< 3 Царе 1 >

1 А когато цар Давид бе остарял, в напреднала възраст, при все, че го покриваха с дрехи, не се стоплюваше.
Matandang-matanda na si Haring David. Binalutan nila siya ng mga damit, pero hindi siya naiinitan.
2 Затова, слугите му казаха: Нека потърсят за господаря ни царя млада девица за да престоява пред царя и да му пригажда, и да спи на пазвата му, за да се топли господарят ни царят.
Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga lingkod, “Hayaan mo kaming maghanap ng dalagang birhen para sa aming hari. Paglingkuran niya ang hari at alagaan siya. Hihiga siya sa iyong mga bisig upang maiinitan ang aming panginoon na hari.”
3 И тъй, потърсиха по всичките Израилеви предели красива девица, и намериха сунамката Ависага, и доведоха я при царя.
Kaya naghanap sila ng isang magandang babae sa loob ng mga hangganan ng Israel. Nahanap nila si Abisag na taga-Sunem at dinala siya sa hari.
4 Девицата бе много красива, и пригаждаше на царя и му слугуваше; но царят не я позна.
Siya ay napakagandang babae. Pinaglingkuran niya ang hari at inalagaan siya, pero hindi sumiping ang hari sa kaniya.
5 Тогава Адония, Агитиният син, надуто си каза: Аз ще царувам. И приготви си колесници и конници и петдесет мъже, които да тичат пред него.
Sa panahong iyon, itinaas ni Adonias na anak ni Haguit ang kaniyang sarili, sinasabing, “Ako ang magiging hari.” Kaya naghanda siya para sa kaniyang sarili ng mga karwahe at mga mangangabayo na kasama ang limampung tao para mauna sa kaniya.
6 А баща му никога не беше му досаждал с думите: Ти защо правиш това? А той беше и много хубав на глед; и роди се на Давида подир Авесалома.
Hindi siya ginambala ng kaniyang ama, na nagsabing, “Bakit mo ginawa ito o iyan?” Si Adonias ay isa ring napakakisig na lalaki, sumunod na ipinanganak kay Absalom.
7 Той се сговори с Иоава Саруиния син и със свещеника Авиатара, и те последваха Адония и му помагаха.
Kinausap niya sila Joab na anak ni Zeruias at si Abiatar na pari. Sumunod sila kay Adonias at tinulungan siya.
8 Но свещеник Садок, Ванаия Иодаевият син, пророк Натан, Семей и Реий и Давидовите силни мъже не бяха с Адония.
Ngunit sila Sadoc na pari, Benaias na anak ni Joiada, Nathan na propeta, Semei, Rei, at ang mga magigiting na mga taong sumusunod kay David ay hindi sumunod kay Adonias.
9 И Адония закла овци, говеда и угоени телци при скалата на Зоелет, която е при извора Рогих, и покани всичките си братя царските синове, и всичките Юдови мъже царските слуги.
Si Adonias ay nag-alay ng mga tupa, mga lalaking baka, at mga pinatabang baka sa bato ng Zoholete na katabi ng En-rogel. Inanyayahan niya ang lahat ng kaniyang kapatid na lalaki, mga anak na lalaki ng hari, at lahat ng kalalakihan sa Juda na mga lingkod ng hari.
10 Обаче пророк Натана, Ванаия и силните мъже и брата си Соломона не покани.
Ngunit hindi niya inanyayahan sila Nathan na propeta, Benaias, ang mga magigiting na lalaki, o ang kaniyang kapatid na si Solomon.
11 Тогава Натан говори на Соломоновата майка Витсавее, казвайки: Не си ли чула, че се е възцарил Адония Агитиният син, а господарят ни Давид не знае това?
Pagkatapos, kinausap ni Nathan si Batsheba na ina ni Solomon, sinasabing, “Hindi mo ba narinig na si Adonias na anak ni Haguit ay naging hari, at hindi ito alam ni David na ating panginoon?
12 Сега, прочее, ела, моля, да те съветвам, за да избавиш своя живот и живота на сина си Соломона.
Kaya ngayon, payuhan kita, para maligtas mo ang sarili mong buhay at ang buhay ng iyong anak na si Solomon.
13 Иди, влез при цар Давида и кажи му: Господарю мой царю, не закле ли се ти на слугинята си, казвайки: Синът ти Соломон непременно ще царува подир мене, и той ще седи на престола ми? Защо, прочее, се възцари Адония?
Pumunta ka kay Haring David; sabihin mo sa kaniya, 'Aking panginoong hari, hindi ba't sumumpa ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, “Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?” Kung ganon, bakit naghahari si Adonias?'
14 И ето, докато ти още говориш там с царя, ще дойда и аз подир тебе и ще потвърдя думите ти.
Habang kinakausap mo ang hari, papasok ako pagkatapos mo at patutuhanan ko ang iyong mga salita.”
15 И така, Витсавее възлезе при царя, в спалнята, като беше царят много стар, и сунамката Ависага му слугуваше.
Kaya pumunta si Batsheba sa silid ng hari. Napakatanda na ng hari, at pinaglilingkuran siya ni Abisag na taga-Sunem.
16 И Витсавее се наведе та се поклони на царя. И царят рече: Какво желаеш?
Yumuko si Batseba at nagpatirapa sa harap ng hari. At sinabi ng hari, “Ano ang iyong nais?”
17 А тя му каза: Господарю мой, ти се закле в Господа твоя Бог на слугинята си и каза: Твоят син Соломон непременно ще царува подир мене, и той ще седи на престола ми.
Sinabi niya sa kaniya, “Aking panginoon, sumumpa ka sa iyong lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, na iyong sinabi, 'Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono.'
18 Но сега, ето, Адония се е възцарил; а ти, господарю мой царю, не знаеш това.
Ngayon, tingnan mo, si Adonias ang hari, at ikaw, aking panginoong hari, ay hindi mo alam ito.
19 И той е заклал говеда, угоени телци и овци в изобилие, и е поканил всичките царски синове, и свещеника Авиатара, и военачалника Иоава; обаче, слугата ти Соломона не е поканил.
Nag-alay siya ng mga lalaking baka, pinatabang baka, at maraming mga tupa at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, si Abiatar na pari, at si Joab na kapitan ng hukbo, pero hindi niya inanyayahan si Solomon na iyong lingkod.
20 Но към тебе, господарю мой царю, към тебе са обърнати очите на целия Израил, за да им известиш кой ще седне на престола на господаря ми царя подир него.
Aking panginoong hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, naghihintay sila na sabihin mo sa kanila kung sino ang uupo sa trono pagkatapos mo, aking panginoon.
21 Иначе, когато господарят ми царят заспа с бащите си, аз и синът ми Соломон ще се считаме за оскърбители.
Kung hindi, mangyayari ito, kapag nahimlay na ang aking panginoon ang hari kasama ng kaniyang mga ninuno, ako at ang aking anak na si Solomon ay ituturing na mga kriminal.”
22 А докато тя още говореше с царя, ето, дойде и пророк Натан.
Habang kinakausap niya ang hari, pumasok si Nathan na propeta.
23 И известявайки на царя, рекоха: Ето пророк Натан. И той, като влезе пред царя, поклони му се с лице до земята.
Sinabi ng mga lingkod sa hari, “Nandito si Nathan na propeta.” Nang pumunta siya sa harapan ng hari, nagpatirapa siya na ang kaniyang mukha ay nasa sahig.
24 И Натан каза: Господарю мой царю, рекъл ли си ти, Адония ще царува подир мене, и той ще седи на престола ми?
Sinabi ni Nathan, “Aking panginoong hari, sinabi mo bang, 'Si Adonias ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?'
25 Защото той слезе днес та закла говеда, угоени телци, и овци в изобилие, и покани всичките царски синове, и военачалниците, и свещеника Авиатара; и, ето, ядат и пият пред него, и думат: Да живее цар Адония!
Dahil bumaba siya ngayon at nag-alay siya ng maraming mga lalaking baka, mga pinatabang baka at mga tupa, at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, ang mga kapitan ng mga hukbo, at si Abiatar na pari. Kumakain at umiinom sila sa harapan niya, at isinasabi nilang, 'Mabuhay si Haring Adonias!'
26 А мене, мене слугата ти, и свещеника Садока, и Ванаия Иодаевия син, и слугата ти Соломона не покани.
Pero ako na iyong lingkod, si Sadoc na pari, si Benaias na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Solomon, ay hindi niya inanyayahan.
27 От господаря ми царя ли стана това нещо, без да си обявил на слугите си, кой ще седне на престола на господаря ми царя подир него?
Ginawa ba ito ng aking panginoong hari nang hindi mo sinasabi sa amin na iyong mga lingkod, kung sino ang dapat na maupo sa trono pagkatapos niya?”
28 Тогава цар Давид в отговор рече: Повикайте ми Витсавее. И тя влезе при царя и застана пред него.
Pagkatapos, sumagot si Haring David at sinabi, “Pabalikin mo sa akin si Batsheba.” Pumunta siya sa harap ng hari at tumayo sa harap niya.
29 И царят се закле, казвайки: В името на живия Господ, Който е избавил душата ми от всяко бедствие,
Gumawa ng panata ang hari at sinabi, “Buhay si Yahweh, na tumubos sa akin mula sa lahat ng kaguluhan,
30 непременно, както ти се заклех в Господа Израилевия Бог и рекох, че синът ти Соломон ще царува подир мене, и че той ще седи вместо мене на престола ми, непременно така ще направя днес.
tulad ng panunumpa ko sa iyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinasabi ko, 'Ang iyong anak na si Solomon ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono kapalit ko,' gagawin ko ito ngayon.”
31 Тогава Витсавее се наведе с лице до земята та се поклони на царя, и каза: Да живее господарят ми цар Давид до века!
Pagkatapos, yumuko si Batseba na ang kaniyang mukha ay nasa sahig at nagpatirapa sa harap ng hari at sinabi, “Nawa ang aking panginoon na si Haring David ay mabuhay magpakailanman!”
32 Тогава рече цар Давид: Повикайте ми свещеника Садока, пророка Натана и Ванаия Иодаевия син. И те дойдоха пред царя.
Sinabi ni Haring David, “Papuntahin mo sa akin si Sadoc na pari, si Nathan na propeta, at si Benaias na anak ni Joiada.” Kaya pumunta sila sa hari.
33 И царят им рече: Вземете със себе си слугите на вашия господар, качете сина ми Соломона на моята мъска, и заведете го долу в Гион;
Sinabi ng hari sa kanila, “Magsama kayo ng mga lingkod ko na inyong panginoon, at pasakayin ninyo si Solomon na aking anak sa aking sariling mola at dalhin ninyo siya sa Gihon.
34 и свещеник Садок и порок Натан нека го помажат там за цар над Израиля; и засвирете с тръба и кажете: Да живее цар Соломон!
Pahiran siya ng langis nila Sadoc na pari at Nathan na propeta bilang hari ng buong Israel at hipan ang trumpeta at sabihi, 'Mabuhay si Haring Solomon!'
35 Тогава качете се тук подир него, и нека дойде и седне на престола ми, защото той ще царува вместо мене, и аз го назначих да бъде вожд на Израиля и на Юда.
Pagkatapos ay susundan ninyo siya, at pupunta siya at mauupo sa aking trono; dahil siya ang magiging hari kapalit ko. Itinalaga ko siya para maging pinuno ng buong Israel at Juda.”
36 А Ванаия Иодаевият син, в отговор на царя, рече: Амин! така да повели и Господ Бог на господаря ми царя!
Sumagot si Benaias na anak ni Joiada sa hari, at sinabi, “Nawa'y ito nga ang mangyari! Nawa'y si Yahweh, na Diyos ng aking hari, ang magpatibay nito.
37 Както е бил Господ с господаря ми царя, така да бъде и със Соломона, и да направи престола му още по-велик от престола на господаря ми цар Давида.
Kung paano sinamahan ni Yahweh ang aking panginoong hari, nawa'y ganoon din kay Solomon, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa trono ng aking panginoong si Haring David.”
38 И така, свещеник Садок пророк Натан и Ванаия Иодаевият син, с херетците и фелетците, слязоха та качиха Соломона на цар Давидовата мъска и доведоха го в Гион.
Kaya sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, Benaias na anak ni Joiada, at ang mga Kereteo at Peleteo ay bumaba at pinasakay si Solomon sa mola ni Haring David; dinala nila siya sa Gihon.
39 И свещеник Садок взе рога с мирото от шатъра, за срещане та помаза Соломона. И засвириха с тръба, и всичките люде рекоха: Да живее цар Соломон!
Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!”
40 И всичките люде отидоха нагоре подир него; и людете свиреха с кавали и веселяха се с голямо веселие, така че земята се цепеше от виковете им.
Pagkatapos, sumunod ang lahat ng tao sa kaniya, at tumugtog ng mga plauta at nagsaya nang may buong kagalakan, na ang lupa ay nayanig sa kanilang tunog.
41 А Адония и всичките му гости чуха шума, като свършиха яденето си. И когато Иоав чу тръбният звук рече: Защо е тоя шум и градът развълнуван?
Narinig ito nila Adonias at ng lahat ng kaniyang mga panauhin habang patapos na sila sa pagkain. Nang narinig ni Joab ang tunog ng trumpeta, sinabi niya, “Bakit napakaingay ng lungsod?”
42 Докато още говореше, ето, Ионатан, син на свещеника Авиатара дойде; и Адония рече: Влез, защото ти си достоен мъж и носиш дори известия.
Habang nagsasalita siya, dumating si Jonatan na anak ni Abiatar na pari. Sinabi ni Adonias, “Pumasok ka, dahil karapat-dapat ka at nagdadala ka ng magandang balita.”
43 А Ионатан в отговор рече на Адония: Наистина господарят ни цар Давид направи Соломона цар;
Sumagot si Jonatan at sinabi kay Adonias, “Ang aming panginoong si Haring David ay ginawang hari si Solomon.
44 и царят прати с него свещеника Садока, пророка Натана и Ванаия Иодаевия син, с херетците и фелетците, та го възкачиха на царевата мъска;
At pinadala ng hari sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, Benaias na anak ni Joiada, at ang mga Kereteo at Peleteo na kasama niya. Pinasakay nila si Solomon sa mola ng hari.
45 И свещеникът Садок и пророк Натан го помазаха за цар в Гион; и от там отидоха нагоре веселящи се, така щото градът екна. Това е шумът, който сте чули.
Pinahiran siya ng langis bilang hari nila Sadoc na pari at Nathan ang propeta sa Gihon, at nagsaya mula roon, kaya napakaingay ng lungsod. Ito ang ingay na narinig mo.
46 При това, Соломон седна на престола на царството.
Nakaupo rin si Solomon sa trono ng kaharian.
47 Освен туй, и царските слуги влязоха да честитят на господаря ни цар Давида, и рекоха: Бог да направи името на Соломона по-светло и от твоето име, и да направи престола му по-велик и от твоя престол. И царят се поклони както беше на леглото си.
Dagdag pa rito, ang mga lingkod ng hari ay dumating para pagpalain ang ating panginoong si Haring David, sinasabi nila, 'Nawa'y gawing mas dakila ng iyong Diyos ang pangalan ni Solomon kaysa sa iyong pangalan, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa iyong trono.' At iniyuko ng hari ang kaniyang sarili sa higaan.
48 Царят още говори така: Благословен да бъде Господ Израилевият Бог, Който ми даде днес син да седи на престола ми, докато очите ми го гледат.
Sinabi rin ng hari, 'Pagpalain nawa si Yahweh, na Diyos ng Israel, na nagbigay ng isang tao na mauupo sa aking trono balang-araw, at makita ito ng sarili kong mga mata.'”
49 Тогава всичките гости на Адония се уплашиха, и ставайки отидоха всеки в пътя си.
Pagkatapos, ang lahat ng mga panauhin ni Adonias ay natakot; tumayo sila at kani-kaniyang umalis.
50 А Адония, понеже се уплаши от Соломона, стана и отиде да се хване за роговете на олтара.
Takot si Adonias kay Solomon at tumayo siya, umalis, at kinuha ang mga sungay sa altar.
51 И известиха на Соломона, казвайки: Ето, Адония се бои от Цар Соломона, и, ето, хванал се е за роговете на олтара и казва: Нека ми се закълне днес цар Соломон, че няма да убие слугата си с меч.
Pagkatapos ay sinabi ito kay Solomon, sinasabi, “Tingnan mo, si Adonias ay takot kay Haring Solomon, dahil kinuha niya ang mga sungay sa altar, sinasabi, 'Manumpa muna sa akin si Haring Solomon na hindi niya papatayin ang kaniyang lingkod gamit ang espada.”'
52 И рече Соломон: Ако се покаже достоен мъж, ни един от космите му няма да падне на земята; но ако се намери зло в него, ще се умъртви.
Sinabi ni Solomon, “Kung ipakikita niya na siya ay isang taong karapat-dapat, kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok ay hindi malalagas sa lupa, ngunit kung kasamaan ang makikita sa kaniya, mamamatay siya.”
53 И тъй, цар Соломон прати, та го свалиха от олтара; и той дойде да се поклони на цар Соломона. А Соломон му рече: Иди у дома си.
Kaya nagsugo si Haring Solomon ng mga kalalakihan, na nagbaba kay Adonias pababa ng altar. Pumunta at yumuko siya kay Haring Solomon, at sinabi ni Solomon sa kaniya, “Umuwi ka na.”

< 3 Царе 1 >