< Ndu Manzaniba 4 >
1 Niwa ba Bitrus mba Yohana ba kia tre ni ndhi ba, ba prist ni kaptin bi yatsro ni haikalia ni ba saducis ba wru sru niha.
Habang nakikipag-usap sina Pedro at Juan sa mga tao, lumapit sa kanila ang mga pari at ang kapitan ng templo at maging ang mga Saduseo.
2 Sisiri ni nfu a vu ba nitu tsro wa ba Bitrus mba Yohana baa kia dibu ni bla nitu Yesu ni lundema rhi ni que.
Nabalisa sila ng labis dahil nagtuturo sa mga tao sina Pedro at Juan tungkol kay Jesus at ipinapahayag ang kaniyang muling pagkabuhay mula sa mga patay.
3 Ba vu ba nda njiba ka tro zi nrable ka tu yalu a tiye.
Sila ay dinakip nila at inilagay sa kulungan hanggang sa kinabukasan, sapagkat gabi na noon.
4 Ndhi gbugbuwu nimi biwa bawo tu tre, ba kpanyme, ndhi lilon wa ba kpatre chachu ki bana mla dubu ton.
Ngunit marami sa mga tao na nakarinig sa mensahe ang nanampalataya; at ang bilang ng mga lalaking nanampalataya ay nasa limanglibo.
5 Ni ble ma, bi ninkon wu gbu baba datibe ni kikle bi nha ba yo kpambe nde ye kuson ni Urishilima.
nang sumunod na araw, ang kanilang mga tagapamuno, mga nakatatanda, at mga eskriba ay nagtipon-tipon sa Jerusalem.
6 Annas nkon prist wawu a he niki, mba Caiaphas u Yohana ni Alexandar niba mla nikon prist'a.
Naroon si Anas, ang pinakapunong pari, at si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at lahat ng mga kamag-anak ng pinakapunong pari.
7 Ba yo Bitrus mba Yohana ye zini tsutsumba nda mye ba ndi, “Ni gbengble koka ni nde nhamba bi ti kpeyi?”
Nang mailagay nila sina Pedro at Juan sa kanilang kalagitnaan, tinanong nila sila, “Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan, nagagawa ninyo ito?”
8 Peter a lu kri, shuni Ruhu tsatsra nda tre ni ndi ba. “Biyi bininko ya gbu baba datibe,
At si Pedro, na napuspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi, “Kayong mga pinuno ng mga tao at mga nakatatanda,
9 idan ki si bla tre ndi ni han tre ni tu kpe ndi ndi wa w ti ni ndhi wu lilo, mba kawa igua tinche ri nda kpa si kpama?
kung sinisiyasat kami sa araw na ito tungkol sa kabutihang ginawa sa isang lalaking may karamdaman- sa anong paraan napagaling ang lalaking ito?
10 Be ka mla to, wawu bi, ni ndi Israila wawu idu yi wa kri ni shishinbe risi kpa a nitu nde Yesu Kristi ba Nazarat, wandi bi gran wu har wowu ama Irjhi a nzu lunde baya wa a qu.
Malaman nawa ninyong lahat, at ng lahat ng mga taga-Israel, na sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na muling binuhay ng Diyos mula sa mga patay- sa pamamagitan niya kaya ang lalaking ito ay nakatayo na malusog sa inyong harapan.
11 Yesu Kristi wa wuyi a bi tita wa bi kambi ni wu wa k'ma ti tita wu zontu mme'a.
Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan.
12 Kpachuwo na la he ni nde ndiori nga nitu nde ri na la he ni gbugdu ko ni shulu wa ba no ndhi ri wandi a ni kpa ndi chuwo'a na.
Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”
13 Niwa ba to tre u gbengblem suron Bitrus mba Yohana, mba nda mla to ndi bana bla tsro yi gbagban mu na kpe a nuba mamki, nitu ndi Bitrus mba Yohana ba mirko Yesu.
Nang makita nila ang katapangan ni Pedro at Juan, at nabatid nila na sila ay pangkaraniwan lang, mga taong walang pinag-aralan, nagulat sila, at nalaman nilang sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus.
14 Nitu ba to igu wa a kpa si kpama a kri ni mimba, bana la he ni kpewa ba tre ba tre ngana.
Dahil nakita nila ang lalaking gumaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabi laban dito.
15 Ba zu manzaniba du ba rhu dinko bawu ni meetiy nda k'ma ki tre ni kpamba.
Ngunit pagkatapos nilang utusan ang mga apostol na iwan ang pagpupulong ng konseho, nag-usap-usap sila.
16 Ba tre ndi “Khi ti ndi biyi ne he?” ni kikle kpe yi wa ba ti, a kri ndendeme ni ko nha wa ani son ni Urishilima du to, kina kpatron na.
Sinabi nila, “Ano ang gagawin natin sa mga lalaking ito?” Dahil ang katotohanan na may kakaibang himalang nagawa sa pamamagitan nila ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maipagkakaila.
17 Ama don du tre a na hi gbagbanmu du ndhi wo na, ki feba ton ni du bana la tre nda tsro ndhi ni ndeyi ngana.”
Ngunit upang hindi ito kumalat pa sa mga tao, bigyan natin sila ng babala na huwag magsasalita kaninuman sa pangalang ito.”
18 Mle ba yo ba ri nda mam ba ndu ba na tre ko tsro ndi memlemu ni nde Yesu na.
Tinawag nila sina Pedro at Juan na pumasok at inutusan sila na huwag magsasalita o magtuturo kailan man sa pangalan ni Jesus.
19 U ba Bitrus mba Yohana ba sa bawu ndi, “ka ani bi ni shishi Irjhi du ta hu tre mbi ko ka ko hu wu ma.
Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, “Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol.
20 biyi kimbi, ga trea. “Kita kina donme ni bla kpe wa ki to ni shishi mbu, ni wo ni ton mbu na.”
Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.”
21 Niwwa ba mam ba Bitrus mba Yohana, ba chuba chuwo du ba hi kpamba. Ba wa kpewa ba vu ba lo han ma, domin ndhi ba wawu ba sita gbre Rji san nitu kpe, wa a ti'a.
Pagkatapos muling balaan sina Pedro at Juan, pinayagan na nila silang umalis. Hindi sila makahanap ng anumang dahilan upang sila ay parusahan, sapagka't ang lahat ng mga tao ay nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.
22 Igu wa a kpa si kpama ana zan ise arbain ni ngrhi.
Ang lalaking nakaranas ng himalang ito ng kagalingan ay higit na apatnapung taong gulang.
23 Niwa ba chuba chuwoa, Bitrus mba Yohana ba hi ndhi mba, nda ka bla kpe wa bi Ninkon prist baba datibe wawu ba lha ba wua.
Pagkatapos nilang mapalaya, pumunta sina Pedro at Juan sa kanilang mga kasamahan at ibinalita ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga punong pari at mga nakatatanda.
24 Ba wo naki da nzu lan mba nitu kpe riri ni Irjhi nda tre ndi, Baci, wu ti gbungblu shulu mba meme, mba teju ni kpi wa ba he ni mimba.
Nang marinig nila ito, sama-sama nilang nilakasan ang kanilang mga boses sa Diyos at sinabi, “Panginoon, ikaw na siyang may gawa ng langit at lupa, at ng dagat, at ng lahat ng naroon,
25 Wu tre ni Ruhu Tsatsra ni nyu vreko ndu me, timbu Dauda, 'A hi ngye du gbungblu bi ko ra ba gbra nfu u ndhi ba ba rhimre kpi wa bana he nituna?'
ikaw na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David na iyong lingkod, ay nagsabi, 'Bakit nagngangalit ang mga bansang Gentil at ang mga tao ay nag-iisip ng mga walang kabuluhang bagay?
26 Wu tre ndi, “Bi chu wu gbungblu meme ba bitu mba ni buburiri, bi ninkon gbu agame ba zon tu mba nitu Baci, mba nitu kiristi ma
Naghanda ang mga hari sa mundo, at sama-samang nagtipon ang mga tagapamuno laban sa Panginoon, at laban kay Cristo.
27 Toki Hiridus mba Bilatus ba zontu baba ndhi bi kora ni ndhi bi Israila ni mi gbuyi, nitu tsatsra wunduma Yesu, wa wu sawo wu ni tuma.
Totoong kapwa sina Herod at Poncio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang mga Israelita ay nagtipon-tipon sa lungsod na ito laban sa inyong banal na lingkod na si Jesus, na inyong pinili.
28 Ba zontu ni buburiri ni duba ti kpi wa a wume mba wa wu mla yo zi ndi du ka ye he toki ni shishi.
Nagtipon-tipon sila upang isagawa ang lahat na napagpasyahan ng inyong kamay at ng inyong kagustuhan na mangyari noon pang una.
29 Zizan, Baci, ya ni meme shirjhi mba ndi zo mirko ndume duba lha lantre me ni gbengble suron.
Ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga babala at ipagkaloob mo sa iyong mga lingkod na maipahayag ang iyong salita na may katapangan.
30 Nina wo me du no si kpanda tsro kpi wa bana zi he na ni nde tsatsra wundu me Yesu.
Sa gayon habang iniuunat mo ang iyong kamay para magpagaling, ang mga palatandaan at himala ay mangyayari sa pamamagitan ng pangalan ng iyong banal na lingkod na si Jesus.”
31 Niwa ba kle bre'a bubu wa ba ki wawumbawu a lu grjhu u. Ruhu Tsatsra a ri ni kowani rimba, mle ba lu si tre lan tre Irjhi ni gbengblen suron.
Nang matapos silang manalangin, ang lugar kung saan sila nagtipon-tipon ay nayanig, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu, at ipinahayag nila ng may katapangan ang salita ng Diyos.
32 Ikpa'a ndhi biwa ba kpanyme nda yo suron mba ni dri mba riri. ndio na tre ndi ikpe wa wu he niwu a hi wu ma ni nklemana, ba nji ko ngye ye bubu riri nda tindu niwu toki.
May iisang puso at kaluluwa ang maraming bilang ng mga nanampalataya: at wala ni isa man sa kanila ang nagsabi na anuman ang mayroon siya ay tunay na kaniya; sa halip, para sa kanilang lahat ang lahat ng bagay.
33 Ni kikle gbengblen manzaniba ba ki d'bu nda bla ikpiwa ba to nitu tas'me Baci Yesu, ni kikle k'ma sran wu son nitu mba wawu.
Ipinapahayag ng mga apostol ang kanilang patotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ng may dakilang kapangyarihan, at labis na biyaya ay napa-sa kanilang lahat.
34 Ba ndhi ri nimimba wa a wakpe wandi a ni son'a hama, nitu biwa bana he ni ba Ithu ko ni ba ko ba vuba le nda nji nkle ye sru ni bubu riri,
Wala ni isa man sa kanila ang kinukulang sa anumang bagay, dahil ang lahat ng mga nag mamay-ari ng titulo ng mga lupa o mga bahay ay ibinenta ang mga ito at dinala ang pera ng mga napagbentahan
35 ni za manzaniba ndi duba ga ni ko nha tsra ni kpe wa ani son'a.
at inilagay sa paanan ng mga apostol. At nangyari ang mga pagbaha-bahagi sa bawat mananampalataya, ayon sa kani-kanilang pangangailangan.
36 Yusufu wa manzaniba bata you ndi Barnabas wandi bati k'ma sran ani vren wu igrhi Levi, ndhi wu Cyprus.
Si Jose, na Levita, isang lalaking taga-Cyprus, ay binigyan ng pangalan ng mga apostol na Barnabas (na ang ibig sabihin ay anak ng pagpapalakas-loob).
37 a ban ngbran meme le nda nji nkle ye sa ni za manzaniba.
Dahil mayroon siyang bukid, ibinenta niya ito at dinala ang pera at inilagay ito sa paanan ng mga apostol.