< 2 Летописи 20 >
1 След това моавците и амонците, и с тях някои от маонците дойдоха да воюват против Иосафата.
At nangyari pagkatapos nito, ang mga tao sa Moab at Ammon, kasama ang ilang mga Meunita ay dumating upang makipagdigma laban kay Jehoshafat.
2 Тогава някои дойдоха та известиха на Иосафата, като рекоха: Голямо множество иде против тебе изотвъд Соленото море, от Сирия; и ето ги в Асасон-тамар, (който е Енгади).
At may ilang dumating na nagsabi kay Jehoshafat, “May isang malaking grupo ng mga tao ang paparating laban sa iyo mula sa ibayo ng Dagat na Patay, sa Aram. Tingnan mo, sila ay nasa Hazazon-tamar” (ito ay ang En-gedi).
3 А Иосафат се уплаши, и предаде се да търси Господа, и прогласи пост по целия Юда.
Natakot si Jehoshafat at itinalaga niya ang kaniyang sarili upang hanapin si Yahweh. Nagpahayag siya ng pag-aayuno sa buong Juda.
4 И юдейците се събраха за да искат помощ от Господа; дори от всичките Юдови градове дойдоха да търсят Господа.
Nagtipun-tipon ang Juda upang hanapin si Yahweh; dumating sila upang hanapin si Yahweh mula sa lahat ng lungsod ng Juda.
5 И Иосафат застана всред събраните юдейци и ерусалимляни в Господния дом, пред новия двор, и рече:
Tumayo si Jehoshafat sa kapulungan ng Juda at Jerusalem, sa tahanan ni Yahweh, sa harap ng bagong patyo.
6 Господи Боже на бащите ни, не си ли Ти Бог на небето? и не си ли Ти владетел над всичките царства на народите? И не е ли в Твоята ръка сила и могъщество, така щото никой не може да устои против Тебе?
Sinabi niya, “Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos ng kalangitan? At hindi ba ikaw ang namumuno sa lahat ng kaharian ng mga bansa? Ang kapangyarihan at kalakasan ay nasa iyong kamay, kaya walang sinuman ang makakatalo sa iyo.
7 Не беше ли Ти, Боже наш, Който си изпъдил жителите на тая земя пред людете Си Израиля, и дал си я за винаги на потомството на приятеля Си Аврама?
Aming Diyos, hindi ba ikaw ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito bago ang bayan mong Israel upang ibigay ito magpakailanman sa mga kaapu-apuhan ni Abraham?
8 И те се заселиха в нея, и построиха Ти светилище в нея за твоето име, и рекоха:
Nanirahan sila dito at ipinagpatayo ka ng isang banal na lugar para sa iyong ngalan, nagsasabi,
9 Ако ни връхлети зло, и меч, съдба, мор, или глад; и - ние застанем пред тоя дом и пред Тебе, (защото Твоето име е в тоя дом), и извикаме към Тебе в бедствието си, тогава Ти ще ни послушаш и избавиш.
“Kung dumating ang sakuna sa amin, ang tabak ng paghatol, o karamdaman, o tag-gutom, kami ay tatayo sa harap ng tahanang ito, at sa harap mo (dahil ang iyong ngalan ay nasa tahanang ito), at kami ay dadaing sa iyo sa aming mga paghihirap, at maririnig mo kami at ililigtas.
10 И сега, ето амонците и моавците и ония от гората Сиир, които не си оставил Израиля да ги нападне, когато идеха от Египетската земя, но се отклониха от тях и не ги изтребиха,
Ngayon tingnan mo, narito ang mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir, na hindi mo hinayaang malusob ng Israel nang sila ay umalis sa lupain ng Ehipto, sa halip, tumalikod sa kanila ang Israel at hindi sila winasak.
11 ето как ни възнаграждават като идат да ни изпъдят от Твоето притежание, което си ни дал да наследим.
Tingnan mo kung paano nila kami gantihan; sila ay darating upang palayasin kami sa iyong lupain na ibinigay mo sa amin upang manahin.
12 Боже наш, не щеш ли да го съдиш? Защото в нас няма сила да противостоим на това голямо множество, което иде против, нас, и не знаем що да правим; но към Тебе са очите ни.
Aming Diyos, hindi mo ba sila hahatulan? Dahil wala kaming kakayahan laban sa malaking hukbo na ito na paparating laban sa amin. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, ngunit ang aming mga mata ay nasa iyo.”
13 А целият Юда стоеше пред Господа с челядите си, жените си и чадата си.
Lahat ng Juda ay tumayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang kanilang mga sanggol, mga asawang babae, at mga anak.
14 Тогава всред събранието дойде Господният Дух на левитина Яазиил, Захариевия син, (а Захария бе син на Матания), от Асафовите потомци; и рече:
At sa kalagitnaan ng kapulungan, ang espiritu ni Yahweh ay dumating kay Jahaziel na lalaking anak ni Zacarias na lalaking anak ni Benaias na lalaking anak ni Jeiel na lalaking anak ni Matanias, na isang Levita, isa sa mga lalaking anak ni Asaf.
15 Слушайте, целий Юдо, вие ерусалимски жители, и ти царю Иосафате; така казва Господ на вас: Не бойте се, нито да се уплашите от това голямо множество; защото боят не е ваш, но Божий.
Sinabi ni Jahaziel, “Makinig, lahat ng Juda at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, at Haring Jehoshafat: Ito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: 'Huwag kayong matakot, huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa malaking hukbo na ito. Dahil ang laban ay hindi sa inyo kundi sa Diyos.
16 Слезте утре против тях; ето, те възлизат, и ще го намерите при края на долината, пред пустинята Еруил.
Kailangan ninyong bumaba laban sa kanila bukas. Tingnan ninyo, sila ay paparating mula sa daan ng Ziz. Makikita ninyo sila sa dulo ng lambak, bago ang ilang sa Jeruel.
17 Не ще да е потребно вие да се биете в тоя бой; поставете се, застанете, и вижте със себе си извършеното от Господа избавление, Юдо и Ерусалиме; на бойте се, нито да се уплашите; утре излезте против тях, защото Господ е с вас.
Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh.”
18 Тогава Иосафат се наведе с лицето до земята; и целият Юда и ерусалимските жители паднаха пред Господа, та се поклониха Господу.
Yumuko si Jehoshafat na ang kaniyang mukha ay nasa lupa. At ang lahat ng Judah at mga naninirahan sa Jerusalem ay lumuhod sa harap ni Yahweh na nagpupuri sa kaniya.
19 И левитите, от потомците на Каатовците и от потомците на Кореевците, станаха да хвалят с много силен глас Господа Израилевия Бог.
Ang mga Levita, ang mga angkan ni Kohat at Korah ay tumayo upang papurihan si Yahweh, ang Diyos ng Israel na may napakalakas na tinig.
20 И тъй на сутринта станаха рано, та излязоха към пустинята Текуе; а когато бяха излезли, Иосафат застана та рече: Слушайте ме, Юдо и вие ерусалимски жители;
Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumising na sila at lumabas patungo sa disyerto ng Tekoa. Sa kanilang pag-alis, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, “Makinig kayo sa akin, Juda, at kayo na mga naninirahan sa Jeruslaem! Magtiwala kayo kay Yahweh, ang inyong Diyos, at kayo ay tutulungan. Magtiwala kayo sa kaniyang mga propeta, at kayo ay magtatagumpay.”
21 Тогава, като се съветва с людете, нареди някои от тях да пеят Господу и да хвалят великолепието на Неговата светост като излизат пред войската казвайки: Славословете Господа, защото милостта Му е до века.
Nang masabihan niya ang mga tao, itinalaga niya ang mga aawit kay Yahweh at magpupuri para sa kaniyang banal na kaluwalhatian, na mauuna bago ang mga hukbo, at magsasabi, “Pasalamatan si Yahweh; dahil ang kaniyang tipan ng katapatan mananatili magpakailanman.”
22 И когато почнаха да пеят и да хвалят, Господ постави засади против амонците и моавците, и против ония от хълмистата страна Сиир, които бяха дошли против Юда; и те бидоха поразени.
Nang nagsimula silang umawit at magpuri, nagtalaga si Yahweh ng mga kalalakihang lihim na sasalakay sa mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir na paparating laban sa Juda. Sila ay natalo.
23 Защото амонците и моавците станаха против жителите на хълма Сиир за да го изтребят и заличат; и като довършиха жителите на Сиир, те си помогнаха взаимно да се изтребят.
Dahil ang mga tao ng Ammon at Moab ay dumating upang labanan ang mga naninirahan sa Bundok ng Seir, upang tuluyan silang patayin at wasakin. Nang matapos sila sa mga naninirahan ng Bundok ng Seir, nagtulungan silang lahat upang wasakin ang bawat isa.
24 А Юда, като стигна до стражарската кула на пустинята, погледна към множеството и, ето, те бяха мъртви тела паднали на земята, и никой не беше се избавил.
Nang makarating ang Juda sa isang lugar kung saan natatanaw ang disyerto, nakita nila ang mga hukbo. Sila ay patay na, nakahandusay sa lupa; walang nakaligtas.
25 И когато Иосафат и людете му дойдоха да ги оберат, намериха между мъртвите им тела твърде много богатство и скъпи вещи и взеха да го отнесат; а три дена обираха, защото користите бяха много.
Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito.
26 А на четвъртия ден се събраха в Долината на благословението, защото там благословиха Господа; за туй онава място се нарече Долина на благословение, и така са нарича до днес.
Sa ika-apat na araw, nagtipun-tipon sila sa lambak ng Beracah. Doon sila nagpuri kay Yahweh, kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay “Lambak ng Beracah” hanggang sa araw na ito.
27 Тогава всичките Юдови и ерусалимски мъже с Иосафата начело, тръгнаха да се върнат в Ерусалим с веселие, понеже Господ ги беше развеселил с поражението на неприятелите им.
Pagkatapos, sila ay bumalik, bawat kalalakihan ng Juda at Jerusalem, at sa pangunguna sa kanila ni Jehoshafat sila ay bumalik sa Jerusalem ng may galak; sapagkat pinagalak sila Yahweh sa kanilang mga kaaway.
28 И дойдоха в Ерусалим с псалтири и арфи и тръби до Господния дом.
Dumating sila sa Jerusalem at sa tahanan ni Yahweh na may mga lira, alpa, at trumpeta.
29 И страх от Бога обзе всичките царства на околните страни, когато чуха, че Господ воювал против неприятелите на Израиля.
Ang malaking takot sa Diyos ay nasa lahat ng kaharian ng mga bansa nang kanilang marinig na si Yahweh ang nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
30 И така царството на Иосафат се успокои; защото неговият Бог му даде спокойствие от всякъде.
Kaya ang kaharian ni Jehoshafat ay tahimik, sapagkat binigyan siya ng Diyos ng kapayapaan sa palibot niya.
31 Така Иосафат царуваше над Юда. Той бе тридесет и пет години на възраст, когато се възцари и царува двадесет и пет години в Ерусалим; а името на майка му беше Азува, дъщеря на Силея.
Si Jehoshafat ang naghari sa Juda: siya ay nasa tatlumput' limang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawamput' limang taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba, ang babaeng anak ni Silhi.
32 Той ходи в пътя на баща си Аса; не се отклони от него, а вършеше това, което бе право пред Господа.
Lumakad siya sa mga kaparaanan ni Asa, ang kaniyang ama; hindi niya tinalikuran ang mga ito; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh.
33 Високите места обаче не се отмахнаха, нито още бяха людете утвърдили сърцата си към Бога на бащите си.
Gayunman, ang mga altar ay hindi pa inaalis o ni hindi pa itinuon ng mga tao ang kanilang mga puso sa Diyos ng kanilang mga ninuno.
34 А останалите дела на Иосафата, първите и последните, ето, написани са в историята на Ииуя, Ананиевия син, който се споменува в Книгата на Израилевите царе.
Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Jehoshafat, mula una at hanggang sa huli, tingnan, nakasulat ito sa kasaysayan ni Jehu na lalaking anak ni Hanani, na nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Israel.
35 А след това Юдовият цар Иосафат се сдружи с Израилевия цар Охозия, чиито дела бяха нечестиви.
Pagkatapos nito, si Jehoshafat, ang hari ng Juda ay nakipagkasundo kay Ahazias, ang hari ng Israel, na nagsasagawa ng labis na kasamaan.
36 Сдружи се с него за да построят кораби, които да идат в Тарсис; и построиха корабите в Есион-гавер.
Nakipagkasundo siya sa kaniya upang gumawa ng mga barkong pangkaragatan. Ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber.
37 Тогава Елиезер, Додовият син, от Мариса, пророкува против Иосафата, казвайки: Понеже си се сдружил с Охозия, Господ съсипа твоите дела. И така, корабите се разбиха, тъй че не можеха да идат в Тарсис.
At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, “Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa.” Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.