< 2 Царе 1 >

1 След смъртта на Саула, като се върна Давид от поражението на амаличаните, и Давид беше престоял в Сиклаг два дена,
Nang namatay si Saul, bumalik si David galing sa pagsalakay sa bayan ng Amalek at nanatili sa Ziklag ng dalawang araw.
2 на третия ден, ето, дойде един човек из стана, от Саула, с раздрани дрехи и пръст на главата си; и като влезе при Давида, падна на земята та се поклони.
Sa ikatlong araw, mayroong isang taong dumating mula sa kampo ni Saul na sira ang kaniyang mga damit at may dumi sa kaniyang ulo. Nang nakarating siya kay David yumuko siya sa lupa at siya ay nagpatirapa.
3 И Давид рече: От где идеш? А той му каза: От Израилевия стан се отървах.
Sinabi ni David sa kaniya, “Saan ka nanggaling? Sagot niya, “Nakatakas ako mula sa kampo ng Israel.”
4 И рече Му Давид: Какво стана? Кажи ми, моля. А той отговори: Людете побягнаха от сражението, даже и мнозина от людете паднаха мъртви; умряха още и Саул и син му Ионатан.
Sinabi ni David sa kaniya, “Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang mga bagay na nangyari.” sumagot siya, “Nagsitakas ang mga tao mula sa labanan. Marami ang bumagsak at marami ang namatay. Si Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay din.”
5 Тогава Давид рече на момъка, който му съобщаваше това: От къде знаеш, че Саул и син му Ионатан са мъртви?
Sinabi ni David sa binatang lalaki, “Papaano mo nalaman na si Saul at si Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay?”
6 И момъкът, който му съобщаваше това рече: Намерих се случайно в хълма Гелвуе, и, ето, Саул беше се подпрял на копието си, и, ето, колесниците и конниците го застигнаха.
Sumagot ang binata, “Nagkataon na naroon ako sa Bundok Gilboa, at doon nakasandal siya sa kaniyang sibat, at ang mga karwaheng pandigma at ang mga nangangabayo ay halos malapit na sa kaniya.
7 И като погледна отдире си, той ме видя, и повика ме. И отговорих: Ето ме.
Tumalikod si Saul at nakita ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, 'Nandito ako.'
8 И рече ми: Кой си ти? И отговорих му, амаличанин съм.
Sinabi niya sa akin, 'Sino ka?' Sinagot ko siya, 'Ako ay taga-Amalek.'
9 Пак ми рече: Застани, моля, над мене та ме убий, защото помрачение ме обзе; понеже целият ми живот е още в мене.
Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap tumayo ka sa harapan ko at patayin mo ako, dahil matinding paghihirap ang nararanasan ko, pero nanatili pa rin akong buhay.
10 И тъй, застанах над него и го убих, понеже бях уверен, че не можеше да живее, като беше вече паднал; и взех короната, която беше на главата му, и гривната, която беше на ръката му, та ги донесох тук при господаря си.
Kaya tumayo ako sa ibabaw niya at pinatay ko siya, dahil alam ko na hindi na siya mabubuhay pagkatapos niyang bumagsak. At kinuha ko ang kaniyang korona na nasa kaniyang ulo at ang pulseras na nasa kaniyang kamay, at dinala ang mga ito dito para sa iyo, aking panginoon.”
11 Тогава Давид хвана дрехите си, та ги раздра: така направиха и всичките мъже, които бяха с него
Pagkatapos pinunit ni David ang kaniyang mga damit, at ginawa rin ito ng lahat ng mga kalalakihan na kasama niya.
12 И жалиха и плакаха и постиха до вечерта за Саула и за сина му Ионатана, и за Господните люде и за Израилевия дом, за гдето бяха паднали от меч.
Sila'y nanangis, umiyak, at nag-ayuno hanggang gabi para kay Saul, para kay Jonatan na kaniyang anak na lalaki, para sa mga tao ni Yahweh, at para sa tahanan ng Israel dahil bumagsak sila sa pamamagitan ng espada.
13 А Давид рече на момъка, който му съобщаваше това: От где си ти? И отговори: Аз съм син на един чужденец, амаличанин.
Sinabi ni David sa binata, “Saan ka nanggaling? Sumagot siya, “Ako ay anak na lalaki ng isang dayuhan sa lupain, isang taga- Amalek.”
14 И рече му Давид: Ти как се не убоя да дигнеш ръка да убиеш Господния помазаник?
Sinabi ni David sa kaniya, “Bakit hindi ka natakot na patayin ang hari na hinirang ni Yahweh sa pamamagitan ng iyong sariling kamay?”
15 И Давид повика един от момците и рече: Пристъпи, нападни го. И той го порази та умря.
Tinawag ni David ang isa sa mga binata at sinabi, “Kunin at patayin siya.” Kaya kinuha ang lalaki at pinatay siya, at namatay ang taga-Amalek.
16 И Давид му рече: Кръвта ти да бъде на главата ти; защото устата ти свидетелствуваха против тебе, като рече: Аз убих Господния помазаник
Pagkatapos sinabi ni David sa namatay na taga-Amalek, “Ang iyong dugo ay nasa iyong ulo dahil ang iyong sariling bibig ay naging saksi laban sa iyo at sa sinabi mo, 'Pinatay ko ang hinirang na hari ni Yahweh.”'
17 Тогава Давид оплака Саула и сина му Ионатана с тоя плач;
Pagkatapos inawit ni David ang panlibing na awiting ito tungkol kay Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki.
18 (и заръча да научат юдейците тая Песен на лъка; ето, написана е в Книгата на Праведния):
Ipinag-utos niya sa mga tao na ituro itong Awit ng Pananangis sa mga anak lalaki ng Juda, na naisulat sa Ang Aklat ni Jaser.
19 Славата ти, о Израилю, е застреляна на опасните места на полето ти! Как паднаха Силните.
Ang iyong niluwalhati, Israel, ay namatay, pinatay sa inyong mga bundok! Papaano ang magiting ay napatumba!
20 Не възвестявайте това в Гет, Не го прогласявайте по улиците на Аскалон, За да не се зарадват филистимските дъщери, За да не се развеселят дъщерите на необрязаните.
Huwag itong sabihin kay Gath, Huwag itong ipahayag sa mga kalye ng Askelon para hindi magsaya ang mga anak na babae ng mga taga-Filisteo, para hindi magdiwang ang mga anak na babae ng mga hindi tuli.
21 Хълми гелвуиски, да няма роса нито дъжд на вас, Нито ниви доставяйки първи плодове за жертви; Защото там бе захвърлен щитът на силните, Щитът на Саула, като да не е бил той помазан с миро.
Mga Bundok ng Gilboa, huwag na hayaang magkaroon ng hamog o ulan sa inyo, ni mga kabukirin na magbibigay ng butil para sa mga alay, dahil doon ang panangga ng magiting ay nadungisan. Ang panangga ni Saul ay hindi na kailanman pinahiran sa pamamagitan ng langis.
22 От кръвта на убитите, От лоя на силните, Лъкът Ионатанов не се връщаше назад, И мечът Саулов не се връщаше празен.
Mula sa mga dugo sa mga namatay na iyon, mula sa mga katawan ng mga magigiting, ang pana ni Jonatan ay hindi na bumalik, at ang espada ni Saul ay hindi bumalik ng walang saysay.
23 Саул и Ионатан Бяха любезни и рачителни в живота си, И в смъртта си не се разделиха; По-леки бяха от орлите, По-силни от лъвовете.
Si Saul at Jonatan ay minahal at mapagmahal sa buhay, at sa kanilang kamatayan sila ay hindi ipinaghiwalay. Sila ay mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon.
24 Израилеви дъщери, плачете за Саула, Който ви обличаше в червено с украшения, Който туряше златни украшения по дрехите ви.
Kayong mga anak na babae ng Israel, umiyak sa ibabaw ni Saul, na siyang nagbihis sa inyo ng pulang kasuotan, na naglagay ng palamuti ng ginto sa inyong mga kasuotan.
25 Как паднаха силните всред боя! Ионатан, поразен на опасните места на полето ти
Paano napabagsak ang isang magiting sa gitna ng labanan! Si Jonatan ay pinatay sa inyong mataas mga lugar.
26 Прескръбен съм за тебе Ионатане, брате мой! Рачителен ми беше ти; Твоята любов към мене беше чудесна, Превъзхождаше любовта на жените.
Ako ay namimighati para sa iyo, aking kapatid na Jonatan. Ikaw ay minahal ko ng lubusan. Ang pagmamahal mo sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga kababaihan.
27 Как паднаха силните, И погинаха бойните оръжия!
Paano napabagsak ang magigiting, at ang mga sandata sa digmaan ay nasira!”

< 2 Царе 1 >