< Matiyu 2 >
1 Da ba ngrji Yesu ni Betalahim u Yahudiya ni ntton wu chu Fero, indi bi toh bari baa ye rji ni Urushalima,
Pagkatapos maipanganak si Jesus sa Bethlehem ng Judea sa mga araw ni Haring Herodes, dumating sa Jerusalem ang mga pantas na kalalakihan mula sa silangan na nagsasabi,
2 Ba tre ichu Yahudawa wa ba ngrji wu'a he mame? Kie toh Tsitsen ma ni ko Nzan u kie ye chi.
“Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya.”
3 Niwo tre yi, Fero ka katie gbododo (wieme) me ni indi bi Urushalima wawu mba wu.
Nang marinig ito ni haring Herodes, nabagabag siya at ang buong Jerusalem na kasama niya.
4 Da ayo firist bi ni nkon ni bi nha u ndi mba a mye ba ka bandi toh wrji wa ba ngrji Kristi a?
At tinipon ni Herodes ang lahat ng mga punong pari at mga eskriba ng mga tao, at tinanong niya ang mga ito, “Saan ipapanganak ang Cristo?”
5 U baka hla wu Ni Batakami u Yahudiya a na ki anabawa ba nha,
Sinabi nila sa kaniya, “Sa Bethlehem ng Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta,
6 Iwu me' Batalami, igbu Yahudiya ana hi wuyi u nkle ni mi ba chu bi gbu Yahuda na: to gona wa ani nji ndimu Israila ani rji niwu.
'At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Judah, ay hindi pinakahamak sa mga pinuno ng Judah, sapagkat sayo magmumula ang isang pinuno na magpapastol sa aking mga taong Israelita.'”
7 Hirudus ka yo shehuna ba ni yaybi nda mla wo inton wa to tsintsen'a.
At lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas na kalalakihan upang tanungin kung ano ang tiyak na oras na nagpakita ang bituin.
8 A tonba hi Baitalami nda tre, Hi yi', hu sren me di mla wo tre' u vrenyi, biti tou bika ye hlamu, ndu me ngame ye ciwu.
Pinapunta niya ang mga ito sa Bethlehem at sinabing, “Humayo kayo at hanaping mabuti ang bata. Kung nahanap ninyo siya, ipaalam ninyo sa akin upang makapunta at makasamba din ako sa kaniya.”
9 Da ba wo tre chua kle, ba ka wlu hi nda to, tsitsen wa bana tou ni ki nzan, azren guci sihi ni ko shishi mba, nda zren hito ki me aka kukrli gyame ni bubu wa ivren he'a.
Pagkatapos nilang makinig sa hari, sila ay tumuloy sa kanilang lakbayin, at pinangunahan sila ng bituwin na kanilang nakita mula sa silangan hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan naroroon ang bata.
10 Da ba to vren baka ngri nda briku.
Nang nakita nila ang bituin, sila ay nagalak nang may labis na kagalakan.
11 Ba ri nimi koha nda to kpran vrena mba yi ma Maryamu nda ti gbru kukru nda ciu nda bwu ikpi wa ba nji'a nda nno; Zinariya mba Lubban u jawul.
Sila ay pumunta sa bahay at kanilang nakita ang bata kasama ng kaniyang inang si Maria. Yumukod sila at sumamba sa kaniya. Binuksan nila ang kanilang mga kayamanan at inihandog nila ang kanilang mga kaloob na ginto, kamanyang, at mira.
12 U Irji ka ti ba rah ndu bana lahi zu ni Hiridus ngana ba wlu zu nkon ri nka hi gbumba.
Binalaan sila ng Diyos sa panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya umiba sila ng daan pauwi sa kanilang bayan.
13 Niwa ba wlu hu, u malaika Rji kaye ni Isuwu ni rah nda hla wu, “Wlu, ban vren'a mba yima, ndi tsutsu hi ni Masar, son niki me di la ka wo ni me rli: Hiridus niwa wu kpran vren'a.
Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya”.
14 Wa aye wlu'a a bari kpran vren'a ba yima ni cuu nda tsutsu hi ni Masar;
Sa gabing iyon, bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at umalis patungong Egipto.
15 Nda he niki me ye mla niqu Hiridus: wa aku gyre me ni tre Baci wa a hla ni ngu Anabi, din nimi Masar mi yo' vren mu.
Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay si Herodes. Tinupad nito ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Mula sa Egipto tinawag ko ang aking anak.”
16 Hiridus a ye to di shehuna ba yau hlega ni tre ma, nda tie vrafu nda ndu ba wu mrli nlon bi Batalami, ni bi gbu wa ba he nha niwu'a bi wa ise mba a mla harli kima krji; bla rji ni nton wa a wo trea ni shehuna ba.
Nang nakita ni Herodes na kinutya siya ng mga pantas na kalalakihan, siya ay nagalit nang labis. Nagsugo siya at ipinapatay ang lahat ng mga batang lalaking naroon sa Bethlehem at sa buong rehiyon, ang mga may dalawang taong gulang pababa ayon sa tiyak na panahong nalaman niya mula sa mga pantas.
17 Rli kuko u ikpie wa ba hla ni nyu anabi Irimiya kaye ku tsra,
At natupad nga ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na si Jeremias,
18 Ba wo lan nimi Rama, iyi mba jequ, Rahila aniyi ni tu mrli ma, nda na wo wiere na wa mrli ba ba qu'a
“Isang tinig ang narinig sa Ramah, pananangis at labis na pagdadalamhati, umiiyak si Raquel para sa kaniyang mga anak at ayaw niyang paaliw sapagkat sila ay wala na.”
19 Hiridus ye qu u malaika Baci ka ye ni Isuwa ni rah ni mi Masar, nda hla,
Nang si Herodes ay namatay, masdan ito, nagpakita sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa Egipto at sinabi,
20 Wu ban kpran vren'a mba yima di hi ni meme Israila: e bi wa bazi wa wu kpran vrenia ba qu ye.
“Bumangon ka at kunin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumunta kayo sa lupain ng Israel, sapagkat ang mga naghahangad sa buhay ng bata ay patay na.”
21 A ye wlu nda ba kpranvren'a ni yima nda ye ni mi meme Israila.
Bumangon si Jose at kinuha ang bata at ang kaniyang ina at tumungo sila sa lupain ng Israel.
22 Wa'a wo ndi Arkilaus a kpa chu u tiema Hiridus nda nji Yahudiya a klu sisri uhi ni ki, u Rji ka tsro ni rah ndu vu y'ba hi ni meme Galili.
Ngunit nang mabalitaan niya na si Arquelao na ang naghahari sa Judea kapalit ng kaniyang ama na si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Pagkatapos siyang balaan ng Diyos sa panaginip, umalis siya patungo sa rehiyon ng Galilea
23 Aye nda ka son ni gburi wa ba yowu ndi Nazarat: ndu ikpie wa ba hla ni nyu anabawa ndu he me, ba yowu u-Nazarat.
at pumunta siya at nanirahan sa lungsod na tinatawag na Nazaret. Natupad kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta na siya ay tatawaging Nazareno.