< ܐ-ܝܘܚܢܢ 5 >

ܟܠ ܕܡܗܝܡܢ ܕܝܫܘܥ ܐܝܬܘܗܝ ܡܫܝܚܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܝܠܝܕ ܘܟܠ ܕܡܚܒ ܠܝܠܘܕܐ ܡܚܒ ܐܦ ܠܗܘ ܕܐܬܝܠܕ ܡܢܗ 1
Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.
ܘܒܗܕܐ ܝܕܥܝܢܢ ܕܡܚܒܝܢܢ ܠܒܢܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܡܐ ܕܠܐܠܗܐ ܡܚܒܝܢܢ ܘܥܒܕܝܢܢ ܦܘܩܕܢܘܗܝ 2
Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
ܗܢܐ ܗܘ ܓܝܪ ܚܘܒܗ ܕܐܠܗܐ ܕܢܛܪ ܦܘܩܕܢܘܗܝ ܘܦܘܩܕܢܘܗܝ ܠܐ ܝܩܝܪܝܢ 3
Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
ܡܛܠ ܕܟܠ ܕܝܠܝܕ ܡܢ ܐܠܗܐ ܙܟܐ ܠܗ ܠܥܠܡܐ ܘܗܕܐ ܗܝ ܙܟܘܬܐ ܕܙܟܬܗ ܠܥܠܡܐ ܗܝܡܢܘܬܢ 4
Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.
ܡܢܘ ܓܝܪ ܕܙܟܐ ܠܗ ܠܥܠܡܐ ܐܠܐ ܗܘ ܕܡܗܝܡܢ ܕܝܫܘܥ ܒܪܗ ܗܘ ܕܐܠܗܐ 5
At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?
ܗܢܘ ܕܐܬܐ ܒܝܕ ܡܝܐ ܘܕܡܐ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܐ ܗܘܐ ܒܡܝܐ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܒܡܝܐ ܘܕܡܐ 6
Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
ܘܪܘܚܐ ܡܤܗܕܐ ܕܗܝ ܪܘܚܐ ܐܝܬܝܗ ܫܪܪܐ 7
At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
ܘܐܝܬܝܗܘܢ ܬܠܬܐ ܤܗܕܝܢ ܪܘܚܐ ܘܡܝܐ ܘܕܡܐ ܘܬܠܬܝܗܘܢ ܒܚܕ ܐܢܘܢ 8
Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
ܐܢ ܤܗܕܘܬܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܡܩܒܠܝܢܢ ܚܕ ܟܡܐ ܤܗܕܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܪܒܐ ܗܝ ܘܗܕܐ ܗܝ ܤܗܕܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܐܤܗܕ ܥܠ ܒܪܗ 9
Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
ܟܠܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܒܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܐܝܬ ܠܗ ܗܕܐ ܤܗܕܘܬܐ ܒܢܦܫܗ ܟܠ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢ ܠܐܠܗܐ ܕܓܠܐ ܥܒܕܗ ܒܕܠܐ ܗܝܡܢ ܠܤܗܕܘܬܐ ܕܐܤܗܕ ܐܠܗܐ ܥܠ ܒܪܗ 10
Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.
ܘܗܕܐ ܗܝ ܤܗܕܘܬܐ ܕܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܝܗܒ ܠܢ ܐܠܗܐ ܘܗܢܘܢ ܚܝܐ ܒܒܪܗ ܐܝܬܝܗܘܢ (aiōnios g166) 11
At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. (aiōnios g166)
ܟܠ ܕܐܚܝܕ ܠܒܪܐ ܐܚܝܕ ܐܦ ܠܚܝܐ ܘܟܠ ܕܠܐ ܐܚܝܕ ܠܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܠܝܬ ܠܗ ܚܝܐ 12
Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.
ܗܠܝܢ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܕܬܕܥܘܢ ܕܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܗܝܡܢܬܘܢ ܒܫܡܗ ܕܒܪܗ ܕܐܠܗܐ (aiōnios g166) 13
Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. (aiōnios g166)
ܘܗܕܐ ܦܪܗܤܝܐ ܐܝܬ ܠܢ ܠܘܬܗ ܕܟܠ ܕܫܐܠܝܢܢ ܠܗ ܐܝܟ ܨܒܝܢܗ ܫܡܥ ܠܢ 14
At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
ܘܐܢ ܡܦܤܝܢܢ ܕܫܡܥ ܠܢ ܥܠ ܡܕܡ ܕܫܐܠܝܢܢ ܡܢܗ ܬܟܝܠܝܢܢ ܕܩܒܠܢ ܡܢ ܟܕܘ ܫܐܠܬܢ ܕܫܐܠܢ ܡܢܗ 15
At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.
ܐܢ ܐܢܫ ܢܚܙܐ ܠܐܚܘܗܝ ܕܚܛܐ ܚܛܗܐ ܕܠܐ ܡܚܝܒ ܠܡܘܬܐ ܢܫܐܠ ܘܡܬܝܗܒܝܢ ܠܗ ܚܝܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܗܘܐ ܐܝܟ ܕܠܡܘܬܐ ܚܛܝܢ ܐܝܬ ܓܝܪ ܚܛܗܐ ܕܡܘܬܐ ܠܐ ܗܘܐ ܥܠ ܗܢܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܕܢܒܥܐ ܐܢܫ 16
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.
ܟܠ ܥܘܠܐ ܓܝܪ ܚܛܝܬܐ ܗܘ ܘܐܝܬ ܚܛܗܐ ܕܠܐ ܗܘܐ ܕܡܘܬܐ ܗܘ 17
Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.
ܘܝܕܥܝܢܢ ܕܟܠ ܕܝܠܝܕ ܡܢ ܐܠܗܐ ܠܐ ܚܛܐ ܗܘ ܓܝܪ ܕܝܠܝܕ ܡܢ ܐܠܗܐ ܢܛܪ ܢܦܫܗ ܘܒܝܫܐ ܠܐ ܡܬܩܪܒ ܠܗ 18
Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.
ܝܕܥܝܢܢ ܕܡܢ ܐܠܗܐ ܚܢܢ ܘܥܠܡܐ ܟܠܗ ܒܒܝܫܐ ܗܘ ܤܝܡ 19
Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.
ܘܝܕܥܝܢܢ ܕܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܐܬܐ ܘܝܗܒ ܠܢ ܡܕܥܐ ܕܢܕܥ ܠܫܪܝܪܐ ܘܢܗܘܐ ܒܗ ܒܫܪܝܪܐ ܒܒܪܗ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܗܢܐ ܗܘ ܐܠܗܐ ܫܪܝܪܐ ܘܚܝܐ ܕܠܥܠܡ (aiōnios g166) 20
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
ܒܢܝ ܛܪܘ ܢܦܫܟܘܢ ܡܢ ܕܚܠܬ ܦܬܟܪܐ 21
Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

< ܐ-ܝܘܚܢܢ 5 >