< Изход 15 >

1 Тогава запяха Моисей и израилтяните тая песен Господу, като говориха с тия думи: - Ще пея Господу, защото славно възтържествува; Коня и ездача му хвърли в морето.
Pagkatapos inawit nina Moises at ng bayan ng Israel ang awiting ito para kay Yahweh. Inawit nila, “Umaawit ako kay Yahweh, dahil sa maluwalhating tagumpay; ang kabayo at ang tagasakay nito ay itinapon sa dagat.
2 Господ е сила моя, песен моя. И стана ми Спасител; Той ми е Бог и ще Го прославя, Бащиният ми Бог, и ще Го превъзвиша.
Si Yahweh ang aking lakas at awitin, at siya ang aking naging kaligtasan. Ito ang aking Diyos, at siya ay aking pupurihin, Diyos ng aking ama, at siya ay aking dadakilain.
3 Господ е силен Воевател; Името Му е Иеова.
Si Yahweh ay isang mandirigma; Yahweh ang pangalan niya.
4 Колесниците Фараонови и войската му хвърли в морето; Отборните му полководци потънаха в Червеното море.
Ang mga karwahe at hukbo ng Paraon, sa dagat ay kaniyang itinapon. Ang mga piniling opisyal ni Paraon, sa Dagat ng mga Tambo sila ay nalunod.
5 Дълбочините ги покриха Като камък слязоха в бездните.
Sila ay tinabunan ng kailaliman; sila ay tumungo sa kailaliman na tulad ng isang bato.
6 Десницата Ти, Господи, се прослави в сила Десницата Ти, Господи, смаза неприятеля.
Ang iyong kanang kamay, Yahweh, ay maluwalhati sa kapangyarihan; ang iyong kanang kamay, Yahweh, ang dumurog sa mga kaaway.
7 С превъзходното Си величие изтребил си противниците Си Пратил си гнева Си, и пояде ги като слама.
Sa dakilang kaluwalhatian iyong ibinabagsak ang mga bumabangon laban sa iyo. Inilabas mo ang iyong poot; tinupok mo sila gaya ng pinaggapasan.
8 От духането на ноздрите Ти вадите се струпаха на куп, Вълните застанаха като грамада, Бездните се сгъстиха всред морето.
Sa pamamagitan ng bugso ng butas ng iyong ilong ang mga tubig ay nagtipon; ang mga dumadaloy na tubig ay tumayong matuwid na isang bunton; ang malalim na tubig ay namuo sa puso ng dagat.
9 Неприятелят рече: Ще погна, ще стигна, ще разделя користите; Похотта ми ще се насити върху тях; Ще изтръгна ножа си, ръката ми ще ги погуби.
Sinabi ng kaaway, 'Hahabol ako, mangunguna ako, ipamamahagi ko ang nasamsam ko; masisiyahan sila sa ang aking ninanais; Bubunutin ko ang aking espada; ang aking kamay ang sisira sa kanila.'
10 Подухнал си с вятъра Си, и морето ги покри; Потънаха като олово в силните води.
Pero ipinaihip mo ang iyong hangin at tinakpan sila ng dagat; at sa malakas na mga tubig lumubog sila na parang tingga.
11 Кой е подобен на Тебе, Господи, между боговете? Дивен та да Те възпяват, правещ чудеса?
Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
12 Прострял си десницата Си, И земята ги погълна.
Iniunat mo ang iyong kanang kamay, at sila ay nilamon ng lupa.
13 С милостта Си водил си людете, които си откупил; Упътил си ги със силата Си към светото Си обиталище.
Sa iyong katapatan sa tipan pinangunahan mo ang mga tao na iyong sinagip. Sa iyong kalakasan sila ay iyong pinangunahan patungo sa banal na lugar kung saan ka naninirahan.
14 Племената ще чуят и ще затреперят; Ужас ще обладае филистимските жители,
Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia.
15 Тогава ще се уплашат едомските началници; Трепет ще обземе моавските силни; Всичките жители на Ханаан ще се стопят.
Pagkatapos ang mga pinuno ng Edom ay matatakot; ang mga sundalo ng Moab ay mayayanig; lahat ng naninirahan sa Canaan ay maglalaho.
16 Страх и трепет ще нападне на тях; Чрез великата Ти мишца ще станат неподвижни като камък. Догде заминат людете ти, Господи, Догде заминат людете, които си придобил.
Ang kilabot at pangamba ay mapapasakanila. Dahil sa kapangyarihan ng iyong bisig, sila ay hindi iimik na parang bato hanggang sa makaraan ang iyong bayan, Yahweh— hanggang sa makaraan ang sinagip mong bayan.
17 Ще ги въведеш и насадиш в хълма - Твоето наследство, На мястото, Господи, което си приготвил за свое обиталище, В светилището, Господи, което ръцете Ти утвърдиха.
Dadalhin mo sila at itatanim sila sa bundok na iyong pinamana, ang lugar, Yahweh, na iyong ginawa para manirahan, ang santuwaryo, aming Panginoon, na itinayo ng iyong mga kamay.
18 Господ ще царува до вечни векове.
Maghahari si Yahweh sa magpakailanman pa man.”
19 Защото, като бяха влезли в морето Фараоновите коне с колесниците му и с конниците му, Господ беше повърнал върху тях водите на морето; а израилтяните бяха преминали през сред морето.
Dahil lumakad ang mga kabayo ni Paraon kasama ng kaniyang mga karwahe at mga mangangabayo sa dagat. Dinala pabalik ni Yahweh ang mga tubig ng dagat sa kanila. Pero ang mga Israelita ay naglakad sa gitna ng dagat sa mga tuyong lupa.
20 Тогава пророчицата Мариам, Аароновата сестра, взе в ръката си тъпанче, и всички жени излязоха подир нея с тъпанчета и хороиграния,
Si Miriam, ang babaeng propeta, na kapatid na babae ni Aaron, ay dumampot ng tamburin, at lumabas ang lahat ng mga kababaihan na may mga tamburin, sabay na sumasayaw kasama niya.
21 а Мариам им пееше ответно: Пейте Господу, защото славно възтържествува; Коня и ездача му хвърли в морето.
Inawit ni Miriam sa kanila: “Umawit kay Yahweh, dahil siya ay maluwalhating nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang kabayo at ang kaniyang mangangabayo.”
22 Тогава Моисей дигна израилтяните от Червеното Море и излязоха към пустинята Сур; и като вървяха три дена в пустинята не намериха вода.
Pagkatapos pinangunahan ni Moises ang Israel pasulong mula dagat ng mga Tambo. Lumabas sila sa ilang ng Shur. Naglakbay sila ng tatlong araw sa loob ng ilang at walang nahanap na tubig.
23 После дойдоха в Мера, но не можеха да пият от водата на Мера защото беше горчива; (затова се наименува Мера).
Pagkatapos nakarating sila sa Mara, pero hindi nila mainom ang tubig doon dahil mapait ito. Kaya tinawag nilang Mara ang lugar na iyon.
24 Тогава людете роптаеха против Моисея, казвайки: Що да пием?
Kaya nagreklamo ang mga tao kay Moises at sinabing, “Ano ang aming iinumin?”
25 А той извика към Господа, и Господ му показа дърво; и като го хвърли във водата, водата се подслади. Там им положи повеление и наредба и там ги опита, като рече:
Umiyak si Moises kay Yahweh at may ipinakitang puno si Yahweh sa kaniya. Hinagis ito ni Moises sa tubig at naging matamis na maiinom ang tubig. Sa lugar na iyon nagbigay si Yahweh sa kanila ng mahigpit na kautusan at doon din niya sila sinubukan.
26 Ако прилежно слушаш гласа на Господа своя Бог, и вършиш онова, което Му е угодно, и слушаш заповедите Му, и пазиш всичките Му повеления, то не ще ти нанеса ни една от болестите, които нанесох върху египтяните; защото Аз съм Господ, Който те изцелявам.
Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
27 После дойдоха в Елим, гдето имаше дванадесет палмови дървета; и там се разположиха на стан при водите.
Pagkatapos dumating ang mga tao sa Elim, kung saan mayroong labing-dalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma. Nagkampo sila doon sa may tubig.

< Изход 15 >