< Второзаконие 4 >
1 Сега слушай, Израилю, повеленията и съдбите, които ви уча да вършите, за да живеете, и да влезете и наследите земята, която ви дава Господ Бог на бащите ви.
Ngayon, Israel, makinig kayo sa mga batas at mga panuntunan na ituturo ko sa inyo, gawin ang mga ito; ng sa gayon maaari kayong mabuhay at makapasok at angkinin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama.
2 Да не притурите нищо на думите, които ви заповядвам, нито да отнемате от тях, за да пазите заповедите на Господа нашият Бог, които ви заповядвам.
Hindi ninyo dagdagan ang mga salita na iniutos ko sa inyo, ni bawasan ang mga ito, sa gayon maaari ninyong sundin ang tungkol sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na iniutos ko sa inyo
3 Очите ви са видели що направи Господ, поради Ваалфегора; защото Господ вашият Бог изтреби изсред вас всичките човеци, които се поведоха по Ваалфегора.
Nakita ng inyong mga mata kung ano ang ginawa ni Yahweh dahil sa Baal Peor; dahil lahat ng mga tao na sumunod kay Baal Peor, winasak sila ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyo.
4 А вие, които сте се привързали при Господа вашият Бог, всички сте живи днес.
Pero kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos ay buhay sa araw na ito, bawat isa sa inyo.
5 Ето, аз ви научих повеления и съдби, според както Господ моят Бог ми заповяда, за да вършите според тях в земята, в която влизате да я наследите.
Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
6 И тъй, пазете и вършете ги; защото това е мъдростта ви и благоразумието ви пред очите на племената, които, като чуят за всички тия повеления, ще рекат: Ето, мъдри и разумни люде са тия на тоя велик народ.
Kaya panatilihin at gawin ang mga ito; dahil ito ay inyong karunungan at inyong kaunawaan sa paningin ng mga tao na makakarinig ng tungkol sa lahat ng mga kautusang ito at sabihin, 'Siguradong itong napakalaking bansa ay isang matalino at may kaunawaang mga tao.'
7 Защото кой народ е толкова велик щото да има бог тъй близо при себе си, колкото е Иеова нашият Бог близо при нас всеки път, когато Го призоваваме?
Dahil ano pang napakalaking bansa na mayroong isang diyos na malapit sa kanila, gaya ni Yahweh na ating Diyos na kapag siya ay ating tatawagin?
8 Или кой народ е толкова велик щото да има такива справедливи повеления и съдби, какъвто и целият тоя закон, който излагам пред вас днес?
Anong napakalaking bansa na mayroong mga batas at mga panuntunan na napakatuwid gaya ng lahat nitong batas na aking itinatatag sa harapan ninyo sa araw na ito?
9 Само внимавай на себе си и пази добре душата си, да не би да забравиш делата, които очите ти са видели, и да не би да се изгубят от сърцето ти, през всичките дни на живота ти; но предавай ги на чадата си и на внуците си;
Bigyang pansin lamang at bantayang maigi ang inyong sarili, nang sa gayon ay hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ng inyong mga mata, nang sa gayon hindi mawala sa inyong puso ang mga ito sa bawat araw ng inyong buhay. Sa halip, ipaalam ang mga ito sa inyong mga anak at sa kanilang magiging mga anak—
10 предавай им за деня, в който ти застана пред Господа твоя Бог на Хорив, когато Господ ми каза: Събери Ми людете, и ще ги направя да чуят думите Ми, за да се научат да се боят от Мене през всичкото време догдето живеят на земята, и те да учат чадата си на това.
sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
11 Вие се приближихте и застанахте под планината; и планината гореше в огън до сред небето, и имаше тъмнина, облак и мрак.
Lumapit kayo at tumayo sa paanan ng bundok. Ang bundok ay nagniningas sa apoy hanggang sa puso ng langit, na may kadiliman, ulap, at makapal na kadiliman.
12 Тогава Господ ви говори изсред огъня; вие чухте гласа на думите, но не видяхте никакъв образ; само глас чухте.
Nagsalita si Yahweh sa inyo sa kalagitnaan ng apoy; narinig ninyo ang kaniyang boses na may mga salita, pero wala kayong nakitang anyo; boses lamang ang narining ninyo.
13 И Той ви изяви завета Си, който ви заповяда да вършите, сиреч, десетте заповеди; и написа ги на две каменни плочи.
Ipinahayag niya sa inyo ang kaniyang tipan na kaniyang iniutos sa inyo na inyong gampanan, ang Sampung Utos. Sinulat niya ang mga ito sa dalawang tipak na bato.
14 И в онова време Господ ми заповяда да ви науча повеления и съдби, за да ги вършите в земята, към която преминавате да я притежавате.
Inutos sa akin ni Yahweh nang panahong iyon para ituro sa inyo ang mga batas at mga ordenansa, para maaari niyong magawa ito sa lupain kung saan kayo pupunta para angkinin ito.
15 Прочее, внимавайте добре на себе си, (защото в деня, когато Господ ви говори на Хорив изсред огъня вие не видяхте никакъв образ),
Kaya maging maingat sa inyong mga sarili, dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na iyon na nagsalita si Yahweh sa Horeb sa kalagitnaan ng apoy.
16 да не би да се развратите и си направите идол, подобие на някой образ, подобие на мъж или на жена,
Mag-ingat na huwag pasamain ang inyong mga sarili at gumawa ng isang inukit na anyo na kahawig ng anumang nilalang, na anyo ng isang lalaki o isang babae,
17 подобие на някое животно, което е на земята, подобие на някоя крилата птица, която лети на небето,
o ang kahawig ng anumang hayop na nasa ibabaw ng lupa, o ang kahawig ng anumang ibong may pakpak na lumilipad sa kalangitan,
18 подобие на нещо, което пълзи по земята, подобие на някоя риба, която е във водите под земята;
o ang kahawig sa anumang bagay na gumagapang sa ibabaw ng lupa, o ang kahawig ng anumang isda na nasa tubig sa ilalim ng mundo.
19 и да не би, като подигнеш очи към небето, и видиш слънцето и луната, звездите и цялото небесно множество, да се мамиш, та да им се кланяш и да служиш на тях, които Господ твоят Бог разпредели на всичките народи под цялото небе.
Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
20 А вас взе Господ и ви изведе из железарската пещ, из Египет, да Му бъдете люде за наследство, както сте и днес.
Pero kinuha kayo ni Yahweh at dinala kayo palabas sa pugon na bakal, palabas ng Ehipto, para maging mga tao niya sa kaniyang sariling pamana, gaya ninyo sa araw na ito.
21 При това, Господ се разгневи на мене поради вас, и закле се да не премина Иордан и да не вляза в оная добра земя, който Господ твоят Бог ти дава за наследство,
Bukod pa dito, galit sa akin si Yahweh dahil sa inyo; nangako siyang hindi ako makapunta sa ibayo ng Jordan, at hindi ako dapat pumunta sa loob ng masaganang lupaing iyon, ang lupain na ibinibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo bilang isang pamana.
22 но да умра в тая земя; аз няма да премина Иордан; а вие ще преминете и ще завладеете оная добра земя.
Sa halip, dapat akong mamatay sa lupaing ito; Hindi dapat ako pumunta sa ibayo ng Jordan; pero kayo ay makakapunta at maaangkin ang masaganang lupaing iyon.
23 Внимавайте на себе си да не забравяте завета, който Господ вашият Бог направи с вас, да не би да си направите идол, подобие на нещо, което Господ твоят Бог ти е запретил;
Bigyan ninyo ng pansin ang inyong mga sarili, nang sa gayon hindi ninyo makalimutan ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na ginawa niya sa inyo, at ang pagggawa ng diyus-diyosan sa anyo ng anumang bagay na ipinagbabawal ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gawin.
24 защото Господ твоят Бог е огън пояждащ, Бог ревнив.
Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang apoy na lumalamon, isang selosong Diyos.
25 Когато ти се родят чада и внуци, ако, като живеете дълго време на земята, се развратите и направите идол, образ на нещо и вършите зло пред Господа твоя Бог и Го разгневите,
Kapag kayo ay nagkaanak at ang mga anak ng inyong mga anak, at kapag kayo ay naroon na sa lupain sa mahabang panahon, at kung naging masama kayo at gumawa ng isang inukit na hugis sa anyo ng anumang bagay, at gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos, para galitin siya—
26 днес викам небето и земята да свидетелствуват против вас, че непременно скоро ще изчезнете от земята, за превземането на която вие преминавате Иордан; няма да живеете дълго време в нея, а съвсем ще бъдете изтребени.
tatawagin ko ang langit at lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito para kayo ay mamamatay sa madaling panahon mula sa lupain na inyong pupuntahan sa ibayo ng Jordan para angkinin; Hindi ninyo mapapahaba ang inyong mga araw sa loob nito, pero kayo ay ganap niyang wawasakin.
27 Господ ще ви разпръсне между племената, и ще останете малочислени между ония народи, всред които Господ ще ви отведе.
Ikakalat kayo ni Yahweh sa mga tao, at magiging kunti na lamang ang matitira sainyo sa mga bansa, kung saan si Yahweh ay pangungunahan kayo papalayo.
28 Там ще служите на богове, дело на човешки ръце, на дърво и камък, които нито виждат нито чуват, нито ядат нито миришат.
Doon kayo ay maglilingkod sa ibang mga diyos, ang gawa ng mga kamay ng tao, kahoy at bato, kung saan alinma'y hindi nakakakita, nakakarinig, nakakakain, ni nakakaamoy.
29 Но ако от там потърсите Господа твоя Бог, всеки от вас ще го намери, ако го потърси с цялото си сърце и с цялата си душа.
Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
30 Когато се намериш в скръб, и всичко това те постигне, ако най-после се обърнат към Господа твоя Бог и послушат гласа Му,
Kapag kayo ay nababalisa, at kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa inyo, sa mga darating na araw na iyon kayo ay babalik kay Yahweh na inyong Diyos at makinig sa kaniyang boses.
31 то, понеже Господ твоят Бог е Бог милостив, той няма да те остави, нито ще те изтреби, нито ще забрави завета, за който се е клел на бащите ти.
Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang maawaing Diyos; hindi niya kayo bibiguin ni wawasakin, ni hindi kakalimutan ang tipan ng inyong mga ama na ipinangako niya sa kanila.
32 Защото попитай сега за миналите времена, които бяха преди тебе, от деня когато Бог създаде човека на земята, и попитай от единия край на небето до другия: ставало ли е такова нещо, като това велико дело, или чувало ли се е подобно на него?
Itanong ngayon ang tungkol sa mga araw na nakaraan, na nauna sa inyo: mula noong araw na nilikha ng Diyos ang tao sa lupa, at mula sa dulo ng langit patungo sa kabila, itanong kung nagkaroon na ba ng anumang bagay na katulad nitong napakalaking bagay, o mayroong bang bagay tulad nito ang narinig?
33 Люде чули ли са някога Божия глас да говори изсред огън, както ти си чул, и да останат живи?
Narinig na ba ng mga tao ang boses ng Diyos na nagsasalita mula sa kalagitnaan ng apoy, na gaya ng narinig ninyo, at nanatiling buhay?
34 Или предприел ли е Бог да дойде и вземе за себе си народ изсред друг народ, чрез изпитни, знамения и чудеса, и чрез бой, чрез силна ръка, чрез издигната мишца, и чрез големи ужаси, според всичко, което Господ вашият Бог е сторил за вас в Египет пред очите ви?
O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?
35 На тебе се даде да видиш това, за да познаеш, че Иеова, Той е Бог, и няма друг освен Него.
Sa inyo ipinakita ang mga bagay na ito, para malaman ninyo na si Yahweh ay Diyos, at walang iba pa maliban sa kaniya.
36 За да те научи, Той те направи да чуеш гласа Му от небето, и показа ти на земята великия Си огън, и ти чу думите Му изсред огъня.
Mula sa langit ginawa niyang iparinig ang kaniyang boses, nang sa gayon ay maaari niya kayong turuan; sa mundo ginawa niyang makita ninyo ang kaniyang malaking apoy; narinig ninyo ang kaniyang mga salita sa kalagitnaan ng apoy.
37 И понеже Той обичаше бащите ти, за това избра тяхното потомство след тях, и с присъствието Си чрез голямата Си сила те изведе из Египет,
Dahil minahal niya ang inyong mga ama, pinili niya ang kanilang kaapu-apuhang kasunod nila, at dinala kayo palabas ng Ehipto kasama ng kaniyang presenya, kasama ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
38 за да изгони от пред тебе народи по-големи и по-силни от тебе, да те въведе в земята им и да ти я даде в наследство, както прави днес.
para mapapaalis kayo mula sa harapan ng mga bansa na mas malaki at mas malakas kaysa sa inyo, para dalhin kayo, para ibigay sa inyo ang kanilang lupain bilang isang pamana, gaya sa araw na ito.
39 Познай, прочее, днес и вложи в сърцето си, че Иеова е Бог на небето горе и на земята долу; няма друг.
Kaya alamin sa araw na ito, at ilagay ito sa inyong puso, na si Yahweh ay Diyos sa ibabaw ng langit at sa ilalim ng lupa; walang iba pa.
40 И пази повеленията Му и заповедите Му, които днес ти заповядвам, за да благоденствуваш, ти и потомците ти след тебе, и за всегда да се продължат дните ти на земята, който Господ твоят Бог ти дава.
Susundin ninyo ang kaniyang mga batas at ang kaniyang mga kautusan na aking iniutos sa araw na ito, para makabuti sa inyo at sa inyong mga anak kasunod ninyo, at nang mapahaba ninyo ang inyong mga araw sa lupain na ibibigay ni Yahweh magpakailanman.”
41 Тогава Моисей отдели от града оттатък Иордан към изгрева на слънцето,
Pagkatapos tatlong mga lungsod sa silangang bahagi ng Jordan ang pinili ni Moises,
42 за да прибягва там оня убиец, който убие ближния си по погрешка, без да го е мразил по-напред, и като побегне в един от тия градове, да остане жив.
Para makatakas ang sinuman sa isa sa mga iyon kung siya ay nakapatay ng ibang tao ng hindi sinasadya, na hindi niya naging dating kaaway. Sa pagtakas sa isa sa mga lungsod nito, siya ay maaaring makaligtas.
43 Те бяха: Восор в пустинята, в полянската земя на рувимците, Рамот в Галаад, в земята на гадците и Голан във Васан, в земята на манасийците.
Ito ay: Bezer sa ilang, bansang patag, para sa lipi ni Ruben; Ramot sa Galaad, para sa lipi ni Gad; Golan sa Basan, para sa lipi ni Manases.
44 И ето законът, който Моисей изложи пред израилтяните;
Ito ang batas na inilagay ni Moises sa harapan ng mga Israelita;
45 ето, заявленията, повеленията и съдбите, които Моисей изказа на израилтяните, когато бяха излезли из Египет
ito ang mga tipan ng mga panuntunan, mga batas, at ibang mga panuntunan na kaniyang sinabi sa mga tao sa Israel nang sila ay nakalabas sa Ehipto,
46 оттатък Иордан, в долината срещу Вет-фегор, в земята на аморейския цар Сион, който живееше в Есевон, когото Моисей и израилтяните поразиха, след като бяха излезли из Египет,
nang sila ay nasa silangan ng Jordan, sa lambak sa kabila ng Beth Peor, sa lupain ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon, na tinalo ni Moises at ng mga Israelita nang sila ay lumabas sa Ehipto.
47 като превзеха земята му и земята на васанския цар Ог, двамата аморейски царе, които бяха оттатък Иордан към изгрева на слънцето,
Kinuha nila ang kaniyang lupain bilang isang pag-aari, at ang lupain ni Og hari ng Bashan— ang mga ito, ang dalawang hari sa mga Amoreo, na nasa lampas ng Jordan patungong silangan.
48 от Ароир, който е при устието на реката Арнон, до планината Сион (която е Ермон),
Itong kalupaan ay nagsimula sa Aroer, sa dulo ng lambak ng Arnon, tungo sa Bundok Sion (o Bundok Hermon),
49 и цялото поле оттатък Иордан на изток, до морето на полето, под Асдот-фасга.
at kasali ang lahat ng kapatagan ng Ilog lambak Jordan, patungong silangan lampas ng Jordan, sa Dagat ng Araba, sa gulod ng Bundok Pisga.