka sa ibabaw ng kanilang mga ulo.
23 А под простора крилата им бяха разпрострени, едно срещу друго; всяко същество имаше две, които покриваха телата им отсам; и всяко имаше две, които ги покриваха оттам.
Sa ilalim ng pabilog na bubong, ang bawat isa sa mga pakpak ng nilalang ay nakabuka nang tuwid at nakasagi sa mga pakpak ng isa pang nilalang. Ang bawat buhay na nilalang ay may isang pares din upang takpan ang kanilang mga sarili—ang bawat isa ay may isang pares upang takpan ang kaniyang sariling katawan.
24 И когато вървяха, чувах фученето на крилата им като бучене на големи води, като глас на Всесилния, шум на метеж като шум на войска. Когато се спираха, спущаха крилата си.
At narinig ko ang tunog ng kanilang mga pakpak! Tulad ng ingay ng rumaragasang tubig. Tulad ng tinig ng Makapangyarihan. Kapag gumagalaw sila, nagkakaroon ng tunog ng isang bagyong ulan. Tulad ito ng tunog ng isang hukbo. Kapag tumitigil sila, ibinababa nila ang kanilang mga pakpak.
25 И глас се издаде от горе из простора, който бе над главите им; и като се спряха спуснаха крилата си.
At isang tinig ang nagmula sa itaas ng pabilog na bubong sa ibabaw ng kanilang mga ulo kapag tumitigil sila at ibinababa ang kanilang mga pakpak.
26 И над простора, който бе върху главите им, се виждаше подобие на престол, наглед като камък сапфир; и върху подобието на престола имаше подобие на глед като човек, седящ на него на високо.
Sa itaas ng pabilog na bubong sa ibabaw ng kanilang mga ulo ay may anyo ng isang tronong tulad ng safiro, at ang nasa trono ay ang wangis ng isang tulad ng tao.
27 И видях нещо наглед като светъл метал, като изглед на огън в него от всяка страна; от това, което се виждаше, че е кръстът му, и нагоре, и от това, което се виждаше, че е кръстът му, и надолу видях като изглед на огън, обиколен със сияние.
Nakita ko ang isang anyong tulad ng nagliliwanag na metal na may apoy sa loob mula sa kaniyang baywang pataas, mula sa kaniyang baywang pababa ay tulad ng apoy at liwanag ang nasa buong paligid.
28 Какъвто е изгледът на дъгата в облака в дъждовен ден, такъв бе изгледът на обикалящото сияние. Това бе изгледът на подобието на Господната слава. И когато го видях, паднах на лицето си, и чух глас на едного, който говореше.
Tulad ito ng isang bahagharing lumilitaw sa mga ulap sa isang maulang araw—at tulad ng maliwanag na ilaw ang pumapaligid dito. Nagpakita ito tulad ng anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako, at narinig ko ang isang tinig na nagsasalita.