< Mark 14 >

1 a don viha duba ti ngan u passover idi mba ngan u bredi wa asa binikoh bi ton du irji baba bi han ibe ba sun diba yib yesu da wuu
Dalawang araw pa bago ang Paskua at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Nag-iisip ang mga punong pari at ang mga eskriba kung paano nila patagong madakip si Jesus at pagkatapos ay papatayin.
2 ba tre ana hei nitoh gan nadutsi kanalude ni tsutsu ndi na
Sapagkat sinasabi nila, “Hindi sa panahon ng pista, sa gayon hindi magkaroon ng kaguluhan ang mga tao.”
3 da yesu a hei nikoh siman u lo shia basi rhi biri u wa hri a riye niwu da ji kpalaba alabaster u klen ma wa ba you di nard ayar kpalaba da kayen a sur nitu yesu
Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo.
4 ndi bari ha hei niki da tifu ni kpaba da tre ai higye kpei wa iwa yi tidu migye
Ngunit may ilang nagalit. Nag-usap-usap ang bawat isa at sinabi, “Ano ang dahilan sa pag-aaksayang ito?
5 smsl du bs ban tutate a le ru kle wa ani kai deri tra wa ba zo biti ya ba tre a
Ang pabangong ito ay maaaring ipagbili ng higit pa sa tatlong daang denario at maibigay sa mga mahihirap.” At sinasaway nila siya.
6 yesu ka tre ahi kpei didima ati nimu
Ngunit sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya ginugulo? Ginawa niya ang isang magandang bagay para sa akin.
7 bihei nibi yaba chachuu wadi ko ni tan biya zoba ama bina hei ni me chachuu na
Nasa inyo lagi ang mga mahihirap, at kung gugustuhin ninyo, matutulungan ninyo sila, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.
8 iwayi ti kpe wa a iya ti a asur turare don chachu rhumu
Ginawa niya ang kaniyang makakaya, pinahiran niya ang aking katawan para sa paglilibing sa akin.
9 misi hla tre jaji niyuu konitsen ba hla tre irji nimi gbugbulu sei ba hla ikpie wadi wayi ti ko ni kogon kuq
Totoo ang sinasabi ko sa inyo, saanman maihayag ang mabuting balita sa buong mundo, ang ginawa ng babaeng ito ay pag-uusapan bilang alaala sa kaniya.”
10 sei vre koh ma rhi wa ba you di Yohuda iskarioti ruhu hini bi ton du irji don du vuu noba
Pagkatapos, pumunta sa mga pangulong pari si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa upang ibigay si Jesus sa kanila.
11 da bi toh du irji ba woh da ngri kpukpome niwu da you iyei ba no kle wa sima ni wa koh wa di aru vu yesu noba
Nang marinig ito ng mga punong pari, nasiyahan sila at nangakong bigyan siya ng pera. Nagsimula siyang maghanap ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila.
12 niyi u mumla u berdi wa ana saana waba nha yi krju ton ngla lah tre ntoh u inga ni sei nisei u mrikohma ba miyei anitse ki hi mla bubu u ri biria?
Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang naghandog sila ng batang tupa alang-alang sa Paskua, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, “Saan mo kami nais pumunta upang maghanda ng hapunan alang-alang sa Paskua?”
13 atohmrikohma hari da hla bawu duba hi mi gbu ndiri hluiri u fo ma bi aka hu hi
Ipinadala niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa lungsod, at isang lalaki na may dalang tubig na nakalagay sa pitsel ang sasalubong sa inyo. Sundan ninyo siya.
14 ahi ta rhi nikoh bi ka hu idia hla u di la di ukoa malla tre ikoh mu wa mirhi biri baba mrikohmu?
Sundan ninyo siya kung saang bahay siya papasok at sabihin sa may-ari ng bahay na iyon, 'Ipinapatanong ng Guro, “Nasaan ang aking silid na aking kakainan sa Paskua kasama ang aking mga alagad?”'
15 anitsro yi kikla mikoh wu koshu waba mlati bikah mla ti ni tawu
“Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na kumpleto ang kagamitan na nakahanda na. Gawin ninyo ang mga paghahanda para sa atin doon.”
16 mrikoh ma ba hi ni mi gbua da ka toh inpie da a tre hei nakima da ti birhi ketarewa
Umalis ang mga alagad at pumunta sa lungsod, natagpuan nila ang lahat gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang hapunan alang-alang sa Paskua.
17 da yalu ti wa ji mrikohma tsoh hi
Kinagabihan, dumating siya kasama ang Labindalawa.
18 da ba kru da si rhibiri nitu tabur yesu katre jaji mi si hla niyi wu iri nimi bi nivu me noba
Habang nakasandal sila sa lamesa at kumakain, sinabi ni Jesus, “Totoo, sinasabi ko sa inyo. Isa sa inyo na kasama kong kumakain ang magkakanulo sa akin.
19 bayi ni suron ba da nimiyei ahime?
Labis silang nalungkot at isa-isang nagtanong sa kaniya, “Siguradong hindi ako, di ba?”
20 yesu kasa nibawu wa da si you woh ni me ni gbugban
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Isa sa Labindalawa, ang kasama kong ngayong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok.
21 ivrendi nihi na a han niyuma iya ndikima wadi ani vu yesu noba abi di na grhi ndi kimana
Sapagkat tatahakin ng Anak ng Tao ang daan na sinasabi sa kasulatan tungkol sa kaniya. Ngunit aba sa taong magkakanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pang hindi na siya isinilang.”
22 bashei ninu rhi biri yesu ban bresdis da ti lulu you nibredia da mere ga niba wu datre wayi hi nma kpamu
Habang kumakain sila, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala at hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, “Kunin ninyo ito. Ito ang aking katawan.”
23 a bangbaju datre
Kumuha siya ng tasa, nagpasalamat, ibinigay ito sa kanila at uminom silang lahat mula rito.
24 wayi a hu yimu wa mi sur iyieu ni yuwu wa ani kahle nigbubuu baka so wawu bauu
Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng kasunduan, ang dugo na maibubuhos para sa marami.
25 me hla tre jaji mina la somi klo kukru gana sei ivi wa mi so ni mikoh irji
Totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi ako muling iinom nitong bunga ng ubas hanggang sa araw na iyon kung kailan ako iinom ng panibago sa kaharian ng Diyos.”
26 bayou sei da rhu hini gbulu olives
Pagkatapos nilang umawit ng himno, pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
27 yesu hla ni bawu wawubi bi joku yada ba han iq mi vu ndiu krhutimaa iq u itima bavra ni kagakaga
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Iiwanan ninyo akong lahat, sapagkat ito ang nasusulat, 'Papatayin ko ang pastol at magsisikalat ang mga tupa.'
28 bata zume lude in mi hi Galilee guchi niyuu
Ngunit pagkatapos kong mabuhay muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
29 Bitrus kahla ru yesu ko ba hi kpamba wawuu ine mina hina
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit iwanan kayo ng lahat, hindi kita iiwanan.”
30 yesu ka hla u nichu luwa du gba du tub tup kpu u kpa tron di u una tohme na in kpu tra
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo, sinasabi ko ito sa iyo, ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, ipagkakaila mo ako ng tatlong beses.
31 Bitrus tre ko mi qu bu wu mina tre dimina toh una baka you inveu ni yesu wawuba wu
Ngunit sinabi ni Pedro, “Kung kailangan kong mamatay kasama mo, hindi kita ipagkakaila.” Ganun din ang pangako na sinabi nilang lahat.
32 ba ye ni bubu ri you di Gethsemane yesu ka hla ni mrikoma kuson wayi ime me hi bre
Dumating sila sa lugar na tinatawag na Getsemani at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay nananalangin.”
33 a banBitrus Yakub u Yohana ni kpama a rimer da ni damu
Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabalisa at labis na nabahala.
34 ahla bawu isuromu ni lome har na u qu ki mai di ta gbe har hi ni kuqu
Sinabi niya sa kanila, “Ang aking kaluluwa ay labis na nagdadalamhati, kahit sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay.”
35 yesu for zre fime da ku joku ni meme da bre inde aru bie ka wur ton a hle niwawu
Pumunta si Jesus sa di kalayuan, nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lampasan siya ng oras na ito.
36 datre abba ti bu ikpi ba yereyere niwu wuka cu gbaju yi ru ni mu aman ana ti muna ahi wume
Sinabi niya, “Abba, Ama, kaya mong gawin ang lahat. Alisin mo ang tasang ito sa akin. Ngunit hindi ang aking kalooban, kundi ang iyong kalooban.”
37 aka kam ye da yetoh ba basi kruna da miye Bitrus sima bi si kruna? koh niton riri me bi na iya gben na?
Bumalik siya at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagbantay ng isang oras man lang?
38 gbien di bre don di na joku nimi lah tre na isuron a nyme ama ika a si
Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo matukso. Tunay na ang espiritu ay nakahandang sumunod, ngunit mahina ang laman.”
39 a la hi da tretre wu mumla gari
Muli siyang umalis at nanalangin at kaniyang sinabi ang ganoon ding mga salita.
40 da aka kam ye da toh basi kruna na u mumla shishi ba a ron u bana toh kpie wa ba hla wuna
Muli siyang bumalik at nadatnan silang natutulog, sapagkat antok na antok sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya.
41 akma ye kpututra da miye ba bu risi kurnari di ni siri? atsra no toh a yeye to bavu vre ndi you ni woh bi latre
Bumalik siya sa pangatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras. Tingnan ninyo! Ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
42 lude kinihi to idi wa a vu me ni noba a he weiweire
Bumangon kayo, umalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang taong magkakanulo sa akin.
43 a sihei nimi tre a u Yahuda iri ni mi a aye ni gbugbu idi ni ba ijin gban nibi toh du irji ni bi han be ni bi nikoh
Habang nagsasalita si Jesus, kaagad na dumating si Judas, isa sa Labindalawa, at napakaraming tao ang kasama niya na may mga espada at pamalo, mula sila sa mga punong pari, mga eskriba, at mga nakatatanda.
44 indi wa a vu haba a guci tsro ba woh ni wuye Biti toh diwa mi sumbace u wa wu yi bika vu di griwu di hi ba ba bi gadi
Ngayon, nagbigay na ng palatandaan ang magkakanulo sa kaniya, na nagsasabi, “Kung sino man ang hahalikan ko, siya iyon. Hulihin ninyo siya at bantayang mabuti sa pagdala ninyo sa kaniya.
45 da Yahuda ye ahi ni yesu gbla me da you
Pagdating ni Judas, kaagad niyang pinuntahan si Jesus at sinabi “Rabi!” At kaniyang hinalikan.
46 di ranni da rhugume ni u indi ba kavu na ki u ri ni ciki mba waa kli niba kia
At siya ay sinunggaban nila at dinakip.
47 chu inji gbama da chu vuvu to diri ni mi biwu niko pristoci ba
Ngunit nagbunot ng kaniyang espada ang isa sa kanila na nakatayo sa malapit at tinaga ang tainga ng lingkod ng pinakapunong pari.
48 yesu a mieye ba bi ye vu me na diwu yib ni ji gban ni kpe iku
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayo ba ay nagsilabasan na laban sa isang magnanakaw, na may mga espada at pamalo upang dakpin ako?”
49 mitahei niyi chachuu dita bla tre irji ni yiu nitra rji bi na vu me na a hei na ki don du tre rji cika
Nang araw-araw ninyo akong kasama at nagtuturo sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit nangyari ang mga ito upang matupad ang mga kasulatan.
50 duka bi wa ba na hei ni yesu ba tsutsu da kaa don niu ba tsutsu hi kpaba
Iniwanan si Jesus ng lahat ng kasama niya at nagsitakas sila.
51 vivren nze ri wa alo vi gbajanklo u kaakpa megen a sia hu e mri nzeba ba yo wo vuu
Sumunod sa kaniya ang isang binatang nakasuot lamang ng isang linong kasuotan na nakabalot sa kaniya; hinuli nila siya ngunit
52 a ka gbanjanklo chuwo ni bawu nda tsutsu ru ni ngbre
iniwan niya roon ang linong kasuotan at tinakasan niya sila na nakahubad.
53 niki ba nki yesu hini ninko prist nikima ba kikle prists ba ni chiche mba bi nha ba zontu kii nha niwu
Dinala nila si Jesus sa mga pinakapunong pari. Nagkatipun-tipon doon kasama niya ang lahat ng mga punong pari, mga nakatatanda, at mga eskriba.
54 e Bitrus a nha huba kari ni tra nkon wu nikon prist a ndaka kuson ni ba mriko nduba nda sia mu kpama ni lu
Ngayon sumunod si Pedro sa kaniya mula sa malayo, hanggang sa patyo ng pinakapunong pari. Naupo siya kasama ng mga bantay na malapit sa apoy na nagpapainit.
55 nikon prist baba bison nda bla tre ni trankon a ba wa biwa ba njitre kpewa bato nitu yesu ni duba wuu nda wa hama
Ngayon ang mga punong pari at ang buong Konseho ay naghahanap ng magpapatotoo laban kay Jesus upang maipapatay nila siya. Ngunit wala silang mahanap.
56 gbugbu mbawu ba sia blatre che nituma e nyu bitre ba ti nkankan ndana hu nyu ri na
Sapagkat marami ang nagsabi ng maling patotoo laban sa kaniya, ngunit maging ang kanilang patotoo ay hindi nagtugma.
57 niki bari ba la lu kri nda bla tre che nituma ndi
Tumayo ang ilan at nagsabi ng maling patotoo laban sa kaniya, sinabi nila,
58 ki wowu a sia bla ndi wawu ni zii hekali wa ba me ni wondi nda ni mi vi tra la me ri hama ni tindu ni wondi
“Narinig namin siyang nagsabi, 'Wawasakin ko ang templong ito na gawa ng mga kamay at sa tatlong araw muli akong magtatayo ng isang hindi gawa ng mga kamay.'”
59 nikima ngame bi tre ba nyumba ana hu nkon riri na
Gayunpaman, hindi nagtugma maging ang kanilang mga patotoo.
60 ninkon prist a lu kri nimimba nda yesu ndi wuna he ni kpe wu sa bawu na? ni tutre wa bi nu shaida biyi basi bla nitume a?
Tumayo sa kanila ang pinakapunong pari at tinanong si Jesus, “Wala ka bang kasagutan? Ano itong patotoo ng mga tao laban sa iyo?”
61 nikima a kri gbangbi ndana sa na ninkon prist a la myeu ndi wuyi wu kristi vren u wa ba ti lulu zanzan niwua?
Ngunit tahimik siya at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng pinakapunong pari at sinabi, “Ikaw ba ang Cristo, ang anak ng Pinagpala?”
62 yesu a trendi ahi me ngame bi to vreninji si son ni wo korhi u gbengble nda si ye nimi klalu wu shulu
Sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao kapag nakaupo na siya sa bandang kanang kamay ng Kapangyarihan at darating na nasa ulap sa langit.”
63 niki ninkon prist a yba nklon kpama nda tre ndi kila wa saidu u ngye gari?
Pinunit ng pinakapunong pari ang kaniyang mga kasuotan at sinabi, “Kailangan pa ba natin ng mga saksi?
64 bi wo tre wu kpande irji timeme kimbi bi to ni he? wawumba ba nyme ndi latrema a tsra du ba wuu
Narinig ninyo ang kalapastanganan na sinabi niya. Ano ang inyong pasya?” At hinatulan siya nilang lahat bilang isang nararapat sa kamatayan.
65 bari ba lu si junte ni vra nituma nda ni ka shishima ndani tsiwu nda hlawu ndi du nran tre e mrikondumba ba tsi ni ndawomba
At sinimulan siyang duraan ng ilan at tinakpan ang kaniyang mukha, hinampas siya at sinabi sa kaniya, “Hulaan mo!” Kinuha siya ng mga opisyal at binugbog siya.
66 niwa Bitrus a son ni meme ni ra koa ninrenwa ri wu tindu niko ninkon prist
Habang si Pedro ay nasa ibaba ng patyo, isa sa mga babaing lingkod ng pinakapunong pari ang pumunta sa kaniya.
67 a to Bitrus si son si si zu isi ni yesu u Nazarat
Nakita niya si Pedro habang nakatayo sa tapat ng apoy na nagpapainit at pinagmasdan niya itong mabuti. Pagkatapos sinabi niya, “Kasama ka rin ng taga-Nazaret na si Jesus.”
68 a kpa tre ndi mina to na nina to tu kpewa wu tre a na wa a rhu hi ni kalhan e igbaa a tbu
Ngunit itinangggi niya ito at sinabi, “Hindi ko nalalaman o naiintindihan man ang iyong sinasabi.” Pagkatapos lumabas siya sa patyo (at tumilaok ang manok).
69 vrenwa wu ndu ri a too ngari nda lu si bla ni biwa ba ki whi niki ndi iwayi hi rimba
Ngunit nakita siya roon ng babaeng lingkod at muling nagsimulang magsabi sa mga nakatayo roon, “Ang taong ito ay isa sa kanila!”
70 a la kpa tron ngari nton fiime ka huki biwa ba ki nhan niki ba la tre ni Bitrus ndi ahi janji wu ri mba nitu wu ndi u Galilee e lpn nyu me kpanyeme nikima
Ngunit muli niya itong itinanggi. Hindi nagtagal sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, “Siguradong isa ka sa kanila, sapagkat isa ka ring taga-Galilea.”
71 niki a lusi yoban ndani shirhi ni kpama ndi mina to iguyi wa bisi tre nituma na
Ngunit nagsimula siyang manungayaw at manumpa, “Hindi ko nakikilala ang lalaking sinasabi ninyo.”
72 igba a la tbu nkpu u ha rhi du igba tbu nkpu ha wu shirhi kpatron ni me nkpu tra niwa a rhimren ni kima a ybo yi
Pagkatapos tumilaok ang tandang ng ikalawang beses. At naalala ni Pedro ang mga salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ng dalawang ulit, tatlong beses mo akong itatanggi.” At nanlumo siya at tumangis.

< Mark 14 >