< رُؤيا 16 >

وَسَمِعْتُ صَوْتًا عَظِيمًا مِنَ ٱلْهَيْكَلِ قَائِلًا لِلسَّبْعَةِ ٱلْمَلَائِكَةِ: «ٱمْضُوا وَٱسْكُبُوا جَامَاتِ غَضَبِ ٱللهِ عَلَى ٱلْأَرْضِ». ١ 1
Narinig ko ang isang malakas na tinig na sumisigaw mula sa dakong kabanal-banalan at sinasabi sa pitong anghel, “Lumakad kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos.”
فَمَضَى ٱلْأَوَّلُ وَسَكَبَ جَامَهُ عَلَى ٱلْأَرْضِ، فَحَدَثَتْ دَمَامِلُ خَبِيثَةٌ وَرَدِيَّةٌ عَلَى ٱلنَّاسِ ٱلَّذِينَ بِهِمْ سِمَةُ ٱلْوَحْشِ وَٱلَّذِينَ يَسْجُدُونَ لِصُورَتِهِ. ٢ 2
Ang unang anghel ay pumunta at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; pangit at masasakit na sugat ang dumating sa mga tao na may tatak ng halimaw, silang mga sumamba sa kaniyang imahe.
ثُمَّ سَكَبَ ٱلْمَلَاكُ ٱلثَّانِي جَامَهُ عَلَى ٱلْبَحْرِ، فَصَارَ دَمًا كَدَمِ مَيِّتٍ. وَكُلُّ نَفْسٍ حَيَّةٍ مَاتَتْ فِي ٱلْبَحْرِ. ٣ 3
Ang ikalawang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa dagat; ito ay naging tulad ng dugo ng isang patay na tao, at bawat buhay na nilalang sa dagat ay namatay.
ثُمَّ سَكَبَ ٱلْمَلَاكُ ٱلثَّالِثُ جَامَهُ عَلَى ٱلْأَنْهَارِ وَعَلَى يَنَابِيعِ ٱلْمِيَاهِ، فَصَارَتْ دَمًا. ٤ 4
Ang ikatlong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa mga ilog at mga bukal ng tubig; ang mga ito ay naging dugo.
وَسَمِعْتُ مَلَاكَ ٱلْمِيَاهِ يَقُولُ: «عَادِلٌ أَنْتَ أَيُّهَا ٱلْكَائِنُ وَٱلَّذِي كَانَ وَٱلَّذِي يَكُونُ، لِأَنَّكَ حَكَمْتَ هَكَذَا. ٥ 5
Narinig ko ang sinabi ng anghel ng mga tubig, “Ikaw ay makatarungan— ang siya ngayon at ang siya nakaraan, ang Banal — dahil ikaw ang nagdala ng mga hatol na ito.
لِأَنَّهُمْ سَفَكُوا دَمَ قِدِّيسِينَ وَأَنْبِيَاءَ، فَأَعْطَيْتَهُمْ دَمًا لِيَشْرَبُوا. لِأَنَّهُمْ مُسْتَحِقُّونَ!». ٦ 6
Dahil ibinuhos nila ang dugo ng mga mananampalataya at mga propeta, binigyan mo sila ng dugo para inumin; ito ang nararapat sa kanila.”
وَسَمِعْتُ آخَرَ مِنَ ٱلْمَذْبَحِ قَائِلًا: «نَعَمْ أَيُّهَا ٱلرَّبُّ ٱلْإِلَهُ ٱلْقَادِرُ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ! حَقٌّ وَعَادِلَةٌ هِيَ أَحْكَامُكَ». ٧ 7
Narinig kong sumagot ang altar, “Oo, Panginoong Diyos, siyang namumuno sa lahat, ang iyong mga hatol ay totoo at makatarungan.”
ثُمَّ سَكَبَ ٱلْمَلَاكُ ٱلرَّابِعُ جَامَهُ عَلَى ٱلشَّمْسِ، فَأُعْطِيَتْ أَنْ تُحْرِقَ ٱلنَّاسَ بِنَارٍ، ٨ 8
Ang ika-apat na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa araw, at binigyan ito ng pahintulot na tupukin ng apoy ang mga tao.
فَٱحْتَرَقَ ٱلنَّاسُ ٱحْتِرَاقًا عَظِيمًا، وَجَدَّفُوا عَلَى ٱسْمِ ٱللهِ ٱلَّذِي لَهُ سُلْطَانٌ عَلَى هَذِهِ ٱلضَّرَبَاتِ، وَلَمْ يَتُوبُوا لِيُعْطُوهُ مَجْدًا. ٩ 9
Pinaso sila ng mantinding init, kaya nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos, siya na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Hindi sila nagsisi o nagbigay ng kaluwalhatian sa kaniya.
ثُمَّ سَكَبَ ٱلْمَلَاكُ ٱلخَامِسُ جَامَهُ عَلَى عَرْشِ ٱلْوَحْشِ، فَصَارَتْ مَمْلَكَتُهُ مُظْلِمَةً. وَكَانُوا يَعَضُّونَ عَلَى أَلْسِنَتِهِمْ مِنَ ٱلْوَجَعِ. ١٠ 10
Ang ika-limang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa trono ng halimaw, at nabalot ng kadiliman ang kaniyang kaharian. Nginatngat nila ang kanilang mga dila sa dalamhati.
وَجَدَّفُوا عَلَى إِلَهِ ٱلسَّمَاءِ مِنْ أَوْجَاعِهِمْ وَمِنْ قُرُوحِهِمْ، وَلَمْ يَتُوبُوا عَنْ أَعْمَالِهِمْ. ١١ 11
Nilapastangan nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga sakit at mga sugat, pero tumanggi pa rin silang magsisi sa kanilang mga ginawa.
ثُمَّ سَكَبَ ٱلْمَلَاكُ ٱلسَّادِسُ جَامَهُ عَلَى ٱلنَّهْرِ ٱلْكَبِيرِ ٱلْفُرَاتِ، فَنَشِفَ مَاؤُهُ لِكَيْ يُعَدَّ طَرِيقُ ٱلْمُلُوكِ ٱلَّذِينَ مِنْ مَشْرِقِ ٱلشَّمْسِ. ١٢ 12
Ang ika-anim na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa malaking ilog, ang Eufrates, at ang tubig nito ay natuyo para maihanda ang daan para sa mga hari na nanggagaling sa silangan.
وَرَأَيْتُ مِنْ فَمِ ٱلتِّنِّينِ، وَمِنْ فَمِ ٱلْوَحْشِ، وَمِنْ فَمِ ٱلنَّبِيِّ ٱلْكَذَّابِ، ثَلَاثَةَ أَرْوَاحٍ نَجِسَةٍ شِبْهَ ضَفَادِعَ، ١٣ 13
Nakita ko ang tatlong maruruming mga espiritu na tulad ng mga palaka na lumalabas mula sa bibig ng dragon, ng halimaw, at ng bulaang propeta.
فَإِنَّهُمْ أَرْوَاحُ شَيَاطِينَ صَانِعَةٌ آيَاتٍ، تَخْرُجُ عَلَى مُلُوكِ ٱلْعَالَمِ وَكُلِّ ٱلْمَسْكُونَةِ، لِتَجْمَعَهُمْ لِقِتَالِ ذَلِكَ ٱلْيَوْمِ ٱلْعَظِيمِ، يَوْمِ ٱللهِ ٱلْقَادِرِ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ. ١٤ 14
Dahil sila ay mga espiritu ng demonyo na gumagawa ng mga kamangha-manghang tanda. Pupunta sila para tipunin ang mga hari ng buong mundo para sa digmaan sa dakilang araw ng Diyos, siya na namumuno sa lahat.
«هَا أَنَا آتِي كَلِصٍّ! طُوبَى لِمَنْ يَسْهَرُ وَيَحْفَظُ ثِيَابَهُ لِئَلَّا يَمْشِيَ عُرْيَانًا فَيَرَوْا عُرْيَتَهُ». ١٥ 15
(“Bantayan mo! Darating ako na parang isang magnanakaw! Pinagpala ang siyang nananatiling nagmamatyag, pinapanatiling suot ang kaniyang mga damit para hindi sila lumabas ng hubad at makita nila ang kaniyang nakakahiyang kalagayan.”)
فَجَمَعَهُمْ إِلَى ٱلْمَوْضِعِ ٱلَّذِي يُدْعَى بِٱلْعِبْرَانِيَّةِ «هَرْمَجَدُّونَ». ١٦ 16
Sama-sama silang dinala sa lugar na tinatawag na Armagedon sa Hebreo.
ثُمَّ سَكَبَ ٱلْمَلَاكُ ٱلسَّابِعُ جَامَهُ عَلَى ٱلْهَوَاءِ، فَخَرَجَ صَوْتٌ عَظِيمٌ مِنْ هَيْكَلِ ٱلسَّمَاءِ مِنَ ٱلْعَرْشِ قَائِلًا: «قَدْ تَمَّ!». ١٧ 17
Ang ika-pitong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa hangin. At may isang malakas na tinig na nanggaling sa dakong kabanal-banalan at mula sa trono, sinasabing, “Ito ay tapos na!”
فَحَدَثَتْ أَصْوَاتٌ وَرُعُودٌ وَبُرُوقٌ. وَحَدَثَتْ زَلْزَلَةٌ عَظِيمَةٌ، لَمْ يَحْدُثْ مِثْلُهَا مُنْذُ صَارَ ٱلنَّاسُ عَلَى ٱلْأَرْضِ، زَلْزَلَةٌ بِمِقْدَارِهَا عَظِيمَةٌ هَكَذَا. ١٨ 18
May mga kislap ng kidlat, mga dagundong, mga salpukan ng kulog, at isang nakakatakot na lindol — isang lindol na mas malakas pa kaysa sa kahit anong nangyari simula pa noong manirahan ang mga tao sa mundo, lubhang napakalakas ng lindol na ito.
وَصَارَتِ ٱلْمَدِينَةُ ٱلْعَظِيمَةُ ثَلَاثَةَ أَقْسَامٍ، وَمُدُنُ ٱلْأُمَمِ سَقَطَتْ، وَبَابِلُ ٱلْعَظِيمَةُ ذُكِرَتْ أَمَامَ ٱللهِ لِيُعْطِيَهَا كَأْسَ خَمْرِ سَخَطِ غَضَبِهِ. ١٩ 19
Ang tanyag na lungsod ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lungsod ng mga bansa ay gumuho. Pagkatapos naalala ng Diyos ang tanyag na Babyblonia, at binigyan ang lungsod ng kopa na puno ng alak gawa mula sa kaniyang matinding poot.
وَكُلُّ جَزِيرَةٍ هَرَبَتْ، وَجِبَالٌ لَمْ تُوجَدْ. ٢٠ 20
Naglaho ang bawat pulo at ang mga bundok ay hindi na natagpuan.
وَبَرَدٌ عَظِيمٌ، نَحْوُ ثِقَلِ وَزْنَةٍ، نَزَلَ مِنَ ٱلسَّمَاءِ عَلَى ٱلنَّاسِ. فَجَدَّفَ ٱلنَّاسُ عَلَى ٱللهِ مِنْ ضَرْبَةِ ٱلْبَرَدِ، لِأَنَّ ضَرْبَتَهُ عَظِيمَةٌ جِدًّا. ٢١ 21
Malakas na pag-ulan ng yelo, na mayroong bigat na isang talento, bumagsak ito mula sa himpapawid patungo sa mga tao, at sinumpa nila ang Diyos dahil sa salot ng pag-ulan ng mga yelo dahil ang salot ay sobrang nakakatakot.

< رُؤيا 16 >